You are on page 1of 124

Pagsasalin sa

wikang Filipino

EILENE ANTOINETTE G. NARVAEZ


Katuwang na Propesor, Unibersidad ng Pilipinas Diliman

10 Hulyo 2018
Lungsod Malaybalay
Bukidnon
LAYUNIN
•Maipaliwanag ang mga batayang proseso
sa pagsasaling ginagawa sa wikang
Filipino upang maging modelo sa
pagsasalin tungo sa ibang wika sa
Filipinas.
•Magkaroon ng aplikasyon ng pagsasalin
sa iba't ibang uri ng dokumento o akda.
•Pagpapakilala sa pagsasalin bilang
mahalagang hakbang sa pagpapakilala ng
iba't ibang kaalaman at kultura.
Ano ba ang
pagsasalin?
ORTOGRAPIYANG PAMBANSA
Ang Pagsasalin ayon kay Susan Bassnett
(Translation Studies Reader, 4th ed., 2014)

What is generally understood as translation


involves the rendering of a source language
(SL) text into the target language (TL) so as to
ensure that (1) the surface meaning of the two
will be approximately similar and (2) the
structures of the SL will be preserved as
closely as possible but not so closely that the
TL structures will be seriously distorted.
Ang Pagsasalin ayon kay Susan Bassnett
(Translation Studies Reader, 4th ed., 2014)

Ang pangkalahatang nauunawaan bilang


pagsasalin ay kinapapalooban ng paglilipat ng
teksto sa isang simulaang lengguwahe (SL) sa
isang tunguhang lengguwahe (TL) upang
matiyak na (1) magkapareho, humigit-
kumulang, ang hayag na kahulugan ng dalawa
at (2) hangga’t maaari, mapananatiling
kahawig ang mga estruktura ng SL bagaman
hindi gayon kahawig na lubhang makasisira sa
mga estruktura ng TL.
Paglilipat ng kahulugan mula sa
Simulaang Lengguwahe (Source
Language, SL) patungo sa Tunguhang
Lengguwahe (Target Language, TL)
gamit ang husay ng tagasalin sa
dalawang wika

• Wika ang sentro at medium


• Tagasalin ang instrumento
• Tagabasa ang merkado
SIMULAANG TUNGUHANG
TEKSTO TEKSTO
(ST) (TT)

SIMULAANG TUNGUHANG
LENGGUWAHE LENGGUWAHE
(SL) (TL)
Wika bilang sentro

May Sistema – tunog,


syntax, morpolohiya,
gramatika, kasaysayan,
estilo
Katangian ng Teksto
URI NG TEKSTO
1. Obhetibo – datos
2. Impormatibo – walang masyadong
emosyon
3. Affective – maraming nakasingit na
damdamin
4. Historikal – Lumang dokumento
5. Mitiko (Mythical) – Bibliya, Literatura
Tagasalin bilang instrumento
- antas ng kakayahan

1.Communicative level – pang-


araw-araw
2.Informative
3.Discursive
4.Literary
Halaga ng Tagasalin
1.Kailangan na bilingual—mahusay talaga sa dalawang
wika. Ang Filipino lantad sa maraming wika.
Multilingual kaya kadalasan ay maalam na siya sa
Ingles.
2.Handang aralin ang estilo na kilala sa mga wika—
pormal, impormal, seryoso, patawa, obhetibo.
3.Malawak ang bokabularyo bagaman mayroon namang
reperensiya tulad ng diksiyonaryo at online sites.
4.Alamin ang katangian ng Filipino at katambal na wika
(Ingles at iba pa) patuloy na pag-unlad ng mga ito.
5.Handa makipaglaro sa wikang SL at TL.
Ilang Tip sa
Paggamit ng Filipino
• Hangga't maaari o kung angkop, gumamit ng mas
maikling anyo ng wika
tanong vs katanungan
lakas - kapangyarihan
mahahaba vs mga
mahahaba luwalhati - kaluwalhatian

kababaihan vs mga ligaya - kaligayahan


babae
yaman - kayamanan
kalalakihan vs mga lalaki
Tekstong kailangang
ingatan

JESUS SAVES.

THE SERVICE PROVIDER TREATED THE PATIENT


VERY WELL.

WHY ARE YOU WEAING SUCH A LONG FACE?

HE IS ONE STEP AWAY FROM SUCCESS.


Minsan, kailangan din ang
mas mahabang anyo

akademiko vs pang-akademiko

politikal vs pampolitika

kultural vs pangkultura

rehistrasyon vs pagpapatala
ACTIVITY 1
SIGHT TRANSLATION – SALITA

Policies

Programs

Strengthening

promoting
SALITA

Productivity

Community

Contribute

Economic
MGA SALITA

foreign service

global community

sustainable and quality health

equitable health financing


MGA SALITA

MGA SALITA
poor, vulnerable and disadvantaged

poor,
Equal vulnerable and disadvantaged
access to opportunities

Equal
deemedaccess to opportunities

deemed
Accused

Accused
Board

Board
• Education
• University / College
• Entrance / Exit
• tubaw / vakul / Bibliya / Koran
• Kaamulan
Bakit
kailangang
magsalin?
E.O. 335
ATAS TAGAPAGPAGANAP
BLG. 335
• 25 Agosto 1988
• Pang. Corazon C. Aquino
• Nag-aatas sa lahat ng kawanihan, ahensiya, at
instrumentaliti ng pamahalaan na gumamit ng
Filipino sa lahat ng komunikasyon, transaksiyon, at
korespondensiya
• Sa partikular, kinakailangang isalin sa Filipino ang:
(1)“Panunumpa sa Katungkulan” (2) Pangalan ng
mga opisina, gusali, at iba pang karatula sa lahat ng
opisina at pook publiko (3) korespondensiya opisyal
Wikang Opisyal

Wikang itinatadhana ng
batas na maging wika sa
opisyal na komunikasyon
ng pamahalaan
Sa 1899 Konstitusyon, sa Republikang Malolos, ang
opisyal na wika ay Español

Sa 1935 Konstitusyon, Ingles at Español ang wikang
opisyal

Noong 1946, Wikang Pambansa ang wikang opisyal

Noong 1959, tinawag na “Pilipino” ang wikang


pambansa, batay sa Memo ng DepEd

Sa 1973 Konstitusyon, Ingles at Pilipino ang wikang
opisyal bagaman ipinakilala na ang pagbuo ng Filipino
bilang wikang pambansa, kinilala rin ang pag-iral ng
Español bilang wikang opisyal

Sa 1987 Konstitusyon,
ang wikang opisyal at wika
ng edukasyon ay Filipino,
at hanggang ipinapahintulot
ng batas, Ingles.
Kailangan ba
talagang magsalin?
Ipaliliwanag ko sa iyo ang gagawin natin sa iyo at kung ano ang sakit mo...

Ito ang iyong leeg. Sa likod ng iyong leeg, naroon ang iyong thyroid. Nakapatong sa daanan ng hangin.
Maliit lang yung thyroid, parang bow tie. Ang thyroid, mahalaga, dahil gumagawa ito ng hormones.
Dalawang hormones ang ginagawa nito, yung T3 at T4. T3 is for Triiodothyronine at T4 for thyroxine.
Pareho itong mahalaga dahil ito ang responsable sa iyong metabolismo. So, kapag sinabing
metabolismo, ito yung nangyayari sa iyo dahil buháy ka. Ipinapakíta mo ito bilang pagtaba, pagpayat,
pag-uhaw, pagdaloy ng dugo, pagtibok ng puso, pag-init ng ulo. In other words, ito yung paraan na
ginagamit ng iyong katawan, na yung kinakain mong pagkain, yung iniinom mong ínúmin, hinihinga
mong hangin. Kung minsan, lumalaki ito. Ang paglaki nito ay puwedeng goiter o kanser. Now, of
course, para masabi ng doktor kung may kanser ka o wala, kailangan kitang operahan... kailangan
kong tanggalin. Pero hindi nangangahulugang... hindi lahat ay kailangang operahan at hindi rin lahat,
nagpapaopera. So, nagsosospetsa kami, Naghahanap kami ng risk factors. Risk factors yung mga
bagay-bagay na kung mayroon ka nito, yung porsiyento na magkakaroon ka nito, tumataas. Pitó yan.
Unang-una, kung ang pasyente ay lalaki. Pangalawa, babae, pero ang edad niya ay singkuwenta (50)
pataas. Pangatlo, babae, pero ang edad niya ay disiotso (18) pababa. Pag-apat, sa pamilya, kung may
namatay ng may thyroid cancer. Panlima, kung may exposure sa radiation o nuclear waste. Pang-anim,
kung sa ultrasound, may calcfication. Pampitó, kung sa pagsalat ng doktor ay may matigas na bukol.
So sa pitóng nabanggit ko, ay hindi ko pa nakikita yung... sa ultrasound mo, wala namang binanggit na
may calcification. Yung isang risk factor ay may matigas. Pero hindi sapat yun para sabihin ng doktor
na tanggalin. So, ang pinakasimpleng paraan ay i-biopsy sa pamamagitan ng karayom. At iyon ang
ginawa sa iyo. Ngayon, unfortunately, ang lumabas, positive for cancer. Ang cancer of the thyroid gland
is curable. Kailangan lang gawin yung tama. At yung tama, unang-una ay kailangang tanggalin.
Pangalawa, kapag natanggal, there's a possibility na kailangan kang i-subjéct to radiation afterwards.
Si Doktora ang bahala sa iyo diyan. It's curable. Believe me, gawin n'yo lang yung tama. Hindi ninyo
kailangang problemahin ito habambuhay. Okay? So, in preparation for your surgery, ipagawa na
ninyong lahat ito ngayon. Tapos, kunin ninyo lahat ang resulta..."
USAPANG KALSADA
Pabatid Pantrapiko / !
Babala sa Kalsada!
Sa Abril 26 hanggang 29, 2017, ang Filipinas ang
magiging punong-abala sa ika-30 ASEAN SUMMIT.
Ipapatupad ang pagbabago sa mga ruta sa kahabaan ng
Sen. W. Diokno Blvd., Jalandoni, V. Sotto, Bukaneg, at A.
Dela Rama sa Lungspd Pasay, habang magkakaroon ng
paminsan-minsang pagtigil sa daloy ng trapiko sa
kahabaan ng Pasay road at Makati Ave. sa Lungsod
Makati.!

ASAHAN ANG MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO.!

DUMAAN SA IBANG RUTA.!


PABATID
Ipinababatid sa publiko na ang BAGUIO BENGUET TECHNOLOGY
CREDIT COOPERATIVE (BBTCC) ay nauna nang nakarehistro sa
Pangasiwaan ng Pagpapaunlad ng Kooperatiba – Tanggapang
Ekstensiyon sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera ngunit
binigyan ng utos na ipahinto at ipatigil noong 2016 dahil sa iba’t
ibang reklamong isinampa sa tanggapang ito laban sa
kooperatibang nabanggit at sa pagsasagawa ng mga di-
awtorisadong mga gawaing salungat sa layunin nito.

Kaugnay nito, alinman at lahat ng transaksiyon sa nabanggit na


kooperatiba sa pamamagitan ng tagapamahala nitong si ARVRIAN
TINGCHUY ay hindi dapat tanggapin o kilalanin.

IPABATID SA PUBLIKO.

Ginawa ngayong ika-5 ng Mayo 2017.

ATTY. FRANCO BAWANG JR


Direktor Panrehiyon
Notice is hereby given to the public that BAGUIO BENGUET
TECHNOLOGY CREDIT COOPERATIVE (BBTCC) was previously
registered with the Cooperative Development Authority -
Cordillera Administrative Region Extension Office but has been
issued a CEASE AND DESIST ORDER in 2016 due to various
complaints filed before this office against the said cooperative
and for the conduct of unauthorized activities inconsistent with its
purpose.

In this regard, any and all transactions with the said cooperative
through its manager, ARVRIAN TINGCHUY should not be
entertained and honored.

LET THE PUBLIC BE ADVISED.

Done this 5th day of May, 2017.
(Sgd) ATTY. FRANCO BAWANG JR.

Regional Director
Halimbawang Salin

• English-Spanish tendency

• English-Tagalog Tendency
MGA HAKBANG
SA AKTUWAL NA
PAGSASALIN
•PAGTUTUMBAS
•PANGHIHIRAM
•PAGLIKHA
PAGTUTUMBAS
• Paghahanap ng pantumbas na
salita mula sa kasalukyang korpus
ng wikang Filipino
• Paghahanap ng pantumbas na
salita mula sa ibang wika sa
Filipinas
ANG HALAGA NG
DIKSIYONARYO
http://sentrofilipino.upd.edu.ph/glosari/index.php
•PAGTUTUMBAS
•PANGHIHIRAM
•PAGLIKHA
PANGHIHIRAM
• Paghiram sa mga dayuhang
wika tulad ng Español at
Ingles, at sa iba pang wika
• Pagdaan sa proseso ng
reispeling
•PAGTUTUMBAS
•PANGHIHIRAM
•PAGLIKHA
PAGLIKHA

• pag-iwassa lansakang
panghihiram at pagsisikap
na makabuo ng mga
termino mula sa katutubong
wika
• USWAG (Pag-unlad)

• ILAHAS / IHALAS (wild sa lngles)

• GAHUM (kapangyarihan / hegemony)

• PUNLAY (punla + ng + buhay)

• BANYUHAY (bago+na+anyo+ng+buhay)

• SARIKULAY

• DALUBHASA

• BALARILA
MARAMING
SAL AMAT!
EILENE
ANTOINETTE
N A R VA E Z
DFPP
UP DILIMAN

You might also like