You are on page 1of 20

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Seminar sa
Ortograpiyang Pambansa
at Paghahanda ng
Korespondensiya Opisyal
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksiyon 6 na,


“The national language of the Philippines is
Filipino. As it evolves, it shall be further developed
and enriched on the basis of existing Philippine and
other languages. Subject to provisions of law and
as the Congress may deem appropriate, the
Government shall take steps to initiate and sustain
the use of Filipino as a medium of official
communication and as language of instruction in
the educational system
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Batas Republika Blg. 7104 na magbalangkas ng


mga patakaran, mga plano at mga programa
upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad,
pagpapayaman, pagpapalaganap at
preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika
ng Filipinas at maglagda ng mga tuntunin, mga
regulasyon at mga patnubay upang
isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at
mga programa nitó
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Kautusang
Tagapagpaganap
Blg. 335
Ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 335 ay nilagdaan ni
Pangulong Corazon C. Aquino
noong 25 Agosto 1988.
Nag-aatas sa lahat ng kagawaran/
kawanihan/tanggapan/ahensiya/
instrumentaliti ng pamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit
ang Filipino sa opisyal na
transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya.
1. Magsakatuparan ng mga hakbang
para sa paggamit ng Filipino sa opisyal
na komunikasyon, transaksiyon , at
korespondensiya sa kani-kanilang
opisina, maging nasyonal at lokal;

2. Magtalaga ng isa o higit pang


tauhan, ayon sa pangangailangan, sa
bawat tanggapan upang mangasiwa
sa mga komunikasyon at
korespondensiya na nasusulat sa
Filipino;
3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng
opisina, gusali, at edipisyong publiko, at mga
karatula ng lahat ng opisina at mga dibisyon
nito o instrumentaliti ng mga iyon at, kung
nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na
letra ang tekstong Ingles;
4. Isa-Filipino ang “Panunumpa sa
Katungkulan” ng lahat ng mga
pinuno at tauhan ng pamahalaan;

5. Gawing bahagi ng programa ang


mga pagsasanay ukol sa
pagpapaunlad pantauhan ng bawat
opisina ang kasanayan sa paggamit
ng Filipino sa mga komunikasyon at
korespondensiya opisyal.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (dating
LWP/SWP) ang inatasang magbalangkas at
magpatupad ng mga programa at proyekto na
sumasaklaw sa:

a. Kampanyang pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan


at kabuluhan ng Filipino bilang mabisang kasangkapan
sa pambansang pagkakaisa at pagpapaunlad;
b. Pagsasalin sa Filipino ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 335, gayundin ng mga katawagang pampamahalaan
upang maging sangguniang babasahin ng lahat ng
tanggapan;
c. Pagsasanay sa lahat ng pinuno at tauhan ng
pamahalaan sa paggamit ng Filipino;
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (dating
SWP/LWP) ang inatasang magbalangkas at
magpatupad ng mga programa at proyekto na
sumasaklaw sa:

d. Pagmomonitor ng implementasyon ng Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 335 at pagsusumite ng pana-panahong
ulat tungkol sa progreso ng implementasyon nang tuwiran
sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas,

e. Pagsasagawa ng iba pang estratehiya para sa lubusang


pagpapatupad ng mga layunin ng Kautusang ito.
Seminar sa Korespondensiya
Opisyal at Implementasyon ng
Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 335

Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko


Ito ay timpalak at parangal para sa mga ahensiya
at lokal na yunit ng pamahalaan na sumunod sa
implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 335 at nagpamalas ng kahusayan sa paggamit
ng Filipino bilang wika ng serbisyo publiko.
Seminar sa Korespondensiya
Opisyal at Implementasyon ng
Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 335

Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko


2016
 Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga
Sining
 Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas
2017
 Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas
 Lungsod Taguig
 Lungsod Mandaluyong

You might also like