You are on page 1of 24

1

Modyul I: Korespondensya Opisyal


Layunin:
1. Matatanto ang kahulugan ng Korespondensya Opisyal;
2. Makatatalakay ng mga batas kaugnay sa Wikang Filipino at Korespondensya
Opisyal;
3. Makakatukoy sa iba’t ibang bahagi ng liham;
4. Makapagsusulat ng iba’t ibang uri ng liham sa wastong pormat nito.

Introduksyon:
Isa sa mahalagang kasanayan na dapat matutunan sa pakikipagtalastasan ay ang
komunikasyong pasulat. Naitatanong natin marahil kung bakit kailangan ito. Ano ba ang
bahaging ginagampanan nito sa ating buhay? Bilang estudyante? Bilang mga propesyonal?
Bilang manunungkulan sa pamahalaan? Bilang mga empleyado ng mga tanggapan? Bilang
mga negosyante sa larangan ng pakikipagkalakalan? Sa puntong ito, kailangan ang sapat na
kabatiran at kaalaman sa pagsulat ng korespondensiya Opisyal sa Pilipino.

Aralin 1.1 : Ang mga Batas kaugnay sa Wikang Filipino at Korespondensya Opisyal;
Atas Tagapagpaganap Bilang 335
Unang Bahagi: Korespondensya Opisyal
Ang mga Batas Kaugnay sa Wikang Filipino at Korespondensya Opisyal
Ang Konstitusyon ng 1987 ng Republika ng Pilipinas Artikulo XIV seksyon 6-9
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal ng komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang pisyal
ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal
ang Kastila at Arabic.
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin
sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Atas Tagapagpaganap Bilang 335


Malacañang
Inilagda ng Pangulo ng Pilipinas
Atas Tagapagpaganap Blg. 335

Nag-aatas sa lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Ahensya/Instrumentaliti


ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit
ang Filipino sa opisyal na mga transakyon, komunikasyon at korespondensya.
2

SAPAGKAT itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 na “ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay Filipino”; na “samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika”; at ukol sa “mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinatadhana ang batas, Ingles”; at
SAPAGKAT sa pamamagitan ng puspusang paggamit sa wikang Filipino sa opisyal
na transaksyon, komunikasyon at korespondensya sa mga opisina ng pamahalaan ay lalong
mauunawaan at mapapahalagahan ng sambayanang Pilipino ang mga programa, proyekto at
mga gawain ng pamahalaan sa buong bansa, at sa gayon ay magsisilbing instrumento ng
pagkakaisa at kapayapaan para sa pambansang kaunlaran.
DAHIL DITO, AKO, SI CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng Pilipinas, ay nag-aatas
sa lahat ng mga kagawaran/kawanihan/instrumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng
mga sumusunod na hakbang:
1. Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na
komunikasyon, transaksyon at korespondensya sa kani-kanilang opisina, maging
nasyonal at lokal;
2. Magtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangangailangan, sa bawat
tanggapan upang mangasiwa sa mga komunikasyon at korespondensya na
nasusulat sa Filipino;
3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan sa opisina, gusali at edipisyong publiko at mga
karatula ng lahat ng opisina at dibisyon nito o instrumentaliti ng mga iyon at, kung
nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na letra ang tekstong Ingles;
4. Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng
pamahalaan;
5. Gawing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad pantauhan
ng bawat opisina ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at
korespondensya opisyal.

Upang maisakatuparan ang gayong mga layunin, inaatasan ang mga Linangan ng
mga Wika sa Pilipinas na bumuo at magsagawa ng mga programa at mga proyekto na
sumasaklaw sa: 1) kampanyang pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan at kabuluhan ng
wikang Filipino bilang epektibong instrumento ng pambansang pagkakaisa at pagpapaunlad,
2) Pagsasalin sa Filipino ng Atas Tagapagpaganap na ito, gayundin ang mga katawagang
pampamahalaan upang maging sangguniang babasahin ng lahat ng opisina, 3) pagsasanay
ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan, 4) pagmomonitor ng implementasyon sa
Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura
at Isports, at 5) pagsasagawa ng iba pang mga istratehiya para sa puspusang
implementasyon ng mga layunin at Atas nito.
Kaugnay nito, inaawtorisahan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na sanggunian
at hingan ng suporta ang lahat ng mga kagawaran/kawanihan/opisina/ahensya/instrumentaliti
ng pamahalaan, nasyonal at lokal.
Pinawawalang-bisa ng Atas Tagapagpaganap na ito ang Atas Tagapagpaganap Blg.
187 na may petsang Agosto 6, 1969.
Inilagda sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika-25 ng Agosto sa taon ng Ating
Panginoon, labinsiyam na raan at walumpu’t walo.

CORAZON C. AQUINO
Pangulo ng Pilipinas
3

1. Pagsulat ng Liham

Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan na isinagawa sa


pamamagitan ng limbag na mga salita.
Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag-usap na kababakasan ng
tunay na personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din sa liham kung ang sumusulat ay
matamang nag-isip at malinaw na nakapagpahayag ng kanyang tunay na damdamin sa
pamamagitan ng mga mapitagan at magagalang na pananalita.
Maganda ang impresyon sa liham kapag ang sumulat ay gumagamit ng wastong
pahayag ng kanyang ideya, pumili ng mga makahulugang pananalita, nagpamalas ng sapat
na kaalaman sa bagay na nais niyang ihatid, at gumamit ng sariling istilo ssa pagsulat na
madaling maunawaan ng bumabasa.
Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga di-maiiwasang aktibidad sa negosyo at
pangangailangang personal. Ang korespondensyang pampamahalaan at liham-pangalakal at
iba pang kauring liham ay dapat nang may kapormalan. Hinahanap sa ganitong uri ng mga
korespondensya ang pagiging kahika-hikayat at nakakukumbinsi sa bumabasa o
pinadadalhan.
Karaniwang Mungkahi Tungo sa Mahusay na Pagsusulat
1. Ituon ang iyong pag-iisip. (Center your thinking)
2. Organnisahin ang iyong iniisip. (Organize your thinking)
3. Tiyakin ang iyong iniisip. (Specify your thinking)
4. Ilahad nang malinaw ang iyong mga ideya o kaisipan. (Present your thoughts
clearly)
2. Mga Katangian ng Liham
Madaling makapaghanda ang sinuman ang isang liham, maging ito’y liham na pormal
o di-pormal, subalit iilan lamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang pagkakahanda.
Ang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan sa bisa ng liham.
Mahalagang isiping kailangang laging maging pormal at mabisa ang pagsulat ng
liham pantanggapan. Nangangailangan ito ng pagiging maayos ng ideyang nais ipahatid sa
sinusulatan.
Upang maging matagumpay ang isang liham, inilalahad dito ang ilang elementong
dapat taglayin kasama ang pagbuod na paliwanag sa bawat isa.
1. Malinaw (Clear)
Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid sa
liham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideyang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin
kung mahusay ang pagkakapagpahayag ng bawat ideya. Hindi dapat maging mahaba o
maligoy ang liham. Higit na epektibo ang maiikling pangungusap. Tandaan na ang
kasimplihan ay daan sa madaling pag-unawa.
2. Wasto (Correct)
Laging isaisip na ang anumang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapat
magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin muna
ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang prayoridad.
Tiyaking wasto ang bawat pahayag o impormasyon bago ito isulat. Ang wastong
pagpapahayag at balarila ay napakapundamental sa kapuri-puring pagsulat ng liham o ng
ano mang uri ng panulat. Mahalaga ring isaalang-alang ang tamang pagbabantas.
3. Buo ang kaisipan (Complete idea)
Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat kapag
nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumusulat, lalabas na kapos o may
pinsala sa pangunahing sangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng
sinusulatan, dapat na unang-unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumusulat.
4

4. Magalang (Courteous)
Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Kasinghalaga ito ng wika. Hindi
dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagagalitin, o pagkawala ng kagandahang-
asal. Makatatawag-pansin ang pagkamagalang kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksyon
sa liham. Naipakikita at naipadarama ng mga Pilipino ang iba’t ibang uri ng pagiging
magalang nila sa pamamagitan ng kanilang pananalita.
5. Maikli (Concise)
Sikapin na ang bawat salitang isusulat ay makatutulong sa pagpapabatid ng nais
sabihin sa nililihaman. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito’y isa
lamang pag-aaksaya ng panahon at nakapawi ng interes ng nililihaman.
6. Kombersyonal (Conversational)
Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kapag ang bumabasa nito’y
parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais
iparating nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan. Gumamit ng
sariling pananalita at iwasan ang pagkamaligoy.
7. Mapitagan (Considerate)
Pakatimbangin ang anumang nais na ipahayag ng sumusulat. Bigyang-diin ang mga
mensaheng nagbibigay-interes sa sinusulatan o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa
lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang-loob.
Pagsasanay I:
Instruksiyon: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batas sa pagsasakatuparan ng mga
tunguhin at layunin katulad ng batas sa Wikang Filipino at Korespondensya
Opisyal?
2. Ilarawan kung paano pagsulat ng isang kaaya-ayang liham.
3. May pitong (7) elementong dapat taglayin upang maging matagumpay ang isang
liham, isa-isahin ang mga ito at bigyang linaw na paliwanag.

Aralin 1.2: Pangkalahatang Uri ng Korespondensya Opisyal at Ang Paghuhulog at


Paggawa ng Duplikasyon

Pang Kalahatang Uri ng Liham/Korespondensya


Liham Pantanggapan at Liham Pangangalakal
Ang liham pantanggapan ay tumutukoy sa mga liham na ginagamit sa tanggapang
pampamahalaan at/o pribado na ang paksa ay hinggil sa anumang transaksyon o mga isyu
sa loob at labas ng mga tanggapang nabanggit.
Ang liham pangangalakal ay tumutukoy sa mga ugnayang pasulat sa pagitan ng mga
establisyemento pangkalakalan, publiko man o pribado.

Bahagi ng Liham
May pitong bahagi ang isang liham: 1) pamuhatan, 2) patunguhan, 3) bating
pambungad, 4) katawan, 5) bating pangwakas, 6) lagda, 7) mga karagdagang bahagi.
1. Pamuhatan – Ang bahaging ito ay binubuo ng pangalan at tirahan ng nagpapadala
ng liham. Kasama rin ang petsa. May dalawang uri ang pamuhatan: a) makaluma o
kumbensyunal, b) makabago. Ang dalawang layunin nito ay 1) magbigay ng
kumpletong adres ng sumusulat at 2) magpatalastas ng petsa ng pagkakasulat.
5

Ang makalumang pamuhatan ay nagsisimula sa 3 o 4 na espasyo mula sa pinakaitaas


ng istesyuneri sag awing kanan. Kung tahasang tuwid na palugit ang gagamitin, inienkowd ito
sag awing kaliwa at unang titik sa unang linya ang masisilbing gabay sa pinakalinya ng
kabuuan ng liham. Kung nakapasok na palugit naman na palugit naman ang gagamitin,
tigtatatlo ang pasok ng bawat linya mula sa unang linya.
Ang makabagong pamuhatan ay binubuo ng ulong-pagkilala at ng petsa. Ang ulong-
pagkilala at ng petsa. Ang ulong pagkilala ay kdalasang matatagpuan sa dulong itaas ng
gitna ng istesyuneri. Mula rito ay 2 o 4 naespasyo bago ang petsa.
Ang unang linya ay binubuo ng bilang ng bahay at ngalan ng kalye. Ang bilang ng
bahay ay nakasulat sa tambilang. Ang bilang ng kalye ay isinusulat ng buo.
Ang pangalawang linya ay binubuo ng baryo, bayan at lalawigan, distrito, sona at
bansa. Kuwit ang ginagamit upang paghiwalayin ang bawat yunit.
Ang petsa ang bumubuo sa huling linya ng pamuhatan. Maaari itong isulat na una
ang buwan , araw, at taon o araw, buwan at taon. Kung una ang araw, walang kuwit ang
gagamitin sa pagitan nito at ng buwan at taon.

Mga halimbawa:

Makaluma –
322 Homesville Subdivision
Stewart Street
Makati, Metro Manila
Abril 1, 1989

45 Laong-laan Street
Caloocan City
Philippines
Abril 3, 1989

64 Plaridel Street
Guinto Subdivision
Galas, Quezon City – 2801
28 Setyembre 1985

Makabagong paraan-
SMJ-Iligan Vinyl Corporation
Your Choice of the Best Vinyl Products
Tibanga National Highway, Iligan City
Tel.No. (063) 227-1222; Fax. (063) 227-4888
24 Pebrero 2009
2. Patunguhan – Nilalaman ng bahaging ito ang kumpletong pangalan, katungkulan, at
tanggapan ng taong padadalhan ng liham at tirahan ng indibidwal o establisyemento na
padadalhan ng liham. Inga tang kailangan sa gagamiting pagkakakilanlan o identidad ng
padadalhan ng liham. Ang liham na ipapadala sa isang tao’y kailangang magtaglay ng tama
nitong titulo, eksaktong pangalan, inisyal sa panggitnang apelyido at apelyido. Ang isang
liham na ipinadala sa isang organisasyon ay kailangang malimbag nang kumpleto at nasa
wastong baybay.
6

Dahil sa tradisyon, ang mga sumusunod ay nakamihasnan nang gamitin sa liham


pangangalakal:
1. Ginoo, Ginoong ______________, G. _______________- ginagamit kung tumutukoy sa
isang lalaki, may asawa o wala, walang ibang natatanging titulo o kaya’y hindi alam ng
sumusulat ang tiyak na titulo ng lalaking sinusulatan. Sa isang bansang malaya, ito ang
pinakamataas na uri ng paggalang.
2. Binibini – tumutukoy sa isang dalagang hindi tiyak ang titulo.
3. Ginang – tumutukoy sa isang may- asawa zt walang tiyak na titulong pang-akademiko o
inaangkop sa kanyang propesyon.
4. Dr. – isang pagdadaglat sa sinuman, babae o lalakii, na nakatapos ng pinakamataas na
digri ng edukasyon sa medisina o panitik at sining. Ito ang taguri sa pagiging espesyalista sa
alinmang larangan ng siyensya, sining at pangkatauhan.
5. Propesor, Prop., - tumutukoy sa sinumang guro, babae o lalaki sa isang pamantasan,
kolehiyo o unibersidad. Maaari itong daglatin kung buong pangalan ang babanggitin ngunit
dapat itong isulat nang buo kung apelyido lamang ang isusulat na kasama nito.
6. Kagalang-galang, Kgg. – tumutukoy sa apelyido ng opisyal. Kung buong pangalan ang
babanggitin, maaari itong daglatin. Kung apelyido lamang ang isusulat, kailangang isulat
nang buo na may kasamang panandang “ang”. Maaari ring ilakip ang iba pang titulo.
7. Pastor, Ministro, Reberendo – tumutukoy sa isang lider ng isang sekta o iglesya. Pastor
ang tawag sa puno ng sektang protestante. Ministro ang tawag sa puno ng mga Iglesya ni
Cristo at Reberendo ang tawag sa puno ng mga sektang Aglipay at Katoliko.
Mga Halimbawa:
Jose S. Sarmiento – binata
Ginoong Sarmiento – hindi kasali ang
pangalan Bb. Purita B. Purificacion – dalaga
Bb. Purificacion – hindi kasali ang pangalan
Gng. Meriam V. Santos - babae , may-asawa
Gng. Santos – hindi kasali ang pangalan
Prop. Corazon G. Flores – guro sa MSU
Prop. Flores – hindi kasali ang pangalan Dr.
Jesusa T. Blanco – siruhano
Teofisto V. Blanco, Ph. D. – tiyak na titulo
Kgg. Mario Madlang-awa – senador sa Bulacan
Pastor Teoderico Salvio – Baptist
Reberendo Leoncio Esquibel – pari sa parokya Sta. Rita
Ministro Daniel Tanoy – Iglesya ni Cristo
Ang Kagalang – galang Dr. Colmeneres – hindi kasali ang pangalan
3.Bating Panimula – ito ay pagbati sa liham na wari’y nagsasbing “Kumusta ka” o
“Magandang Umaga”. Ito rin ang naghuhudyat kung kailangan magiging pormal o di pormal
ang bating pangwakas. Inienkowd ito dalawang espasyo mula sa huling linya ng patunguhan.
Tutuldok ang ginagamit na bantas upang maghimig pormal. Ngunit kuwit naman ang
ginagamit kung pamilyar ka sa iyong sinusulatan.

May iba’t ibang paraan ng pagbati:


Ukol sa Lalaki Ukol sa Babae
Ginoo Binibini/ Ginang
Mahal na Ginoo Mahal kong Binibini/ Ginang
7

Mga Kaginoohan Mahal na Binibining


Mahal na Ginang
Mga Binibini/ Ginang

Ang pinakapormal na anyo ay Ginoo: Binibini: o Ginang: Kung nais mong


mabawasan ang pagkapormal na himig, maaring sabihing Mahal kong Binibining _______ : o
Ginoong ________ : Ngunit kung ayaw mong banggitin pa ang apelyido, sabihin na lamang
na Mahal na Ginoo:, Mahal na Binibini:, o Mahal na Ginang:. Ang pangmaramihan nito ay
ang paggamit ng mga sa unahan.

Iba’t ibang halimbawa ng Bating Pambungad


sa isang senador - Kagg. Manuel D. Cassas
Konggreso ng Maynila
Maynila, Pilipinas

Mahal na Ginoo:
isang opisyal na sundalo - .....................
Tanggapan ng Punong Kuwarter
Sandatahang lakas ng Pilipinas
Kampo Krame
Ginoo:
isang prinsipal - Ang Prinsipal
Mataas na Paaralan ng Rizal
Caniogan, Pasig, Metro Manila
Mahal na Ginang:
isang kompanya - H.E. Heacock and Aruego
Quiapo, Maynila
Mga Kaginoohan:
isang partnership - Aruego, Torres and Aruego
987 Nicanor Reyes Street
Sampalok, Maynila
sa isang P.O Box - P.O. Box 33
Maynila
Kaginoohan:
sa Tagapagtalata registrar - Ang Tagapagtalata
Mindanao State University
Lunsod ng Marawi
Ginoo:
sa isang siruhano - Dr. Imaculada T. Domingo
Ospital ng Maynila
Maynila, Pilipinas
Mahal na Mr. Domingo:

Mapupuna ang paggamit ng “Mga Kaginoohan” sa tatlong dahilan. Una, ito ay


sapagkat di tiyak ang mga taong nais tukuyin ng liham. Ikalawa, sa batas ng liham, kapita-
pitagan ang kasariang panlalaki, at ikatlo, kung alinlangan ang sumusulat sa tiyak na taong
padadalhan ng liham.
8

4. Ang katawan ng liham – ang katawan ay naglalahad ng /o nagsasalaysay tungkol sa


paksa ng isang liham at matatagpuan ang aktuwal na mensahe. Ang bahaging ito ay
matatagpuan sa pagitan ng bating pambungad at bating pangwakas. Ito ang kalatas na
ipinahahatid sa sinusulatan. Una sa lahat, kailangan ang liham ay maging malinaw na
malinaw at hindi dapat llumikha ng anumang alinlangan sa pinapadalhan o babasa nito.
Kailangang ito ay madaling basahin at unawain. Nagsisimula ito sa dalawang espasyo
buhat sa bating panimula at nagwawakas na may dalawang bago ang bating
pangwakas. Kailangang pantay ang kaliwang palugit sa linya ng patunguhan. Ang
kaliwang palugit ay hindi nararapat kumulang sa isa at kalahating dali 1 ½ ang lapad.
Isang espasyo lamang ang pagitan ng mga pangungusap sa isang talata,
dalawang espasyo naman sa pagitan ng mga talata.
Karamihan sa liham pangangalakal ay hindi lumalampas sa isang pahinang
papel, ngunit hindi ito nararapat makasagabal sa mensaheng nais iparating ng
sumusulat kaya’t kung kakailanganin, gumamit ng karagdagang pahina.
Nasa katawan ng liham ang pinakamahalagang bahagi nito. Naririto ang
pangunahing impormasyong inihahatid para sa sinusulatan.
Kung tayo ay magbabasa ng mga sulat na inihanda ng mga sanay na sa mga
gaitong gawain, mapapansin natin ag tatlong bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng
liham:
a. Ang panimula na naglalaman ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liham;
b. Ang katawan na naglalaman ng detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng
liham;
c. Ang dulong bahagi na karaniwang huling talataan na nagsasaad kung ano ang
inaasahang aksyon sa ipinapadalang liham. Dahil dito, madalas nating
napapansin ang pagkakaroon ng tatong talataan kahit na maikli ang liham.
Narito ang ilang mga katangian ng isang mabisang katawan ng liham. Halaw mula sa
aklat nina Matienzo at Matienzo (2000).
1. Dapat na maging magalang ang unang pangungusap
2. Dapat na ipakilala nito ang punong diwa ng liham
3. Dapat ipakita nito ang petsa ng naunang sulat (kung mayroon) upang mai-
refer ito sa bumabasa sa kinauukulang file.
4. Dapat magpakita ng aksyon para sa kabutihan ng sinusulatan.

5. Ang Bating Pangwakas – ito ay tradisyunal na pamamaalam ng sumulat. Isinusulat ito


pagkatapos ng dalawang espasyong agwat mula sa huling linya ng huling talata.
Simulang enkowd ito kapantay ng linya ng pamuhatan. Hindi ito nararapat na lumampas
sa itinakdang palugit sa gawing kanan ng papel.

Ang bating pangwakas ay sumusunod sa himig ng bating pambungad. Kuwit ang


ginagamit pagkatapos itong isulat o makinilyahin/imakinilya.

Mga Halimbawa:
Bating Pambungad Bating Pangwakas
Ginoo: Lubos na gumagalang,
Binibini: Taos-pusong sumasainyo,
Ginoong ______: Sumasainyo ng lubusan,
9

Mahal na Ginoong: Lubos na gumagalang,


Mahal na Ginoong _____: Gumagalang nang labis,
Mahal na Binibini: Sumasainyo,
Mahal na Ginoong Reyes: Tapat na sumasainyo,
Mahal kong Binibining Uy: Matapat na sumasainyo,
Mahal na Ginoong Rodriguez: Sumasainyo,

6. Ang Lagda – ang lagda ay nagpapakilala ng kung sino ang sumulat. Kaya masasabing
magkasinghalaga ito ng alin mang bahagi ng sulat. Itinatagubilin na ang lagda ng
lumiham ay lagyan ng minakinilyang pangalan, at kailangan sa tinta ang lagda. Ito’y
nagpapakilalang kapangyarihan at pananagutan niya sa nilalaman ng liham. Ang layunin
nito’y magpatunay sa lahat ng pahayag na nagpapaloob sa isang liham. Nagtatakda ito
ng tungkuling nararapat niyang panindigan ng lahat ng mga nagbabasa roon. Ito ang
isinusulat pagkatapos ng apat na espasyong pagitan mula sa bating pangwakas.
7. Ilang karagdagang bahagi – ang mga ito ay ang sumusunod:
a).Linya ng panawag pansin/Attention line – kung minsan, ang isang liham na ipinadala sa
isang kumpanya ay ipinatuturol lamang sa isang particular na tao. Sa mga ganitong
pagkakataon, ginagamit ang linya ng panawag-pansin. Ang linya ng panawag-pansin ay
binubuo ng pangalan at katungkulan ng taong pinatutungkulan nito.
a.Ibabaw ng papel at pamuhatan,
b.Kalagitnaang bahagi sa pagitan ng ulong pagkilala at pamuhatan.
Dalawang espasyo ang pagitan sa magkabilang bahaging nabanggit,
c.kahanay ng bahaging bating panimula,
d.dalawang espasyo mula sa ibaba ng bating
panimula, e.sa pagitan ng pamuhatan at patunguhan.
b).Linya ng paksa/Topic line – ito ay ginagamit upang tukuyin ang dahilan o paksa ng
pagkakasulat. Ang paggamit nito ay nakababawas sa tungkuling ipaliwanag sa unang
panimulang talata ang dahilan ng pagkakasulat ng liham. Ang linya ng paksa ay maaaring
ilagay sa: a) dalawang espasyo mula sa ibabaw ng patunguhan, b) dalawang espasyo mula
sa huling linya ng patunguhan sa gitna ng papel, c)kahanay ng bating pambungad at d)
dalawang linya pagkatapos ng bating pambungad.
c).Linya ng sanggunian/Reference line – mayroong mga pagkakataong mahalagang
banggitin ang mga bilang sa mga tala. Ito ay upang mapadali ang paghahanap ng mga kaso
o kagyat na makatugon sa isang lumiham na humihingi ng sangguniang bilang o record ng
isang produkto o pananaliksik.
d).Linya ng tagapamagitan/Though channel – Isinaalang-alang ang “tagapamagitan” o tsanel
bilang protocol o sunod-sunod na daluyan ng komunikasyon.

Ang Paghuhulog at Paggawa ng Duplikasyon

Ito ay ginagawa kapag ang liham ay ipinadala na hindi sa pamamagitan ng koreo at


may mga karagdagang kopya. Nararapat lamang itong banggitin sa tulong ng inisyal na
ini-enkowd sag awing kaliwa ng palugit na may dalawang espasyo pababa mula sa mga
inisyal ng nag-enkowd at nagdikta.

Kung nagnanais ipatalastas ng lumiham na siya’y nagpadala ng kopyang karbon sa


isang tao, ang impormasyong ito ay inilalagay sag awing kaliwa sa huling linya pababa
sa papel.
10

Maaaring sabihing kopya kay o “kk” (karbong kopya) ay makinilyahin ng pinadalhan.


Kailangang banggitin din ang angkop na titulo.
Halimbawa:
Kopya kay: Dr. Lita E. Pia
O
Kk: Lita Pia, MD.

Pagsasanay 2: Isulat ang sagot sa isang buong papel.

I.Instruksiyon: Sagutin ang mga sumusunod.


1.Ano-ano ang mga nilalaman ng bawat bahagi ng liham? Ilarawan ang bawat isa.
2.Magbigay ng limang (5) paraan ng pagbati.
3.Igawa ng mga Bating Pambungad ang mga sumusunod:
a)sa isang pangulo
b)sa isang Punong Tagapangasiwa
c)sa isang kumpanya
d)sa isang Tagapagtala (Registrar)
e)sa isang matalik na kaibigan
4.Paano mo sulatin ang isang liham na nagtataglay ng isang mabisang katangian sa katawan
nito? Ipaliwanag.
5.Ayusin ang mga datos sa ibaba para makabuo ng isang payak na liham.
 Gumagalang,
 Richard S. Guevarra
 Ika-26 ng Agosto 2020
 Tinatawag pansin si: Propesor Edgar W. Ignacio
 Pangalawang Pangulo
 Tanggapan ng mga Gawaing Pang-akademiko\
 Kopya: Orihinal
 Duplikado
 Ikatlong Kopya
 MSU – Iligan Institute of Technology
 Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
 A.Bonifacio Hi-way, Lungsod ng Iligan
 Ikinasisiya namin ang iyong panahong iniukol sa pagbasa ng liham na ito at
pawing pasasalamat po sa inyong pagpapaunlak na maging tampok na
bahagi n gaming palatuntunan.
 Mahal na Dr. Ignacio:
 Gaganapin po sa Martes, Setyembre 1,2020 sa ganap na ika-3 ng hapon sa
Rooftop Auditirium ng CASS ang natatanging “Araw ng mga mag-aaral na”
na kinabibilangan ng pagkilala sa mga magtatapos sa taong panuruan 2020-
2021. Nais po naming kayong dumalo upang maging panauhing pandangal.
Ang pagsaksi ninyo sa palatuntunan ay isang inspirasyon sa lahat ng mga
guro, kawani at mag-aaral sa kolehiyo.
 Assalamu Allaikum. Sumasainyo po ang kapayapaan.
11

Aralin 1.3 : Mga Uri ng Liham (1-5)


Mga Uri ng Liham
1.Liham na Humihiling ng Mapapasukan (Application Letter)

Basahin:
JACOB ESPIRITU
114 Jamille Street
San Miguel, Iligan City
9200
Layunin: Upang makapasok sa kwalipikasyon ng pagiging Master Chef
Edukasyon: Central Mindanao University, Maramag,Bukidnon
Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Mgt.
March,2000
Master of Business Administration (Marketing)
March,2005
Work: Almond Inland Resort Hotel, Butuan City
Experience: Culinary Division Trainor/Taster
2008 – kasalukuyan, nagmumungkahi ng iba-ibang dibisyon ng kainan sa hotel at
tagapagsanay ng mga baguhang tagapamahala
2005-2007 Bar Trending Senior Staff
2000-2004 Asian Dishes Staff (Culinary Division)
Pryce Hotel, Cagayan de Oro City
Marketing Staff
Gawain: Kasapi, Mindanao Chefs Club
Hotel and Restaurant aspirer’s Org.
Natatanging Kakayahan: Kabatiran sa Progamming at Iba’t ibang Culinary Software
Computational Cuisine for Special Banquet
Reperensya: (nasa hiwalay na papel)
Tandaan: Nagsisilbing calling card ang resume at opisyal na kinatawan upang mapabilang
sa interbyu. Kasingkahulugan ang resume ng vita. Kailangan itong pagandahin nang sa
gayon ay makabuo ng magandang impresyon sa babasa. Samatatuwid, ito ang pasaporte sa
pagkakaroon ng trabaho.
Ang Pambungad na Liham
Hindi maaaring mag-isa lamang ang resume. Kailangang kalakip nito ang
pambungad na liham. Maikli lamang ito na ang layunin ay magbigay ng paunang salita
hinggil sa resume. Narito ang mga dapat taglayin ng isang pambungad na liham:
1. Nagpapakilala ito ng kagalang-galang na pagkatao.
2. Tinutukoy nito ang mahalagang kakayahan at kahandaan sa gawain ng isang
aplikante.
3. Ipinahahayag nito ang pagnanais ng aplikante sa isang posisyon o gawain.
4. Nagtutulay ito sa maaliwalas na pakikipagtalastasan sa kompanyang nais pasukan
ng aplikante.
12

Mga Halimbawa:
a.
Mahal na G. Austria:

Kalakip po nito ang aking resume. Umaasa po akong matutugunan nito ang inyong
hinahanap na kwalipikasyon. Hangarin ko pong maging bahagi ng inyong kompanya
pagkatapos kong mabasa ng
inyong patalastas sa magasing Panorama noong ika 12 ng Mayo, 2010. Ikagagalak kop
o ang isang interbyu.

Gumagalang,

(Lgd.)
RHEA R. RUIZ

Kalakip: Resume
Transcript of Records
b.

Kgg. Julian C. Kapugan:

Ang kwalipikasyon na inyong inilathala sa Manila Bulletin noong Hunyo 15, 2010 ay
tumutugon sa aking karanasan. Sa loob po ng dalawang taon ay nakapagtrabaho na po
ako bilang ground receptionist sa KABAYAN HOTEL, Cubao, lungsod ng Quezon at staff
officer sa KAMAYAN CUISINE sa Pasig City.
Kalakip po nito ang aking resume upang matiyak ninyo ang aking kakayahan.
Mangyari pong tawagan lamang ako sa telepono na nakalista roon. Umaasa po ako sa
isang personal na pakikipagpanayam sa inyong tanggapan.

Lubos na Gumagalang,

(Lgd.)
SIONY C. BUTRON

Kalakip: Gaya ng nakasaad


c.
Mahal na G. Alquiza:
Kalakip po ng liham na ito ang aking resume. Nakatitiyak po ako na matutugunan nito
ang inyong hinahanap na kwalipikasyon sa isang mahusay na tagapamahala ng Hotel.
Nais ko pong bigyan ninyo ng pansin ang aking mga karanasan ssa ibang bansa.
Sana’y magkausap tayo nang personal sa isang interbyu na inyong hihilingin sa
inyong tanggapan.

Lubos na Gumagalang,

(Lgd.)
LORNA C. HIGALAN
13

2. Ang Liham – Pagtatanong (Letter of

Inquiry) Halimbawa:

Mahal na Ginoong Galvez:

Nakatakda po sa ika-18 ng Hunyo, 2010 ang Timpalak-Kusina na itinakda ng


MSU-Iligan Institute of Technology para sa mga gusting sumali sa pagluluto ng mga
putaheng katutubong Mindanaon.
Kaugnay nito, nais po naming humingi ng inyong tulong hinggil sa kraytirya
ng pagbibigay ng puntos para sa Lupon ng Inampalan upang maihanda agad ang
score board. Mangyari po

Gumagalang,

(Lgd.)
SIMONETTE B. ALGAR
Tandaan:
Ang liham na nagtatanong ay maaaring humingi ng opinyon o mag-anyaya na rin
gaya ng isinaad sa halimbawang liham.Tinatawag din nito ang pansin ng sinulatan sa
mahalagang isyu na gustong hingan ng tulong ng sumulat.
Ganito ang dapat pagkakasunod-sunod ng kaisipan sa pagsulat ng liham
nagtatanong:
1.Agad basahin ang paksa na itatanong.
2.Magbigay ng maikling panimulang talata kaugnay ng paksa.
3.Wakasan ang liham nang buong paggalang.
Maaaring bago tapusin ang liham ay mag-iwan ng benipisyong matatamo kung sasagutin
agad ang tanong. Dapat maipadama ang katapatan ng intension sa liham na ito.

3.Liham na Humihingi ng Reserbasyon (Reservation Letter)

Halimbawa:
Mahal na Kagiinoohan (Gentlemen):

Lalapag po sa NAIA Terminal 3 ang eroplano ng ambassador ng Turkey sa


ganap na ika-7 ng gabi sa Hunyo 20, 2010 at mananatili sa Pilipinas sa loob ng
limang araw upang tingnan ang proseso ng pamumuhunan sa Hotel dito sa bansa.
Kaugnay nito, nais po naming ipareserba ang silid-Admiral sa ikatlong palapag
ng Shangrila Hotel sa Roxas Blvd. para sa ambassador at kanyang kabitak.
Kinukumpirma rin po naming ang partnership na ating pinirmahan noong Huwebes,
Hunyo 3, 2010 na ekslusibong suporta sa palitan ng mga expertise sa pagitan ng
ating mga tanggapan.

Magalang na sumasainyo,
(Lgd.)
PATRICK G. JUEN
14

Tandaan:

Maikling-maikli lamang ang liham ng reserbasyon kaya’t kailangan ang mas ibayong
ingat sa pagpili ng mga salita. Palaging humingi ng kumpirmasyon o dili kaya’y unahan ng
kumpirmasyon upang lalong magkaroon ng bisa ang hinihinging reserbasyon ng sumulat.
Mahalaga rin dito ang detalyeng impormasyon tulad ng tiyak na oras, petsa, at mga pangalan
ng indibidwal. Dapat ring madama rito ang damdamin ng paggalang at pagpapahalaga sa
tuwina.

4.Liham ng Pagbibitiw (Resignation Letter)


Halimbawa:
Mahal na G. Dumlao:
Si Atty. Baguio, may-ari ng See-The-World Travel & Tours ay nag-alok po sa
akin na mamahala ng kanilang bubuksang sangay sa Singapore simula Oktubre,
2010, dalawang buwan mula po ngayon. Malaki poi tong pagkakataon upang
magamit ko ang aking napag-aralan sa kolehiyo.
Sa pagsulat ko po nito ay nag-aalanganin ang aking puso at isip sanhi ng
inyong kabutihan sa inyong pamumuno. Gayonman, makabubuti po na magpasiya
ako nang maaga upang magkaroon kayo ng panahong makakita ng aking kapalit.
Nais ko pong tanggapin ang bagong hamon sa bagong trabaho kaya’t inihahain kop
o ang aking pagbibitiw simula sa Setyembre 1, 2010 upang makapaghanda ng mga
kakailanganing papeles sa hinaharap na paglalakbay. Tatanawin ko pong isang
napakalaking utang na loo bang inyong pagpapaunlak at likas na kabutihang-loob.
Pinasasalamatan ko po ang lahat ng natamo kong karanasan sa paglilingkod sa
inyong tanggapan.
Sumainyo nawa lagi ang pagpapala ng Maykapal.
Labis na gumagalang,
(Lgd.)
SHIRLEY D. DACANAY
Tandaan:
Pinakamahalaga sa liham-pagbibitiw ang dahilan ng empleyado kung bakit siya aalis,
petsa na simula ng hindi na pagpasok sa trabaho at pananalitang nagpapahalaga sa
karanasang natamo sa iiwanang kompanya. Walang itinatakdang haba o ikli ng
pagpapahayag sa pagsulat ng liham na ito. Mahalagang mag-iwan ng magandang impresyon
sa pamunuan ng iiwanang kompanya upang sa hinaharap ay pumayag silang maging
reperensiya ng kawaning umalis.

5.Liham-Pagtanggap
Halimbawa:
Mahal na G.Tuando:
Ikinagagalak ko pong ipatalastas ang aking taos-pusong pagtanggap ng
inyong alok na trabaho bilang Room Attendant sa Diamond Hotel.
Gaya po ng isinasaad sa inyong liham, inaasahan ko po ang pagpipirmahan
natin ng kontrata kaugnay ng aking magiging trabaho at tatanggaping sweldo simula
Hulyo 5, 2010. Darating po ako sa Lunes, Hunyo 5, 2010 sa inyong tanggapan sa
ganap na ika-9:00 ng umaga.
Nasasabik po akong magsimula na sa aking bagong trabaho sa loob ng
dalawang taon. Sumainyo nawa tuwina ang patnubay ng Diyos.

Gumagalang,
(Lgd.)
RHEA R. CRUZ
15

Tandaan:

 Ipinahahayag ng liham-pagtanggap ang pagsang-ayon, kumpirmasyon o desisyong


magsimulang magtrabaho bilang empleyado sa isang establisyemento. Nararapat
lamang na nakasaad sa ganitong uri ng liham ang:
 Tiyak na bagay na tinatanggap.
 Petsa sa pagtanggap at petsa sa pagsisimula ng trabaho
 Talaan ng mga bagay na dapat isaalang-alang tulad ng sweldo, posisyon, at lugar
ng pagtatrabahuan.
 Iba pang bagay kaugnay ng tatanggaping trabaho tulad ng pribilehiyo sa pagliban,
bonus, at iba pa.
Pagsasanay3: Isulat sa isang buong papel.

I.Instruksiyon:Gawin ang mga sumusunod.Gumawa ng liham na taglay ang mga


pamantayang nakasaad sa araling natalakay.

1.Ikaw ay bagong gradweyt sa kursong BEED. Wala ka pang gaanong karanasan sa trabaho
maliban sa pagsasanay na bahagi ng iyong kurso. Nalaman mo ang patalastas ng nabanggit
na trabaho mula sa isang anunsiyo sa telebisyon.

2.Bumuo ng isang liham reserbasyon. Halimbawa gusto mong magpareserba ng silid sa


Maria Cristina Hotel, Iligan City.

3.Bumuo ng isang liham- pagtanggap na nasusunod ang tamang mga pamantayan.

4.Gumawa ng sariling liham-pagbibitiw.


16

Aralin 1.4: Mga Uri ng Liham (6-12)

6.Liham-Pagtanggi
Halimbawa:
Mahal na G. Marquez:
Nais ko po sanang ipaalam sa inyo ang pansamantalang hindi ko pagsang-
ayon sa inyong alok na lumipat ako sa Dibisyon sa Landscape sapagkat kasalukuyan
po kaming nag-iimbentaryo ng muwebles na nakalaga sa Frontgate Reception area
ng hotel. Maaari pong gumugol pa ito ng isa hanggang dalawang lingo.
Labis po akong nagpapasalamat sa inyong pagpapahalaga sa aking
paglilingkod. Asahan po ninyo ang aking pagpunta sa inyong tanggapan sa lalong
madaling panahon upang maisaayos po natin ang aking pagpapalit ng tungkulin sa
lalong madaling panahon.
Tanggapin po ninyo ang aking pagbati sa kahusayan ng inyong
pamamalakad sa buo ninyong nasasakupan.

Gumagalang,
(Lgd.)
RENZO A. ALBARACIN

Tandaan:
Kailangan ang higit na ingat sa pagpili ng angkop at mabisang salita sa pagsulat ng
liham pagtanggi. Hindi nararapat makasakit ng damdamin ang anumang salitang bibitawan
ng sumulat, sa halip, and damdamin ng kasiyahan ang dapat iwanan sa babasa upang
mapanatili ang magandang palagayan sa pagitan ng kawani at ng kanyang pinuno.
Upang maisaalang-alang ito, ganito ang dapat tuwina’y alalahanin:
 Kailangang magtaglay ng tunay at katanggap-tanggap na dahilan ang sumulat.
 Kailangang tukuyin ng tiyak ang bagay na tinatanggihan.
 Iwasan ang paligoy o mapalabok at walang sayssay na mga salita.
 Iwasan ang mapagmalaking mga kataga o pangungusap.
 Nararapat ipadama nito ang mapagpakumbabang damdamin. Masasabing isa ang
liham-pantanggi sa pinakamahirap sulating liham dahil humihingi ito ng ibayong
kakayahan sa pagmamanipula ng mga salita at paraan ng pagbuo ng pangungusap
upang makaiwas sa samaan ng loob na maaaring malikha sa pagitan ng sumulat at
sinulatan.

7. Liham na Nangongolekta/Naniningil
Halimbawa
Mahal na Dr. Blumentrit:

Muli po naming tinatawagan ang inyong pansin sa lampas na sa panahong taning sa


pagbabayadng natipon ninyong arrears sa credit card sa taong 2009. Nais po sana naming
marinig ang inyong panig kung pauunlakan ninyo an gaming kahilingang pumunta kayo sa
Loans Division ng ALLIED BANK sangay Palao, lungsod ng Iligan sa Martes, Hunyo
20,2010. Asahan ninyong marereestruktura ang inyong pribilehiyo para sa mga
transaksyon sa hinaharap.
17

Kalakip po nito an gaming pasasalamat sa pagpili ninyo ng bangkong paglalagakan


ng inyong puhunang pangkabuhayan.

Sumasainyo,

(Lgd.)
EVA R. REYES

Tandaan:
Ang liham na naniningil ay mahalagang hakbang sa pagbuo ng partnership sa isang
indibidwal o kumpanya. Maaari itong magsilbing paalala sa nakalimot, nalingat o hindi
pumapansin ng pagtugon sa kanilang obligasyong pananalapi. Isaalang-alang ang mga
sumusunod na mahahalagang bagay na dapat taglayin ng uring ito ng liham:
 Magalang na pagpapaalala
 Malinaw at mabisang salitang humihimok ng kagandahang-loob
 Detalyadong tala ng pagkakautang
 Paunang pasasalamat

8. Liham Pagsang-ayon
Halimbawa:
Mahal na G. Lenin:
Ikinasisiya ko pong paunlakan ang inyong kahilingang mapabilang sa mga
tagapanayam sa aming ilulunsad na seminar na may pamagat na “Mga Kaugalian sa Hapag-
Kainan ng mga Arabo” na idaraos sa bulwagang Indarapata sa Muscat, Oman sa Agosto 8-
10, 2010.
Asahan po ninyo ang ipadadala naming pormal na imbitasyon kalakip ang opisyal na
kopya ng programa ng seminar sa lalong madaling panahon.
Lubos na Gumagalang,
(Lgd.)
EVA R. REYES
Tandaan:
Kailangang maging tiyak sa bagay na sinang-ayunan. Iwasan tuwina ang maligoy na
pananalita at mahahabang pangungusap. Hindi mapapalitan ng anomang pahayag ang
maikli at payak na mga salitang nagbibigay ng isa lamang kahulugan. Ganito ang dapat
taglayin ng liham pagsang-ayon.
 maging magalang
 itala ang bagay na sinang-ayunan
 ilahad ang mga bagay na inaasahang mangyayari pagkatapos ng pagsang-ayunan

9.Liham-Rekomendasyon
Halimbawa:
Mahal na G. Romero:
Ikinasisiya ong banggitin sa inyo ang kahusayn ni Bb. Loreta D. Garcia
bilang chef. Sa loob ng tatlong taon niyang panunungkulan sa aming restawran,
nakita ko ang maaasahang pagkatao at masinop na paggawa niya. Mahusay din
siyang makisama sa kanyang kapwa manggagawa, mababa man o mataas ang
posisyon.
18

Inaasahan kong maktutulong ang liham-rekomendasyon na ito sa pagtasa


ninyo sa mga kwalipikasyon ng mga aplikante sa inyong bagong bukas na sangay sa
Cagayan de Oro.

Sumasainyo,

(Lgd.)
MAHDA A. ABDULLAH

Tandaan:
Kailangan ang lalong pagiging magalang sa uri ng liham na ito sapagkat kumakatok
sa puso ng hinihingan ng rekomendasyon. Pahalagahan ang mga sumusunod:
 iwasan ang mga salitang may higit sa isang kahulugan
 tiyakin ang mga datos bago isagawa ang liham-rekomendasyon upang di mapahiya
sa kinauukulan
 maging tiyak sa pangalan ng susulatan at dapat ay walang maling titik sa pangalan,
panggitnang apelyido at apelyido ng susulatan.

10.Liham-Paghirang
Halimbawa:
Mahal na G. DeLeon:
Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinataw sa akin ng Komisyon sa
Serbisyo Sibil, hinihirang ka ng tanggapang ito bilang Propesor III kalakip ang mga
karapatan at kapananagutang itinatadhan ng batas.
Ang liham-paghirang na ito ay magkakabisa simula Hulyo 1, 2010 malibang
tutulan ng nakatataas na awtoridad.
Isinasagawa ngayong Lunes, Hulyo 1, 2010 dito sa bulwagan ng Komisyon
ng Serbisyo Sibil.

Gumagalang,
(Lgd.)

REYNALDO P. PANTORILLA
Tandaan:
Labis na pormal ang liham na ito. Tanging ang mga nasa kapangyarihang maghirang
ang maaaring magbalangkas ng ganitong sulatin sapagkat may kalakip itong benepisyong
pananalapi at tungkulin. Alalahanin:
 tiyakin ang pangalan at kwalipikasyon ng hihirangin
 tiyakin ang saklaw na panahon mula sa araw ng simula hanggang sa pagwawakas
nito
 tiyakin ang posisyong itatadhana.

11. Liham Pasasalamat – nagpapamalas ito ng katapatan at kagandahang-loob


Halimbawa:
Mahal na G. at Gng. Usman:
Tanggapin po ninyo an gaming taos-pusong pasasalamat sa inyong pagdalo
19

sa natatanging araw ng debut n gaming anak sa Daisy Restaurant. Habang buhay po


aming tatanawing utang na loo bang pagpapaunlak ninyo sa aming imbitasyon bilang
pangunahing mga isponsor.

Magalang na sumasainyo,

(Lgd.)
GNG. SARAH MACARAMBON

12.Liham Paanyaya

Halimbawa:

Mahal na G. at Gng. Usman


Buong kagalakan po namin kayong inanyayahan na dumalo bilang pangunahing
isponsor sa ika-18 kaarawan n gaming anak na si Sorayah Macarambon. Ang natatanging
salo-salo ay gaganapin sa Daisy Restaurant, San Miguel, Iligan City sa Linggo Marso
16,2010 sa ganap na ikaanim ng gabi.
Ang imbitasyon pong ito ay nagsisilbi ring pases at reserbasyon sa pagpasok ninyo
sa gate ng naturang restawran. Hihintayin po naming kayo nang personal.
Maraming salamat po.

Magalang na sumasainyo,

(Lgd.)
GNG. MONAIFA S. MACARAMBON

Pagsasanay 4:

Instruksiyon: Gawin ang sumusunod na mga liham at sundin ang mga nakasaad na
pamantayan sa bawat isa.

1.Gumawa ng isang liham paanyaya.

2.Gawan ng liham paniningil ang sitwasyong ito. Matagal nang may pagkakautang ang
kaibigan mo sa iyo. Gusto mo na siyang singilin lalo na’t may matindi kang pangangailangan.
Subalit wala kayong pinirmahang kontrata o anomang pagpapatunay na may pagkakautang
siya sa iyo. Paano mo ito sasabihin?

3.Gumawa ng aktwal na liham pagtatanong. Kayo ang pumili ng tanggapan na gustong


pagtanungan hinggil sa paksang gusto ninyo.

4.Gumawa ng isang liham pagsang-ayon.


20

Aralin 1.5: Ang Pormat ng Liham Pangangalakal, Istesyuneri, Sobre, Ang Ulong-
Pagkilala at Ang Palugit

Ang Pormat ng Liham Pangangalakal


Kapag tinutukoy ang pormat, ang nais nating alamin ay kung ano ang balangkas o
estilo ng liham. Sa isang liham, mahihinuha mo na kung dapat pag-ukulan ng seryosong
atensyon ang nilalaman nito o hindi. Sabihin pa, kailangang maging maingat ang susulat sa
porma ng balangkas na kanyang gagamitin. Mahina ang liham na hindi nagpapahalaga sa
bagay na ito. Kaugnay nito, mahalagang mabatid ng sumusulat kung paanong nakatutulong
ang istesyuneri na may iba’t ibang kulay sa paglinang ng impresyon sa babasa.

Ang Istesyuneri
Nararapat na magtaglay ng mataas na kalidad o uri ang papel na gagamitin sa liham.
Sa liham pangangalakal, isang busilak na puti,walang guhit at may tamang kapal na papel
ang angkop dito. Alalaumbaga, hindi kailangang manipis ang papel upang maiwasan ang
madaling pagkalukot. Mga papel na may neutral na kulay kayumanggi,abo,asul,luntian at
dilaw ay naghahatid ng kasiya-siyang damdamin. Ang pangunahing layunin ng papel na ay
kulay ay ang paghahatid nito ng tiyak na damdamin. Mapapansinng maging ang resulta ng
pagkuha ng eksamen sa serbisyo sibil at iba pang eksameng pampropesyunal ay
ipinadadala sa may kulay na papel na nakapasok sa sobreng may bintana.
Ang istesyuneri na may sukat 8x11 dli ay karaniwang ginagamit sa maraming
tanggapan. Ang hinating sukat na 8x5 ½ ay angkop pangdokumento kaya mainam para sa
pakikipag-ugnayang pantanggapan o pandepartamento sanhi ng kaiklian ng papel. Monark o
klab ang tawag sa istesyuneri na may sukat 7 ¼ x 10 ½ dali. Baronyal o sukat kolonyal ang
may 5 ½ x 8 ½ dali na kalimitang ginagamit ng propesyunal tulad ng doctor, abogado,
arkitekto at inhinyero. Ang malaking sukat na papel 8 ½ x 13 dali ay standard na
istesyunering legal at para sa mga affidavit at testimonya sa korte.

Ang Sobre
Ang sobre ay kailangang angkop din sa uri at kulay ng papel. Ang pamantayan sa
sukat komersyal na sobre ay 6 ½ x 3 5/8 dali, samantalang ang sukat pisyal naman ay 9 ¼ x
4 1/8 dali. Ang bahaging dulong kaliwang itaas ng sobre ay dapat magtaglay ng parihabang
impormasyon hinggil sa tirahan ng sumulat. Ngunit sa mga pinakamakabagong tanggapan,
ang pinakatakip ng sobre ang nilalagyan ng pamuhatan at ginagawang sanggunian ng isang
kliyente.
Sa isang banda, mayroong tinatawag na sobreng may bintana (window envelope.
Karaniwan itong ginagamit ng mga ahensiyang pampamahalaan tulad ng Pambansang
Sentro ng Pagsusulit (National Testing Center) at ang Komisyon ng Regulasyon sa Pilipinas
(Philippine Regulation Commission) upang ipatalastas ang grading nakuha sa
eksaminasyong pampropesyon tulad ng inhinyerya, medisina, guro, nars, dentist at marami
pang iba . Sa pamamagitan ng sobreng may bintana napadadali ang pagpapadala ng mga
resulta sa pagsusulit ng kinauukulan. Sa ganitong sobre ay kailangang mayroong
pamantayan ang porma ng papel na ipapasok upang masentro ang paatunguhan ng liham sa
bintana.
21

Ang Ulong-Pagkilala/Letter Head


Ang pangunahing layunin ng ulong-pagkilala ay upang magpatalastas. Nararapat
ipakilala ng impormasyong ito ang tanggapan, institusyon, o indibiduwal. Ang ikalawang
layunin ng ulong-pagkilala ay bilang palamuti. Ito, samakatuwid, nararapat magdagdag sa
pang-akit sa balangkas ng liham.
Maaaring ang ilan o higit sa mga sumusunod na impormasyon ay matatagpuan sa
ulong-pagkilala.
1.Pangalan 8.bilang ng telepono
2.Tirahan o lokasyon (kabilang dito ang numero ng kalsada, sona, distrito, bayan at
lalawigan)
3.Adres 9.sambitlain o motto/islogan
4.Zip code 10.logo
5.e-mail adres 11.mga hanay ng produkto o mga larawan nito
6.bilang ng cellphone 12.kalikasan ng establisyemento
7.bilang ng fax 13.disenyo o tatak ng tanggapan
 Ang lahat ng mga nabanggit na datos ay malinaw na nakaimprenta sa pantay na porma
na sumasakop lamang sa ikalimang bahagi ng papel. Kung labis dito ang sukat,
magiging mabigat sa mata at masikip ang laman ng kabuuan ng papel.
 Ang ulong-pagkilala ay maaaring matagpuan sa:
a. gitnang itaas ng papel
b. kanang sulok sa gawing itaas ng papel
c. kaliwang sulok sa gawing itaas ng papel
d. gitnang ibaba ng papel
e. kanang sulok sa ibaba ng papel
f. kaliwang sulok sa ibaba ng papel
g. kanang palugit
 Nararapat na iatas sa isang mahusay na disyner/promoter/tagapaglathala ang
pagdidisenyo ng ulong-pagkilala upang mapag-isipang mabuti o mapaganda nang
puspusan ang angkop na estilo nito. Nagsisilbing salamin sa panlasa at kalidad ng
tanggapan o kumpanya ang pagsulat ng ulong-pagkilala.
Ang Palugit

Kapag walang ulong-pagkilala sa istesyuneri, ang palugit sa itaas at ibaba ay dapat


magkatulad. Ngunit kung mayroon, ang palugit sa itaas sa pagitan ng ulong-pagkilala at ng
unang enkowd na aytem ay dapat maging mas malapad kaysa sa palugit sa ibaba.
Karaniwan ng isang dali ang sukat ng palugit sa ibaba. Samantala’y 1 ½ dali naman ang
sukat ng palugit sag awing kaliwa ng liham at 1 dali naman sa kanan. Hindi dapat bawasan
sa 1 dali ang sukat ng palugit sa kanan at kaliwang bahagi. Kung maikli ang liham,
pinahihintulutan ng mas malapad sa nabanggit na pamantayan ang gagawing palugit. Ang
sumusunod na panukatan ay itinatagubilin sa isang liham pangangalakal:
Haba ng Liham Haba ng Linya Espasyo sa Pagitan ng Petsa
at Adres ng Liham
Mas kaunti sa 50 salita 40 10 espasyo
Mula 50 hanggang 100 salita 40 8 espasyo
Mula 100 hanggang 150 salita 40 6 espasyo
Mula 150 hanggang 250 salita 40 4 espasyo
Mula 250 hanggang 350 salita 40 2 espasyo
22

 Ang isang liham na higit pa sa 300 salita ay dapat ienkowd sa dalawang papel.
Masyadong masikip sa isang papel ang higit sa 180 na salita.
 Ipinalalagay na ang linya ng petsa ay maaaring simulan pagkatapos ng 3 o 4 na
espasyo mula sa nakaimprentang ulong-pagkilala.
 Nakamihasnan nang isang espasyo lamang ang pagitan sa mga linya ng
pangungusap sa katawan ng anumang liham. Kabilang na rito ang liham
pangangalakal. Samantala, dalawang espasyo ang pagitan ng mga talata at iba pang
bahagi tulad sa pagitan ng mga talata at iba pang bahagi tulad sa pagitan ng mga
talata at iba pang bahagi tulad sa pagmamakinilya ng pamuhatan at bating
pangwakas.
 Kung napakaikli ng liham,pinahihintulutang gawing dalawang espasyo ang pag-
eenkowd sa kabuuan ng liham maliban sa pamuhatan at patunguhan na nananatiling
isang espasyo lamang.

Pagsasanay 5:
Instruksiyon: Sagutin ang mga sumusunod sa isang buong papel.
1.Bakit kailangang maging maingat ang susulat ng liham sa porma ng balangkas na kanyang
gagamitin?
2.Ano ba ang layunin ng paggamit ng papel na may kulay sa pagsulat ng liham?
3.Dapat bang isaalang-alang ang kaangkupan ng sobreng gagamitin sa kulay o uri ng papel
na sinusulatan?
4.Ano ang pangunahing layunin at kahalagahan ng paggamit ng ulong-pagkilala?
5.Analisahing mabuti ang panukatang itinatagubilin sa isang liham pangangalakal at
ipaliwanag ito ng malinaw batay sa iyong pagkakaintindi.

Aralin 1.6 : Mga Uri ng Pormat ng Pagsulat ng Liham Pangangalakal at Liham


Pantanggapan

Uri ng Pormat
1.Nakapasok (Indented) – bawat linya sa pamuhatan at patunguhan ay nakapasok ng tatlong
espasyo. Ang simula ng una ng talata ng katawan ng liham ay katapat ng huling linya ng
patunguhan. Ang bating pangwakas ay kalinya ng petsa. Ang lagda ay nakapasok ng tatlong
espasyo pakanan mula sa unang titik ng bating pangwakas. Ang lagda ay laging nakasulat o
nakalimbag na malaking titik.
2.Tuwid (Block) – mula sa palugit sa kaliwa na 1 ½ dali, ang tuwid na anyo ay magdaragdaag
pa ng 1 dali. Simula rito, lahat ng bahagi ng liham ay maaari nang i-enkowd na magkakatapat
maliban sa petsa, bating pangwakas at lagda. Ang petsa at ang bating pangwakas ay dapat
magkalinya. Magkatapat din ang unang titik ng bating pangwakas at unang titik ng lagda. Ang
lagda ay laging nakasulat o nakalimbag na malaking titik.
3.Tahasang tuwid (Full Block) – mula sa palugit sa kaliwa na 1 ½ dali, ang tahasang tuwid na
anyo ay magdaragdag pa ng 1 dali. Simula rito, lahat ng bahagi ng liham ay maaari nang i -
enkowd na magkakatapat.
4.Bahagyang Tuwid (Semi Block) – ang kaibahan lamang nito sa anyong modified na tuwid
ay iisa – nakapasok ng apat na espasyo ang simula ng bawat talata sa katawan ng liham.
5.Nakabitin – maitutulad natin ang anyong ito sa Nakapasok o Indented maliban sa isang
aspekto – ang ikalawang linya at mga susunod pang linya ng bawat talata sa katawan ng
liham ay nakapasok ng 5 espasyo. Gayundin ang makikita sa pamuhatan,patunguhan at
lagda.
23

6.Memorandum na Estilo – napakapormal ng estilong madalas ginagamit sa mga


transaksyong kailangang bigyan ng agad na pansin. Magkapantay ang linya ng petsa at
lagda. Hindi na kailangan ang bating panimula at bating pangwakas. Parehong matatagpuan
sa gawing kaliwa ang pamuhatan at patunguhan.

 Sa mga iba’t ibang estilo ng pormat na inilahad, ang pinakagamitin ay ang estilong
bahagyang tuwid o semi-block at tuwid o blocked style. Ang estilong tahasang tuwid
ay ginagamit karaniwan ng mga abogado.

Pagsasanay 6
Instruksiyon: Sagutin ang mga sumusunod sa isang buong papel.
1.Sa anim na uri ng pormat, pumili ng tatlo at bigyan ng halimbawa ang bawat isa sa
pamamagitan ng paggamit lamang ng mga linya na naaayon sa tamang ayos at espasyo ng
estilo ng pormat.
2.Tukuyin at isulat sa patlang ang mga bahagi ng liham.

1. ____________________

2.__________________

3._______________

_______________

________________

4.__________________

5.
____________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________.

_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6._____________________

7. _____________________

8. _____________________

C.Ipaliwanag sa sariling pananalita kung ano ang makikita sa bawat bahaging binanggit sa
tanong B.

You might also like