You are on page 1of 54

SOUTHERN BAPTIST COLLEGE

COLLEGE OF EDUCATION
MLANG, COTABATO
nd
2 Semester, SY 2021-2022

Lecture Notes sa Filipino 2

 Pagpapahusay sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina


kabilang na ang teknikal na pagsulat ng korespondensiya opisyal,
pagsasaling teknikal at siyentipiko at komunikasyong online.

Pagkatapos ng semestre, ang mga mag-aaral ay inaasahang matututo sa iba’t ibang


lebel o antas ng pagkatuto:
 Nakatatalakay ng mga batas kaugnay sa wikang Filipino at Korespondensya
Opisyal.
 Nakapagpapaliwanag sa batayang kaalaman sa pagsulat ng liham at ang
katangian nito.
 Nakatutukoy sa iba’t ibang bahagi ng liham.
 Nakapagsusulat ng iba’t ibang uri ng liham ayon sa wastong pormat nito.
 Nakapagbabalangkas sa pangkalahatang proseso ng pagsasalingwika.
 Nakapagsasalin ng iba’t ibang tekstong teknikal at pampanitikan.
 Nakapagpapaliwanag sa pangkalahatang kalagayan ng internet sa Pilipinas.
 Nakapagbibigay-diin sa gamit ng Wikang Filipino sa Internet.
 Nakapagsusuri sa uri ng Filipinong ginagamit sa komunikasyong online.
 Nakagagamit ng wikang Filipino sa Komunikasyon online.
 Nakapagsasaalang-alang sa mga etika ng komunikasyong online.
 Nakakahinuha at nakapagpapaliwanag tungkol sa Cyberlaw sa Pilipinas..
 Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang
Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga
mamamayan ng ibang bansa.

1
Yunit 1
Korespondensiya Opisyal

Topic Title Ang Mga Batas Kaugnay sa Wikang Filipino at


Korespondensya Opisyal

Learning Competencies

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakatatalakay ng mga batas kaugnay sa Wikang Filipino at Korespondensiya Opisyal.


2. Nabibigyang-halaga ang mga batas na may kaugnayan sa Korespondensiya.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions


Ang Konstitusyon ng 1987 ng Republika ng PIlipinas Artikulo XIV seksyon 6-9

Sek. 6.Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat at maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi
na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila
at Arabic.

Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrelihiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsagawa, mag-uugnay at
magtaguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Atas Tagapagtapaganap Bilang 335

Nag-aatas sa lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina Ahensya/ Instrumentaliti


ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang
Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya.

Makikita sa website na ito ang buong nilalaman ng Atas.


http://wika.pbworks.com/w/page/8021644/ATAS%20TAGAPAGPAGANAP%20BLG%20335

2
References
Mga Aklat:

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Villanueva, Leonida B. et, al. (2015). Patnubay sa Korespondensiya Opisyal. Aklat ng Bayan:
Metro Manila.

Elektronikong Sanggunian:

http://www.google.com/amp/s/www.bible.com/tl/bible/399/ROM.13.RTPV05

http://wika.pbworks.com/w/page/8021644/ATAS%20TAGAPAGPAGANAP%20BLG%20335

3
Topic Title Pagsulat ng Liham

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakatutukoy ng iba’t ibang katangian ng liham.


2. Nakapagpapaliwanag ng batayang kaalaman sa pagsulat ng liham at ang katangian
nito.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions


Pagsulat ng Liham
(Letter Writing)

Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa


isang tiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o nakatitik.

Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag-usap na kababakasan ng


tunayna personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din sa liham kung ang sumusulat ay
matamangnag-isip at malinaw na nakapagpapahayag ng kaniyang tunay na damdamin sa
pamamagitan ngmga mapitagan at magalang na pananalita.

Maganda ang impresyon sa liham kapag ang sumulat ay gumamit ng wastong


pahayagang kaniyang mga idea, pumili ng mga makahulugang pananalita, nagpamalas ng
sapat nakaalaman sa bagay na nais niyang ihatid at gumamit ng sariling estilo sa pagsulat na
madalingmaunawaan ng bumabasa.

Epektibong Pagliham

Upang maging epektibo ang pagsulat ng liham, narito ang apat na karaniwang
mungkahitungo sa mahusay na pagsusulat:

1. Ituon ang iyong pag-iisip. (Center your thinking.)


2. Organisahin ang iyong iniisip. (Organize your thinking.)
3. Tiyakin ang iyong iniisip. (Specify your thinking.)
4. Ilahad nang malinaw ang iyong mga idea o kaisipan. (Present your thoughts clearly.)

Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga pangangailangan at di-maiiwasang gawaing


opisyalat transaksiyonal (pangangasiwa, pamamahala, negosyo, atbp) at pagpapaigting ng
ugnayang panlipunan. Ang korespondensiyang pampamahalaan at liham pangangalakal at iba
pang kauringliham ay dapat pormal. Sa ganitong uri ng mga korespondensiya, nararapat
lamang nanakabatay sa layunin, kahika-hikayat, katanggap-tanggap at kapani-paniwala sa
bumabasa opinadadalhan.

Mga Katangian ng Liham

Madaling maghanda ng isang liham, maging ito man ay pormal o di-pormal. Subalit,
iilanlamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang pagkakahanda. Ang pangunahing
dahilan nito ay ang kakulangan sa bisa ng liham.

Mahalagang isipin na kailangang maging pormal at mabisa ang liham pantanggapan.


Nangangailangan ito ng kaayusan ng mga ideyang nais ipahatid sa sinusulatan.

Upang maging matagumpay ang isang liham, inilalahad dito ang ilang dapat
taglayinnito gaya ng mga sumusunod:

4
1. Malinaw (Clear)
Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid
saliham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideyang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin
kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat idea. Ito ay di dapat maging mahaba o maligoy.
Higit na epektibo ang maiikling pangungusap. Tandaan na ang kasimplihan ay daan ng
madaling pag-unawa.

2. Wasto (Correct)
Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay
dapatmagtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang
mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang priyoridad. Tiyaking
wasto ang bawat pahayag o sasabihin lalo na ang mga impormasyon bago ito isulat. Ang
wastong pagpapahayag, pagbaybay, at balarila ay napakapundamental sa kapuri-puring
pagsulat ng liham o ano mang uri ng akda. Mahalaga ring isaalang-alang ang tamang
pagbabantas.

3. Buo (Complete)
Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat kapag
nakaligtaangitala ang isang bagay na kailangan ng sumulat, lalabas na kapos o depektibo sa
pangunahing sangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinulatan, dapat na
unang-unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumulat.

4. Magalang(Courteous)
Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Hindi dapat mabakas sa sulat ang
pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal. Nakatatawag-pansin ang
pagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham.

5. Maikli(Concise)
Sikapin na ang bawat isusulat ay makatutulong sa pagpapabatid ng nais sabihin sa nilalaman.
Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito ay isa lamang pag-aaksaya ng
panahon at nakapapawi ng interes ng nilihaman.

6. Kumbersasyonal(Conversational)
Masasabing mahusay ang pagkakahanda ng isang liham kapag ang bumabasa nito ay
parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais iparating
nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan. Gumamit ng sariling
pananalita at iwasan ang pagkamaligoy. Ilahad nang makatotohanan ang mga idea at
paniniwala. Iwasan ang pagkamonotono sa paggamit ng panghalip na “Ako” na karaniwang
ipinoposisyon sa simula ng pangungusap.

7. Mapagsaalang-alang(Considerate)
Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin ang mensaheng
nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng
pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.

References

Mga Aklat:

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Villanueva, Leonida B. et, al. (2015). Patnubay sa Korespondensiya Opisyal. Aklat ng Bayan:
Metro Manila.

Elektronikong Sanggunian:

https://www.biblegateway.com/verse/tl/Esther%201%3A22

5
Topic Title Pangkalahatang Uri ng Liham/Korespondensiya
at mga Bahagi ng Liham

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakatutukoy sa iba’t ibang bahagi ng liham.


2. Nakikilala ang pagkakaiba ng liham pantanggapan at liham pangangalakal.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions


PANGKALAHATANG URI NG LIHAM/KORESPONDENSYA

Liham Pantanggapan at Liham Pangangalakal

Ang liham na pantanggapan ay tumutukoy sa mga liham na ginagamit sa tanggapang


pampamahalaan at/o pribado na ang paksa ay hinggil sa anumang transaksyon o mga isyu sa
loob at labas ng mga tanggapang nabanggit

Ang liham pangangalakal ay tumutukoy sa mga ugnayang pagsulat sa pagitan ng mga


establisyemento pangkalakalan, publiko man o pribado.

Bahagi ng Liham

Sinasabi ng mga awtoridad na ang isang magandang liham ay maaaring itulad sa isang
magandang larawang nakakuwadro. Ang magandang larawan ay ang liham, at ang kuwadro
naman ay ang mga palugit (margin) sa apat na gilid: sa itaas, sa ibaba, sa kaliwa, at sa kanan.

May pitong bahagi ang isang liham:

1. PAMUHATAN (Heading) - Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, addres,


telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon).

May dalawang uri ng pamuhatan:

a. Nilimbag na pamuhatan(Printed letterhead)


-Ang nakalimbag na pamuhatan ay karaniwang nasa gitnang itaas o sa kaliwang
itaas ng papel. Ang logo o sagisag ng tanggapan o kompanya ay karaniwang
inilalagay sa itaas o sa kaliwa ng pamuhatan.

b. Minakinilya (typeset) /Sulat-kamay na Pamuhatan


-Ito ay sinisimulan mula sa isa’t kalahati (1 ½) hanggang dalawang (2) pulgada
o maaaring pitong (7) espasyo mula sa itaas ng papel. Bawat linya nito ay
nilalagyan ng isa lang espasyo. Simula ito sa sentro pakanan, o kung maikli,
isulong sa kanan na hindi lalampas sa palugit sa kanan. Maaari ding ilagay iyon
sa kalagitnaan ng papel.

2. PATUNGUHAN (Inside Address)- Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at


tanggapan ng taong padadalhan ng liham. Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang
pangalan ng taong sinusulatan, ang kaniyang katungkulan (kung mayroon),
tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon. Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng
address o direksiyon,

6
hal. ave., st.

Kagalang-galang Virgilio S. Almario


Pambansang Alagad ng Sining
Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
Malacañan Complex, 1005 San Miguel, Maynila

Kung ang alam lamang ay ang katungkulan ng puno ng isang tanggapan, ngunit hindi
tiyak ang buong pangalan ng nasabing puno, maaaring gamitin ang katungkulan bilang
pamalitsa pangalan ng taong sinusulatan.

Halimbawa:
Kagalang-galang na Alkalde
Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong
Lungsod Mandaluyong, Metro Manila

Kung may kaiklian ang liham, ang espasyo sa pagitan ng petsa at patunguhan ay
maaaring luwagan buhat sa apat (4) hanggang walong (8) espasyo. Gawing isang pulgada
at kalahati ang palugit sa kaliwa at sa kanan. Mahaba o maikli man ang patunguhan, isang
espasyo lamang ang pagitan ng bawat linya.

Sa pagsulat ng patunguhan, lalo na kung ang sinusulatan ay dapat bigyang-galang,


itinatagubilin ang paggamit ng mga titulong may wastong pagpipitagan tulad ng G., Gng.,
Bb.,Dr., Prop. at iba pa sa unahan ng pangalan ng taong sinusulatan.

Ang Bb. (Binibini) o Missay ginagamit sa isang babaeng walang asawa. Ginagamit din ito sa
isang babaeng maaaring may titulo ngunit hindi alam ng sumusulat o kaya ay sa isang
babaeng hindi tiyak ng nagpapadala ng liham kung may-asawa o dalaga. May ilang ahensiya
ang gumagamit ng daglat na “Ms.” kapag alam nilang pinapaboran ng babae ang gayong
titulo, bagaman sa diplomatikong korespondensiya, ang “Ms.” ay hindi ginagamit.

Ang Gng. (Ginang) o Mrs.ay ginagamit sa isang babaeng may asawa. Maaaring siya ay
isa nang biyuda na gumagamit pa rin ng pangalan ng asawa. Maaari din namang siya ay may
titulo ngunit hindi alam ng sumusulat.

Ang G. (Ginoo) o Mr. ay ginagamit sa mga lalaki at sa mga may titulo ngunit hindi tiyak
ng nagpapadala ng liham. Gaya ng paggamit ng Bb., Miss o Ms. sa babaeng hindi alam ang
kalagayang sibil, ang paggamit naman ng G. sa lalaking hindi alam ang ibang titulo, kung
mayroon man, ay hindi ituturing na mali.

Mga Dapat Pang Tandaan:

• May mga pagkakataon na ang asawang babae ay kailangang isama sa liham, ang titulong
babae ay hindi na ipinapakita o ipinakikilala. Sapat na ang G. at Gng., Dr. at Gng., oAtty. at
Gng.

• Mahalagang tandaan na kung ginamit na sa unahan ng pangalan ang kaukulang


titulongpropesyonal ay hindi na dapat ulitin pa ang karerang natapos.

Tama nang isulat ang:


Atty. Percida Rueda-Acosta
Dr. Francisco T. Duque III

Mali:
Atty. Percida Rueda-Acosta, LL.B.
Dr. Francisco T. Duque III, M.D.

• May mga awtoridad sa korespondensiya na nagsasabing ipinahihintulot ang paggamit ng


titulo ng babae kahit na kasama ang pangalan ng lalaki na walang titulo liban sa Ginoo.
Inuuna ang pangalan ng babae kasama ang kaniyang titulo.

7
Alkalde Madeleine Ong at G. Hector Ong
Pamahalaang Bayan ng Laoang
Hilagang Samar

Ang Kagalang-galang na Alkalde ng Laoang at Ginoong Ong


Pamahalaang Bayan ng Laoang
Hilagang Samar
• Kung may titulo naman ang lalaki, maaaring ganito naman ang magiging patunguhan o
direksiyon sa sobre:

Gob. Elenita de Jesus at Dr. Reynaldo de Jesus


Kapitolyong Panlalawigan
Lungsod Antipolo, Rizal

Ang Kagalang-galang na Punong Lalawigan ng Rizal at Dr. De Jesus


Kapitolyong Panlalawigan
Lungsod Antipolo, Rizal

• Kung maaaring gamitin ang G. at Gng. sa iisang pangalan, iyon ay tumpak sapagkat maaari
naman talagang magkaroon, halimbawa ng isang G. Jesus E. Ferrer at Gng. Gloria P. Ferrer
din, kaya wasto ang:

G. at Gng. Jesus E. Ferrer


Pandacan, Maynila

3. BATING PAMBUNGAD(Salutation) - Ito ay pagbati sa sinusulatan ng liham na wari’y


nagsasabing “Kumusta ka” o “Magandang Umaga”. Ito rin ang naghuhudyat kung kailangan
magiging pormal o di pormal ang bating pangwakas. Inenkowd ito dalawang espasyo mula
sa huling linya ng patunguhin. Tutuldok ang ginagamit na bantas upang maghimig pormal.
May iba’t ibang anyo ito at ang karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod:

Mahal na Ginoo: Mahal na Tagapangulong Licuanan:


Ginoo: Mahal na Punong Mahistrado Sereno:
Mahal na Ginang: Mahal na Kalihim Roxas:
Ginang:
Mahal na Binibini:
Binibini:

Ang Kagalang-galang/Kgg. ay natatanging pagbati sa mga taong may matataas na


katungkulan gaya ng Pangulo ng bansa, mga Senador at Kinatawan, mga Gobernador, mga
Kalihim ng Gabinete, Sugo ng Pilipinas, mga Kalihim at Pangalawang Kalihim ng mga
kagawaran, mga hukom, komisyoner, mga alkalde. Ang karamihan sa matataas na
katungkulang binanggit ay ginagamitan ng Kagalang-galang/Kgg. sa unahan ng tao o
tungkulin.

Sa bating pambungad, ang bantas na marapat gamitin ay tutuldok o colon ( : ).

Mahal na Kalihim Alcala:


Mahal na Heneral dela Paz:

Kung ang sinusulatan naman ay kapalagayang-loob o kaya ay kaibigan maaaring ang


pagbati ay sa unang pangalan at ang bantas na gagamitin ay kuwit.

Mahal na Jejomar,
Mahal na Jom,

Gamitin lamang ang apelyido kalakip ang titulo ng sinusulatan. Hindi dinadaglat ang
titulo kapag apelyido ang kasunod maliban sa Dr., Mr., Mrs. na ang mga pinaikling anyo ay
tinatanggap na sa internasyonal na pakikipagtalastasan.

Mahal na Dr. Nicolas:


Mahal na Komisyoner Flores:
Mahal na Direktor Añonuevo:
Mahal na Propesor Miranda:

8
Ngunit kung hindi nakatitiyak sa kasarian ng inyong susulatan gamitin nang buo ang
pangalan o kaya ng Ginoo/G. kasunod ang buong pangalan.

Mahal na Jesse dela Cruz: Mahal na G. Jovic Sta. Maria:


Mahal na Alex Santos:
Mahal na Angeles Fiesta:

Dalawang espasyo ang pagitan ng bating pambungad ng huling linya ng patunguhan o


ang linya ng tawag-pansin (kung mayroon).

4. KATAWAN NG LIHAM(Body of the Letter) Ito ang tampok na bahagi ng liham na


nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan. Ang bahaging it ay matatagpuan sa
pagitan ng bating pambungad at bating pangwakas. Ito ay kalatas na ipinahahatid sa
sinusulatan.

• Katangian ng maayos na mensahe

1. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat lumikha ng


anumang alinlangan sa pinapadalhan o babasa nito.

2. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita, pangungusap, talata, at mga


bahagi ng liham.

3. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga salita, banghay, at
bantas.

Nasa katawan ng liham ang pinakamahalagang bahagi nito. Naririto ang pangunahing
impormasyong inihahatid para sa sinusulatan.

Kung tayo ay magbabasa ng mga sulat na inihanda ng mga sanay na sa mga ganitong
Gawain, mapapansin natin ang tatlong bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham.

1. Panimula – Naglalaman ito ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liham.


2. Katawan – Naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng liham.
3. Huling talata – Nagsasaad ito kung ano ang inaasahang aksiyon sa ipinadalang liham.

Narito ang ilang mga katangian ng isang mabisang katawan ng liham. Halaw mula sa
aklat nina Matienzo at Matienzo (2000).

1. Dapat maging magalang ang unang pangungusap.


2. Dapat na ipakilala nito ang puning diwa ng liham.
3. Dapat ipakita nito ang petsa ng naunang sulat (kujng mayroon) upang mai-refer
ito sa bumabasa sa kinauukulang file.
4. Dapat magpakita ng aksyon para sa kabutihan ng sinusulatan.

Kung ang liham naman ay may kahabaan na hindi sasapat sa isang pahina, maaari
itongdugtungan sa papel na malinis, walang ulong-sulat o nilimbag na pamuhatan, ngunit sa
gayonding uri ng papel, gayon ding sukat. Ilagay sa kaliwa ang pangalan ng sinusulatan, ang
pahinasa gitna at petsa naman sa kanan.

Iwasang magdagdag ng pahina kung ang bahagi ng liham na isusulat ay kulang sa tatlo (3) o
apat (4) na linya bago ang pamitagang pangwakas.

May dalawang espasyo mula sa bating pambungad at sa pagitan ng dalawang talata at isa sa
bawat linya ng katawan ng liham.

2. PAMITAGANG PANGWAKAS(Complimentary Close).


Nagsasaad ito ng pamamaalam sa nililihaman. Ito ay tradisyunal na pamamaalam ng
sumulat.

Mga Dapat Tandaan sa Pamitagang Pangwakas

9
• Ang bating pambungad at ang pamitagang pangwakas ay iniaangkop sa katungkulan o
kalagayang panlipunan ng taong sinusulatan.

• Kung ano ang antas ng pamimitagang ipinahihiwatig sa bating pambungad ay siya ring
isinasaad sa pamitagang pangwakas.

Ginoo: Magalang na sumasainyo,


Kagalang-galang Lubos na gumagalang,

Mahal na Bb. Santos:


Mahal na Gng. Yap: Matapat na sumasainyo,
Mahal na G. Reyes:
Mahal na Ginoo:

Ang pamitagang pangwakas ay may dalawang espasyo mula sa huling salita ng


katawan ng liham. Isulat buhat sa kalagitnaan pakanan, na ang dulo ay hindi lalampas sa
palugit at lagyan ng kuwit at isulat sa malaking titik ang unang letra ng salita.

3. LAGDA (Signature)- Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham. Ito ay


nagpapakilala ng kapangyarihan at pananagutan sa nilalaman ng liham.
 Itinatagubilin na ang lagda ng lumiham ay lagyan ng minakinilyang pangalan, at
kailangang sa tinta ang lagda. Ito’y nagpapakilalang kapangyarihan at
pananagutan niya sa nilalaman ng liham. Ang layunin nito’y magpatunay sa lahat
ng pahayag na napapaloob sa isang liham. Nagtatakda ito ng tungkuling nararapat
niyang panindigan ng lahat ng mga mababasa roon. Ito ang isinusulat pagkatapos
ng apat na espayong pagitan mula sa bating pangwakas.

Ang mga babae, kung nais nila, ay maaaring gumamit ng Bb., Gng. Ms. sa unahan ng
kanilang pangalan. Hindi gumagamit ng G. (Mr.) ang kalalakihan sa unahan ng kanilang
pangalan.

Maglaan ng apat na espasyo mula sa pamitagang pangwakas hanggang sa pangalan na


nakasulat sa malalaking titik (light o bold) at sa ilalim nito ay ang katungkulan.

Ang unang titik ng pamitagang pangwakas at ang pangalan (o titulo) ng lumiliham ay


magkatapat. Ang unang titik o numero ng petsa ay karaniwan ding katapat ng unang titik
ngpamitagang pangwakas.

2. PETSA(Date)
- Ang Petsa ay bahagi ng pamuhatan. Maaari itong ilagay sa kaliwang bahagi para
sa anyong full-block at kanan o gitnang bahagi para sa anyong semi-block.
-Ang petsa ay binubuo ng buwan, araw, at taon kung kailan sinulat ang liham.
Karaniwan nang nauuna ang buwan, sumusunod ang araw at huli ang taon. Sa ganitong anyo
ay kailangang lagyan ng kuwit ang pagitan ng araw at taon. Kung nauuna ang araw,
sumusunod ang buwan at taon, hindi na kailangan ang kuwit. Maaari ding isulat ang petsa
nang ganito: Ika-19 ng Abril, 2013.Sa pagsulat ng petsa, iwasan ang pagdadaglat o pagsulat
nang pinaikli.

Iba Pang Bahagi ng Liham

Bukod sa mga bahaging binanggit, ang mga liham ay mayroon pang ilang bahaging
ginagamit, halimbawa: ang inisyal, paglalakip, tawag-pansin, paksa, notasyon ng binigyang
sipi.

1. INISYAL NG PAGKAKAKILANLAN(Identifying initials)


Sa mga liham pampamahalaan, naglalakip ng inisyal ng pagkakakilanlan (identifying
initials) ang gumawa ng liham. Maglaan ng dalawang espasyo mula sa huling linyang lagda, sa
gawing kaliwa ng papel, makikita ang magkasamang inisyal ng taongnagpahanda at ang
kawani o klerk na naghanda/nagmakinilya ng liham. Karaniwangnasa malaking titik ang
inisyal ng sumulat ng liham at ang nagmakinilya ay nasamaliit na titik.

10
May mga pagkakataon na dalawang mataas na pinuno ang nagpapahanda ng
isangliham. Kaya, lumilitaw sa inisyal na tatlong tao ang naghanda nito.

JAR: eff JAR: eff/06082011 JLS:JAR/eff JLS/jar: eff

2. PAGLALAKIP(Enclosure)
Ang paglalakip ay matatagpuan sa ibaba ng kaliwang bahagi ng liham. Talaan ito ng
dokumento/mga dokumento na binanggit sa liham. Nagpapaalala ito sa nagmakinilya na
isama ang bagay na ilalakip sa loob ng sobre, at para sa tatanggap ng liham ay tinatawag
naman ang kaniyang pansin na hanapin o tingnan ang mga kalakip.

Maaaring isulat nang buo ang salita (Kalakip) at isulat ang bagay na inilalakip.
Maglaan ng dalawang espasyo pagkatapos ng inisyal ng pagkakakilanlan.

• Kalakip: Mungkahing Memorandum


• Mga Kalakip:
Memorandum ng Kasunduan
Katitikan ng Pulong
Kasunduan sa Pagbabayad

3. TAWAG-PANSIN(Attention line)
Bahagi ng liham na panawag-pansin sa taong kailangan na ang pagtukoy ay sa
pamamagitan ng higit na nakatataas.

Maaari itong ilagay sa tapat ng bating pambungad o sa dakong gitna na ang tipo ay
maaaring sa malalaking titik o ang unang letra lamang.

• Kgg. JUAN DE LA CRUZ


Alkalde
City Hall
Maynila

Tawag-pansin: Gng. Maria Agriina dela Cruz


Records Oficer III

4. PAKSA(Subject)
Bagaman hindi sapilitan ang paglalagay ng paksa, nakatutulong ito upang matukoy
agad ang layon o nilalaman ng liham laluna kung ito ay isang kahilingan.

PAKSA: Kahilingan sa Pagsasalin ng “Ten Principles of Bandung” sa Wikang Filipino.

Inilalagay ito dalawang espasyo pagkatapos ng bating pambungad.

5. NOTASYON NG BINIGYANG SIPI(Copy Notation)


Kung magbibigay ng kopya ng liham para sa ibang tao, ilagay ang binigyang sipi, cc

ANG PAGHUHULOG AT PAGGAWA NG DUPLIKASYON

Ito ay ginagawa kapag ang liham ay ipinadala na hindi sa pamamagitan ng koreo atmay
karagdagang kopya. Nararapat lamang itong banggitin sa tulong ng inisyal na ini-enkowd at
nagdikta.
Kung nagnanais ipatalastas ng lumiham na siya’y nagpadala ng kopyang karbon sa
isang tao, ang impormasyong ito ay inilalagay sa gawaing kaliwa sa huling linya pababa sa
papel.
Maaaring sabihing koya kau o “kk” (karbong kopya) ay makinilyahin ng pinadalhan.
Kailangang banggitin din ang angkop na titulo.

Halimbawa:
Kopya kay: Dr. Lita E. Pia
O
Kk: Lita Pia, MD.

11
References

Mga Aklat:

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Villanueva, Leonida B. et, al. (2015). Patnubay sa Korespondensiya Opisyal. Aklat ng Bayan:
Metro Manila.

Elektronikong Sanggunian:

http://www.google.com/amp/s/www.bible.com/tl/bible/399/ROM.13.RTPV05

12
Topic Title Mga Uri ng Liham at mga Pormat ng Liham

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng liham.


2. Nabibigyang halaga ang iba’t ibang uri ng liham.
3. Nakagagawa ng islogan tungkol sa kahalagahan ng liham.
4. Nakapagsusulat ng iba’t ibang uri ng liham ayon sa wastong pormat nito.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions


MGA URI NG LIHAM

1. Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon(Letter of Application)


Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o
magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga idea at tuwirang
pananalita na nakapaloob sa nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang impresyon.
Tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anumang oras na
kinakailangan. Ito ang liham na pinakagamitin ng marami lalo na sa kabataang katatapos
lamanbg ng pag-aaral o tapos ng kolehiyo na naghahanap ng trabaho.

2. Resume
Kabuuang impormasyon hinggil sa indibidwal kabilang na ang datos personal, edukasyon,
karanasang panggawain, kakayahan at reperensiyang mapagtatanungan kaugnay ng mga
binanggit na kredensyal.

3. Liham Pagbibitiw(Letter of Resignation)


Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o umalis
sapagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan. Kinakailangan
ditong mailalahad nang maayos at mabisa ang dahilan ng pagbibitiw sapagkat nasa anyo at
himig ng pananalita ng nagbibitiw ang larawan ng kaniyang pagkatao. Hinihingi rito ang
marangal na pagpapahayag. Dapat iwasan ang panunuligsa sa tanggapan o sa mga
pinuno at tauhan ng opisinang nililisan.

4. Liham Pagtatanong(Letter of Inquiry)


Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na
impormasyon o paliwanag.Ang liham na ito ay maaaring humingi ng opinion o mag-anyaya.
Tinatawag din nito ang pansin ng sinusulatan sa mahalagang isyu na gustong hingan ng
tulong ng sumulat.

Ganito ang dapat pagkakasunod-sunod ng kaisipan sa pagsulat ng liham nagtatanong:


1. Agad sabihin ang paksa na itatanong
2. Magbigay ng maikling panimulang talata kaugnay ng paksa.
3. Wakasan ang liham nang buong paggalang.

5. Liham Pasasalamat(Letter of Thanks)


Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod,
pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, idea at opinyon, at tinanggap na mga
bagay.

6. Liham Pagsang-ayon(Letter of Afirmation)


Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubutisa
operasyon ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon kung
kinakailangan.

13
7. Liham Paghirang(Appointment Letter)
Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin, pagbabago/
paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan o promosyon (promotion) para sa
kabutihan ng paglilingkod sa tanggapan. Isinasaad sa liham ang dahilan ng pagkahirang at
ang pag-asang magagampanan ang tungkuling inaatas sa kaniya nang buong kahusayan.

8. Liham Paanyaya(Letter of Invitation)


Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, magingTagapanayam
at/o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon.

9. Liham Pagpapakilala(Letter of Introduction/Recomendation)


Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa isang tanggapan
upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay ng anumang transaksiyon.

10. Liham Nangongolekta/Naniningil


Ang liham na naniningil ay nagsisilbing paalala sa nakalimot, nalingat o hindi pumapansin ng
pagtugon sa kanilang obligasyong pananalapi.

PORMAT SA MGA PALUGIT AT PAG-EESPASYO SA LIHAM PANGANGALAKAL

___________________
___________________
Ulong Pagkilala ___________________

2-4 espasyo
___________________
Petsa
2-8 espasyo
______________________
______________________ Patunguhan
______________________
Bating Panimula
2 espasyo
______________________

2 espasyo

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
___________________________________________. KATAWAN NG LIHAM
2 espasyo

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________.

2 espasyo

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________________________________________________.

4 espasyo
Bating Pangwakas ___________________

4 espasyo
___________________
Pangalan at Lagda

14
ANG PORMAT NG LIHAM PANGANGALAKAL

Kapag tinutukoy ang pormat, ang nais nating alamin ay kung ano ang balangkas o
estilo ng liham. Ngunit bago ito talakayikn, kailangan munang bigyan natin ng pansin ang
ilang mga pangangailangan na nagsisilbing pundasyon upang maingat na mabuo ang
balangkas/ pormat ng anumang liham, pantanggapan man o pangangalakal. Ito ay sapagkat,
isang liham, balangkas pa lamang ay mahihinuha mo na kung dapat pag-ukulan ng seryosong
atensyon ang nilalaman ng liham o hindi, Sabihin pa, kailangang maging maingat ang susulat
sa porma ng balangkas na kanyang gagamitin.

1. Nakapasok (Indented) – bawat linya sa pamuhatan at patunguhan ay nakakapasok ng


tatlong espasyo. Ang simula ng unang talata ng katawan ng liham ay katapat ng huling
linya ng patunguhan. Ang bating pangwakas ay kalinya ng petsa. Ang lagda ay
nakapasok ng tatlong espasyo pakanan mula sa unang titik ng bating pangwakas. Ang
lagda ay laging nakasulat o nakalimbag na malaking titik.

2.

Tuwid (Block)-mula sa palugit sa kaliwa na 1 ½ dali, ang tuwid na anyo ay magdaragdag


pa ng 1 dali. Simula rito, lahat ng bahagi na liham ay maaari nang i-enkowd na
magkakatapat maliban sa petsa, bating pangwakas at lagda. Ang petsa at ang bating
pangwakas ay dapat magkalinya. Magkatapat din ang unang titik ng bating pangwakas
at unang titik ng lagda. Ang lagda ay laging nakasulat o nakalimbag na malaking titik.

15
3. Tahasang Tuwid (Full Block)- mula sa palugit sa kaliwa na 1 ½ dali, ang tahasang
tuwid na anyo ay magdaragdag pa ng 1 dali. Simula rito, lahat ng bahagi ng liham ay
maaari nang i-enkowd na magkatapat.

4. Bahagyang Tuwid (Semi-Block)-Ang petsa, bating pangwakas, pangalan at lagda ay


nasa kanang bahagi ng liham. Samantalang ang patunguhan at bating panimula ay
nasa gawing kaliwa. Ang simula ng bawat talata ng katawan ng liham ay nakapasok
nang lima hanggang pitong espasyo mula sa kaliwang palugit.

16
5. Nakabitin –maitutulad natin ang anyong ito sa nakapasok o Indented maliban sa isang
aspekto –ang ikalawang linya at ang mga susunod pang linya ng bawat talata sa
katawan ng liham ay nakapasok ng 5 espasyo.

6. Memorandum na Estilo- napakapormal ng estilong madalas ginagamit sa mga


transaksyong kailangang bigyan ng agad na pansin. Magkapantay ang linya ng Petsa at
Lagda. Hindi na kailangan ang Bating Panimula at Bating Pangwakas. Parehong
matatagpuan sag awing kaliwa ang Pamuhatan at Patunguhan.

17
References
Mga Aklat:

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Villanueva, Leonida B. et, al. (2015). Patnubay sa Korespondensiya Opisyal. Aklat ng Bayan:
Metro Manila.

Elektronikong Sanggunian:

https://drive.google.com/file/d/1-6y0nnBw_JZdHaebqgkEojGSbP0g72ay/view?usp=drivesdk

https://newchristianbiblestudy.org/bible/tagalog-1905/2-thesalonians/3/14

Yunit 2 Mga Batayang


Kaalaman sa Pagsasalin
Topic Title Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Nasasabi ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat yugto ng kasaysayan ng


pagsasalin sa bansa

2.Natutukoy ang mga mahalagang impormasyon sa bawat yugto.

3.Nasusuri ang mga datos sa yugto ng kasiglahan sa kasaysayan ng pagsasaling wika.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

PAGSASALING-WIKA

18
 “Ang Pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan
sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.”
 Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang
mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.
 Sa madaling salita, ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika sa
pinakamalapit na katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin.

KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA DAIGDIG

Ang pagsasaling-wika ay isang SINING (Savory, 1968). Ito rin ay kasintanda ng PANITIKAN.

Narito ang ilang Tagasaling-wika na kinilala sa Daigdig:

 ANDRONICUS- kinikilalang unang tagasaling-wika. Isinalin niya nang patula sa Latin


ang Odyssey ni Homer na nakasulat sa Wikang Griyego noong 240 B.C.

 NAEVIUS AT ENNIUS- gumawa ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego


katulad ng mga isinulat ni Euripides.

 EURIPIDES- (484-406 BC) isang sinaunang Griyegong manunulat ng dulang trahedya.


Kalimitang may desperasyon at biyolente ang kanyang mga dula. Sa huling bahagi ng
kanyang buhay, nagsimula siyang sumulat ng mga trahedyang-komedya na may
masasayang mga katapusan, ang simula ng bagong gawi sa dramang Griyego.
Halimbawa ng kanyang mga akda: Hecuba, Iphigenia at Aulis, Hippolytus.

 CICERO- isang Romanong pilosopo at konsul. Siya rin ay isang bihasang


mananalumpati, manunulat, kinikilalang pinakamagaling sa wikang Latin at nakilala
rin bilang isang mahusay na tagasaling-wika. Halimbawa ng kanyang akda: In Verrem,
De invention, De Oratore.

 ISKOLAR NG SYRIA- isang pangkat na nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin nila


sa wikang Arabic ang mga sinulat ni Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at marami
pang ibang pantas at manunulat.

Nakilala ang lungsod ng Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika na naging daan
upang kumalat ang karunungan sa Arabia.

Ngunit dumating ang panahong nawalan ng sigla ang tagasaling mga iskolar sa Baghdad
sapagkat napabaling ang kanilang kawilihan sa iba namang bagay na pang intelektwal, tulad
ng pagsusulat ng mga artikulong pampilosopiya.

Pagkaraan ng tatlong siglo, napalitan ng Toledo ang Baghdad bilang sentro ng karunungan
sa larangan ng pagsasaling-wika.

 Adelard- nagsalin sa Latin ng mga sinulat ni Euclid na noon ay naisalin na sa Arabic.

 Retines- ang nagsalin sa Latin ng Kor’an noong 1141.

Dahil sa palawak nang palawak na pag-uugnayan ng mga bansa noong 1200 A.D. ay nakaabot
na sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa wikang Griyego.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagasaling wika na magsalin nang tuwiran sa Latin mula
Griyego.

 Liber Gestorum Barlaam et Josaphat- ang orihinal na teksto nito’y nasusulat sa


Griyego.

 Barlaam at Josaphat- dalawang tauhang uliran sa pag-uugali at sa pagiging maka-


Diyos.

19
Noong nagsimula ang pagsasalin ng Biblia, ang salin ni Wycliffe ay sinundan ni Tyndale at
Coverdale.

 Wycliffe-isang paring Katoliko na bihasa sa Latin. Isinulat niya ang: “ang kaalaman sa
Kautusan ng Diyos ay dapat ituro sa wika na pinakamadaling maunawaan dahil ang
ituturo ay salita ng Diyos.”

Kaya si Wycliffe at ang kanyang mga kasama ay bumuo ng isang grupo para isalin ang Bibliya
sa wikang Ingles. Ang pagsasalin ay tumagal ng 20 taon.

 Coverdale- HINDI nakalagay sa unang inilimbag ang kompletong Bibliya sa Ingles ang
pangalan ng nagsalin nito. Siya ay si Coverdale at ang kanyang salin ay lumabas noong
1535. Nakakulong noon ang kaibigan niyang si Tyndale dahil sa ginawa nitong may
kaugnayan sa pagsasalin ng Bibliya. Binitay si Tyndale nang sumusunod na taon.

 Martin Luther (1483-1646)- ang kanyang salin sa wikang Aleman ay kinikilalang


pinakamabuting salin. Dito nakilala sa larangan ng pandaigdig na panitikan ang
bansang Germany.

 Jacques Amyot- isang Obispo sa Auxxere na siyang kinikilalang Prinsipe ng


Pagsasaling Wika sa Europa.

 Plutarch- isang Historyanong Griyego, biograpo at manunulat na pangunahing kilala


sa kanyang isinulat na Parallel Lives at Moralia. Itinuring siyang Gitnang Platonista.
Nang maging residensiya siya ng mga Romano, napalitan ang kanyang pangalan at
naging Lucius Mestrius Plutarchus. Ang kanyang mga akda ay nakasulat sa Griyego
ngunit parehong nakalaan para sa mga mambabasang Romano at Griyego.

Ang panahon ng unang Elizabeth ang itinuturing ni Savory na unang panahon ng


pagsasaling-wika sa Inglatera, bagaman ang panahon ng Pangalawang Elizabeth ang
kinikilalang pinakataluktok.

 Thomas North- kinikilalang pinakadakila sa mga tagasalin sa Inglatera nang panahong


iyon.

 George Chapman- ang salin niya sa mga sinulat ni Homer ay nalathala sa pagitan ng
1598 at 1616.

 John Florio (1603)- lumabas ang salin niya sa Essays ni Montaigne. Isa itong
babasahin na itinuturing na kasinghusay ng Plutarch ni North.

 Michel De Montaigne- isang Pranses na naglathala ng pinamagatang Essais, naitakda


ang kahulugan ng essay ayon sa naging hangarin ng manunulat na maging isang
pagtatangka na makapagpahayag ng mga kuro-kuro at opinion.

Ang ikalabimpitong siglo ay maituturing na tulad halos ng dalawang nakaraang siglo


na ang kinawiwilihan ay ang pag-aaral at pagsasalin ng mga literature sa ibang
bansa.

 John Dryden- nagsalin ng Juvenal at Virgil, gayundin ay hindi gaanong nagustuhan ng


mga mambabasa. Subalit siya ay ibinibilang sa isa sa mga mahusay na tagapagsalin
noong kanyang panahon dahil pinag-ukulan niya nang maingat na paglilimi ang mga
gawang pagsasalin. Siya ang kauna-unahang kumilala na ang pagsasaling wika ay
isang sining.

Ang pagsasaling-wika ay masasabing kasinsigla pa rin ng mga nakaraang siglo nang


sumapit ang ikalabing-walong siglo.

 Alexander Pope- ang salin niya sa Ingles ng akda ni Homer na Iliad ay lumabas sa
pagitan ng 1715 at 1720; ang kanyang Odyssey naman ay noong 1725.

20
 Homer- isang mala-alamat na unang Griyegong manunulat at rapsodista, na binigyan
ng kredito ayon sa tradisyon, sa pagkakalikha ng Iliad at Odyssey (dalawang dakilang
epikong Griyegong tumatalakay sa paglusob sa lungsod ng Troy at sa mga naganap sa
nakaraan).

 Alexander Tytler (1792)- Sumulat ng aklat na “Essay on the Principle of Translation.”

Tatlong panuntunan sa pagkilatis ng isang salin ayon kay Tytler:

1. Ang isang salin ay kailangang katulad ng orihinal sa diwa o mensahe.


2. Ang estilo at paraan ng pagkakasulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahin tulad ng sa
orihinal.

 Johann Wolfgang Von Goethe- Nagsulat ng William Meister. Isang Alemang


manunulat. Isa siya sa pinakadakila sa lahat ng mga manunulat na Aleman. Isa siyang
makata, nobelista at mandudula, subalit isa rin siyang actor, tagapangasiwa,
siyentipiko, heologo, botaniko at pilosopo. Nagkaroon siya ng napakahalagang impluho
sa maraming mga manunulat at tagapag-isip noong ika-19 daang taon at maging sa
pangkasalukuyang panahon.
 Makasaysayan ang nasabing akda sapagkat ito ang nagpapatunay sa mga
mambabasang Ingles na mayroon din namang mga henyong manunulat sa Alemanya
nang mga panahong iyon.

 August Wilhelm Von Schlegel-Siya ay nagsalin ng mga gawa ni Shakespeare sa


wikang Aleman.

Sa kasalukuyan, lahat halos ng bansa sa daigdig ay patuloy sa lansakang pagsasalin sa kani-


kanilang wika ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa layuning
maihatid sa higit na nakararaming bahagi ng mambabasa ang mga pagsasalin at ang
pagsasalin ng mga pyesa ng literature na nagtataglay ng mga bagong kaalaman at
karunungang buhat sa ibang bansa na karaniwan ay sa higit na maunlad na wika na susulat
na tulad ng wikang Ingles.

MGA PAGSASALIN SA BIBLIYA

 Ayon kay Savory, mayroong dalawang kadahilanan kung bakit hindi maiiwasang
mabanggit ang pagsasalin ng Bibliya.
 Una, sapagkat ang paksa sa Bibliya, lalo na sa Matandang Tipan, ay tumatalakay sa
tao- sa kanyang pinagmulan, sa kanyang layunin at sa kanyang destinasyon.
 Ikalawa, kung bakit naiiba ang Bibliya sa karaniwan sa larangan ng pagsasaling-wika
ay ang di mapasusubaling kataasan ng uri ng pagkakasulat nito.

Ang Bibliyang kinagisnan natin sa kahit na anong wikang nasusulat, ay isang salin. Ang
orihinal na manuskripto o teksto nito ay sinasabing wala na.

 Wikang Aramiac – sa wikang ito nasusulat ang kauna-unahang teksto ng Matandang


Tipan. Naging laganap ito noong unang siglo. A.D.

 Origen – nagsalin sa wikang Griyego noong ikatlong siglo ng Bibliya na nakilala sa


tawag na Septuagint.

 Jerome-Isa sa iilan-ilang kinikilalang pinakamahusay na tagasaling-wika sa Bibiliya


noong kanyang kapanahunan.Tinatawag naman Vulgate ang salin nito s Latin.

Ayon kay Savory, mayroong tatlong pinakadakilang salin sa Bibliya.

1. Ang kay Jerome sa Latin.

21
2. Ang kay Luther sa Aleman.
3. Ang kay Haring James sa Ingles ng Inglatera na tinawag na Authorized Version.

 John Wycliffe-Sinasabing sa kanya nagmula ang kauna-unahang salin sa Ingles ng


Bibliya, ayon kay Savory noong ikalabing-apat na siglo.

Nagkaroon ito ng Dalawang Edisyon:

 Una,noong 1382
 Pangalawa, noong 1390

KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS

Panahon ng Kastila

 Ito ang panahon na nagsimulang magka anyo ang pagsasaling-wika sa Pilipinas


kaugnay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

 Subalit gaya ng nasasaad sa kasaysayan, naging urong-sulong ang sistemang


pagpapalaganap ng Wikang Kastila sapagkat hindi naging konsistent ang Pamahalaang
Espanya sa pagtuturo ng Wikang Kastila sa mga Indios na kanilang nasakop.

Katutubong Wika- Ang ginamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Panahon ng Amerikano

 Nang pumalit ang Amerika sa Espanya bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin
ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika.
 Ang naging pangunahing kasangkapan na pananakop noong panahon ng Kastila ay
Krus o relihiyon; noong panahon naman ng Amerikano ay aklat at edukasyon sa
pamamagitan ng Wikang Ingles.
 Nagtuloy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga pyesang orihinal na nasusulat sa Wikang
Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa Wikang Pambansa na nasusulat sa Ingles.

Paglinang at Pagpapaunlad sa Patakarang Bilingwal

 Ito ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa


Ingles tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay sa
pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating sistemang edukasyon.
 Kaugnay ng nasabing kautusan, mas marami ang kursong ituturo sa Filipino kaysa
Ingles.

Pagsasalin ng mga Akda at Tekstong di-Tagalog

 Sa panahong ito, isinalin ang mga katutbong panitikang di-Tagalog. Kailangang-


kailangan na isagawa ang ganito kung talagang hangad nating makabuo ng panitikang
talagang matatawag na “pambansa.”

References
Mga Aklat:

Guamen, Pructuosa C. et, al. (1986). Tanging Gamit ng Filipino. Rex Bookstore: Manila.

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

22
Santiago, Alfonso O. (2003). Sining ng Pagsasaling-Wika sa Filipino Mula sa Ingles. Ikatlong
Edisyon. Rex Bookstore: Metro Manila.

Elektronikong Sanggunian:

https://newchristianbiblestudy.org/bible/tagalog-1905/1-chronicles/29/29

Bonto, Maritess B. (2013).http://www.scribd.com/presentation/345485973/Simulain-Sa-


Pagsasalin
http://www.slideshare.net/mobile/kazekage15/p
http://prezi.com/m/pj-ytg5vcwwB/mga-simulain-sa-pagsasaling-wika/
http://academia.edu/3536443/ILANG-BATAYANG-KONSEPTO-AT-KAALAMAN-SA-
FILIPINO-AT-PAGSASALING-WIKA
http://www.slideshare.net/mobile/michaelsaudan1/paghahambing-ng-pagsasaling-
inglesfilipino-alinsunod-sa-simulain-at-batayan

Topic Title Mga Simulain sa Pagsasaling-Wika

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa mga Simulain sa


pagsasaling-wika.
2. Naipapaliwanag ang halaga ng pagsasalin at kung paano ito nagagamit sa
aktwal na karanasan.
3. Nabibigyang kahulugan ang pagsasaling wika batay sa sariling kaalaman.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

ILANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN HINGGIL SA WIKA KAPAG NAGSASALING-WIKA

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.


2. Bawat wika ay may kani-kaniyang natatanging kakanyahan.
3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay kailangang maunawaan at
tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na gagamit nito.
4. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng
bayan.

23
5. Ang mga daglat, akronim, gayundin ang mga pormula, na masasabing unibersal na ang
gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa
Filipino.
6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang maaaring ipanumbas sa isang katawagang
isinasalin, na ang lahat naman ay pawing tatanggapin ng gagamit sa salin, gamitin ang
alinman sa tinatanggap na katumbas at pagkatapos ay ilagay sa talababa ang iba
bilang mga kahulugan.
7. Sa pagsasalin, lagging isaisip ang pagtitipid ng mga salita.
8. Kung walang maitumbas na salita sa isang salitang isinasalin, o kaya’y walang
eksaktong katumbas na maibigay, maaaring gawin ang alinman sa mga sumusunod:
a. hiramin ang salitang isinasalin at baybayin ito nang ayon sa ating
palabaybayan,
b. alamin ang sinonimo o kakahulugan ng salita at baka sakaling mas madaling
tumbasan ang isa sa mga iyon,
c. alamin ang katumbas na salita sa Kastila at baka higit na madali itong hiramin,
d. alamin kung may katumbas na salita sa alinman sa mga principal na wikang
katutubo at siyang hiramin,
e. lumikha.
9. Kung magkakaroon ng ibang pakahulugan sa itutumbas na salita, humanap ng ibang
maaaring ipalit dito.
10. Hangga’t magagawa ay iwasan ang paggamit ng panumbas na may kaanyo sa ibang
wika sa Pilipinas ngunit hindi kakahulugan (homonimo).
11. Kung may kahirapang isalin ang pamagat, isalin ito pagkatapos maisalin ang buong
teksto ng materyales na isasalin.
12. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito’y maging bahagi
ng pangungusap.
13. May mga pagkakataon na ang isang kaisipan na ipinahahayag nang tahasan sa Ingles
ay kailangang gamitan ng eupimismong salita sa Filipino upang hindi maging pangit sa
pandinig.
14. Ang kawalan ng lubos na tiwala sa likas na kakayahan ng wikang pinagsasalinan ay
nauuwi sa panggagaya o panghihiram hindi lang ng mga salita kundi pati mga idyoma,
katutubong paraan ng pagpapahayag, balangkas ng pangungusap sa wikang isinasalin.
15. Sapagkat hindi pa istandardisado ang wikang Filipino, sikaping ang mga salitang
gagamitin sa salin ay yaong mga salitang mauunawaan at tatanggapin ng higit na
nakararami.
16. Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang wikang kasalukuyang sinasalita ng bayan kaysa
wikang nakasulat.
17. Sa pagpili ng mga salita, isiping lagi kung alin ang sa palagay ng tagapagsalin ang higit
na gamitin.
18. Isaalang-alang ang kaisahan sa porma ng mga salitang hinihiram sa ibang wika.
19. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay hindi kailangang ilipat sa
pinagsasalinang wika.

KAHULUGAN AT PAGPAPAKAHULUGAN NG PAGSASALIN

 Paglalahad ng orihinal na ideya sa katumbas na wika.

24
 Paglilipat wika ng konsepto at paraan ng pagpapahayag mula sa orihinal na wika.
 Sining ng matapat na pagbibigay kahulugan at pakahulugan ng isinasaad sa ibang
wika mula sa orihinal na wika.
 Paglalahad ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal na kahulugan ng
mensahe mula sa orihinal na wika patungong paglilipat ng wika.
 Pagtutumbas ng estilo at paraan ng pagpapahayag ng mensahe ng orihinal na
piyesa patungong ibang wika.

ANTAS NG PAGSASALING WIKA

1. KARANIWANG SALIN- gumagamit ng mga pangungusap na madaling maunawaan ng


karaniwang mambabasa.
2. PAMPANITIKAN- mataas na uri ng pagsasaling-wika na nagpapahalaga sa timbang na
bigat ng impormasyon at estilo ng pagkakasulat.
3. IDYOMATIKO- nagpapahalaga sa pragmatiks at simbolong kultural sa pagpili ng mga
itutumbas na salita.
4. TEKNIKAL AT PANG-AGHAM- nakapokus sa ugnayan ng impormasyong pang-agham
at epekto nito sa institusyong panlipunan.
5. MALIKHAING PAGSASALIN- pagpapahalaga sa bagong kaisipan, estilo o paraan ng
paglikha ng sining.
6. MAPANURING PAGSASALIN- nakatutok sa pagpapakahulugan kaysa sa pagtutumbas
lamang ng mga salin.

KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN

 Sa pagdating ng mga Kastila, mahalaga ang pagsasalin sa dalawang layunin -1) ang
pananakop at 2) ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
 Makikita rin ang kahalagahan ng pagsasalin sa ugnayang pangkomersyo sa dalawa o
higit pang bansa, sa pagpapairal ng kapangyarihan at kamulatang panrelihiyon.
 May malaking bahaging ginagampanan ang pagsasalin sa paglilipat ng kultura’t
kaalaman sa buong mundo.
 Mahalaga din ang pagsasalin upang madaling maunawaan, matutunan at sa gayon ay
mapakinabangan ng masang Pilipino ang mga bagong teknolohiya mula sa mga
dayuhan.
 Hindi rin dapat kaligtaan ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagsulong o pagyabong ng
wikang pambansa o sa intelektwalisasyon nito.

KATANGIAN NG TAGASALIN

(Ayon kay Nida at Savory)

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin;


2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin;
3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

25
References
Mga Aklat:

Guamen, Pructuosa C. et, al. (1986). Tanging Gamit ng Filipino. Rex Bookstore: Manila.

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Santiago, Alfonso O. (2003). Sining ng Pagsasaling-Wika sa Filipino Mula sa Ingles. Ikatlong


Edisyon. Rex Bookstore: Metro Manila.

Elektronikong Sanggunian:

Bonto, Maritess B. (2013).http://www.scribd.com/presentation/345485973/Simulain-Sa-


Pagsasalin
http://www.slideshare.net/mobile/kazekage15/p
http://prezi.com/m/pj-ytg5vcwwB/mga-simulain-sa-pagsasaling-wika/
http://academia.edu/3536443/ILANG-BATAYANG-KONSEPTO-AT-KAALAMAN-SA-
FILIPINO-AT-PAGSASALING-WIKA
http://www.slideshare.net/mobile/michaelsaudan1/paghahambing-ng-pagsasaling-
inglesfilipino-alinsunod-sa-simulain-at-batayan

Topic Title Mga Paraan ng Pagsasalin

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nababatid ang iba’t ibang paalala sa pagbabaybay kapag nagsasaling-wika.


2. Natutukoy ang mga teorya at paraan ng pagsasalin.
3. Nabibigyang halaga ang paghahanda sa pagsasaling-wika.
4. Nakagagawa ng aktwal na pagsasalin ng mga Facebook Memes.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

MGA PAALALA SA PAGBABAYBAY KAPAG NAGSASALING-WIKA

Pagbabaybay ng mga salitang may pag-uulit o reduplikasyon

Mga salitang may panlaping maka- at naka- na nagkakaroon ng pag-uulit batay sa tradisyon,
ang unang pantig ng salitang-ugat at hindi ang ikalawang pantig ng unlaping maka- o naka-
ang inuulit sa pagbuo ng pandiwa sa aspektong kontemplatibo o progresibo (sa kaso ng maka-)
o pang-uri (sa kaso ng naka-). Kapansin-pansin na malaganap na rin ngayon ang pag-uulit ng
ikalawang pantig ng unlapi o ng –ka-.

Pag-uulit ng unang pantig kang Pag-uulit ng -kang


Salitang ugat

makauunawa makakaunawa
makagagaling makagagaling
nakaiinis nakakainis
nakauunawa nakakaunawa
nakaaalis 26 nakakaalis
Maaaring gamitin ang alinman sa dalawang paraan. Piliin ang angkop na paraan ayon sa
pangangailangan. Halimbawa, sa mga akdang pampanitikan, maaaring gamitin ang dalawang
paraan para lumikha ng magkaibang antas ng wika- kumbersasyonal at pampanitikan.

Para sa ilan, naging katanggap-tanggap din ang pag-uulit ng –ka- dahil konsistent ito
sa pagbaybay ng mga salitang hiram na nilalaian ng maka- o naka- at nagkakaroon ng pag-
uulit tulad sa makaka-strike (sa bowling).

Mga salitang hiram na may pangunahing kambal katinig.

Kapag kasama sa pag-uulit ang pantig na nagsisimula sa kambal katinig, karaniwang


tinatanggal ang ikalawang katinig sa unang bahagi ng reduplikasyon.

magba-brown out (sa halip na magbra-brown out)


magbo-blow out (sa halip na magblo-blow out)
magdidribol (sa halip na nagdridribol)
magtatraysikel (sa halip na magtratraysikel)
maggogroseri (sa halip na maggrogroseri)

Pansinin na sa mga kasong pinananatili sa orihinal ang baybay ng salitang-ugat.


karaniwang binabaybay sa Filipino ang panlapi at ginagamitan ng gitling. Kung ang dalawang
katinig ay digrapo o dalawang katinig na may iisang tunog lamang, karaniwang inuulit ang
digrapo at unang patinig ot unog sa Filipino ng unang patinig sa pagbigkas ng salitang-ugat.

magsha-shampoo (sa halip na magsa-shampoo)


magsha-shopping (sa halip na magsa-shapping)
magtsitsismis (sa halip na magtitsismis)
magtsetsek (sa halip na magtetsek)
magtsotsokolate (sa halip na magtotsokolate)

Sa pagbaybay ng iba pang pangkat ng katinig (higit sa dalawa) na dumaraan sa pag-


uulit, karaniwang inuulit ang tunog ng unang katinig at unang patinig ng unang pantig na
maririnig sa pagbigkas ng salitang-ugat.

magki-crystalize
magda-dry cleaning

Sa pagbaybay ng kambal na katinig nagsisimula sa s at dumaraan sa pag-uulit,


karaniwang inuulit ang tunog ng unang patinig sa pagbigkas ng salitang-ugat.

mag-i-scan mag-i-snow
mag-i-split mag-iiskedyul
mag-i-spray mag-islow motion

Pagbaybay ng mga salitang inuulit

Pinanatili ang ispeling ng salitag-ugat kapag ito’y inuulit at nilalagyan ng gitning (-).

sari-sari (sa halip na sariari)


kanbit-kabit (sa halip na kabitkabit)
bitbit-bitbit (sa halip na bitbitbitbit)
dala-dala 27 (sa halip na daladala)
Pagbaybay ng mga pinagtambal na salita

Sa mga pinagtambal na salita, ang pagbaybay na may gitling ang mas tinatanggap
kaysa ang pagbaybay nang may asimilasyon, upang makita ang pinagmulang anyo ng mga
salita.

kathang-buhay (var. kathambuhay)


kataling-puso (var. katalimpuso)
bagong-buhay (var. bagumbuhay)
lamang-dagat (var. lamandagat)

Gayonpaman, may mga slaitang higit na lumaganap ang baybay nang may
asimilasyontulad ng salitang taumbayan, talambuhay, sawimpalad, at bukambibig.

May mga pinagtambal na salita na hindi talaga nilalagyan ng gitling. Nangyari ito kapag
nawawala na ang kahulugan ng bawat salitang-ugat sa pagtatambal tulad sa mga salitang
bahaghari, salimpusa at dalagambukid (isda).

PAGBAYBAY NG MGA GAMITING PARIRALA

Pinagdugtong na mga salita o Closed Compound

May mga pariralang binubuo ng dalawa o tatlong salita na pinagdugtong na at


tinanggap na sa paglipas ng panahon.

gayunman < gayon man


gayumpaman < gayon pa man
sinuman < sino man
bagman < baga man
kumbaga < kung baga

Gayonpaman, ginagamit parin ang anyong lalo na sa halip na laluna.

Pinagsamang salita o compound na may at na walang kudlit

May mga pariralang binubuo ng isang salita at na pinagdurugtong na nang hindi na


ginagamitan ng kudlit.

subalit (sa halip na subali’t)


ngunit (sa halip na nguni’t)
sapagkat (sa halip na sapagka’t)
datapwat (sa halip na datampuwa’t)

Pinagsamang salita o compound na may at na may kudlit

May mga parirala ring binubuong isang salita at at na pinagdurugtong at ginagamitan


parin ng kudlit. ginagamit at nakatayo nang mag-isa ang mga salitang idinudugtong sa at,
kaya’t gumagamit pa rin ng kudlit kapag idinudugtong ang at.

bagama’t (sa halip na bagamat)


sakali’t (sa halip na sakalit
28
kaya’t (sa halip na kayat)
PAGSASALIN: PAANO NGA BA?

Sa kabanatang ito inilalahad at tinatalakay ang iba’t ibang simulain teorya sa


pagsasaling wika at prosesong nagaganap sa gawaing ito. Tinalakay din sa kabanatang ito ang
iba’t ibang paraan sa pagsasalin. May mga simulain at prosesong inilahad ditto na masaabing
nagsasalungatan sa bawat isa dahil ayon pa ng kay Santiago (1994) “halos imposibleng
magbigay ng isang simulain sa pagsasaling wika na hindi sasalungatin ng iba”.

Layunin lamang ng kabanatang ito na mailahad ang mga ito at hayaan ang mambabasa
o mag-aaral na piliin ang simulain, teorya o prosesong nais niyang sundin.

Idinagdag sa kabanatang ito ang naging karanasan ng KWF sa larangan ng pagsasaling


wika. Malaki ang maitutulong nito lalo sa mga baguhang tagasalin sapagkat maaari nila itong
maging gabay sa kanilang pagsasalin.

TEORYA SA PAGSASALIN

Si Theodore Savory ay may itinalang mga nagsasalungatang teorya sa pagsasalin sa


kanyang aklat na The Art of Translation (1968).

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. A translation must give the words of the original.


2. A translation must give the ideas of the original.
3. A translation should read like an original work.
4. A translation should read like a translation.
5. A translation should reflect the style of the original.
6. A translation should possess the style of the original.
7. A translation should read as a contemporary of the original.
8. A translation should read as contemporary of the translator.
9. A translator may add to or omit from the original.
10. A translation may ever add or omit from the original.

Sa unang teorya, ibinibigay lamang ng salin ay ang katumbas na salita ng isinasaling


Salita. Word for word o literal ang kinalabasan ng salin. Dahil ditto, ang kahulugan ng
isinasalin ay hindi nailipat sa wikang pinagsasalinan.
Upang maunawaan ito, tingnan natin bilang halimbawa ang isang kontemporaryong
awiting banyaga at ang salin nito sa Filipino. Ang awitin ay pinamagatang “Two Become One”.
Ang nagsalin ay isang artistang komedyante na kilala sa showbusiness, si Michael V. Narito
ang orihinal at ang salin nito:

TWO BECOME ONE DALAWA’Y NAG-IISA


Spice Girls Salin ni Michael V.

Candle light and soul forever Panaginip na ikaw at ako’y magkasama


A dream of you and me together Ika’y maniniwala. Ika’y maniniwala
Come a little bit closer, baby Lumapit-lapit nang konti sanggol
Get it on, get it on Sige na, sige na
I need some love Kailangan ko’y pag-ibig
Like I never needed love before Na parang di ko kailangan noon
29
TWO BECOME ONE Igagawa ka ng pag-ibig, sanggol
Spice Girls Pakawalan ang espiritu
Yan lang ang tanging paraan
Wanna make love to you, baby Tangang larong nilalaro mo
Set your spirit free Salitang walang binabanggit natin
It’s the only way to be Magpapawis tayo, totoy
Silly games that you were playing Magpapawis tayo, totoy
Empty words that we both been Lahat n gating mapagkasunduan
saying Totoy at nene, masarap magsama
Let’s work it out boy Kunin o iwan mo, kunin o iwan mo
Any deal that we endeavour Kasinggaling ka ba ng naaalala ko,
Let’s work it out boy, sanggol
Boys and girls look good together Tara na, tara na
Take it or leave it, take it or leave it Mag-isip-isop ng konti sanggol
Are you as good as I remember, Isuot mo, isuot mo
Babe Yan lang ang tanging paraan. . .
Get it on, get it on
Be a little wiser, baby
Put it on, put it on
It’s the only way to be

Makikita natin na rikto ay sumunod ang nagsalin sa teorya 1. Nagsasabing dapat ibigay ng
salin ang mga salita sa orihinal kaya naman hindi nito naibigay ang ideya na orihinal na siua
naman sinasabi ng teorya 2. Hindi ba’t naging katawa-tawa ang salin lalo na ang katumbasan
ng salitang sanggol ang baby.Alalahaning ang nagsalin ay isang komedyante kaya marahil
ganito ang ginawa niyang salin. Sinadya marahil ito sapagkat ang layunin niya ay patawanin
ang mga manonood.
Ang isinasaalang-alang naman sa pangatlo at pang-apat na teorya ay ang kalalabasang
tunog ng pagkakasalin- kung tunog orihinal o tunog-salin. Sinasabing tunog-orihinal ang salin
kung natural ang daloy nito sa kapag binasa. Natural ang daloy ng salin kung ang lumilitaw
na estruktura ng mga parirala at pangungusap ay ang estruktura ng wikang pinagsasalinan.
Ang karaniwan at natural na ayos ng pangungusap sa Filipino ay panaguri-simuno. Dahil
nauuna ang panaguri kaysa sa simuno, walang salitang ay ang mga pangungusap na nasa
ganitong ayos.

Halimbawa:
Kilala sa pagiging magalang at matulungin ang mga Pilipino.
Kaysa:
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging magalang at matulungin.

Ang naging tunog-salin naman ang isang salin kapag literal ang pagkakasalin at kapag
estruktura ng isinalijng wika ang sinunod. Halimbawa nito ay ang ibinigay na salin ni Michael
V. na matutunghayan sa naunang pahina.
Mapupunan na rito sa pangatlo at pang-apat na teorya ay may kinalaman ang mga
kakanyahan at katangian ng mga wika at paggamit sa mga ito,.
Ang panlima at pang-anim na teorya ay may kinalaman sa estilong dapat na lumitaw sa
salin- kung estilo ng awtor ng orihina o estilo ng tagasalin/ transleytor. Upang maunawaan ito,
narito ang mga halimbawang ibinibigay ni Santiago (1994) na nagpapaliwanag sa paksang ito:
“kung ang awtor ng piyesang isasalin ay mahilig sa “choppy sentences” na baguhin ang estilo
ng awtor at ipalit ang kanyang estilo? Kung ang awtor mg isang kuwento ay mahilig sa
pagbibigay ng mga pahiwatig sa halip na mga tahas ba pangungusap, may karapatan ba ang
magsasalin ng kanyang kuwento na baguhin ang mga pahiwatig at palitan ng mga tahas na

30
pahayag? O kaya, kung ang awtor ba ay gumagamit ng mga tayutay sa kanyang tula, may
karapatan ba ang magsasalin na palitan ng hindi tayutay ang mga ito na gayon din ang
kahulugan?”
Ang pampito t pangwalong teorya ay tungkol sa panahong kinapapalooban ng orihinal
na tekstong isinalin. Dapat bang baguhin ng tagasalin ang himig ng panahon ng orihinal na
teksto at iakma sa panahon niya bilang tagasalin o dapat bang panatilihin ang himig ng
panahon ng okrihinal na teksto. Tandaang bawat panahon ay may sumusulpot na estilo ng
pagsusulat/ wika na masasalamin sa mga nasusulat/akda. Si Santiago ay may sagot sa
tanong na ito. Ayon sa kanya, “Anopa’t sa isyu tungkol sa “panahon”, ang sagot marahil ay
depende sa urji ng babasahin at kung anong “panahon” ang higit na maiibigan ng
mambabasang pinag-ukulan ng tagasalin ng kanyang salin”.
Nag katanungang pumasok sa isip ay kung maaari ba o hindi maaaring dagdagan o
bawasan ang nilalaman ng orihinal. Binggit ni Santiago nag ganito: “Tungkol sa bagay na ito,
binanggit ni Savory si Lord Woodhouselee, isang kilalang pilosopo at manunulat, na nagsabi
diumano na di dapat bawasan, dagdagan, o palitan ng tagasalin ang anumang ideya sa
kanyang isinalin sapagkat ang gayon ay hindi magiging makatarungan sa awtor.”
Gayonpaman, ipinapayo ni Santiago na kung sa palagay ng nagsasalin ay may dapat ng
palitan, kailangang hingin niya ang pahintulot ng awtor.

MGA PARAAN NG PAGSASALIN


1. Word-for-word- Ang kaayusan ng Simulaang Lenguwahe ay pinananatili at ang
mga salita ay isinalin sa kanyang pinakapangkaraniwang kahulugan. Maaaring
gawing prosesong pre-translation upang ganap na maunawaan ang may kahirapang
unawaing pahayag.
Halimbawa:
“Flowers are love’s truest language”
Salin: Mga bulaklak ay sa pag-ibig pinakatunay wika.

2. Literal- Ang kayariang gramatikal ng Simulaang Lengguwahe ay isinalin sa


kanilang pinakamalapit na katumbas sa Tunguhang Lengguwahe. Isinalin din ang
mga salita nang labas sa konteksto. Bilang proseso sa pre-translation, ipinakikita
nito ang mga suliraning lulutasin.
Halimbawa:
“Flowers are love’s truest language”
Salin: Ang mga bulaklak ay sa pag-ibig pinakatnay wika.

3. Matapat- (Faithful) Ang matapat na pagsasalin ay nagtatangkang makagawa ng


eksaktong kahulugang kontekstuwal ng orihinal sa loob ng mga kayariang
gramatikal ng Tugnuhang Lengguwahe.
Halimbawa:
“Flowers are love’s truest language.”
Salin: Ang pagbibigay ng bulaklak ay pinakatunay na pagpapahayag ng
pagmamahal.

Dagdag Pang mga Paraan


1. Tranference (Adapsyon) – ang ibang katumbas nito ay adoption, transcription o loan
words sa (salitang hiram) na ang ibig sabihin ay ang paglilipat o panghihiram ng mga
kultural na salita mula sa PW patungo sa TW nang walang pagbabago sa ispeling.
Mahalaga ito lalo na sa mga salitang pekulyar o tanging sa kultural lamang ng Pw
makikita o ginagamit.
Italian: pizza Filipino: pizza

31
English: cake Filipino: cake

2. One-To-One Translation(Isahang pagtutumbas) – o literal na salin may isa-sa-isnag


pagtutumbasan ng salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay, o
pangungusap. Ipinalalagay na kapag humahaba ang yunit ay mas hindi angkop ang
pamamaraang ito.
French: un beau jardin
English: a beautiful garden
Filipino: isang magandang hardin

3. Naturalisation(Naturalisasyon) – May pagkakahawig sa transference ngunit ditto ay


inaadap muna ang normal na pagbibigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya sa
target na wika. Sa madaling salita. Inaayon sa ortograpiya ng TW.
Coup d’etat – kudeta
Xerox – seroks
Birthday- bertday

4. Lexical Synonumy (Leksikal na Sinonim)- pagsasalin na ibinibigay ang malalpit na


katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng pinagmulang wika.
’old’house – ‘lumang’ bahay
‘old’man- matandang’ lalaki

5. Transposition(Transposisyon) – tinatawag ding shift na ang ibig sabihin ay ang pagkakaroon ng


pagbabago sa gramatika ng pinagmulang wika kapag isinalin sa target na wika.
Stone mill – gilingang-bato (nagpalit ng posisyon)
p.uri+p. guri+p.uri ang mga salita

The baby/cried=umiyak/ ang sanggol.


Paksa +p.uri = p. guri +paksa
(naiba ang ayos ng pangungusap)

6. Modulation (Modulasyon) – pagsasalin na may pag-iiba ng punto de bista o pananaw


sa pagbibigay-kahulugan sa iba’t ibang konteksto.
Reinforcement – karadagang lakas (military)
-paubaya o reward (edukasyon)
-pagpapatupad (batas)

7. Cultural Equivalent (Kultural na katumbas) – ito ang malapit o halos wastong salin
(approximate translation), na kung saan ang isang kultural na salita sa TW ay isinalin
sa katimbang ding kultural na salita sa TW.
American: coffee break
English: tea break
Filipino: merienda

References

Mga Aklat:

Guamen, Pructuosa C. et, al. (1986). Tanging Gamit ng Filipino. Rex Bookstore: Manila.

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Santiago, Alfonso O. (2003). Sining ng Pagsasaling-Wika sa Filipino Mula sa Ingles. Ikatlong


Edisyon. Rex Bookstore: Metro Manila.

32
Elektronikong Sanggunian:

Bonto, Maritess B. (2013).http://www.scribd.com/presentation/345485973/Simulain-Sa-


Pagsasalin
http://www.slideshare.net/mobile/kazekage15/p
http://prezi.com/m/pj-ytg5vcwwB/mga-simulain-sa-pagsasaling-wika/
http://academia.edu/3536443/ILANG-BATAYANG-KONSEPTO-AT-KAALAMAN-SA-
FILIPINO-AT-PAGSASALING-WIKA
http://www.slideshare.net/mobile/michaelsaudan1/paghahambing-ng-pagsasaling-
inglesfilipino-alinsunod-sa-simulain-at-batayan

Yunit 3
Komunikasyong Online
Topic Title Ang Internet

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapagpapaliwanag sa pangkalahatang kalagayan ng internet sa Pilipinas.


2. Nababatid ang iba’t ibang gamit ng internet sa iba’t ibang uri ng larang.
3. Nakagagawa ng posibleng solusyon batay sa natalakay na kalagayan ng internet sa
Pilipinas.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

Ang Filipino sa Komunikasyong Online

Introduksyon

Sa kasaysayan ng sibilisasyon at kultura ng tao, ang tuklas o umbento ang siyang


nagdudulot ng malaking pagbabago rito. Mahalaga sa mga taong matuklasan ang paraan kung
paanong nag isang Gawain ay magagawa nang higit na mabilis, magaan at epektibo. Bawat
espisyenteng tuklas ay nag-uunsad sa tao sa panibagong lebel ng kanyang pamumuhay.
Teknolohiya ang kaagapay na disiplina ng pangyayaring ito upang praktikal na
maisakatuparan ang mga tuklas ng tao. Dahil ditto, kapiling nan g sibilisasyon ang
teknolohiya mula pa nang maisip ng tao ang una niyang tuklas.

Pangunahing nakikinabang sa teknolohiya ang komunikasyon. Kung paanong nag


komunikasyon ay kakambal ng tao sa kanyang buhay, iginugugol ng tao ang malaking bahagi
ng kanyang pag-iisip kung paanong mapadadali ang kanyang pakikipagtalastasan sa kapwa sa

33
kabila ng maraming limitasyon dulo’t ng iba’t ibang sitwasyon. Isang balakid sa komunikasyon
ng tao halimbawa ay distansya, dahildito, maraming nagging transportasyon ang teknolohiya
upang malampasan o maigpawan ang naturang balakid. Ang paggamit ng tambol at
pagpapausok noong unang panahon halimbawa ay tuklas ng tao upang makapagpadala ng
mensahe sa malayo, bagama’t naipadala naipadala kahit malayo ay limitadong mensahe
lamang ang naipapadala at madali pang mapagkamalian. Hanggang sa magkaroon ng
transportasyon , nagging mas malayo ang narrating ng komunikasyon ngunit panahon naman
ang problema. Bago paman makarating ang mensahe ay maaaring maraming pangyayari ang
naganap at huli na upang tugunan ang katatanggap pa lamang na impormasyon. Sa kabila ng
mga di ganap na pagtatagumpay o di pa naaabot ang ganap na kasiyahan, hindi tumitigil ang
tao sa pagtuklas.

Ang mga pangyayari sa tinatawag na telecommunication revolution ay nagdulot ng


malaking impak sa teknolohiya ng komunikasyon lalo na nang maipakilala ang telegraph
noong dekada ’40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang pagsulong ng Morse Code noong 1844
(SearchModifiedCommunication n.d.). Bagama’t hindi nagging praktikal sa pangkaraniwang
pamumuhay ng tao ang ganitong sistema, ang tuklas na ito ang nagbunsod sa iba’t ibang
modipikasyon at pagbabago ng teknolohiya ng komunikasyon. Taong 1875 nang maimbento ni
Alexander Graham Bell ang telepono, 1960 nang magkaroon ng telecommunication satellite na
isang ballon, sunod-sunod na ang nagging hakbang ng teknolohiya hangang sa
makapagpalagay ng unang satellite sa kalawakan, ang Telstar, na nagging dahilan upang
maging possible ang komunikasyon ng tao sa bawat panig ng mundo (Harasim 1993, 5).

Internet

Taong 1969 nang nilikha ng Department of Defense ng gobyerno ng Amerika ang


ARPAnet, isang sistema ng komunikasyon na ginamit ayon sa kanilang pangangailangan
upang maging possible ang palitan ng komunikasyon mula sa iba’t ibang panig ng lugar )
Harasim 1993, 5). Hindi naglaon ay ginamit na rin ito ng iba’t ibang unibersidad at institusyon
taglay ang modipikasyon para naman sa pangangailangan sa pananaliksik. Hindi nga
nagtagal, matapos ang ilan pang modipikasyon ng sitema ay umusbong ang internet. Ang
teknolohiyang ito ay lumaganap at lumago sa isang kamangha-manghang bilis (Maciuba 2002,
13). Isa sa bunga ng teknolohiya ang internet. Ayon sa mga pag-aaral ng UCLA (University of
California, Los Angeles) Internet Report, kinakatawan ng internet ang pinakamakabuluhang
hakbang ng pagsulong ng teknolohiya sa henerasyong ito (Col et al. 2000, 19). Naging mabilis
at dinamiko ang mga pagbabagong nagaganap ditto sa pagtugon sa masalimuot at masiglang
pangangailangan ng tao sa pang-araw-araw na buhay. Ang internet ay network na tinatawag.
Ang prosesong pagsalin-salin ng mga datos sa pamamagitan ng teknolohiya ng kompyuter
(makina) at network (sistema), ay naganap sa tinatawag na internet.

Ayon kay Dr. Jaime Caro (2007) ng UP ITTC (Information Technology Training Center),
lumiit ang mundo ngayon dahil sa internet. Ilang mga gawain sa kasalukuyan ay dulot ng
internet, halimbawa, ang mga taong dating pinahihiwalay ng malalayong agwat ng sitwasyong
heograpikal ay maaari nang mag-usap sa paraang tila magkaharap lamang, madalung
makakuha ng impormasyong nais sa pamamagitan ng ilang pindot ng mouse at tipa sa
keyboard, nakakaiwas sa mahaba at mabagal na pila sa mga bangko upang gumawa ng
transaksyon, maging sa pagbili ng tikt sa eroplano at barko ay hindi nakailangan pang
lumabas ng bahay, maaari ng bumili o magshopping ng mga damit sa pamamagitan ng mga
online shop at maaaring mag-ulat ang isang empleyado sa kanyang superior kahit wala siya sa
opisina. Nagging bahagi ng buhay ng maraming tao ang internet. Maging sa sosyal,
intelektwal, ekonomiko at propesyunal na aspekto ng buhay ay impluwensiyado nito. Sinasabi
nga, ang internet ay isang komunidad, isang sosyo-teknikal na sistema ng komunidad na nag
mga miyembro ay pinag-uugnay ng teknolohiya (Walls 1993, 155). Isa itong di-pisikal na lugar
kung saan nagkakaroon ng ugnayan ang mga tao sa iba’t iba at kakaibang paraan. Isa itong
global na midyum ng komunikasyon.

Paanong nagkakaroon ng kabuluhan ang internet sa tao? Tatlong kategorya ang gamit
ng internet sa tao ang itinukoy ni December (1996), ang komunikasyon, Interaksyon at
impormasyon.

Komunikasyon

34
Daang milyong tao ang pinag-uugnay-ugnay ng internet. Mula nang tila kabuteng
naglitawan ang kompyuter hindi lang sa malalaking establisyimento kundi maging sa mga
bahay-bahay at naging madali ang pagkuha ng akses sa internet, lumalawak at lumalaki ang
nasasakop ng internet. Noon ay naging possible ang pakikipagkaibigan sa taga-ibang bansa sa
pamamagitan ng sulat, penpal ang tawag sa kasulatan sa ibang bansa. Matagal ang palitan ng
sagot na minsang inaabot ng ilang buwan depende sa layo o bilis ng serbisyo ng koreo.
Limitado ang bilang ng maaaring makasulatan dahil na rin sa kamahalan nito. Ngunit
ngayon, ang pakikipagkaibigan saan mang panig ng mundo na nararating ng internet ay
posibleng-posible sa isang mabilis at maginhawang paraan. Maaari ring kulangin ang daliri sa
pagbibilang ng posibleng maging kaibigan.

Ang isang kapamilyang inilayo ng pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi narin gaanong
magkakaproblema sa homesick sa tulong ng internet. Posible anng marinig at makita ang
pamilyang naiwan dahil sa bagong teknolohiyang ito. Sa ganitong paraang ay naiiwasan ang
pagbabantay ng minute at Segundo sa bawat long distance na tawag at mas marami ang
pwedeng mapag-usapan. Ilan lamang ang mga nabanggit na halimbawa ng komunikasyon
bilang isang pangunahing gamit ng internet sa tao.

Interaksyon

Maraming nagugumon sa internet dahil sa interaksyong idinudulot nito sa ginagamit.


Ang paglalaro ng tinatawag na online games ang karaniwang kinalolokohan lalo nan g mga
bata at kabataan. Ang interkasyon ay maaari sa pagitan ng gumagamit at ng kompyuter ang
nagdidikta sa pagkapanalo o pagkatalo ng isang naglalaro. Ngunit dahil nga sa internet,
possible na ring ang paglalaro ay sa pagitan ng iba’t ibang manlalarong sabay-sabay nan aka-
connect sa internet. May natatalo, may nananalo, may nag-aaway dahil ditto at mayroon din
nagiging magkaibigan sa ilang pagkakataon kahit na ang manlalaro ay hindi pisikal na
nagkikita-kita.

Impormasyon

Isang mahalagang naidudulot ng internet ay madali itong kunan ng anomang


impormasyon. Ayon kina Wood at Smith (2005:37), ang internet ay isang point-and-click
library, kung saan maaaring makuha ang maraming impormasyon tungkol sa isang bagay o
paksa sa pamamagitan lamang ng ilang pindot ng mouse. Ang internet ngayon ay naging
pangunahing pinagmumulan ng maraming datos na tumutulong sa pananaliksik ng gumamit
dahilan upang mabilis ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa isang bagay (Shetzer at
Warschauer 2000, 172). Sa sistemang dulot ng internet,maraming papel, artikulo o mga pag-
aaral ng mga mananaliksik, propesyonal o iskolar ang maaaring makuha, mabasa mapag-
aralan ng sinomang may akses sa internet . Nagkakaroon ng bagong anyo ng edukasyon dahil
sa malawak na bebepisyong idinudulot ng internet. May bagong mapagmumulan ng
karunungang pang-akademiko bukod sa pisikal na presensya ng guro at paaralan. Sa
katunayan, umiiral ngayon sa ilang institusyon ang tinatawag na online learning.

INTERNET SA PILIPINAS
Ayon sa pinakabagong sarbey ng www.internetworldstats.com nangunguna ang Asia sa
mga gumagamit ng internet sa buong mundo na sinundan ng Europe, Latin America, Africa,
North America, Middle East at Oceania/Austrilia.

Nasaan nga ba nang mga Pilipino sa paggamit ng internet? Bagama’t maliit na bansa
lamang na maituturing ang Pilipinas, kabilang ito sa nagungunang 20 bansang may
malalaking bilang ng mga gumagamit na internet sa buong mundo sa pinakabagong sarbey ng
www.internetworldstats.com. Sa katunayan ito ay nasa ika-14 na puwesto sa may
pinakamaraming bilang ng gumagamit ng internet sa buong mundo. Mula sa sarbey ng
Internet World Stat (Top 20 Countries with the Highest Number of Internet Users 2017) ang
grap na matutunghayan sa susunod na pahina.

35
Unang ginamit ang internet sa Pilipinas noong March 29, 1994. Pagkalipas ng isang
taon, naisabatas ang Public Telecommunications Act of the Philippines na naging daan sa ibang
mga organisasyon na mag-establish ng koneksyon ng internet upang bumuo ng website at
magkaroon ng sariling serbisyong pang-internet o maglaan ng serbisyong pang-internet sa iba.

Sa Pilipinas., animnapung (60) milyon o 58% na kabuuang populasyon sa Pilipinas ay


may akses ng internet. Ang bansa ay bahagyang nasa itaas mula sa global internet penetration
average na 50% at mas mataas sa iba pang mga bansa tulad ng China (53%), Vietnam (52%) at
India (35%). Samantalang ang United States naman ang nangunguna sa listahan na may 99%
(ayon sa Digital in 2017 Global Overview Report). Ang bilang ng mga gumagamit ng internet sa
Pilipinas ay mas tumaas ng 27% sa lumipas na 12 na buwan. Kapag nag-oonline ang mga
Pilipino, madalas itong nabababad sa 4 na oras at 17 minuto kada araw sa social media sites
tulad ng facebook, snapchat at twitter- ang siyang pinakamahabang oras na inilalaan sa buong
mundo. Sinundan naman ito ng Brazil (3 oras at 43 minuto) at Argentina (3 oras at 32
minuto). Ang United States naman, kung saan marami sa mga social media player na ito ang
itinatag ay isa sa mga nasa ibaba na may average lamang na 2 oras at 6 na segundo. Ang
bansang Japan ang itinuturing na least active sa social media na may average lamang na 40
minuto kada araw.

Ang paggamit ng social media ng Pilipinas ay taliwas sa bilis ng internet nito. Ang Fixed
Broadcast speed dito sa Pilipinas ay isa sa pinakamabagal sa Asia Pacific habnag ang
connection mobile ang pinakamabilis ayon sa Akamai Report. Dito lumitaw ang ralasyon sa
pagitan ng mahinang fixed broadcast speed at oras na ginugol sa Social media. Ang tatlo
nangungunang social media user ng bnasa (Pilipinas, Brazil at Argentina) ay may average
fixed-line broadband speed lamang na 4.2 megabits per second (mbps), 5.5 mbps at 5mbps.
Pinakamabilis ay ang South Korea na may 26.3 mbps. (Ang South Korea ay nag-oonline
lamang ng may average na 1 oras at 11 minuto kada araw).

Tulad ng sinabi ng mga eksperto na kung ang mga gumagamit ay gumugol na mas
maraming oras sa internet dahil sa mabagal na bilis, ang Digital 2017 ay nagsiwalat na ang
paggamit ng internet ay mas lalong tumaas. Sa ngayon, ang Pilipinas ay may social media
penetration rate na 58%, mas mataas na average na 47% sa Silangang Asya. Nangangahulugan
lamang ito na madalas gumagamit ng Social ang midya ang mga Pilipino sa anumang
kadahilanan.

References

Mga Aklat:

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Elektronikong Sanggunian:

https://www.jw.org/tl/library/magasin/w20130515/mag-usap-may-pag-ibig/

36
Topic Title Wika ng Internet

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakatutukoy ng uri ng wika na ginagamit sa internet.


2. Nababatid ang posisyon ng mga Pilipino sa paggamit ng internet.
3. Nabibigyang-diin ang gamit ng wikang Filipino sa Internet.
4. Nakapagsusuri ng uri ng Filipino na ginagamit sa komunikasyong Online.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions


Wika ng Internet

Ang internet ay bumuo ng komunidad o tinatawag na online community (Harasim 1993,


16). Dito ay birtwal na nagkikita-kita ang mga taong may pinagsasaluhang paksa (politika,
edukasyon, medisina, iba pa), komon na interes (laro, musika, pelikula) o relasyon (kaibigan,
kaklase). Nagkakaroon ang sinuman ng pagkakataong makipag-interaksyon sa komunidad na
ito sa pamamagitan ng pagkikita sa internet at pagpapalitan ng mensahe. Isang mahalagang
bagay na nagbubuo ng naturang komunidad na ito, mapapaksa, interes o relasyon man ay ang
wika (Herring et al. 2007b). Ang pinagsasaluhang wika (shared language) ay isang
pangangailangan ng makabuluhang interaksyon at komunikasyon. Karaniwang nagsasama-
sama sa isang birtuwal na komunidad ng internet ang may iba’t ibang ginagamit na wika, at sa
pinagsasaluhang wika lamang magkakaroon ng ugnayan ang bawat isa.

Ayon kay Wallace (1999,9), ang wikang ang ikinabubuhay ng komunikasyong pang-
internet o kommet (maging ng anumang uri ng komunikasyon marahil). Maaaring gamitin ang
wika sa paraang maingat, mapagpatawa o bulgar. Sa ano mang paraan ,ang paggamit ng wika
ang nagbubunsod ng pagiging dinamiko ng pakikipagtalastasan. Dagdag pa ang sinabi
Maciuba (2002, 101), ang paggamit ng wika ay pinakamabutang paraan upang maiba,
mamukod tangi at magkaroon ng kapansin-pansing ‘tinig’ sa internet.

May mga katangian ng wika ng internet ang mambabasa sa Computer-Mediated


Communication: Social Interaction ang the Internet ni Crispin Thurlow (2004), Ilan dito ay ang
mga sumusunod:

37
 Pagtatambal at pagsasama ng mga salita [hal. Weblish (web + English);
shareware (share + software); etalk, email, eticket at iba pang idinudugtong sa e-
electronic]
 Daglat at akronim [hal. CU (see you); btw (by the way); afk (away from
keyboard)]
 Minimal na paggamit ng malalaking letra (capital)
 Karaniwang hindi na pansin ang ispeling na ayon sa estandard ng pormal na
pagsulat
 Di na gaanong paggamit ng mga tradisyonal o pormal na pagbati o pambukas
na pananalita tulad ng Dear….., Maha na…., To Whom It May Concern. Sapat
nang simpleng Hi o Hello! Para maumpisahan ang komunikasyon.

Karaniwang naiimpluwensyahan ng maraming bagay nag wika at paggmit nito. Isang


salik na nagpapabago ng anyo ng wika tulad ng mga katangiang nabanggit sa itaas ay
ang makabagong teknolohiya. Weblish, netlingo, e-talk, tech-speak, wired-style,
geekspeak at netspeak- ilang karaniwang termino ng mga ginagamit g tao upang
ilarawan ang wika ng internet. Kaiba sa ibang anyo ang komunikasyon, ang wika ng
komnet at may natatanging katangian na dulot ng pisikal na aspekto ng teknolohiyang
ito tulad ng paggamit ng keyboard tulad ng paggamit ng mga tinatawag na smiley
upang kumatawan sa mga na berbal ba mensahe na ginagamit sa oras ng
komunikasyon. Karaniwang inaalam ng tao ang lahat ng posobilidad na maaaring
idulot ng keyboard sa komunikasyon. Nangyayari pa ngang nasisira o hindi na
nasusunod ang mga tuntuning panggramatika ng anomang wikang ginagamit. Isa pang
umiimpluwensiya sa komnet ay ang sitwasyon at paraan ng pagpapalitan ng mensahe.

Sa komunikasyong online, wala ang pisikal na presensya ng kausap, kaya ang


laging kaharap ng magkabilang panig ng komunikasyon ay ang iskrin ng knailang
monitor. Kaya nga ang diin ng paggamit ng wika ng internet, lalo na sa mga uring
synchronous ng komnet, ay nasa bilis, bilis ng pagtipa ng keyboard na sinasabayan
halos ang bilis ng pagsasalita (Thurlow, 2004, 124), at nasa malikhaing
pagmamanipula ng mga karakter ba matatagpuan sa keyboard.

Paano nga ba uuriin ang komunikasyong nagaganap sa internet? Ang internet


ay isang midyum na elektroniko, global at interaktibo, mga sitwasyong
umiimpluwensya sa wikang ginamit dito.May mga paniniwala na ang wika ng internet
ay written speech o isinusulat na anyong oral. Samakatuwid, isang naiibang anyo ng
komunikasyon ang maaaring asahang maging bunga ng paggamit ng wika sa internet.
Ayon pa kay Thurlow (2004, 123), ang isang makatawag-pansin sa komnet bilang anyo
ng komunikasyon ay nag katangian nitong kapwa nagtataglay ng katangian ng oral at
pasulat na wika.

Mahalagang malaman sa puntng ito kung ang paggamit ng wika sa internet ay


lumalayo na nga sa nakasanayang paraan ng paggamit nito. Marapat munang alamin,
ano ba ang pasulat at oral na wika? Mula sa Language and the Internet ni Crystal,
inilahad niya ang mga pangunahing katangian ng pasulat at oral na wika.

Pasulat – tinutukoy ni Crustal ang limang pangunahing katangian ng pasulat ba wika.


Ito ay ang mga sumusunod:

1. Graphic Features – ito ang pangkalahatang presentasyon at organisasyon ng


pasulat na wika. Tinutukoy rito ang pagbuo at pagsasaayos upang ilimbag
(typography), disenyo ng pahina, agwat ng bawat linya, paggamit ng mga
ilustrasyon at kulay.
2. Ortographic o graphical features – Ang sistemang pasulat ng isang partikular na
wika. Ang mga gamit ng alpabeto, malaking titik, ispeling, mga tanda at paraan ng
pagbibigay-diin ay mga paktor sa katangiang ito.
3. Graphical Features- ang sistemang pangwika tulad ng sintaks at morpolohiya ang
itinutukoy rito. Kabilang dito ang pagbubuo ng pangungusap, pagbubuo ng mga
salita at pagbabago ng anyo ng salita.
4. Lexical Features – ang bokabularyo ng wika. Tulad ng leksihon o paggamit ng
idyoma sa ibang pagkakataon.

38
5. Discourse Features – Ang estruktural na pagsasaayos ng buong teksto kabilabg
ang kalinawan, kaugnayan ng mga diwa, pagtatala o lohikal ba pagkakasunod-
sunod ng mga kaisipan.

Oral – Kabilang sa grammatical features, lexical features at discourse featuresna


nabnaggit sa itaas na may mahalagang papel na ginagampanan sa pasulat maging sa
oral na wika, tinukoy pa ni Crystal ang dalwang natatanging aspekto ng oral na wika;

1. Phoetic Features – ang katangian ng boses sa pangkalahatn tulad ng kalidad,


rehistro at kaparaanan ng boses ayon sa kinakailangan ng pagkakataon.
Magkaibang halimbawa ang paraan ng pagsasalita sa isang nagtatalumpati sa isang
grupo bagama’t maaaring pareho ng sinsabi.
2. Phonological Features – Ang sistema ng tunog ng isang wika kabilang ang mga
ponema, intonasyon, diin at hinto.

Katangian ng eFil

Sa bahagin gito naman inilalarawan ng eFil ang mga aspekto ng katangian sa oral at
pasulat na gamit ng wika sa tradisyonal na komunikasyon.

Pisikal- Maituturing na pasulat ang eFil sa mga porum dahil sa mga letra o grapiko na
nababasa ay nakikita, subalit nag tono ng komunikasyon nito ay oral sa paraang tila nag-
uusap. Isang katangiang mapapansin sa mensahe sa mga post ay nagpapaikli ng mga salita sa
iba’t ibang paraan. Paraang maaaring ginagamit ng mga myimbro upang tugunan ang
kinakailangang bilis ng paghahatid ng mensahe tulad ng nangyayari sa oral na komunikasyon.
Limang paraan ang nakitang ginagamit ng mga miyembro sa pagpapaikli ng mga salita sa
kanilang post sa mga porum, ito ay ang pagkakaltas, paggamit ng akronim o pagdadaglat,
pagsasama, paggamit ng katunog na letra at paggamit ng tambilang.

Pagkakaltas – Nangungunang paraan ng pagpapaikli ng mga salita sa porum ay ang


pagkakaltas ng letra o mga letra sa pagsulat ng salita. Ang patinig ang inaalis sa mga
sumusunod na posiyon; uanng patinig na salita. Ang mga patinig ang inaalis sa mga
sumusunod na posisyon; unang patinig ng salita- nman (naman), bkit (bakit), lng (lang), pra
(para), dn (din), hndi (hindi), s (sa), lam (alam) at marami pang iba. Patinig ng unlapi – mgsama
(magsama), ngsinungaling (nagsinungaling), pgbubuntis (pagbubuntis), pgpingpatuloy
(pagpinagpatuloy) nbaliw (nabaliw) at iba pa. Patinig na gitlapi- pmasok (pumasok), gnwa
(ginawa), pnnuod (pinanuod), lahat ng patinig –bgy (bagay), bkt (bakit),
nrmdmn(naramdaman), msrp (masarap), kht (kahit), kpg (kapag) nlng (nalang), tmng(tamang)
at iba pa. pansining puro sa katinig nagtatapos ang mga salitang ito sapagkat bihirang
magkaltas ng patinig na nasa hulihang posisyon. Sa katunayan, isang pagkakataon lamang
natagpuan ito sa mga sinuring porum ng hnd para sa hindi.

Mapapansin sa mga halimbawa ng pagkakaltas ng patinig, ang patinig na a ang


karaniwang nawawala. Ito ay sa dahilang ang mga titik sa Filipino ay nakasanayang bigkasin
sa paraang papantig (Alpabetong Pilipino) kung saan an tunog ng a/?ah/ ang ikinakabit sa
bawat katinig, kaya nga, kaltasin man ang lahat ng titik a sa isang salita ay hindi mahirap
kilalanin o malaman kung ano ito.

Akronim o pagdadaglat – isang paraan din na nagpapadali sa pagsulat ay ang


paggamit ng akronim o daglat. Mga karaniwang daglat na maaaring unibersal o lokal na kilala
ng sinoman ay ginagamit sa mga porum tulad ng engr., DNA, LCD, PC, LTO at iba pa. Ang
ganitong uri ng mga akronim ay hindi mahirap kilalanin sapagkat gamit dinito sa ibang
diskurso o larangan.

Samantala, may mga akronim naman na ang kahulugan ay ayon sa paksa o pinag-
uusapan. Nakikilala lamang ang mga akronim na ito kung nasusundan ang daloy ng
interaksyon sa thread, kumbaga, may espesyal na gamit ito ayon sa pagkakataong isinasaad
ng paksang pinag-uusapan. Tulad halimbawa ng akronim na YOLO na nangangahulugang you
only live once, ang DIY o do it yourself. Maging ang mga pamagat ng pelikula kapag pinag-
uusapan sa mga post ay ginagamitan na lamang ng mga akronim. Halimbawa ay PDA o Pinoy
Dream Academy at PBBo Pinoy Big Brother. Madalas makikita ito sa mga post sa twitter dahil
na rin sa limitadon karakter nito.

39
Ganito rin ang sitwasyon sa thread ng porum #9 na tungkol naman sa pagkuha ng
lisensya sa pagmamaneho sa bansang Japan ang paksa. Hindi man karaniwan o may ibang
gamit ang mga daglatna BC, JDL, o PDL, sa ibang diskurso, dahil sa paksa, makikilalang ang
BC ay hindi BeforeChrist kundi Birth Certificate, ang JDL naman ay karonim ng Japan
Driver’s License at ang PDL ay Philippines Driver’s License.

Paggamit ng Katunog na letra – ang paggamit ng mga katunog na letra upang kumatawan sa
bigkas ng pantig ng salita ay isnag paraan din ng pagpapaikli ng pagsulat ng porum. Ang mga
sumusunod na letra ang karaniwang ginagamit;

C /si/ - ginagamit ang letrang c upang kumatawan sa tunog na /si/ kung bibigkasin
ang salita o katumbas ng si kung isusulat nmaan. Ang mga halimbawa nito ay , c (si), cge
(sige), cla (sila), cnabi ( sinabi), naicp (naisip) at iba pa.

J /jey/ - ginagamit abf letrang j upang kumatawan naman sa tunog na /j/ o ang
katumbas ng diy/dy sa karaniwang pagsulat. Tulad ng mga halimbawang anjan (nariyan < nan
diyan), jan (diyan), mejo (medyo).

Q /kyu/ - ang q naman ay ipinapalit sa ko sa mga salitamg aq (ako) at q (ko).

U /yu? – ginagamit nmaan ang letrang u para sa tunog na /yo/ o /yu/, o bilang
katumbas ng letrang yo/yu sa pagsulat. Halimbawa, aun (ayun < hayun), kau (kayo), ngaun
(ngayon), sau (sayo < sa iyo) tau (tayo), ung (iyung <iyon) at iba pa.

X /eks/ - kapalit naman ng sy sa tradisyonal na pagsulat ang letrang x o katumbas ng


tunog na /sh/ tulad sa mga salitang xa (siya) at xempre (syempre < siyempre).

Pagsasama ng dalawa o higit pang salita – Pinagsasama ang dalawa o higit pang salita upang
bumuo ng isang salita. Dito ay nagkakaroon din ng pagkakaltas ng mga letra. Ang mga
halimbawa nito ay asianoveladik (asian novela adik), dba/diba (hindi ba), humaygad (og my
god), kapamilyucks (kapamilya sucks) koreanoveladik (korean novela adik), nb (na ba), nlang
(nalang), no-pro (non professinal), pako (pa ako), saken/sakin/sakn/sken (sa akin) at samen
( sa amin)

Paggamit ng tambilang - ang tambilang o figure ng bilang ay ginagamit din sa pagpapaikli ng


pagsulat ng mga salita sa porum. Narito ang gamit ng mga tambilang na makikita sa porum:

Kardinal – upang tukuyin ang bilang o kung ilan ang binabanggit, gumagamit ng
tambilang sa mga post sa halip na baybayin ang buong salita tulad ng 2 para sa dalawa, 1
para sa isa o nkk-3 para sa nakakatatlo.

Katunog – ang tambilang na 2 ay karaniwang ginagamit bilang katumbas ng katunog


nitong /tu/ o /to/ sa mga salitang tulad ng 22o (totoo), andi2 (andito), gus2 (gusto), i2 (ito),
gani2 (ganito) at iba pa. pag-uulit ng salita – reduplikasyon o pag-uulit ng buong salita,
isinusulat ang tambilang na 2 matapos ang salitang dapat ulitin, minsan ay sinusundan din
ito ng simbolong x (times o beses). Halimbawa nito ay, ganun2x (ganun-ganun), muang2x
(muang-muang) at isip2x (isip-isip).

Pag-uulit ng pantig- upang magbadya sa pag-uulit ng pnatig, ginagamit rin ang


tambilang partikular na ang 2 matapos ang pantig na uulitin, tulad halimbawa ng ngsa2ma
(nagsasama) at nani2wala (naniniwala).

Ang pagpapaikli na paraang ng pagsulat ay litaw sa maraming post ng mga porum. Isa
itong katangiang taglay rin ng text messaging o pagte-text na lumitaw sa pag-aaral ni Santos
(2006). Pagsulat ito o pagbaybay sa mabilis na paraan dahil kinakailangan ng sitwasyon,
tinatawag itong text speak. Sa pagte-text, ang papaikli ay resulta ng limitasyon ng espasyo at
katipiran sa dalas ng pagpindot ng keypad. Samanta, maaaring sabihing ang pagpapaikli sa
porum ay impluwensya ng texting sapagkat isang uri ito ng CMC (computer-meditated
communication) tulad ng purom. Ngunit isa ring maaaring dahilan ng pangyayaring ito ay ang
kinakailangang bilis ng pagtipa sa keyboard upang sabayan ang daloy ng kaisipang nais
sabihin tulad ng sa oral na pagsasalita, kaya ang pagpapaikli ay paraan ng pagtitipid ng
panahon sa pagtipa ng maraming karakter sa keyboard. Ang ganitong paraan ay labag sa
tuntunin ng ibang porum subalit labag man o hindi, maraming kaso ng pagpapaikli ang
makikita sa porum.

40
Wikang Filipino sa Internet

Ang pagpasok ng Panahon ng Impormasyon o Information Age ay isang penomenon sa


ngayon na nagiging bahagi ng buhay ng sangkatauhan. Maraming mga pagbabago ang nilikha
nito sa pamumuhay ng tao. Napapabilis, napapadali at nagiging mas epektibo ang paglaganap
ng impormasyon sa ngayon kung ikukumpara sampung taon ang nakalipas. Modernisasyong
tinatawag ang proseso ng pagbabago ng kondisyon o sitwasyon ng lipunan, organisasyon o
ibang grupo ng tao kung saan ang pagbabagong ito ay umaayon sa napapanahong kaalaman o
teknolohiya ng komunikasyon. Wika ang isang mahalagang aspekto na kasangkot ng
modernisasyong ito. Habang nababago ang komunikasyon, kasabay na nagbabago rin ang
wikang instrumento nito. Ayon kay Zafra (2005), kailangan din ng wika na mamodernays, na
magreresulta ng estandardisasyon at intelektuwalisasyon nito. Layunin ng mga pagbabagong
ito na iangkop ang wika sa mga bagong tungkuling iniaatang sa kanya at tumugon sa mga
pangangailangan ng mga gumagamit nito.

Isang artikulo ni Isagani Cruz (199) na pinamagatang “Ang Filipino sa Internet” ang
tumalakay sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang website sa internet. Binanggit niya sa
kanyang papel na maraming gamit ang wikang Filipino sa internet. Kabilang dito ang:

1. Gamit ng Filipino sa pagcha-chat kung saan mula sa karaniwang pangungnusap ng


karaniwang tao, mula sa tsismis at biruan, hanggang sa seryosong diskusyon ay
nagagamit ng Pilipino ang sariling wika.
2. Ginagamit din ang wikang Filipino sa pagbasa ng mga akdang pampanitikan na
nasa Tagalog o Filipino sa internet. Sinabi niya rito na may homepage na talagang
pampanitiknag Filipino ang laman tulad ng homepage ni Ria Roncales at homepage
ng Tanikalang Ginto- Philippine Gloden Links.
3. Ginagamit din ang Filipino sa pagbasa ng ga titik ng ilang awiting Tagalog,
cookbook at resipe na nakasulat sa Tagalog, at
4. Ginagamit din ang Filipino sa mataas na antas ng intelektuwalisasyon katulad ng
pagbasa ng mga rebyu ng pelikula at mga balita sa pahayagang online.

Nilagom ni Cruz sa kanyang papel ang gamit ng wikang Filipino sa internet, una rito ay
upang makasali sa usapang umaaktibo ng mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo
na iniuugnay ng internet, pangalawa, para mabasa ang mga tekstong seryoso na nasa
internet tulad ng mga rebyu at ba;ota, at pangatlo, para malaman ang kaunlaran ng
wika sa kamay ng mga tala na nagpi-Filipino.

Ang mgas sumusunod ay ang uri ng wikang Filipino sa Internet:

1. Ang wikang Filipino sa mga website – Ang mga website na pinoyweekly.com,


www.gmanews.tv, www.pinoyahobiztalk.com ay iilan sa mga website na gumagamit
ng wikang Filipino sa mga tampok na balita o artikulo tungkol sa iba’t ibang paksa.
Katulad ng rmn NETWORKS (http://www.rmn.ph/). Ito ay isang halimbawa ng
website na nagtatampok ng iba’t ibang balita ng bansa. Maging ang ilang search
engine sa internet ay may bersyon sa wikang Filipino tulad ng Google Search,
Yahoo!.,at iba pa.

2. Ang wikang Filipino sa mga online magazine - sa mga tinatawag na online


magazine o e zine naman ay natagpuang ginagamit din ang wikang Filipino. Ang uri
ng Filipinong makikita rito ay katulad din ng wikang ginagamit sa mga magasin at
pahayagan ng bansa.May mga itinatampok na lathala sa mga e-zine ay nakasulat
sa Filipino na hindi rin lalayo sa konteksto at uri ng Filipino matatagpuan sa mga
kombensyonal na magasin ng bansa. Isang mabuting halimbawa ng e-zine sa
Filipino ay ang website ng Matanglawin (http://matanglawin.org/). E-zine ito ang
mga mununulat mula sa school paper ng Ateneo de Manila na may ganito ring
pamagat.

3. Ang wikang Filipino sa mga online advertisemnet – Maging sa mga patalastas o


advertisement ng produkto o serbisyo na makikita sa internet ay ginagamit ang
wikang Filipino. Ang mga tinatawag na online stores o tindahang online ay madalas
na nakikita sa internet. Tulad ng pisikal na tindahan, sa mga ganitong website ay
may itinitinda ring bagay-bagay. Mula sa pag-aalok, pagpapatalstas, pagtatawaran

41
hanggang sa bilihan ay nagaganap sa pamamagitan ng internet at maaaring ang
pisikal na pangyayari lamang ay ang pagdating ng bagay na binili kung ito ay
pisikal na bagay tulad ng damit, gamit, gadget o iba pang katulad nito.

4. Ang Filipino sa blog – mahuhulog din sa tatlo ang gamit ng eFil wikang Filipino sa
mga blog ayon sa layunin at estilo ng blogger sa pagsusulat: pampanitikan,
pansaloobin at pangkabatiran. Masasabing malapit sa pagiging pasulat na wika ng
eFil sa mga blog dahil sa paggamit nito ng mga grapiko, tinatakdaan ng espasyo,
mabagal na interaksyon at bihirang paglabag sa tuntuning panggramatika. Mas
marami sa ga kaso nito ang hindi paggamit ng gitling sa dapat gitlingan, isang
paraang maaaring dahil sa pagtitipid ng pagtipa sa keyboard. Ayon man sa
tuntunin o hindi ang gamit ng gitling sa mga blog ay walang nag-eedit ng blog kung
ang blogger din mismo. Ayon sa aspekto ng pananatili ng teksto ng blog, posible
man ito ay mapreserba subalit ang preserbasyon nito ay may takdang panahon at
hindi maituturing na permanenete.

5. Ang Filipino sa porum –Limang paraan ang nakitang ginagamit sa pagpapaikli ng


mga salita sa kanilang post sa mga porum, ito ay ang pagkakaltas, paggamit ng
akronim o pagdadaglat, pagsasama, paggamit ng katunog na letra at paggamit ng
tambilang. Hindi mahalaga ang paggamit ng malalaking titik sa mga simula ng
pangungusap, maraming pangungusap sa porum ang hindi nagsisimula sa
malalaking titik, marahil ay hindi nga matatawag talagang buong pangungusap ng
malalaking titik para sa pagbibigay ng diin sa sinabi.

6. Ang Filipino sa chat- kadalasan sa mga terminolohiya sa chat ay daglat o


pagpapaikli ng mga salita o parirala. Ito ay sa dahilang mas kinakailangan ang
mabilis na paghahatid ng mensahe kaysa sa tamang baybay ng salita. Mapapansin
ang isang baguhan sa ganitong gawain sapagkat hindi pa siya pamilyar sa mga
kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit sa chat, ngunit sa madalas na
pakikilaho dito, madali anng nakikilala ang mga terminolohiyang ito hanggang sa
hindi niya napapnsin, siya man ay gumagamit na rin.

References
Mga Aklat:

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Elektronikong Sanggunian:

https://www.jw.org/tl/library/magasin/w20130515/mag-usap-may-pag-ibig/

42
Topic Title Uri ng Komunikasyong Online

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Nagagamit ang wikang Filipino sa Komunikasyong Online.

2.Nasusuri ang kahalagahan ng iba’t ibang uri ng komunikasyong online sa mga mag-aaral.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

KOMUNIKASYONG ONLINE

Kaugnay ng online communication o komunikasyong nagaganap sa internet, ang


computer-mediated communication (CMC) ay isang larangan na pinag-aaralan ng maraming
mananaliksik sa kasalukuyan. Dahil sa mabilis at dinamikong pagbabagong nagaganap sa
komunikasyong online, naging malawak at masalimuot ito na nangangailangan ng
pananaliksik sa maraming aspekto.

Ayon kay Herring (1996), isa sa mga naunang nagsasagawa ng mga pananaliksik sa larangang
ito, ang CMC ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng tao at kompyuter. Inaalam dito
kung paanong nababago (kung nababago nga) ang ugali ng tao sa pakikipagtalastasan gamit
ang kompyuter bilang midyum at internet. Naniniwala sina

Wood at Smith (2005, 40) na maraming pagkakaiba sa paraan ng komunikasyon ng tao


sa CMC dahil sa kakaibang katangian ng sistemang ito. Kung tutuusin, tao pa rin naman ang
target ng komunikasyon, dumadaan nga lamang ito sa teknolohiya ng kompyuter at internet
na siyang paktor ng mga pagbabago. Ang mga aparatong kabilang sa kompyuter tulad ng
monitor, mouse, keyboard at iba pa, at ang sistema at kalikasan ng internet ang siyang
bumubuo ng CMC o komnet.

Ang konsepto ng komunikasyon na paghahatid at pagtanggap ng mensahe ay taglay ng


komnet. Samantala, tumukoy si Sheizaf Rafaeli sa kanilang dialogue ni Newhagen (1996) sa
Journal of Commuter-Mediated Communication na may pamagat na “Why Communication
Reasearcher Should Study the Internet: A Dialogue” ng limang katangiang taglay ng komnet na
natatangi sa ibang anyo ng komunikasyon. Una ay ang packet-switching. May kinalaman ito sa
teknikalidad ng pagsasalin ng mga data (packet) sa network, ang proseso kung paanong ang
datos mula sa isang kompyuter ay naisasalin sa iba pang kompyuter na nakakabit sa internet.

43
Pangalawa ay multimedia, ang pagsasama-sama ng teksto, larawan,tunog at video ay
isang litaw na katangian ng komnet. Sa teknolohiya ng kompyuter at internet, maaaring
makabuo ng mensaheng kalakip ang lahat ng ito. Dahil dito, lalong lumilinaw ang
impormasyon sa pamamagitan ng halimbawang audio-visual. Kakaiba at nakakaaliw ang
ganitong paraan ng komunikasyon.

Ikatlo ay ang interactivity. Hindi dalawa o maliit na grupo lamang ang nasasakop ng
komnet. Posible sa ganitong uri ng komunikasyon ang interaksyon ng napakalaking grupo ng
tao. Bukod pa sa nasasakop nito ang malaking grupo,distansya o lugar ng nagpapalitan ng
mensahe ay hindi alalahanin.

Ikaapat ay ang synchronicity o may kinalaman sa panahon. Nilalampasan ng komnet


hindi lamang ang agwat o distansya kundi maging ang panahon o oras. Maaaring maganap
nang sabay ang komunikasyon sa magkahiwalay na panig, maaari rin namang may
nakapagitang panahon. Sa panahon, sa sabay na interaksyon, ang tagal ng patlang ay
naghuhudyat ng iba’t ibang kahulugang kaiba sa kahulugang ibinabadya ng harapang pag-
uusap, madaling matutukoy ang dahilan ng patlang ng salita ngunit sa komnet ay
nagpapahiwatig ito ng maraming kahulugang mahirap malaman kaagad tulad ng abala ang
kausap o may ibang kausap, hindi interesado, wala ang kausap, problemang teknikal at iba
pa. Anu’t anuman, mahirap magkaroon ng reaksyon sapagkat hindi sigurado sa dahilan.
Samantala, sa interaksyong may nakapagitang panahon o hindi sabay ay may ibang
katangian. Minsan ay may mga tanong o paksang pinag-uusapan sa komnet na kahit taon na
nag itinagal ay patuloy pa ring nabubuhay na tila ba kasalukuyan paring pinag-uusapan tulad
ng mga nagaganap sa porum o thread ng isang newsgroup.

At ang ikalima ay hypertextuality. Ang pagbabasa ng mga teksto sa karaniwang


babasahin ay tinatawag na linear na pagbasa (Wood at Smith 2005, 43). Ito ay ang pagbabasa
ng teksto sang-ayon sa kung ano nag anyong nakikita ng mata. Sa komnet, multilinear na
tinatawag ang pagbabasa sapagkat walang tiyak na daloy ng mga teksto ang sinusunod ng
bumabasa. Maaaring basahin ang teksto kung saan ibig simulan ang pagbabasa. Bukod pa
rito, maaari din sa komnet ang mga tekstong nakapaloob sa teksto na ikinakabit sa
pamamagitan ng tinatawag na link kung ibig na itong basahin. Sa pisikal na katangian, ito
yaong maaaring pindutin kapag itinutok ang cursor ng mouse. Samantala, may dalawang
malawak na uri naman ang komnet ayon sa panahon ng pagkakaganap nito, ang synchronous
at asynchronous. Bahagyang tinalakay na sa itaas ang synchronocity. Tinatawag na
synchronous ang komnet kung ang komunikasyon ay nagaganap nang halos sabay sa
magkabilang dulo ng nagpapalitan ng mensahe. Ang halos makasabay na uri ng komnet ay
ang instant messaging (IM)/online chat o simpleng chat. Halos katulad ng harapang pag-
uusap ang chat o chatting Mabilis na nagaganap ang palitan ng mensahe

Ang ikalawang kategorya ng komnet ay asynchronous. Ito ang komunikasyong may


patlang na panahon. Halimbawa nito ang email, nangungunanguri ng komnet mula pa nang
magsimula ang komunikasyong online ayon kay Thurlow (2004,28). Email ang kahawig ng
karaniwang pakikipagsulatan, may pinagmulan na siyang gumawa ng sulat at may adres din
ng padadalhan. Ang adres na ito nga lamang ay hindi pisikal na adres na tulad ng nakasulat
sa labas ng bahay. Kaiba sa karaniwang sulat, ang email ay maaaring magtaglay ng
katangiang multimedia at hypertextual.

Asynchronous din na uri ang Bullletin Board System (BBs). Tulad ng pisikal na buletin
bord na nakikita sa kampus, nakapaskil (post sa termino ng komnet) dito ang iba’t ibang
impormasyon, mensahe o paksa. Sino man ay maaaring bumasa at magbigay ng reaksyon sa
binasa o maaari ring mag-post ng panibagong impormasyon. Bawat paksa ay nakahanay sa
thread at ang mga reaksyon o puna tungkol dito ay forum namang tinutukoy. Ang palitan ng
mensahe ay nagaganap kung kailan lamang mababasa ng isang miyembro ng forum
halimbawa ang isang post ng ibang miyembro. Ang patlang na panahon ay maaaring segundo,
oras, buwan o taon depende kung gaano kasigla ang naturang forum. Kung tutuusin, may
pagkakataong maging synchronous ang ganitong uri ng komnet kung nagkatong parehong
online ang nag-uusap na sangkot. Ngunit dahil sa lawak ng sakop at dami ng sangkot sa dito,
bihirang maging synchronous ang komunikasyong ito.

URI/ANYO NG KOMUNIKASYONG ONLINE

Malayo ang naging ebolusyon ng komunikasyon mula noon hanggang sa kasalukuyang


panahon. Mula sa mga unang kaparaanan ng paghahatid ng mensahe tulad ng apoy, tunog, at
pag-unawa sa lagay ng panahon, ngayon teknolohiya na ang isa sa pangunahing ginagamit sa

44
paghahatid ng mensahe. Tunay nga na kasabay ng pag-unlad ng globalisasyon ay pag-unlad
din ng komunikasyon. Isa sa mga dahilan nito ay ang internet. Dahil sa internet, winaksi nito
ang tradisyunal na paghahatid ng mensahe. Kung dati ay kailangan mo pang maghintay ng 2
hanggang 3 araw upang ipadala ang isang liham sa malayong lugar, ngayon ay hindi na. Ang
kailangan mo lang ay isang elektronikong kagamitan at internet upang ipadala ang mensahe
kahit sa malayong lugar sa aktuwal na oras o panahon o ang tinatawag na real-time.

May iba’t ibang paraan ng pakikipagkomunikasyon gamit ang internet. Ang Tool o mga
kagamitan ang siyang na ring daan upang maisagawa ang pakikipagkomunikasyon online
gamit ang internet-based na mga teknolohiya. Ang komunikasyong online ay maaaring
synchronous o asynchronous.Synchonous kapag pakikipagkomunikasyon nag dalawang o higit
pang mga tao sa aktuwal na panahon o real time habang asynchronous naman kapag
nagkakaroon ng gap sa oras sa pagitan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Narito ang
iilan sa mga uri o anyo ng komunikasyong online.

1. Website – ito ay koleksyon ng mga magkaugnay na webpages na naglalaman ng


mga multimedia, na kadalasang nakikilala sa isang domain name at naipublisa sa
isang web saver. Ito ay maaaring ma-access sa publiko tulad ng internet protocol (IP)
network, tulad ng internet, o ng mga pribado tulad ng local area network (LAN) sa
pamamagitan ng uniform resourse locator (URL).
Ang website o www or World Wide Web ay nagsimula bilang isang electronic
brochure na ginagamit ng buong mundo sa loob ng 24 oras. Mula sa website na
itko, ang bawat screen na naglalaman ng mga impormasyon ay tinatawag na page.
Naglalaman ito ng mga salita, graphic images,mga larawan, tunog, bidyo. Ang mga
link na nakapaloob sa nasabing pahina ang maghahatid sa mga user sa iba pang
pahina. Ang mga user ay may mga kalayaang pumili kung alin sa mga link ang
bubuksan at babasahin. Ang mga modernong website ay hindi lamang isang
presentasyonal kung hindi ginagawa na itong interaktibo at lugar para sa
paghahanap ng mga personal na impormasyon hinggil sa isang bagay o tao.

2. Email- mas pinaikling termino para sa electronic mail. Isa itong paraang ng
pagpapalitan ng mensahe ng mga tao gamit ang mga elektronikong kagamitan. Ang
unang sistema ng email y nangangailangang online ang dalawang tagagamit sa
parehong oras upang magamit ang serbisyo nito. Subalit ang sistema nito ngayon
ay nakabatay na sa store-and-forward model. Ang mga email server ay
tumatanggap, nagpapadala, naghahatid, at nag-iimbak ng mga mensahe. Hindi na
kinakailangang sabay mag-online ang dalawang gumagamit upang magamit ang
serbisyo nito. Kailangan lamang itong makakonekta sa isang mail server o webmail
interface upang makapagpadala at makatanggap ng mensahe.
Ginagamit din ang email para sa pampublikong kounikasyon, partikular na sa
mailing list. Ang isang karaniwang email address ay may dalawang bahagi: ang user
name at ang domain/server name na hinihiwalay gamit ang simbolong @.

Halimbawa: juandelacruz@yahoo.com
User nmae server name

3. Chat – ang instant messaging o chat ay isang synchronous na uri ng komnet o


yaong komunikasyong nagaganap sa pareho o magkasabay na oras o real-time na
mas kilalang tawag sa wika ng internet. Ang dalawa o higit pang tao na maaaring
nagmuka ng kung saan-saang lugar ay maaaring mag-usap nng sabay-sabay nang
hindi kailangang nagkakaharap nang mukhaan, ito ang pangunahing elemento ng
chat. Tanging ang iskrin ng monitor lamang ang kaharap at kasama ng isang
sangkot, at sa pamamagitan ng pagtipa sa keyboard, nagkakaroon na ng koneksyon
ang bawat partisipante ng komunikasyon. Kaiba sa maraming uri ng komnet, ang
chat ay isang gawain sa internet na aktibong nagaganap.
Sa kabuuan, ang mga chat sa mensahe ay maiikli lamang upang makapagbigay
agad ng agarang tugon ang ibang kalahok. Katulad na lamang ng harapang
komunikasyon na nakakakuha agad ng tugon. Ang Chatiquette ay isang terminong
pinagsama mula sa chat etiquette. Isa itong baryasyon ng netiquette na
naglalarawan sa mga pangunahing batas sa online na komunikasyon. Isa sa

45
halimbawa nito ay ang pagbabawal sa paggamit ng malalaking titik dahil maaaring
bigyang-kahulugan ito na galit sender nito.

4. Video-conferences- isang online-interactive space na ginagamit upang


makapagchat sa pamamagitan ng mga mensahe o boses gamit ang microphone at
camera.
Maaaring magkita rito ang dalawang nag-uusap online at mag-usap tulad ng isang
karaniwang tawag gamit ang selpon. Isa itong synchronous na uri ng komnet dahil
nag-uusap ang dalawa o higit pang kalahok sa parehong panahon at nakakakuha
ng agarang tugon.

5. Mailing List- isang birtuwal na email group na ginagawa ng isang grupo ng mga tao
na naka-subscribe sa isang partikular na email. Kapag nagpadala ka ng mensahe
awtomatikong makatatanggap ang lahat ng email na naka-subscribe dito at
maaaring magpadala ng tugon na makikita rin ng lahat ng kasangkot. Madalas
ginagamit ang mailing list bilang networking tool.
My dalawang uri ng mailing list. Ang una announcement list na kung saan ang
mga taong ginagamit bilang tagatanggap ng mga newsletter, peryodiko at
patalastas. Dati, ginagawa itko sa pamamagitan ng postal system subalit dahil sa
pag-usbong ng email, naging popular na ang email mailing list. Ang ikalawang uri
naman ay nagpapahintulot sa mga miyembro na mag-post ng kanilang sariling
aytem na makikita ng lahat na napabilang nito. Ito ang tinatawag na discussion list.

6. Newsletter – may pagkakatulad ito sa mailing list subalit isahan lamang ng daloy
ng komunikasyon. ANg isang awtor ay magpapadala ng menshe sa iilang mga tao,
na naka-subscribe sa iisang email address (isang halimbawa ay kaoag nakatanggap
ka ng update ng isang newsletter mula sa inyong paaralan o unibersidad, o kapag
naka-subscribe ka sa isang news website).

7. Instant Messenger- isang communication software na libre at karaniwang


nangangailangn ng pagpaparehistro ng account at pangalan. Ginagamit ito para sa
mga pribadong pag-uusap at pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng
messaging, video at iba pang serbisyong pantelepono. Madalas sa mga IM ay
suportado ang conferencing (pagpapalitan ng mensahe na higit dalawa), at
maaaring makatawag kahit na landline sa buong mundo. Maaaring makapagpadala
ng file, hyperlink, voice over IP o Video chat ganit ito.

8. Social Networks- Umusbong ito sa pag-unawang ang mga aktibong gumagamit


online ay nagnanais na maging permanenteng konektado sa ibang mga tagagamit
sa birtuwal na mundo. Nagnanais sila na magbahagi ng update sa kanilang buahy,
balita, interes at iba pa. sa pammagitan ng profile na karaniwang makikita sa mga
SNS, maaaring mapag-alaman ang iilan sa mga karaniwang impormasyon tulad ng
pangalan, lugar, trabaho, mga gusto at iba pa. Kapag tagasunod ka naman sa
iisang user maaari mong malamlan kung ano ang kanyang ibinabahagi sa nasabing
SNS.

References
Mga Aklat:

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

46
Elektronikong Sanggunian:

https://www.jw.org/tl/library/magasin/w20130515/mag-usap-may-pag-ibig/

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Roma+13&version=SND&interface=amp

Topic Title Etika sa Komunikasyong Online

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang ideya ang mga mag-aaral kung ano ang etika sa komunikasyong online.

2. Nasusuri ang iba’t ibang batas ukol sa komunikasyong online.

3.Nakagagawa ng sariling pagsusuri sa mga online post at nalalapatan ito ng kaukulang


parusa ayon sa Cyber Law sa Pilipinas.

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

ETIKA SA KOMUNIKASYONG ONLINE

Cyber Law sa Pilipinas

Nakasaad sa artikulo II sekyon 24 ng 1987 konstitusyon na kinikilala ng estado ang


mahalagang papel na ginagampanan ng komunikasyon at impormasyon sa pagkakakilanlan ng
isang bansa. Dahil sa palasak na paggamit ng internet sa taong 2000, pinagtibay ng
naisabatas na Electronic Commerce Act of 2000 (RA 8792) seksyon 2 ang kahalagahan ng
information and communication technology o ICT. Nakasaad dito na kinikilala ng estado ang
mahalagang papel na ginagampanan ng ICT sa pagbubuo ng isang bansa; ang
pangangailangang makabuo ng isang information-friendly environment na sumusuporta at
timitiyak sa pagkakaroon, pagkakaiba-iba at pagiging abot-kaya ng mga produkto at serbisyo
ng ICT.

Apat ang maaaring kaparusahan sa ilalim ng batas na ito:hacking, pagsira ng data sa


pamamagitan ng virus, pagpipirata ng mga intelektuwal na data, at paglabag sa Consumer
Act of the Philippines sa pamamagitan ng mga elektronikong mensahe. Ang Consumer Act
of the Philippines ay idinisenyo upang iwasan ang mga negosyong mapanlinlang o itinuturing
na hindi makatarungang gawain tulad ng pagkakaroon ng benepisyo na hindi makatarungan
sa ibang mga kakompetensya sa pamamagitan ng mapanlinlang na pagbebenta ng mga
palsipikadong produkto at mga katulad nito.

Taong 2012 nang maisabatas ang Republic Act No. 10175 o mas kilala sa tawag na
Cybercrime Prevention Act of 2012 na naaprubahan noong ika-12 ng Setyembre taong
2012 alinsunod sa awtoridad ng Department of Justice, Department of Interior and Local
Government at ng Department of Science and Technology. Naglalayon ang batas na ito na

47
matugunan ang isyung iligal hinggil sa mga interaksyong online at ang kalagayan ng internet
sa Pilipinas. Nakasaad sa Rule 1 ang mga probisyong preliminari (pamagat, deklarasyon ng
polisiya at mga depinisyon ng mga termino. Samantala, nilalaman naman ng seksyon 4 ang
Cybercrime Offenses. Ilan sa mga cybercrime na kaparusahan ay ang mga sumusunod:

Seksyon 4. Cybercrime Offenses. Ang mga sumusunod na gawain ay bumubuo sa


pagkakasala ng cybercrime sa ilalim ng batas;

A. Mga paglabag laban sa kumpidensyalidad, integridad at abeylabilidad ng computer data


at sistema ay mapaparusahan ng pagkakulong ng prision mayor o multa na hindi
bababa sa dalawang daang libong piso (200, 000) hanggang sa pinakamataas na halaga
ng pinsalang natamo o maliban na lamang sa bilang 5:
1. Illegal Access – walang karapatang pagkuha sa lahat o bahagi ng sistema ng
kompyuter.
2. Illegal Interception- ang pagharang sa kahit anumang teknikal na kaparaanan
nang walang karapatan, sa kahit anong di-pampublikong transmisyon ng mga
computer data mula sa loob ng sistema ng kompyuter kabilang na ang
electromagnetic emission mula sa sistemang kompyuter na naglalaman ng computer
data.
3. Data Interference – Ang intensyunal o hindi maingat na pagbabago, pagkaaksira,
pagtatanggal o deteryorasyon ng computer data, eletronikong dokumneto, electronic
data message nang walang karapatan, kabilang na ang introduksyon at
transmisyon ng mga virus.
4. System Interference- ang intensyunal na pagbabago, di-maingat na pagpigil o
paghihimasok sa panksyon o network ng kompyuter sa pammaagitan ng pang-
input, pagtransmit,pagsira, pagtanggal, pagbago, pagharang ng mga programa o
data ng kompyuter, lektronikong dokumento o electronic data message nang walang
karapatan kabilang na ang introduksyon o transmisyon ng mga virus.
5. Di tamang paggamit ng mga kagamitan- may kaparusahan na pagkakulong o
ang multa na hindi lalagpas sa limang daang libong piso, ay maaaring iatang sa alin
man sa mga sumusunod na batas:
a. Ang paggamit , produksyon, pagbenta, pagkuha, pag-import, pagbibigay o
pagpapagamit nang intensyunal at walang karapatan sa alin sa mga
sumusunod:
i. Ang mga gabit kabilang na ang programa ng kompyuter, na dinisenyu at
hinango para sa hangaring lumalabag sa ilalim ng batas na ito.
ii. Pagtatangkang mag-access ng computer password, access code o ang
katulad ng data, maaaring ang lahat o bahagi lamang ng sistema ng
kompyuter at gamitin ito sa hangaring lumabag sa ialim ng batas na ito.
b. Ang pagkuha o pag-aari ng aytem na iminumungkahi sa subparagraph a(i)
at (ii) na nasa itaas, na may pagtatangkang gamitin ang mga device na ito sa
hangaring lumabag sa ilalim ng sekyon na ito.

Subalit, walang kasong panangutan ang maaaring iatang sa paggamit,


produksyon, pagkuha, pag-import, pagbibigay, o paggamit ng mga devices o
mga dating nakasaad sa itaas kung naglalayon lamang itong suriin o
subukin ang sistema ng kompyuter.

Kung alin man sa mga kaparusahan na nabanggit sa seksyon 4(a) ang


nagawa laban sa kritikal na imprastraktura ang kaparusahan na reclusion
temporal o ang multa na hindi bababa sa limang daang libong piso o higit
pang halagang katumbas sa pinsalang natamo, o kapwa sa dalawa ang
nararapat ipataw.

B. Computer-related Offenses – maaaring parusahan ng pagkakulong ng prision mayor,


o ang multa na hindi bababa sa dalawang daang libong piso o higit pang halagang
katumbas sa pinsalang natamo o kapwa sa mga sumusunod:
1. Computer-related Forgery- ang pagdaragdag o pagtanggal ng computer data na
magreresulta sa di pagiging otentiko ng data at pagtatangkang ikonsidera ito bilang

48
otentiko para sa mga legal na layunin at pagsasagawa nito sa patuloy na
panlilinlang at hindi tapat na layunin.
2. Computer-related Fraud- ang di –awtorisadong pagdaragdag, pagtatanggal,
pagbabago ng data o programa ng kompyuter o panghihimasok sa function nito, na
nagiging dahilan sa pagkasira na may layuning manlinlang.
3. Computer-related Identity Theft- ang intensyunal na pagkuha, paggamit,
paglilipat, paghahawak, pagbago o pagtanggal ng lahit anumang impormasyon na
pagmamay-ari ng iba ito man ay natural o juridical.

C. Content-related Offense:
1. Ang sinumang indibidwal ang napatunayang nagksala ng Child Pornography ay
maaaring parusahan alinsunod sa mga kaparusahang itinakda sa Republic Act
No. 9775 o ang Anti-Child Pornography Act of 2009: Sa kundisyon, na mas
mataas sa isang digri ang kaparusahang ipapataw sa paglabag na naisagawa sa
pamamagitan ng sistema ng kompyuter.
Seksyon 5. Iba pang Cybercrime. Ang mga sumusunod ay ang iba pang
cybercrime na paglabag na maparurusahan sa ilalim ng mga sumusunod na
batas:
1. Cyber-squatting- ang pagkuha ng isang domain name sa internet sa maling
paraan upang kumita, mandaya, manira ng reputasyon at pigilan ang ibang
mangrehistro ng katulad nito, kung ang domain name iyan ay:
a. Magkatulad, magkahawig sa isang umiiral na nakarehistrong trademark
kasama ang angkop na ahensya ng gobyerno sa panahon ng
rehistrasyon nito.
b. Magkahawig o sa anomang paraan ay magkatulad sa pagalan ng tao
maliban sa nagparehistro, sa kaso ngpersonal na pangalan; at
c. Natamo nang walang karapatan o may interest sa karapatang-ari nito.
Mapaparusahan ang cyber-squatting ng pagkakulong ng prision mayor, o
ang multa na hindi bababa sa dalawang daang libong piso, hanggang sa
pinakamataas na halagang katumbas ng pinsalang natamo.
2. Cybersex – ang sadyang pakikipag-ugnayan, pagpapanatili, kontrol o
operasyon, direkta o hindi direkta o anomang mahalay na pagpapakita ng
seksuwal na bahagi o seksuwal na gawain gamit ang kompyuter. Ang
sinumang mahatulan ng cybersex ay paparusahan ng pagkakakulong ng
prison mayor, o multa na hindi bababa sa dalawang libong piso, subalit
hindi tataas sa isang milyong piso. Ang salang cybersex na kinalalakipan ng
bata ay parurusahan alinsunod sa probinsyon ng Child Pornography Act.
3. Libel- pagpapalabas ng isang pahayag o impormasyon na nakapipinsala sa
reputasyon ng isang tao gamit ang sistema at/o network ng kompyuter. Ang
sinomang lumabag ay may parurusahan ng pagkakulong (maaaring prision
correctional hanggang sa prision mayor) at multa mula anim na libong piso
hanggang sa halaganag napagkasunduan ng korte, dagdag sa aksyong
pangsibil na isinampa ng naghaing partido. Sa kondisyon na tumutukoy
lamang ang kaparusahang ito sa orihinal na awtor ng isang post o online
libel, at hindi sa mga simpleng nakatanggap ng post at nag-react dito.

Subalit ang batas na ito ay umani ng batikos sa mga mamayang Pilipino lalong-lalo na
ng netizen dahil diumano ay pumapabor lamang ito sa senado at hindi kinokonsidera ang
kalayaan sa pagpapahayag ng mga netizen. Kaya naman isang Magna Carta ag nabuo. Ang
Magna Carta for Philippine Internet Freedom (MCPIF) na nabuo sa pamamagitan ng
crowdsourcing- Isang soursing mode na kung saan ang iba’t ibang organisasyon at indibidwal
sa online world (blogger, internet, user at iba pa) ay nagtutulong-tulong sa pagbubuo at
pagpapanday ng nasabing batas. Nakasaad sa nasabing panukala ang mga probisyon na
nagtataguyod ng mga karapatang sibil at politika, konstitusyonal na gumagarantiya sa mga
internet user, tulad ng kalayaan sa pagpapahayag, maging ang probisyon ng ICT Policy,
ICT4D, internet governance, egovernance, cybersecurity, cyberwarfare at cyberterrorism, ay
cybercrime. Itinuturing itong alternatibo ng Cybercrime Prevention Act of 2012

49
Isa sa mga mahahalagang nakasaad sa MCPIF ay ang pagkakaroon ng karapatan sa
malayang pagpapahayag sa mundo ng internet. Nakasulat ito sa Seksyon 8 na pinamagatang
Right to Freedom of Speech and Expression on the Internet. Sa ilalim ng seksyong ito ay ang
mga sumusunod:

1. Ang estado sa loob ng hurisdiksyon nito ay nararapat magprotekta at magtaguyod


ng kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag sa internet.
2. Ang estado sa loob ng hurisdiksyon nito ay nararapat magprotekta sa karapatan ng
mga tao na magpetisyon sa pamahalaan gamit ang internet upang maipaabot ang
mga reklamo.
3. Ang estado sa loob ng hurisdiksyon nito ay nararapat magprotekta sa karapatan ng
kahit sino mang nagnanais mag-publisa ng mga materyal o mag-upload ng
impormasyon sa internet.
4. Walang tao ang dapat higpitan sa pag-access ng mga impormasyon sa internet o
magtanggal ng mga naipublisang materyal o nag-upload na impormasyon mula sa
internet maiban na lamang kung pinag-uutos kasunod ang panukala bago ang
Regional Trial Court batay sa pagpapasiya na:
a. Ang kalikasan ng materyal o impormasyon ay nakalilikha at nakadudulot ng
panganib na tunay na masama na kung saan ang estadp ay may karapatan
o tungkulin na pigilan ito;
b. Ang materyal o impormasyon ay hindi protektado sa ilalim ng pamantayan
ng komunidad o ng awdyens kung saan nkadirekta ang impormasyon; at
c. Ang publikasyon ng materyal o ang pag-uupload ng impormasyon ay bubuo
ng krimeng maaaering parusahan ng batas na inilahad sa seksyon 6 ng
nasabing batas.
5. Walang sinoman ang maaaring puwersahing magtanggal ng mga napublisang
materyal o na-upload na impormasyon sa internet na hindi abot sa kakayahan ng
nasabing tao.
6. Ang estado ay hindi dapat nagtataguyod ng censorship o pagbabawal sa panonood
nang kahit anomang nilalaman ng internet, hanggang matapos ang pagpapalabas
ng nararapat na order alinsunod sa mga probisyon sa seksyong ito.
Nakasulat din sa seksyon 12 ang proteksyon sa karapatang-ari ng mga gumagamit
ng internet. Ang mga sumusunod na panukala ang inihain sa ilalim ng seksyong
ito:
1. Ang estado sa lob ng hurisdiksyon nito, ay magpoprotekta sa mga naipublisang
karapatan ng intelektuwal sa internet, sa ilalim ng konsisyong nito na nakasaad
sa Intellectual Property Code at iba pang kaugnay na batas nito.
2. Dapat ipagpalagay na kahit anong nilalaman na naipublisa sa internet may
karapatang-ari, maliban na lamang kung hindi man malinaw na ibinigay ng
awtor, sa ilalim ng kondisyon nito na nakasaad sa intellectual Property Code at
iba pang kaugnay na batas nito.
3. Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8293 o ang Intellectual Property Code of the
Philippines at iba pang kaugnay na batas, walang Internet Service Provider,
Telecommunication Entity, o sinumang tao maglalaan ng internet o serbisyo ng
data ang magkaroon ng intelektuwal na karapatang-ari sa paglalabas ng
nilalaman na resulta ng paglikha, pagbuo, inobasyon o modipikasyon ng isang
tao gamit ang serbisyo ng Internet Service Provider, Telecommunications Entity o
sinomang tao ang maglalaan ng internet o serbisyo ng data maliban na lamang
kung ang gawang iyan ay pagmamay-ari na o itinalaga na sa mga Internet
Service Provider, Telecommunication Entity, o sinomang tao maglalaan ng
internet o serbisyo ng data. Ang pagbubukod sa Itelektuwal na karapatang-ari
ng isang tao ay tahasang ibinibigay sa pamamagitan ng end user license
agreement na napagkasunduan ng dalawang partido at ang pagpapalabas nito
ay nakadepende sa serbisyong ipinagkaloob ng Internet Service Provider,
Telecommunication Entity o sinomang tao malalaan ng Internet o serbisyo ng
data.
4. Dapat ipagpalagay na ang mga magulang o tagapangalaga ng isang menor de
edad ay nakapaglaan ng kasunduan na naglalaman ng termino ng end used

50
license agreement dahil ang menor de edad ay nasa kanilang pag-aalaga ay
magpahiwatig ng kasunduan hinggil sa end user license agreement
5. Dapat ipagpalagay na kahit anomang paglabag sa Intelektuwal na karapatang
ari ng isang minor de edad y ginawa na may kaalaman at may pahintulot sa
kanyang mga magulang o tagapangalaga.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA KOMUNIKASYONG ONLINE

Malaki ang kontribusyon ng pagkakadiskubre ng internet sa buhay ng tao. Gamit ang


iba’t ibang e-kagamitan, maaari mong sisirin ang mundo ng internet. Ayon nga sa kanila,
malawak ang mundo ng internet.

Madalas na gumagamit tayo ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon gamit ang internet
sa ating mga kaibigan, pamilya at kakilala. Nakikipag-interaksyon tayo sa kanila araw-araw sa
pamamagitan ng pagsunod sa kanilang mga personalaccount tulad ng facebook, twitter,
instagram o kahit mga text messenger. Madalas na nagbubukas tayo ng ating mga account
kada oras o ang iba ay minu-minuto. Subalit dahil nga sa kaligiran ng komunikasyong online
na ang mga partisipante o kalahok ay nagtatagpo lamang sa bbirtuwal na mundo, madalas
nagiging sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan. Ang kakulangan sa pagpapahayag ng mensahe o
ang pag-unawa o persepsyon ng isang tao sa isang partikular na mensahe ang sanhi sa
ganitong problema. Kaya nararapat lamang na malaman ng mga gumagamit ng internet ang
etika ng komunikasyong online ang tinatawag na netiquette –ang pinagsamang salita ng
internet at etiquette.

Madalas nakakalimutan natin na magkaiba ang harapang komunikasyon at


komunikasyong online. Mas malawak ang awdyens ng komunikasyong online at maaaring
mabasa muli ang mensaheng nai-post lalong-lalo na sa mga pampublikong social networking
sites. Ang mga salita ay maaaring mangahulugan ng maraming mga bagay, at kung ano ang
nais nating sabihin ay hindi palaging kung ano ang naririnig ng iba. Ito ay totoo lalo na sa
komunikasyong online kung saan ang iba ay walang pagkakataon na makita ang iyong bosy
language o maririnig ang iyong tono ng pananalita;samakatuwid, malaki ang posibilidad na
magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng tagahatid at tagatanggap ng mensahe.
Dahil dito, ang mga gumagamit ng internet ay may mga patnubay para sa komunikasyong
online na naglalayong iwasan ang mga pagkakataon ng di- pagkakaunawaan.

Narito ang iilan sa mga dapat ikonsidera sa paggamit ng komunikasyong online.

1. Magbigay-galang sa opinyon ng iba. Malawak ang venue ng social media kaya marami
rin ang awdyens nito. Iba-iba ang mga taong nakatatagpo mo online na nagkakaiba-iba
ng pananaw sa buhay. Kaya nararapat lamang galangin ang opinyon ng iba hinggil sa
isang pinag-uusapang isyu. Huwag asahang lahat ay sasang-ayon sa iyolng pananaw.
Madalas na nagkakaroon ng sagutan sa comment seksyon ng isang post. Hindi
sinasabing masama ang pagpapalitan ng kuro-kuro o paglalahad ng opinyon, puna at
iba pa sa isang post. Subalit tandaan na lahat ay may limitasyon. Kung sa tingin mo ay
lumalalim at hindi na kaaya-aya ang palitan ng usapan sa post ay mas mabuting itigil
na ito at inawain na lamang ag pagkakaiba ng opinyon.
2. Respetuhin ang bawat indibidwal lalong-lalo na ang kanilang personal na
impormasyon. Tandaan natin na wala tayong karapatang ibahagi ang impormasyon ng
ibang tao lalong-lalo na ang pribadong impormasyon. Madalas ba nangyayari sa
bahaging ito ang cyberbullying na nagreresulta sa kawalan ng kompyansa sa sarili ng
taong napahiya, takot, o di kaya ay suicidal attemp. Ang mga bagay o aksyon na
trending sa social media katulad ng sampalan ng dalawang babae sa gilid ng daan,
pagsisigaw-sigaw pampublikong lugar, o kahit na ang mga malalaswang larawan o
video ay madaling kumalap dahil sa agad-agad na pagbabahagi o pag-sishare sa mga
social networking sites. Uulanan ito ng mga puna o batikos na maaaring maging
dahilan upang mapahiya ang tao. Isang halimbawa rin ay ang pagbabahagi ng mga
personal na pag-uusap o pagsasagawa ng mga napag-usapan sa chat o private
message. Dapat isipin ng gagawa nito kung makakasakit ba siya ng damdamin at

51
maaari bang mapahamak ang kanyang kausap. Bilang tagagamit din, kailangang
tiyakin mo kung ang iyong kausap sa chat o ka-chat ay direkta mong kakilala.
Kailangang i-verify muna ang identidad ng iyong ka-chat. Tingnan at bisitahin ang
kanyang profile kung tunay bang siya ang iyong kaibigan.
3. Maging matapat sa mga impormasyong inilalagay sa social media kailangang
maging matapat sa mga impormasyong inyong ibinabahagi.
Tandaan na ang anomang impormasyong iyong ibabahagi ay mababasa ng nakararami
at maaaring paniwalaan nila. Iwasang gumawa ng kuwento o istoryang paniniwalaan
ng madla lalong-lalo na kung ang lugar ay nasa isang kritikal na kondisyon. Halimbawa
na lamang ng pagpo-post na “may bomba sa bahay namin” kahit wala naman talaga.
Maaaring maging dahilan ito ng takot at pagkabhaal sa mga taong maaaring makabasa
ng iyong post.
4. Isaalag-alang ang wikang gagamitin. Nararapat na bigyang-pansin nag wikang
ginagamit sa post. Kailangang isaalang-alang ang isa sa mga katangian ng wika na ito
ay gamit sa komunikasyon. Gamit ang isang partikular na wika, linawin ang
mensaheng nais iparating lalong-lalo na kung tiyak na para sa isang tao ang mensahe.
Tandaan na kaya ka nagpo-post ay upang mabasa at maunawaan ito. Kaya nararapat
na gamitin ang wikang mauunawaan at maiintindihan ng nakararami.
5. Maging malinaw sa pagpapadala ng mensahe. Kailangang tiyakin sa sarili kung ano
ang mensaheng nais iparating lalong-lalo na sa instant messaging. Iwasang maging
maligoy dahil may mga taong maraming ginagawa kaya kakaunting oras lamang ang
ginugugol nila sa social media. Ayusin din ang mensahe lalong-lalo na kung
mahalagang bagay ang sasabihin.Halimbawa nito ang pagbabalak na mag-imbita ng
mga bisita, ispiker at iba pa. Nakasaalang-alang din sa pagpapadala ng mensahe ang
relasyon sa pagitan ng dalawang magka-chat. Minsan ang napagdidiskitahan natin ang
ating mga kaibigan at sinasabing may nais kang sabihin o itatanong pero wala naman
talaga.
6. Maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon. Nagsisimula ang bagay na ito sa
mga post na hindi makatotohanan at agad-agad na ibinabahagi o ipinagkalat natin
kahit walang katiyakan. Kailangan tiyakin muna na ang mga ibabahaging
impormasyon ay makatotohanan. I-verify kung may nangyayari nga bang ganoon o
wlaa. Maaarig alamin muna kung awtintiko ang impormasyong ishi-share. Ayon nga
nila, “think before you click” o “think before you share” upang iwas gulo.
7. Maging responsable sa iyong mga post. Bawat indibidwal ay may sari-sariling
account sa social media. Ang mga bagay o impormasyong ipinopost, isini-share ay
responsibilidad mo. Kailangang isiping pananagutan mo ang iyong mga post. Tandaan
na masyadong alerto na ngayon ang mga netizen. Anomang pagkakamali mo ay
maaaring mapuna kahit na tatanggalin mo ito. Maaaring may nakapag-screenshot
bilang patunay na ikaw ang may sabi o nag-post nito.

Bukod sa mga bagay na kailangang ikonsidera sa pagbabahagi ng impormasyon sa social


media, nararapat na tingnan ang mga bahay na maaaring iwasan.

1. Iwasan magpadala ng mensahe kapag ikaw ay galit. Madalas na kamalian natin ay


ang paggamit ng social media upang magpalabas ng galit o poot sa ibang tao. Iwasang
magpost sa publiko o magpadala ng pribadong mensahe kapag galit ka. Iwasang
magpalitan ng pagpaparinig sa pagitan ng mg post sa facebook o twitter. Mas maiging
pag-usapan ito ng harapan.
2. Iwasang magpadala ng mensaheng nakasulat sa malaking titik. Madalas na
napagkakamalan na galit ang isang taong gumagamit ng malalaking titik sa
pagpapadala ng mensahe. O kahit na ang paggamit ng sobrang bantas tulad ng
padamdam. Kahit ang simpleng mensahe na “sige, ‘wag ka nalang pumunta” ay
naipagkakamali natin kapag ang mensahe ay naisulat na “SIGE, HUWAG KA NALANG
PUMUNTA” o di kaya ay “Sige, Huwag ka nalang pumunta!!!!!!!!!!!!!!!!”.
3. Huwag i-save ang iyong password sa mga pampublikong kompyuter. Madalas na
hinihingi sa atin ng mga website kung dapat ba i-save ang inyong password sa
kompyuter na ginagamit natin. Iwasang gawin ito lalong-lalo na kung hindi personal na
kompyuter ang ginagamit ninyo. Kapag tapos ng gumamit, huwag kaligtaang i-log out
bago umalis sa harap ng kompyuter. Iwasang nakabukas din ang kompyuter na

52
pinaggamitan lalong-lalo na kung ikaw ay aalis. Maaari itong pagdiskitahan ng
sinuman at gamitin ang inyong account sa pagpo-post ng kung anuman.
4. Iwasang magpost ng mga larawan o mensahe na hindi galing sayo. Hindi ibig
sabihin na nasa internet na ang larawanay maaari mo na itong angkinin. Una sa lahat
hindi iyan sayo at sa pamamagitan nito, maiiwasan din ang pangongopya ng ideya
mula sa iba at maiiwasan din ang tinatawag na plagiarism o anoang paglabag sa mga
Copy Right.

Mga Biswal na Ekspresyon sa Komunikasyong Online

Napag-alaman na ang wika sa internet ay kombinasyon ng pasalita at pasulat. Hindi na


binibigyang pansin ng tao ang kawatuhan ng ispeling, paggamit ng maliit at malaking titik,
at paggamit ng tamang bantas. Bagkus, nagiging instrumento ito sa pagpapahayag ng
saloobin o tinatawag na stylistic lalong-lalo na komunikasyong online . Limitado lamang
noon sa mga salitang makikita sa keyboard sa pagpapahayag ng salobobin at mensahe.
Katulad na lamang ito sa pagsagot at pagtitipa ng salitang “HAHAHA” sa isang
nakakatawang post halimbawa sa facebook. Minsan naman ay hindi mo matitiyak ang
lebel ng emosyong namumutawi sa damdamin ng isang tao kung siya ba ay masayang-
masaya, galit na galit , nalulungkot o umiiyak. Subalit sa tulong mga biswal na
ekspresyong ginagamit sa komunikasyong online, naging mas malinaw ang pagpapahayag
ng mensahe at mas nagiging angkop ang pagbibigay interpretasyon nito.

Ang biswal na ekspresyon ang nagsisilbing panghalili sa di-berbal na komunikasyon sa


mundo ng social media. Tinutugunan nito ang mga aksyong nais iparating ng tagapaghatid
gamit ang mga bahagi ng katawan bilang representasyon nito. Narito ang iilan sa mga
biswal na ekspresyon na ginagamit sa online na mundo:

1. Emoji

Isang makabagong simbolo na representasyon ng mga ekspresyon ng mukha ng tao,


kumoas ng kamay, mga hayop, pagkain, imprastruktura at iba pa. Kadalasan itong
ginagamit sa pagpapahayag ng mensahe ng mga netizen. Ang emoticon ang lumang
bersyon nito na gumagamit ng mga salita, bantas at iba pang simbolo na makikit
keyboard at keypad. Una itong ginamit sa cellphone sa pagtitipa ng mensahe. Iilan sa
mga halimbawa niyo ay ang :D, :p, <3, at marami pang iba. Subalit hindi na madalas
ginagamit ang mga ito dahil upgraded na rin ang mga cellphone na gumagamit na ng
mga makabagong emoji. Mas madali ang paggamit ng mga makabagong emoji dahil sa
sistema na ito ng cellphone o bahagi na ito sa iilang mga site.

Ang mga halimbawa sa itaas ay iilan lamang sa mga emoji gamit ang mukha sa
pagpapahayag . Maliban dito, ginagamit rin ang iba pang bahagi ng katawan bilang
emoji katulad na lamang ng kamay at balikat. Tunghayan ang mga sumusunod na
halimbawa;

Inirerepresenta ng mga emojing ito ang mensahe ng tagahatid. Nagsisilbi itong


panghalili upang maiwasan ang pggamit ng mga karakter sa keyboard. Subalit may
pagkakataon din na taliwas ito sa tunay na kahulugan ng nasabing emoji. Maaaring
sarkastiko ang paggamit ng emojing ito.

2. Meme
Isa itong larawan na ginagamit sa pangungutya o bilang katatawanan. Ito ay
kadalasang galing sa isang sikat na pelikula o isyu ng artista, pulitiko o mga
karaniwang tao. Maaari rin isang bidyoklip ng magkasunod sunod na galaw. Ang mga
klip na ito ay kadalasang galing sa pelikula o di kaya isang karton na karakter.
Maaaring kinapalooban din ng mga salita ang isang meme upalng mas mailahad ang
konteksto ng pahayag.

References

53
Mga Aklat:

Sandoval, Mary Ann S. et, al. (2018). Inobasyon sa Wikang Filipino. Mutya Publishing House,
Inc.: Malabon City.

Elektronikong Sanggunian:

https://www.jw.org/tl/library/magasin/w20130515/mag-usap-may-pag-ibig/

https://www.bible.com

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

Sweetzel Anne Reovoca –Bendol, LPT Derbie P. Padojinog, EdD


Guro Dean –CED

54

You might also like