You are on page 1of 19

INSTITUTE OF EDUCATION

BATSILYER NG PANG-ELEMENTARYANG EDUKASYON


UNANG TAON

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Fil 1

PAMPAGKATUTONG MODYUL NG MAG-AARAL


PRELIMINARYA- IKATLONG LINGGO

Polytechnic College of Botolan


Botolan, Zambales

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|1


Republic of the Philippines
POLYTECHNIC COLLEGE OF BOTOLAN
(Formerly Botolan Community College)
Botolan Zambales
E-mail: polytechniccollegeofbotolan@gmail.com
Website: pcbzambales.com
Mobile Number: 09491553113

Modyul Blg. 3
Paksa: Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng mga Impormasyon
A. Mga Uri at Paraan ng Pagpapahayag
B. Pagsasalita
C. Talumpati at Pakikipanayam
D. Pagsulat at Korespondensya

LAYUNIN

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng mabisang pag-uugnay-ugnay ng
impormasyon para sa komunikasyon
2. Mailarawan ang mga paraan sa pagpapahayag o pag-uugnay-
ugnay ng impormasyon
3. Makapagpahayag ng sariling kaisipan gamit ang isang paraan ng
pagpapahayag

PAGTUKLAS

Halina’t Ating Isagawa!

Panuto: Magtala ng isang napapanahong isyu, lapatan ito ng mga basehan na hindi
kukulangin sa limang sanggunian at gawan ng sariling pagbubuod.

NAPAPANAHONG ISYU: __________________________

Sanggunian

1. _____________________________ PAGBUBUOD:

2. _____________________________

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|2


3. _____________________________

4. _____________________________

5. _____________________________

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang mga sanggunian na may tiyak at totoong impormasyon


hinggil sa isyung napili?
_________________________________________________________
__________________
2. Ano ang iyong naging basehan sa pagpili ng mga sanggunian?
_________________________________________________________
__________________
3. Sa paanong paraan mo ipinag-ugnay-ugnay ang mga impormasyong
nakalap?
_________________________________________________________
____________________

Muling Alalahanin!
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa unang
kaalamang natamo.

1. Ano-ano ang mga paraan ng pagpapahayag?

2. Ano ang kahalagahan ng mabisang paagbubuod at pag-uugnay-

ugnay ng impormasyon?

3. Ano ang maaaring kahinatnan ng pagbatay sa sangguniang hindi

tiyak at totoo ang impormasyon? Balikan at alalahanin ang napag-

aralan sa unang modyul.

4. Ano ang epekto nito sa mabisang pag-uugnay-ugnay ng

impormasyon?
MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|3
5. Ano ang pagsasalita?

6. Bakit mahalaga ang kasanayang pagsasalita sa pag-uugnay ng

impormasyon?

7. Paano isinasagawa ang talumpati? Mayroon bang nagaganap na

pag-uugnay at pagbubuod ng impormasyon? Patunayan.

8. Ano ang pakikipanayam?

9. Ano ang mahalagang gawain sa pakikipanayam?

10. Ano ang kaugnayan ng pagsasalita, pagsusulat at talumpati

sa pagbubuod at pag-uugnay-ugnay ng impormasyon?

PAGPAPALIWANAG
11.

Aralin 1 : MGA URI AT PARAAN NG PAGPAPAHAYAG


Ipahayag:
Ang kahusayan ng sinuman sa pagsasalita at pagsulat ay itinuturing
na pinakamahalagang kakayahan ng isang tao sa larangan ng
pakikipagdiskurso sa kapwa at lipunan. Kaakibat ito bilang bahagi ng
gawain ngisang karaniwang mamamayan. Ang pagdidiskurso ay madalas
na ginagamit saan mang aspekto sa iba’t-ibang larangan o disiplina. Ang
paggamit nito ay s=dapat naisinasaalang-alang upang maging maayos
ang pagpapahayag.
Ang diskuro ay mula sa salitang latin na “diskursus” na
nagangahulugang argumento. Ito ay wikang ginagamit upang
interaktibong makalikha ng kahulugan. Mahalaga ang tema sa diskurso
sapagkat sinisikap nilang maipaunawa sa lahat ng aspeto ang proseso
kung saan nagaganap ang komunikasyon kinakatawan nito ang punto ng
pag-uugnayan ng retorika sa iba pang tradisyong pangwika.
Ang teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng
komunikasyon. Ang teoryang ito ay makatutulong upang makagawa ng
MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|4
mga desisyon tungkol sa mga sitwasyong pangkomunikasyon.
Nakapaloob dito ang teoryang Speech Act Theory at Etnography of
Communication. Sa unang teorya naniniwala na ang yunit ng
komunikasyong lingwistik ay hindi ang simbolong o pangungusap mismo
kung hindi ang produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o
pangunugusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech
acts.Samantalaa, sa ikalawang teorya, nauukol naman ito sa pag-aaral
ng sitwasyin, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng
teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na
nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad.
Sa pagharap sa tao, bilang isang komunikador, binibigyan natin ng
tuon kung paano natin maipararating nang malinaw ang mga ideya,
opinyon, kuro-kuro natin sa isang tiyak na isyu o paksa. Kaya naman
isinasaalang-alang natin kung anong uri ng diskurso sa pagsasalita o
maging sa pagsulat ang ating ginagamit. Ito ang nagsisilbi nating padron
pang higit na matagumpay nating maiparating at mauri ang ating
gagamitin. Kalimitan sa mga diskursong ito ay ang tambalan ng mga
sumusunod:
1. Paglalahad (Ekspositori)
Pangunahin nito ang magbigay ng kapaliwanagan o kaalaman sa
isang konsepto. Naghahayag ito ng kaparaan upanfg magbigay
impormasyon at kabatiran na kadalasang ginagamit sa tekstong
ekspositori, impormatibo at ekspresibo. Sinasamahan ito ng estilong
paglalarawan at pagsasalaysay ngunit may katiyakang ang ideyang
inilalahad ay dapat na mangibabaw at hindi ang kaanyuan at mga
pangyayari. Katatagpuan ito ng mga bahaging simula, gitna at wakas.
Dapat na maging mabisa ang paglalhad at dapat na ito ay nagtataglay ng
mahahalagang simulain tulad ng kaisahan, pagkakaugnay-ugnay at diin.
Sa pagsulat ng paglalahad at dapat na kawili-wili masidhi, kaakit-akit, may
buhay at angkin ang kagandahan.
Mga Katangian ng Paglalahad:
Kalinawan- kailangan ng maging malinaw ang anumang pahayag
upang higit na maunawaan ito ng nakikinig o bumabasa sapagkat
kung hind, ito ay maaaring magbunga ng hindi pagkakaunawaan.
Katiyakan- lubos na matatamo ito kungalam ng nagpapaliwanag
ang kanyang layunin sa pagpapaliwanag. Tandaan na ang buhay
ng isang mahusay na paglalahad ay nasa layunin nito.

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|5


Kaugnayan- Hindi maaaring maging halo-halo ang mga kaisipan
ng paksang tinatalakay, kailangan ang sangkap ng mga
pangungusap at mga ttalata ay may kaugnayan sa isa’t-isa upang
maging mabisa ang pagpapahayag.
Diin- Ang pahayag ay dapat na nagtataglay ng diwang mahalaga o
makabuluhan upang maakit at ipagpatuloy ang pakikinig o
pagbasa.
Mga Bahagi ng Paglalahad
Simula- ito ang bahaging dapat na makaakit sa kawilihan o interes
upang ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa ng isang katha. Dapat
na tagalay nito ang pangunahing kaalaman at ang pagpapalutang
ng pinakapaksang pangungusap. Binubuo ito ng mga talatang
nagbibigay ng makabuluhan at mabisang introduksyon sa kung ano
ang layunin at magiging daloy ng pagtalakay sa kabuuan ng
ipinapahayag.
Gitna/Katawan- Upang lubos na matamo ang kahusayan ng
paglalahad dapat ito ay nagtataglay ng mga magkakaugnay na
kaisipan sa isa’t-isa upang maging mabisa ito.
Wakas- Ang bahaging ito ang nag-iiwan ng isang kakintalan o
impresyon. Kadalasang naglalahad ito ng mga kongklusyon,
pagbubuod, muling pagpapalutang sa pinakadiwa ng paksa.
Rekomendasyon, implikasyon at mga mahahalagang mensahe
hinggil sa paksa.
2. Paglalarawan (Deskriptib)
Tungkulin nitong maipakita ang hugis, kayarian, katangian at
kaibahan ng mga bagay at pangyayaring pinahahalagahan ng
pnagpapahayag. Sa tulong ng mga pandama, binibigyang kulay at buhay
ang mga bagay sa tulong ng malikot nating imahinasyon na siyang
lumilikha ng imahe sa isipan ng bawat mambabasa o tagapakinig. Ito ay
nauuri sa dalawa; ang masinig at karaniwan.
Ginagamitan ng mga salitang pang-uri at pang-abay at mga pananalitang
patayutay at idyoma.
Dalawang Uri ng Paglalarawan
1. Objektib/ Pangkaraniwan - paglalarawang nagbibigay lamang ng
kabatiran sa tao, bagay, hayop o pangyayari o iba pang bagay na
inilalarawan. Ito ay hindi naglalaman ng kuro-kuro ng nglalarawan

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|6


sapagkat dito ay karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa namamalas ng
lahat.
2. Sabjektib/ Masining- paglalarawang pinagagalaw ang guni-guni ng
bumabasa o nakiking. Lumilikha ito ng iba’t-ibang imahinasyon at mga
malilikot na pag-iisip tungo sa pagbuo ng isang buhay na larawan ayon
sa damdaming nais ipahatid ng may akda.
3. Pagsasalaysay (Naratib)
Sa pagtatala ng mga pangyayaring nagaganap sa ating pang-araw-
araw na buhay pasulat man o pasalita ang uri ng diskursong ito ang palagi
nating nagagamit. Sapagkat sa lahat ng ating pagkilos likas na sa atin ang
magkwento ng mga pangyayaring nakatutuwa, nakalulungkot o kaya
naman ay nakakatakot. Tandaan natin na sa paggamit nito dapat na
taglayin ang mga sumusunod na katangian.
Katangian ng Pagsasalaysay
1. May kaakit-akit na pamagat
2. makabuluhan ang paksa
3. kawili-wili ang simula
4. wasto ang pagkakasunod-sunod
5. angkop ang mga pananalitang ginamit
6. may maayos na pagkakabuo
7. kapana-panabik ang kasukdulang tagpo
8.kawilwili ang wakas

Hanguan ng Salaysay
1. Sariling karanasan – ang sabi nga, higit na kapani-paniwala ang isang
salaysay kung ang mga ito ay mula sa naganap na tunay na buhay na
maaaring mabuti o masama na hinding-hindi malilimutan na siyang
nagpapaalala sa ating nakaraan.
2. Napakinggan- ito ang mga pangyayaring maaaring naikwento o narinig
mula sa bibig ng ibang tao o napakinggan sa radyo
3. Nakita o nabasa- ito ay ang mga pangyayaring bunga ng obserbasyon
mula sa nabasa
4. Likhang-isip – mga salaysya na bunga ng imahinasyon o malikhaing
pag-iisip

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|7


3. Pangangatwiran (Argumentatib)
Sa mga naunang diskurso, ito ang dapat na pinaghahandaan
sapagkat nangangailangan ito ng panahon at oras. Layunin niitong
makapanghikayat o mapaniwala ang mga mambabasa o tagapakinig
batay sa kanyang paniniwala at ppaninindigan. Binibigyang pagtalakay
dito ang paglalahad ng mga detalye at kaalamang nais bigyang tuon. Ang
paglalatag ng mga ebidensya ay masusing pinag-aaralan sa pagsuporta
sa mga argumentong inilalatag ng tagapagsalita. Kadalasan itong
isinasagawa sa paraang lohikal at mabisang pagsulat para sa
pakikipagdebate.Upang maging mahusat ang paglalahad ng isang
komposisyon marapat na ito ay ilahad sa isang epektibong talataan. May
talong bahagi ito na dapat taglayin: simula, gitna at wakas.

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran


(Fallacies of Reasoning)
1. Argumentum Ad Hominem- isang nakahihiyang pag-atake sa personal
na katangian/lkatayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o
pinagtatalunan.
2, Argumentum Ad Baculum- pwersa o awtoridad ang gamit upang
maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento.
3. Argumentum Ad Misericordiam- giinagamit ang ganitong istilo upang
maawa at kumampi ang mga nakikinig, ginagamit ito sa paraang pumipili
ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.
4. Non Sequitur- “It doesn’t follow” kung baga sa Ingles. Pagbibigay ito ng
kongklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
5. Ignoracio Elenchi- gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang
barberya, kilala ito sa Ingles na “circular reasoning” o sa madaling salita
ito ay paligoy-ligoy.
6. Maling Paglalahat- ito ay pagbibigay ng isang kongklusyong
sumasaklaw sa pangkalahatan na bumabatay lamang sa ilang sitwasyon.
7. Maling Paghahambing- kadalasan itong tinatawag na usapang lasing
sapagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala naman sa
matinong konlusyon.
8. Maling Sanligan- nagsisimula ito sa maling akala na siya namang
naging batayan. Ipinagpapatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng
konklusyong wala sa katwiran.
9. Maling Awtoridad- naglalahad ng tao o sangguniang walang kaalaman
sa isang isyung kasangkot
10. Dilemma- naghahandog lamang ng dalawang opsyong pagpipilian na
para bang iyon at wala nang iba pang alternatibo.
MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|8
Mga Uri ng Pagtatalo
Ang pagtatalo ay kadalasang nangyayari saan mang panig ng
mundo lalo na sa mga pook ng senado, paaralan, opisina at maging sa
mga ordinaryong lugar. Sa larangan ng akademya at sa propesyon ang
pagtatalo ay isang pormal na gawaing pasalita na isinasagawa sa
pamamagitan ng pangangatwiran ng agkabilang panig na tumututol o
sumasang-ayon sa paksang pinag-uusapan. Ito ay nauuri sa tatlo.
1. Di Pormal na pagtatalo- Ang ,ediator ang siyang naglalahad kung ano
ang nakatakdang pagtatalunan at siya rin ang tagapaghudyat ng simula
ng pagtatalo. Ang bawat isang kasapi ng dalawang panig ay may
kalayaang magsalita at magmatuwid matapos siyang humingi ng
pahintulot sa mediator. Makikita sa uring ito ang pagbibigay galang o
respeto sa bawat isa upang makapagpahayag ng kanilang ideya sapagkat
kailangan muna nilang matapos bago magsalita ang kabilang panig.
2. Paraang Lincoln – Douglas – Ito ay may tig-isang tagapagsalita
lamang sa bawat panig ng sang-ayon. Sinusundan ito ng nasa panig na
di sang-ayon at pabulaan ang sinabi ng unang natapos. Magbibigay
naman ng pagbubuod ang bawat panig sa magkaparehong
pagkakasunod-sunod. Hanggang sa mabuo ang isang ganap na
pagtatalo. Dito ay may huradong siyang magpapasya batay sa mga
inilahad na argumento at dapat na may malawak na itong kaalaman sa
paksa.
3. Paraang Oregon- Oxford- Binubuo ito ng tatlong tagapagsalita sa
bawat panig. Ang paraan ng pagtatalo ay naaayon rin sa karaniwang
pagtutuunan ng kanilang mga proposisyon.
Aralin 2: PAGSASALITA
Ipahayag:
Kailan ka ba huling nagsalita sa madla, nakipag-usap o
nakipagtalo? Marahil, katulad ka rin ng karamihan na kinakabahan sa
oras na ikaw ay magsasalita sa harap ng maraming tao o makikipag-usap
sa mga taong sa tingin mo ay mas nakaaangat sa iyo. Hindi kaila sa atin
na kapag tayo ay nagsasalita, iniisip muna natin kung sino ang ating
kausap at kung ano ang ating unang sasabihin.
Sa makrong kasanayan ang pagsasalita ay nagtataglay ng 35
porsyento ng kabuuang gawain ng isang tao sa buong araw. Kung titignan
MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|9
ang pagsasalita ay nakabatay sa istilo ng tagapagsalita. Samakatuwid,
ang husay sa pagsasalita ay isang katangian tungo sa pagiging
matagumpay ng isang tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang lipunan.
Ang pagsasalita ay isang kakayahang kusang natututunan ng isang
nilalang mula sa kanyang pagkabata, na hindi na kailangan pang bigyan
ng malalim na tuon. Gayun pa man, may mga tao na nagtataglay ng husay
at galing sa pagsasalita na kinagigiliwan dahil na rin sa kanyang husay sa
paggamit ng mga salitang nakapupukaw ng interes at kamalayan ng tao
upang siya ay pakinggan o pagtuunan ng pansin.Kailangan sa
pagsasalita ang kalinawan ng ideyang ilalahad pati na rin ang kabuluhan,
kaangkupan at kalinawan ng boses.
Ang lebel o bigat ng pamamaraan ng pananalita ay depende na sa
ating pagkakagamit bilang opereytor. Ang pagiging matagumpay nito ay
nakasalalay sa kawastuhang dapat na nakapaloob dito tulad ng
kawastuhang gramatika at panglingguwistika.
Marami ang sumikat at nagkaroon ng marka sa larangan ng
pagsasalita na siyang kinagigiliwan ng mga tagapakinig o tagapanood
tulad ng mga sumusunod:
1. Manuel L. Quezon
2.Hitler
3. Ferdinand Marcos
4. Obama
5. Mike Velarde
6. Mel Tiangco
7. Mike Enriquez
8. Noli de Castro
9. Marc Logan

Tatlong Kasangkapang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na


Tagapagsalita
1. Kaalaman
2. Kasanayan
3. Kumpiyansa

Ang angking kahusayan ay dapat na mabisa sa pamamagitan ng


paglalapat batay sa mga sumusunod na kasanayan.

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|10


a. Di-pormal na Kasanayan
1. Pakikipag-usap sa kapwa
2. Proseso ng ugnayan sa kapwa

b. Pormal na Kasanayan
1. Panayam
a. harapan, biglaan, hayagan
b. pagbabalita
c. talumpati

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang talumpati?
2. Ano-ano ang mga uri ng talumpati? Ilarawan ang bawat isa.
3. Biakit mahalaga ang layunin ng talumpati?
4. Ano ang kahalagahan ng talumpati sa paglalahad at pag-uugnay-
ugnay ng impormasyon?
5. Ano-ano ang mga kalahagahan ng kasanayang pagsulat?

Aralin 3: TALUMPATI AT PAKIKIPANAYAM


Ipahayag: Talumpati
Ang pagtatalumpati ay isang pambihirang kasanayan sa
pagsasalita na binibigyan ng mataas na lebel ng pagsasanay. Bunga itong
mga kasanayang natutuhan sa akdemya na humuhubog sa kahusayan
ng pag-iisip at kadalubhasaan sa pagsasalita. Itinuturing itong masining
na pagpapahayag na inihahanda upang bigkasin sa harap ng mga tao
para sa gawaing pormal na pagsasalita. Kung kaya ito ang itinuturing na
pinakapormal sa lahat ng pagsasalita.
Bawat pagtitipon o pagdiriwang lalo na sa larangan ng akademya
ay ginagamit ang talumpati. Ito ang madalas na nangingibabaw sa mga
pormal na pagtitipon. Upang maging malawak pa ang iyong pang-unawa
ukol ditto dapat mong bigyang tuon kung ano ang mga uri nito.

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|11


Mga Uri ng Talumpati
1. Handa –pinakapormal at maayos na talumpati na maaaring maganap
sa anumang pormal na okasyon. Binibigyan ang mga tagapakinig ng oras
sa pagtatanong.
2. Daglian – sa uring ito, ang tagapagsalita ay walang anumang
kaalaman sa kanyang bibigkasin o sa paksa. Ibibigay ang paksa kapag
nasa harapan nan g tagapakinig. Ang tanging basehan ay ang sariling
karanasan
3. Maluwag- Dito, ang tagapagsalita ay binibigyan ng kaunting panahon
upang pag-isipan at paghandaan ang kanyang mga sasabihin sa oras ng
kanyang pagtatalumpati.

Layunin ng Talumpati

1. Magbigay ng impormasyon o kaalaman


2. Magbigay ng isang kasaysayan
3. Gumising ng damdamin at makalikha ng impormasyon
4. Mapanghikayat
5. Nagbibigay parangal
6. Nagpapasalamat

Uri ng Kumpas at Gamit

1. Nagpapahayag ng pagkapoot o galit (kuyom na palad)


2. Nagpapahayag ng pasaklaw ng isang diwa, tao o pook (kumpas na
pahawi)
3. Pagpapahiwatig ng pagtanggi, pagkabahala at takot (nakaharap sa
madla na bukas ang palad)
4. Pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas (Marahang pagbaba
na bukas ang palad)
5. Pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita
(bukas na palad paharap)
6. Pagpapakita ng pagkagalit at paghamak (panturong kumpas)
7. Kumpas na pakutya (nilalakipan ng pag-ismid)

Mga Bahagi ng Talumpati

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|12


1. Panimula – Dito binibigyang tuon ang paghahanda ng kaisipan at
damdamin ng mga tagapakinig. Maari itong simulant sa isang anekdota,
pagkukuwento o kaya naman sa isang kasabihan na kakikitaan ng
kawilihan ng mga tagapakinig.
2. Paglalahad – Ito ang buhay ng talumpati. Sa bahaging ito
ipinaliliwanag ng tagapagsalita ang mahahalagang kaisipan at katwiran
na nagpapakita ng mga katalinuhan at kahusayang magpuna at magsuri
ng paksa.
3. Paninindigan – Dapat na ang katwiran ay nakatatak sa isipan,
damdamin at makatotohanan na dapat makita at marinig ng tagapakinig.
4. Pamimitawan – Sa bahaging ito nag-iiwan ng pinakamensahe ng
talumpati. Dapat na ang wakas ay maikli lamang upang manatili ang diwa
na nais iwanan sa mga tagapakinig.

Tandaan, sa pagsasagawa ng talumpati tiyaking huwag maging parang


robot sa harap ng tagapakinig at huwag tangkaing isaulo ang galaw.
Gawin itong natural sa harap ng mga nakiikinig at kung may mga maling
gawi ay alisin ito.

Pakikipanayam
Ang pakikipanayam ay nakakatawag pansin sa mga mambabasa
sapagkat parang may personal na relasyon ang taong kinapapanayam sa
nagsasalita. Ito ay pag-uusap sa pagitan ng dalawang tao. Layunin ng
isang panayam na makakuha ng mapanghahawakang mahalagang
impormasyon sa kinakapanayam. Sa mga bagay tulad ng gawain,
kalagayan, pangyayari sa lipunan at iba pa. Kadalasan na ang
kinapapanayam ay isang kilalang tao o kaya naman ay may kinalaman sa
paksang sinasaliksik.

Ang pakikipanayam ay nahahati sa apat na uri:

1. Factual o Opinion Interview – Ang tao ay kinakapanayam dahil sa


pagiging awtoridad sa isang bagay.
2. Personality Interview – Kinakapanayam ang isang tao dahil siya ay
isang sikat na personalidad sa lipunan.
3. Biyograpikal na Panayam – pakikipanayam sa isang tao upang
malaman ang kanyang talambuhay.

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|13


4. Ekslusib Interbyu – ito ay isang eksklusibong pakikipanayam na
maaaring ang tagapanayam lamang ang naroon o kaya naman maraming
mamamahayag ang nagtatanong.

Aralin 4 PAGSULAT AT KORESPONDENSYA


Ang pagsulat ay isang komunikatibong kasanayan na nalilinang sa
isang tao. Isang gawaing pisikal at mental dahil magkaugnay na ginagamit
upang maipahayag at mapag-ugnay-ugnay ang mga kaisipan o
impormasyon sa pmamagitan ng paglilipat sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan.
Batay nga sa pantas, ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at
karanasang natamo ng isang nilalang sa kanyang kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. Sa kabuuan, ang pagsulat ay
produkto ng mga kaalamang mahinuha sa mga nabanggit na kasanayang
pangwika. Ang pagsulat ay isang transpormatibong kaalamang
natututuhan sa pakikisalamuha sa lipunan na maaaring mauri sa personal
at panlipunang sosyal.
Dimensyon sa Pagsulat
1. Artistikong Pagsulat – may masiningnga panghihikayat sa
pamamagitan ng matatalinghaga o malalim na salitang nag-iiwan ng
mabibigat na mensahe o kaalamang mananatili sa isipan ng mga
mambabasa.
2. Ekspresibo at Tagapagpaganap – dimensyong nagpapahayag ng
kaalaman na may matinding layuning maisiwalat upang mahikayat ang
mga mambabasa na gumawa ng aksyon batay sa kanilang nabasa
3. Oral at Biswal- Ang imensyong oral ay isang paraang aktwal na
pakikipag-usap ngmambabasa sa awtor. Binibigyang pagkilala ng
mambabasa ang awtor batay sa mga pananalitang ginamit nito sa
kanyang akda. Samantala, sa biswal, ang nga lengguwaheng ginamit ng
manunulat ay kinapapaloobang ng mga nakalimbag na simbolo upang
magpagalaw ng imahinasyon ng mga mamababasa tungo sa paglikha ng
panibagong ideya sa kanilang isipan. Ang mga pananalita ngmay-akda
ang nagsisilbing stimulus sa mga mambabasa upang lalong maging
malinaw ang pagkakaunawa ng mga ito sa kanyang isinusulat.
Pagkalahatang Katangiang Sinusunod sa Pagsulat
1. Layunin – paghahamon sa mga konsepto o katwiran

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|14


2. Tono – may dalawang uri na maaaring gamitin; ang personal at ang
impersonal.
3. Batayan ng datos- sinusuri angmga kaalaman at katwiran na siyang
nagiging batayan sa pagpapatibay ng katwiran.
4. Balangkas ng Kaisipan – ito ang piniling kaisipan na nais patunayan ng
sumulat.
5. Perspektiba – ang pagbibigay solusyon sa umiiral na problema ang
pokus ditto
6. Target na mambabasa- batayan ng sumusulat kung sino ang kanyang
magiging target audience
Mga Katangian ng Mahusay na Pagsulat
1. Kaisahan
2. Kaugnayan
3. Diin
4. Orihinalidad
5. Makatotohanan

PAGTATAYA

GAWAIN 1: Pagsulat
Panuto: Sumulat ng isang ekspositori hinggil sa napapanahong isyu.
Lapatan ito ng mga basehan na hindu kukulangin sa limang sanggunian.
Ang ekspositori ay tiyaking naglalaman ng 10-15 pangungusap. Ang
anumang uri ng pagbura ay may kaakibat na dedaksyon sa pinal na iskor.
_____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
__________________________________________________
GAWAIN 2: Lakbay Salaysay
Panuto: Pumili ng isa sa apat na uri ng diskurso/pagpapahayag. Gumawa
ng isang maikling programa sa paraang pasulat na kakikitaan ng paksang
napili. Ang anumang uri ng pagbura ay may kaakibat na dedaksyon sa
pinal na iskor.

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|15


_____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
GAWAIN 3:Lakbay Kapaligiran
Panuto: Pumili ng isang natatanging lugar, tao, bagay o pangyayari at
gawan ito ng isang dokumentaryo sa anyong pasulat. Tiyaking
mapagkakatiwalaan ang sanligan. Iwasan ang pagbura.
_____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
__________________________________________________

GAWAIN 4:Teki Mo
Panuto: Humanap ng isang video na nagpapakita ng pag-unlad ng
edukasyon sa Pilipinas. Panoorin ito at gawan ng isang pahinang
repleksyon. Ilagay ang pamagat at link ng nahanap at pinanood na video
sa taas. Iwasan ang pagbura.
_____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
__________________________________________________

Panuto: Basahin ang artikulo ni Andrew Dobson tungkol sa Democracy


and Nature: Speaking and Listening. Gumawa ng isang pahinang
reaksyong papel. Iwasan ang pagbura.
_____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
__________________________________________________

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|16


GAWAIN 5: Isadiwa
Panuto: Sumulat ng iba’t-ibang anyo ng panimula para sa paksang
“MATA, PINTUAN NG ATING KATAUHAN”.
1. Isang katanungan
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________________________________
2. Isang pangunugusap na makatawag pansin
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________________________________
3. Isang siniping sabi
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________________________________
GAWAIN 6: Tama o Mali
Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay mali. Isulat naman ang titk
M kung ang pahayag ay tama.
____1. Ang talumpati ay itinuturing na masining na pagpapahayag na
inihanda upang bigkasin sa harap ng madla.
____2. Hindi mahalaga ang pagtatalumpati sa mga pagtitipon o
pagdiriwang lalo na sa larangan ng akademya.

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|17


____3. Ang pagsasanay bago ang talumpati ay hindi na kailangan.
____4. Isa sa mahalagang katangian sa pagtatalumpati ay ang kilos at
galawa ng taong nagsasalita.
____5. Ang panayam ay nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o grupo
ng mga tao.
____6. Layunin sa pakikipanayam na makakuha ng mapanghahawakang
mahalagang impormasyon sa kinakapanayam.
____7. Ang dagliang pagtatalumpati ay walang alam sa kanyang paksa.
Tanging basehan ay ang kanyang sariling karanasan.
____8. Bukas ang palad ay nagpapahayag ng pagkapoot o galit.
____9. Isa sa layunin ng talumpati ay pagbibigay panuto sa mga gawain.
____10. Sa pagtatalumpati, layunin nitong magbigay impormasyon o
kaalaman sa mga tagapakinig.
____11. Hindi isinasaalang-alang ang oras, damdamin at impormasyon
ng kinakapanayam.
____12. Angmga kumpas at galaw ng kamay ay maraming ibig sabihin o
kahulugan sa pagtatalumpati.
____13. Handa ang pinakapormal at maayos na talumpati sa anumang
pormal na okasyon. Hindi maaaring magtanong ang tagapakinig.
____14. Maaaring pormal o di-pormal ang pagtatalumpati.
____15. Sa panahon ng panayam dumating sa oras at maging
propesyonal sa kilos at galaw.

TUGON/ PIDBAK

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________________________________

TALASANGGUNIAN
:
Acopra, Jioffre et.al.(2014) Kontekstwalisadong Filipino sa Malayuning
Komunikasyon, Mindshapers Co. Inc. Intramuros, Maynila

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|18


Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

AIRA BANAL Nilo C. Balangon, Ed. D


Guro sa Filipino Programang Tagapag-ugnay

MODYUL 3| FIL 1 Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina|19

You might also like