You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Malikhain: 2
Pangalan: Ello, Virna Marie D. Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Antas / Strand / Seksyon: 11 - Stem 7
Petsa: December 6, 2021
Guro: Bb. Bernadeth Bermejo______________________________________

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Sanggunian: Phoenix Publishing House: Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika

Paksa: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino Uri ng Gawain:


Kakayahang Diskorsal Gawain Bilang: 15
*Kakayahang Diskorsal
* Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng kakayahang Pangkomunikatibo
Layunin:
a. Nakabubuo ng isang modelo ng isang epektibong komyunikeytor
b. Naihahayag ang saloobin hinggil sa makabagong paraan ng komunikasyon
c. Nakasusulat ng sanaysay tungkol sa pagiging epektibong komyunikeytor

PANIMULA

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


-KAKAYAHANG DISKORSAL

Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap at


palitan ng kuro” (2010). Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa
kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang diskorsal ay ang kakayahang tekstuwal at ang
kakayahang retorikal. Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan ng isang indibidwal sa
pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal,
transkripsiyon at iba’t iba pang pasulat na komunikasyon. Ang kakayahang retorikal ay tumutukoy naman
sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon, Kasama rito ang kakayahang unawain
ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o opinyon.
Ayon kay Grice (1957, 1975; sipi kay Hoff 2001), May dalawang batayang panuntunan sa
pakikipagtalastasan. Ang unang tuntunin ay ang pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag. Ang ikalawa
naman ay ang pakikiisa, na kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad, relasyon, at
paraan ng kumbersayon.
Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng
isang makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakakapagbigay rin
ng wastong inerpretasyon na napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang
makabuluhang kahulugan.
Tandaan may dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal –
ang cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-ugnay. Ugaliing gumamit ng mga panandang
kohesyong gramtikal at panandang pandiskurso upang matiyak ang kaisahan at pagkakaugnay ng
kaisipan. Masasabi nating may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan
at magkakaugnay.

ANIM NA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang


pangkomunikatibo. Narito ang anim na pamantayan:

1. Pakikibagay (Adaptability) – Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may


kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa mga sumusunod:
a. Pagsali sa iba’t ibang inter-aksiyong sosyal
b. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement) - May kakayahan ang isang tao na


gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng isang komyunikeytor ang sumusunod:
a. Kakayahang tumugon
b. Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. Kakayahang making at magpokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management) – Tumutukoy ito sa kakayahan ng


isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paano ang
mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy) - Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang


damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw
ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.

5. Bisa (Effectiveness) – Tumutukoy ito sa dalawang mahalagang pamantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo – ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong
may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-
usap ay epektibo at nauunawaan.

6. Kaangkupan (Appropriateness) – Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo,


naiiangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyarihan ng pag-uusap o sa
taong kausap.
Gawain Blg. 1
Panuto: Batay sa mga komponent ng kakayahang pangkomunikatibong tinalakay, bubuo ka ng isang
modelong sumisimbolo sa isang mahusay na komyunikeytor. Isulat sa loob ng katawan ng tao ang mga
kakayahang taglay niya kaya siya ay tinaguriang epektibong komyunikeytor. Sa mga linya naman ay
ipaliwanag ang modelong ginawa.

-mahusay makipag
usap Yan ang aking nagawang modelo dahil upang
-Magaling mag-
maying komyunikeytor ay kailangan ay mahusay
isip sa mga kang makipag usap sa bawat tao. Kailangan naman
binibitawang ay maging magaling sa mga binibitawan na salita
salita sa kausap
dahil hindi natin alam ay nakakasakit na tayo ng
-Mapagkumbaba damdamin ng ibang tao. At ang pang huli ay dapat
maging mapagkumbaba sa kahit na sino mang tao
dahil ito ang paraan para irespeto ang iba at irespeto
ka ng mga tao.
Gawain Blg. 2
Panuto: Ihayang ang saloobin hinggil sa makabagong paraan ng ng komunikasyon

Ikaw bilang miyembro ng Generation Y, ano ang maaari mong maitulog sa kapwa mo kabataan
upang maging maingat sila sa pagpapahayag ng saloobin sa social media at nang hindi makasakit o
makasira sa iba? Sumulat ng isang pahayag na maaari mong i-post sa social media. Isulat ang iyong
pahayag sa loob ng kahon.

Ang maitutulong ko sa kanila ay sabihin na lamang na magingat sa mga binibitawan na


salita para hindi na makasakit ng iba pang tao at ipapaalam ko din kung ano ang magiging
resulta kapag hindi nagingat sa pagbibitaw ng mga salita.

Gabay na tanong:

1.Kaya bang sukatin o tayain ang kakayahang pangkomunnikatibo batay lamang sa ilang salik?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
-Hindi, kasi marami namang paraan ng pakikipag komunikatibo.At hindi maaring sukatin base lamang
sa ilang salik lamang ng komunikasyon.
2.Sumasang-ayon ka ba sa mga nakaisip ng mga pamantayang ito? Bakit?
-Oo, dahil ito ang paraan para maging maayos ang pakikipag usap sa ibang tao.
3.Bakit kailangang taglayin ng isang taong nagnanais maging epektibong komyunikeytor ang bawat
salik ng kakayahang pangkomunikatibo?
- Dahil ang taong may taglay ang epektibong komyunikeytor ay kaya iparating ang kanyang mga
saloobin at ideya sa paraang madaling maiintindihan ng kinauukulan ng mensahe.

Inihanda ni: Isinuri ni: Iniwasto ni:

BERNADETH BERMEJO JAYMEEH ANNE DE GUZMAN CAMILLE R. ZOLETA


Guro sa Asignatura Koordineytor sa Asignatura Assistant Focal Person

Nabatid ni:
ANAVELLE O. GAMBAYAN
Punongguro

You might also like