You are on page 1of 14

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBAC
K

Pangalan at Coner, Mergien


Larawan ng mga
Guro

Cruz, Jan Nell S.

David, Marie Athena Franchesca J.

Dela Cruz, Rochel Angela U.


2

Delen, John Karlo G.

Lesson Plan
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Heading
Baitang 8
Unang Markahan

Kasanayang 3.3. Nahihinuha na:


Pampagkatuto
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita at di-pasalita at
DLC (No. & virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng
Statement) pakikipagkapwa

Dulog o

Approach
Values Clarification

Panlahat na
Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
(Objectives)
C- Pangkabatiran: Maunawaan na ang sensitibong komunikasyon ay
3

nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
3.3. Nahihinuha na:

b. Ang pag-unawa A- Pandamdamin: Nakapagbibigay-galang sa kapwa tuwing


at pagiging nakikipag-usap.
sensitibo sa pasalita
at di-pasalita at B- Saykomotor: Maipamamalas ang mga angkop na kilos ng pagiging
virtual na uri ng sensitibo sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa.
komunikasyon ay
nakapagpapaunlad
ng pakikipagkapwa

PAKSA

(TOPIC) Mabuting Komunikasyon sa Kapwa

Inaasahang
Pagpapahalaga
Openness and Respect for Others - Intellectual
(Value to be
developed)

Konsepto ng Ang maayos na pakikipagkomunikasyon ay siyang magiging daan


Pagpapahalaga upang mapabuti at mapaunlad ang relasyon natin sa ating kapwa. Ito
ang magsisilbing susi sa pagpapakita ng paggalang sa iba, pasalita man
(1-3 sentences) ito, di-pasalita o birtwal.

SANGGUNIAN

(APA 7th Edition Bognot, R.M. C., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul
format) para sa mga Mag-aaral. Vibal Publishing House Inc. pp. 53-74

(References)

Faleti, Y. (2017). The Importance of Effective Communication.


Stevenson University. Retrieved from
https://www.stevenson.edu/online/about-us/news/importance-
4

effective-communication

Gayares, J. (2012). Social Network sa Pilipinas: Isang Kultural na


Pagtanaw sa Facebook at Pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino.
DALUMAT E-Journal vol. 3 no. 2. pp. 141-150. Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=6224

Keiling, H. (2021). 4 Types of Communication and How to Improve


Them. Indeed: Career Guide. Retrieved from
https://www.indeed.com/career-advice/career-development/types-of-
communication

Nordquist, R. (2019). What Is Communication?

The Art of Communicating and How to Use It Effectively. ThoughtCo.


Retrieved from https://www.thoughtco.com/what-is-communication-
1689877

Laptop
MGA
LCD Projector
KAGAMITAN
Powerpoint Presentation
(Materials)
Yellow Pad Paper

Ballpen

PANLINANG NA Technology
GAWAIN Pamamaraan/Strategy: Voting Questions Integration
Panuto: Itaas ang kanang kamay kung sang-ayon ka
(Motivation)
sa mga tanong and itaas naman ang kaliwang kamay
5

kung hindi ka sang-ayon.

Mga Tanong:

1. Madalas akong nagpaparinig sa social media


kapag ako ay may kaaway.

2. Nararapat na mas magalang ako sa mga mas


nakatatanda sa akin kaysa sa mga mas nakababata.

3. Nararadaman kong masaya ang aking kaibigan


kapag hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan.

Technology
Dulog: Values Clarification Integration
Pamamaraan/Strategy: Out-of-Class Activities

Panuto: Bumuo ng apat na pangkat at maghanda para


sa isang obserbasyon.
PANGUNAHING Group 1 ; Canteen
GAWAIN
Group 2 ; Gymnasium
(Activity)
Group 3 ; Chapel

Group 4 ; Hallway

Sa isang buong papel, gumuhit ng isang tsart at


ilagay ang mga positibo at negatibong obserbasyon
tungkol sa pakikipag-usap ng mga taong nasa lugar
na iyon.

MGA 1. Bilang isang tinedyer, paano naipapakita ang Technology


KATANUNGAN pagiging maingat sa pakikipag-usap sa iyong kapwa? Integration
(B)
(Analysis)
2. Batay sa iyong karanasan, mayroon bang
C-A-B
pagkakataon na hindi ka naging sensitibo sa iyong
pakikipagkomunikasyon sa iyong kapuwa at ito ay
nauwi sa hindi pagkakaunawaan? (C)

3. Kung ating susuriin ang iyong karanasan, anu-ano


6

kaya ang nagiging reaksyon ng iyong kapuwa kapag


hindi mo naipapakita ang paggalang kapag ikaw ay
nakikipagkomunikasyon o nakikipag-usap? (A)

4. Batay sa iyong mga itinala, paano mo nasabing


ang naobserbahan mong pakikipag-usap ay tila
negatibo o positibo? (C)

5. Ano-ano sa tingin niyo ang maaaring gawin upang


maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pakikipag-
komunikasyon? (B)

PAGTATALAKA Technology
Y Integration
Balangkas (Outline)
(Abstraction)

● Depinisyon ng Komunikasyon

- Uri ng Komunikasyon

● Pasalita

● Di-Pasalita

● Virtual

- Mga Dapat Tandaan sa


Pakikipagkomunikasyon:

● Maging malinaw sa
pagpapahayag ng mensahe

● Makinig ng mabuti sa mensahe


ng kapuwa

● Maging magalang sa
pagpapahayag ng mensahe
7

Nilalaman (Content)

Ano ba ang komunikasyon? Ito ay ang proseso ng


pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di-
berbal (Bernales et.al, 2002). Ito ay ang pagbabahagi
mo sa iyong kapuwa ng iyong naiisip,
nararamdaman, kailangan o anumang impormasyong
nais mong malaman niya mula sa iyo. Ang
komunikasyon ay paraan ng pakikipag-usap at
pakikinig sa mga sinsabi, iniisip at nararamdaman ng
kapwa. Bahagi rin nito ang pagbibigay ng reaksyon
sa mensaheng ibinigay ng kausap.

Sa pamamagitan ng komunikasyong pasalita, di-


pasalita o pasulat ay naipapahayag natin ang ating
saloobin at kaisipan.

1. Pasalita, ito ang pangunahing uri ng komunikason


kung saan gumagamit ka ng mga salita o wika upang
iparating sa iba ang iyong damdamin o saloobin. Ito
ang palitan o dayalogo namamagitan sa pagitan sa
dalawang taong nag-uusapan. Sa mga salitang
ginagamit sa komunikasyon ay maaaring magresulta
ng pagkakaunawaan o di-pagkakaunawaan sa nag-
uusap. Dapat maging maingat sa mga salitang
ginagamit pagkat ito ay nakaaapekto sa kaisipan at
damdamin ng taong tatanggap nito.

2. Di-pasalita, kabilang dito ang ekspresyon ng


mukha, tono at lakas ng boses at galaw ng katawan.
Kahit na hindi nagsasalita, maaaring magkaroon pa
rin ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay
pansin sa mga kilos o galaw ng isang tao.
Halimbawa, ang pagngiti mo sa bagong kakilala ay
nagpapahiwatig ng pagtanggap, pagiging
palakaibigan o pagiging bukas sa bagong ugnayan.
8

Maraming paraan upang magpahiwatig ng mensahe


ng di-pasalita kung kaya’t hindi madaling
maunawaan agad ito. Maaaring magdulot ito ng
pagkalito kung kaya’t mahalaga na ang mga salita at
kilos ay tugma o iisa lamang ang ipinapahiwatig na
mensahe. Ang pag-unawa sa pakilos na
komunikasyon ay magpapahiwatig na iyong
inuunawa at pinahahalagahan ang mensahe ng
kapwa.

3. Virtual o ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa


gamit ang makabagong teknolohiya. Sa
pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya ay
naipahahatid natin ang impormasyon saan man ang
lokasyon ng kapuwa. Ang Facebook, Twitter,
Instagram at iba pang social networking sites ay
halimbawa ng virtual na komunikasyon. Mas
nagiging madali ang komunikasyon gamit ang
teknolohiya na nagdudulot na pagkakalapit lapit ng
mga tao. Kahit mabilis at makabago ang uri ng
komunikasyon na ito ay hindi pa rin nito kayang
higitan ang personal na interaksyon upang
mapagtibay ang ugnayan.

Ang mabuting pakikipag-komunikasyon ay isang


kasanayan na dapat matutunan. Ang pagkakaroon ng
epektibo at maayos na komunikasyon sa kapuwa ay
makatutulong upang mapaunlad mo ang iyong
ugnayan sa kanila. Kapag naipapahayag mo ang
iyong sarili sa malinaw at maayos na paraan, mas
mauunawaan at mapapalapit ka sa iyong kapuwa.
Makakatugon rin sila ng mas angkop dahil
nauunawaan na nila ang tunay at nais mong iparating
sa kanila.

Madali lamang ang magkaroon ng


komunikasyon o makipag-ugnayan sa iyong kapuwa
ngunit dapat mong tandaan na kailangan ng
kasanayan upang maging epektibo at magkaroon ng
maayos na komunikasyon. Maaaring nasasabi mo
9

ang iyong nais sa iyong kapuwa pero nagiging


sensitibo ka pa sa pagpapahayag nito? Mayroong
mga ugnayan o relasyon na maaaring masira,
maputol o hindi na umunlad pa kung magiging
padalos-dalos sa pagpapahayag ng iyong mensahe sa
alinmang nabanggit na paraan. Upang maiwasan ito,
tandaan at isabuhay ang mga sumusunod:

· Maging malinaw sa pagpapahayag ng


mensahe. Isipin muna kung ano ba ang nais mong
sabihin at piliin ang mga salitang babanggitin.
Iwasan ang magpaligoy-ligoy at direktang banggitin
ito. Walang kakayahan ang sinuman na hulaan kung
ano ang iniisip o nararamdaman mo kung hindi mo
ito sasabihin. Kapag maliwanag mong naipapahayag
ang iyong mensahe, magiging maayos ang inyong
ugnayan at madali ninyong malulutas ang anumang
suliranin at hindi pagkakaintindihan.

· Makinig ng mabuti sa mensahe ng kapuwa.


Ang komunikasyon ay ugnayan mo at ng ibang tao,
hindi lamang ibang tao ang dapat na umuunawa sa
iyo, dapat rin na maunawaan mo sila. Naipapakita
mo ang paggalang sa iyong kapuwa at sa kaniyang
mga pananaw kung nakikinig ka ng mabuti sa
kaniya. Iwasan na magkaroon agad ng sariling
paghuhusga, bagkus ay pakinggan muna, unawaing
mabuti ang iyong kausap at linawin mula sa kaniya
ang nais niyang ipahayag kung hindi mo ito
maintindihan.

· Maging magalang sa pagpapahayag ng


mensahe. Ang iyong mga negatibong nararamdaman
ay maaaring maipahayag sa maaayos na paraan.
Iwasan ang pagsigaw, pamimintas, paggamit ng mga
masasamang salita at iba pang paraan na nagpapakita
ng kawalang-galang sa iyong kausap. Ang pagiging
mahinahon sa lahat ng oras at pagpapahayag ng
nararamdaman nang hindi nakakasakit sa kapuwa ay
mahalaga upang hindi maputol o masira ang iyong
10

ugnayan sa kapuwa.

Technology
Pamamaraan/Strategy: ___Role-Playing_____ Integration
Panuto: Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlo. Bawat
grupo ay gagawa na maikling role-play upang ipakita
ang mga halimbawang kilos ng pagiging sensitibo sa
iba’t-ibang uri ng pakikipag-komunikasyon.

Unang Pangkat: Pakikipag-komunikasyon ng pasalita

Pangalawang Pangkat: Pakikipag-komunikasyon ng


di-pasalita

Pangatlong Pangkat: Pakikipag-komunikasyong


virtual.
PAGLALAPAT

(Application)

PAGSUSULIT Mga Uri ng Pagsusulit: Tama o Mali, Identipikasyon Technology


Integration
(Evaluation/ Panuto:
Assessment)
A. Tama o Mali; Basahin at unawaing mabuti ang
mga pangungusap. Isulat sa blangko ang T kung ang
11

pangungusap ay tama, at M naman kung hindi.

_______ 1. Dapat maging malinaw ang


pagpapahayag natin ng ating mensahe sa ating
kapuwa upang kanila itong maintindihan nang
mabuti.

_______ 2. Mayroon lamang tayong isang uri


komunikasyon na ginagamit sa pagbibigay ng
mensahe.

_______ 3. Isa ang hand gestures sa tinatawag nating


di-pasalitang komunikasyon.

_______ 4. Sa pamamagitan ng Virtual o ang


pakikipag-ugnayan gamit ang makabagong
teknolohiya. mas napabibilis ang paghatid ng mga
mensahe sa ating kapuwa saan man ang lokasyon
nito.

_______ 5. Dapat nating tandaan na hindi mabuti ang


pakikinig sa ating kapuwa dahil mas lalong
magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Panuto:

B. Identipikasyon: Tukuyin ang hinahanap na


kasagutan sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon at isulat sa patlang.

Magalang Di-Pasalita
Malinaw
Komunikasyon Pasalita

_______ 6. Ito ang tawag sa proseso ng paghahatid at


pagtanggap natin ng mensahe o impormasyon.

_______ 7. Ito ang isa sa uri ng komunikasyon na


ginagamitan ng ekspresyon ng mukha, kilos o galaw
ng katawan, at tono o lakas ng ating boses.

_______ 8. Mahalagang tayo ay _______ at


mahinahon sa ating pagpapahayag ng mensahe.
Iwasan natin ang pagsigaw, pamimintas, at paggamit
12

ng mga masasamang salita sa ating pag-aabot ng


mensahe.

_______ 9. Iwasan natin ang pagiging paligoy-ligoy


sa ating paghahayag ng mensahe. Mag-isip ng mabuti
at panatilihing direkta at _______ ang ating mensahe
upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

_______ 10. Uri ito ng komunikasyon kung saan


ginagamitan natin ito ng salita o wika sa
pagpapahayag ng ating mensahe.

Panuto:

Sagutin ang bawat bilang sa pamamagitan ng


sanaysay. Tatlo (3) hanggang limang (5)
pangungusap lamang.

C.

1. Bilang mag-aaral, anu-ano sa iyong palagay


ang kahalagahan ng isang malinaw at maayos
na pakikipagkomunikasyon?
2. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang pag-
aaral ng aralin na ito sa’yo bilang isang mag-
aaral? Ipaliwanag.

Mga Kasagutan:

A.

1. T

2. M

3. T

4. T

5. M

B.
13

6. Komunikasyon

7. Di-Pasalita

8. Magalang

9. Malinaw

10. Pasalita

C.

1. sagot sa sanaysay

2. sagot sa sanaysay

Technology
Panuto: Gumawa ng infographic ukol sa Integration
pagkakasunud-sunod ng mga sitwasyon ayon sa
iyong paraan ng pagpapahayag ng damdamin o
gustong sabihin sa iyong kapwa. (1 - pinakamataas
at 4 - pinakamababa)

Naipahahayag ko ang aking nararamdaman o gustong


sabihin sa iba tuwing ...
TAKDANG-
ARALIN - Nakikipag-chat o email ako sa aking mga kamag-
anak para makipag-ugnayan.
(Assignment)
- Tinatapik ko ang likod ng aking kapatid sa tuwing
siya ay umiiyak.

- Naglalaan ako oras at panahon upang personal kong


makausap ang aking mga kaibigan.

- Tinutulungan at pinapayuhan ko ang aking mga


kamag-aral, personal man o online, tuwing sila ay
may katanungan sa aming asignatura.

Pagtatapos na Technology
Gawain Pamamaraan/Strategy: Reflection Activity Integration
Panuto: Sa tatlo hanggang limang pangungusap,
isulat sa ¼ sheet of paper ang mga natutunan at
14

(Closing Activity) realisasyon sa ating tinalakay ngayong araw.

You might also like