You are on page 1of 16

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBAC
K

PANGALAN AT
LARAWAN NG
ALANO, EUNICE ANN P.
MGA GURO
ARROYO, MARY RUTH M.

BELGA, JASMIN M.

BUENDICHO, MARIA ELOISA M.

CASTRO, ANGELOU D.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan
Baitang 8
Heading
UNANG MARKAHAN: Ang Pamilya Bilang Ugat ng
Pakikipagkapwa

KASANAYANG

PAMPAGKATUT 3.3. Nahihinuha na:


O
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita at di-pasalita at
DLC (No. & virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng
Statement) pakikipagkapwa
2

CG page 108-109

DULOG O

APPROACH
Action Learning Approach

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

C- Pangkabatiran: Natutukoy ang kahalagahan ng maayos na


PANLAHAT NA komunikasyon sa pamilya at kapwa.
LAYUNIN

(Objectives) A- Pandamdamin: Naipagpapatuloy ang kawilihan sa pagpapanatili


ng bukas at tapat na komunikasyon sa kapwa.

B- Saykomotor: Nakagaganap ng aktibong pakikipag-ugnayan sa


pamayanan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawain.

PAKSA

(TOPIC) Komunikasyon sa Pakikipagkapwa

INAASAHANG
PAGPAPAHALA
Katapatan (Moral)
GA

(Value to be
developed)

KONSEPTO NG
PAGPAPAHALA
Ang katapatan ang siyang pundasyon sa isang matibay na ugnayan.
GA
Sa lahat ng iisipin, sasabihin, at gagawin, dapat lamang ito ay
(1-3 sentences) yumayakap sa katotohanan, sapagkat ito ay may malaking
impluwensya sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang pagiging bukas at
tapat ay tungo sa pagkakaroon ng epektibo at maayos na
komunikasyon sa kapwa na siyang makatutulong sa pagpapaunlad at
3

pagpapatibay ng ugnayan natin sa isa’t isa.

1. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 (pages 59-68). Retrieved 26


October 2021, from
http://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/
esp_teachers_guide.pdf

2.Saculo Y. (2016) Ang Halaga ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng


Pamilya. Retrieved 26 October 2021, from
https://prezi.com/kvulvfhrz8io/ang-halaga-ng-komunikasyon-sa-
pagpapatatag-ng-pamilya/
SANGGUNIAN

(APA 7th Edition


format) 3. Valle Rey M. (2019) Uri Ng Komunikasyon - Ano Ba Ang Mga
Iba't Ibang Uri Nito? Retrieved 26 October 2021, from
(References) https://philnews.ph/2019/09/13/uri-ng-kI'momunikasyon-ano-ba-ang-
mga-ibat-ibang-uri-nito/

4. Official, D. E. [DepEd TV - Official]. (2020, December 14).


Grade 8 ESP Q1 Ep6: Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng
Pamilya [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=qoqpjBjFysA&feature=youtu.be

5. Doctor, K. J. (2020, November 17). Komunikasyon sa Pamilya


Grade 8 ESP [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=GLAqnRe6pVU&feature=youtu.be

MGA
KAGAMITAN
Blackboard
(Materials)
Chalk and eraser

Projector
4

Laptop

Pen and paper

Technology
Pamamaraan/Strategy: Charades Integration
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
Hulaan kung ano ang salitang ikinikilos ng bawat
representative sa loob ng 2 minuto.

Mga Tanong:
PANLINANG NA
GAWAIN 1. Ano ang ginamit na paraan ng komunikasyon sa
activity?
(Motivation)
2. Ano ang mga problemang makikita sa
motivational activity na ito?

3. Mahalaga ba na magkaroon ng maayos na


komunikasyon ang representative na nagpapahula at
ang mga miyembro ng grupo?

Technology
Dulog: Action Learning Approach Integration
PANGUNAHING Pamamaraan/Strategy: Tableau
GAWAIN Panuto: Ipapangkat ang klase sa tatlo at bawat
pangkat ay ipapakita ang pose nila ayon sa sasabihin
(Activity) ng guro. Mayroong lider na magpapaliwanag ng
pose na kanilang ginawa.

MGA Technology
KATANUNGAN Integration
1. Bakit mahalaga ang magkaroon ng bukas na
(Analysis) komunikasyon? (Cognitive)

C-A-B 2. Ano ang mabuting dulot ng maayos na pakikipag-


5

usap sa kapwa? (Cognitive)

3. Ano ang nararamdaman ninyo tuwing nauunawaan


kayo at may maayos na komunikasyon sa kapwa ?
(Affective)

4. Bakit mahalagang sanayin ang ating sarili na


maging tapat sa saloobin at naiisip natin sa ating
kapwa? (Affective)

5. Paano niyo masasabi na kayo ay nagtataglay ng


kasanayan sa epektibong komunikasyon?
(Psychomotor)

6. Ano ang mga maaaring magawa ninyo upang


mapaunlad ang epektibong komunikasyon sa inyong
komunidad? (Psychomotor)

PAGTATALAKA Technology
Y Integration
Balangkas ( Outline)
(Abstraction)

Komunikasyon - ang proseso ng pagpapadala at


pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolo na maaaring berbal o di-berbal (Bernales
et.al, 2002).

Uri ng Komunikasyon:

● Pasalita

● Di - Pasalita

● Virtual
6

Mga dapat tandaan upang magkaroon ng


epektibong komunikasyon:

● Maging malinaw sa pagpapahayag ng


mensahe.

● Makinig ng mabuti sa mensahe ng kapuwa.

● Maging magalang sa pagpapahayag ng


mensahe.

Nilalaman (Content)

Ano ba ang komunikasyon? Ito ay ang proseso


ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di-
berbal (Bernales et.al, 2002). Ito ay ang
pagbabahagi mo sa iyong kapuwa ng iyong naiisip,
nararamdaman, kailangan o anumang
impormasyong nais mong malaman niya mula sa
iyo. Ang komunikasyon ay paraan ng pakikipag-usap
at pakikinig sa mga sinsabi, iniisip at
nararamdaman ng kapuwa. Bahagi rin nito ang
pagbibigay ng reaksyon sa mensaheng ibinigay ng
kausap.

Sa pamamagitan ng komunikasyong pasalita, di-


pasalita o pasulat ay naipapahayag natin ang ating
saloobin at kaisipan.

1. Pasalita, ito ang pangunahing uri ng


komunikason kung saan gumagamit ka ng mga salita
o wika upang iparating sa iba ang iyong damdamin
o saloobin. Ito ang palitan o dayalogo
7

namamagitan sa pagitan sa dalawang taong nag-


uusapan. Sa mga salitang ginagamit sa
komunikasyon ay maaaring magresulta ng
pagkakaunawaan o di-pagkakaunawaan sa nag-
uusap. Dapat maging maingat sa mga salitang
ginagamit pagkat ito ay nakaaapekto sa kaisipan at
damdamin ng taong tatanggap nito.

2. Di-pasalita, kabilang dito ang ekspresyon ng


mukha, tono at lakas ng boses at galaw ng katawan.
Kahit na hindi nagsasalita, maaaring magkaroon pa
rin ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay
pansin sa mga kilos o galaw ng isang tao.
Halimbawa, ang pagngiti mo sa bagong kakilala ay
nagpapahiwatig ng pagtanggap, pagiging
palakaibigan o pagiging bukas sa bagong ugnayan.
Maraming paraan upang magpahiwatig ng mensahe
ng di-pasalita kung kaya’t hindi madaling
maunawaan agad ito. Maaaring magdulot ito ng
pagkalito kung kaya’t mahalaga na ang mga salita
at kilos ay tugma o iisa lamang ang ipinapahiwatig
na mensahe. Ang pag-unawa sa pakilos na
komunikasyon ay magpapahiwatig na iyong
inuunawa at pinahahalagahan ang mensahe ng
kapwa.

3. Virtual o ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa


gamit ang makabagong teknolohiya. Sa
pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya ay
naipahahatid natin ang impormasyon saan man ang
lokasyon ng kapuwa. Ang Facebook, Twitter,
Instagram at iba pang social networking sites ay
halimbawa ng virtual na komunikasyon. Mas
nagiging madali ang komunikasyon gamit ang
teknolohiya na nagdudulot na pagkakalapit lapit ng
mga tao. Kahit mabilis at makabagao ang uri ng
komunikasyon na ito ay hindi pa rin nito kayang
8

higitan ang personal na interaksyon upang


mapagtibay ang ugnayan.

Ang mabuting pakikipag-komunikasyon ay


isang kasanayan na dapat matutunan. Ang
pagkakaroon ng epektibo at maayos na
komunikasyon sa kapuwa ay makatutulong upang
mapaunlad mo ang iyong ugnayan sa kanila. Kapag
naipapahayag mo ang iyong sarili sa malinaw at
maayos na paraan, mas mauunawaan at
mapapalapit ka sa iyong kapuwa. Makakatugon rin
sila ng mas angkop dahil nauunawaan na nila ang
tunay at nais mong iparating sa kanila.

Madali lamang ang magkaroon ng


komunikasyon o makipag-ugnayan sa iyong kapuwa
ngunit dapat mong tandaan na kailangan ng
kasanayan upang maging epektibo at magkaroon ng
maayos na komunikasyon. Maaaring nasasabi mo
ang iyong nais sa iyong kapuwa pero nagiging
sensitibo ka pa sa pagpapahayag nito? Mayroong
mga ugnayan o relasyon na maaaring masira,
maputol o hindi na umunlad pa kung magiging
padalos-dalos sa pagpapahayag ng iyong mensahe
sa alinmang nabanggit na paraan. Upang maiwasan
ito, tandaan at isabuhay ang mga sumusunod:

● Maging malinaw sa pagpapahayag ng


mensahe. Isipin muna kung ano ba ang nais
mong sabihin at piliin ang mga salitang
babanggitin. Iwasan ang magpaligoy-ligoy at
direktang banggitin ito. Walang kakayahan
ang sinuman na hulaan kung ano ang iniisip
o nararamdaman mo kung hindi mo ito
sasabihin. Kapag maliwanag mong
9

naipapahayag ang iyong mensahe, magiging


maayos ang inyong ugnayan at madali
ninyong malulutas ang anumang suliranin at
hindi pagkakaintindihan.

● Makinig ng mabuti sa mensahe ng


kapuwa. Ang komunikasyon ay ugnayan mo
at ng ibang tao, hindi lamang ibang tao ang
dapat na umuunawa sa iyo, dapat rin na
maunawaan mo sila. Naipapakita mo ang
paggalang sa iyong kapuwa at sa kaniyang
mga pananaw kung nakikinig ka ng mabuti
sa kaniya. Iwasan na magkaroon agad ng
sariling paghuhusga, bagkus ay pakinggan
muna, unawaing mabuti ang iyong kausap at
linawin mula sa kaniya ang nais niyang
ipahayag kung hindi mo ito maintindihan.

● Maging magalang sa pagpapahayag ng


mensahe. Ang iyong mga negatibong
nararamdaman ay maaaring maipahayag sa
maaayos na paraan. Iwasan ang pagsigaw,
pamimintas, paggamit ng mga masasamang
salita at iba pang paraan na nagpapakita ng
kawalang-galang sa iyong kausap. Ang
pagiging mahinahon sa lahat ng oras at
pagpapahayag ng nararamdaman nang hindi
nakakasakit sa kapuwa ay mahalaga upang
hindi maputol o masira ang iyong ugnayan
sa kapuwa.

PAGLALAPAT Technology
Pamamaraan/Strategy: Community Outreach Project Integration
10

Panuto: Lumahok sa proyekto ng inyong pamayanan


patungkol sa pagsunod sa mga health protocols.
Tumulong sa pamamagitan ng pag-aanunsyo o
paggawa ng mga poster. Maaring kumuha ng litrato
o bidyo para sa katunayan ng iyong pakikilahok.

Pamantaya Indikador Puntos Natatamo


n ng Puntos

Partisipasyo Nakibahagi 40
n sa proyekto
ng
pamayanan
na may
kinalaman
sa pagsunod
sa mga
health
protocols

(Application) Komunikas Malinaw at 30


yon magalang
sa
pagpapahay
ag ng
impormasy
on

Kaangkupa Napapanah 20
n ng on at
konsepto naaayon sa
nakatalagan
g gawain

Pagkamalik Malikhain 10
hain sa paggawa
at paggamit
ng mga
kailangan
sa
pagbabahag
i ng
impormasy
on.

Kabuuang Puntos 100


11

PAGSUSULIT Technology
Mga Uri ng Pagsusulit: Multiple choice, Integration
(Evaluation/
Identification, at Essay
Assessment)

A.
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon kay Bernales et.al, ito ay proseso ng


pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o
di-berbal.
A. Pakikipag-usap
B. Komunikasyon
C. Wika
D. Pagpapahayag

2. Anong uri ng komunikasyon ang tumutukoy sa


paggamit ng mga salita o wika sa pagpapahayag ng
damdamin o saloobin?

A. Pakikipag-ugnayan sa kapwa gamit ang


makabagong teknolohiya
B. Di-pasalita
C. Pasalita
D. Virtual

3. Ang mabuting pakikipag-komunikasyon ay isang


kasanayan na dapat matutunan. Ang pahayag ay?

A. Tama

B. Mali

C. Angkop

D. Hindi angkop

4. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan na


kasanayan upang magkaroon ng epektibo at maayos
12

na komunikasyon, maliban sa isa.

A. Maging malinaw sa pagpapahayag ng


mensahe
B. Matutong maghintay sa sasabihin ng kapuwa
C. Makinig ng Mabuti sa mensahe ng kapuwa
D. Maging magalang sa pagpapahayag ng
mensahe

5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang


nagpapakita ng epektibo at maayos na komunikasyon
sa kapwa?

A. Madalas mag wika ang boss ni Kyle ng


kasabihang “bukas ang aking pintuan” para
sa kanilang mga ideya ngunit hindi nila ito
ramdam sapagkat hindi naman sila nito
pinakikinggan at pinatatapos magsalita
tuwing may pagpupulong sa opisina.
B. Gumagamit ng “po” at “opo” si Nena sa
nakatatanda sa kanya pero malakas ang boses
niya tuwing may kausap siya.
C. Gabi na nakauwi si Angela pagkatapos ng
kanilang praktis sa cheerdance. Hindi siya
nakapagpaalam na mahuhuli ng uwi sapagkat
nawalan na siya ng load. Pagdating niya sa
bahay agad siyang kinagalitan at sinabihan na
kung saan-saan na naman nagpupunta at
inabot na ng dilim.
D. Bago magsalita si Mavy ay sinisigurado niya
na iniisip niya muna ang kanyang sasabihin at
maaaring maramdaman ng kausap niya.

B.Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng


komunikasyon ang ginamit sa bawat pangungusap.
Pumili ng sagot mula sa kahon.

Pasalita Di-Pasalita Virtual


13

________ 6. Pakikipag-video call mo sa iyong tatay


na nasa Saudi.

________ 7. Kwentuhan ninyo ng iyong kaibigan sa


iyong kwarto.

________ 8. Pagsimangot mo sa iyong nanay.

________ 9. Pagyakap mo sa iyong nakababatang


kapatid.

________ 10. Pakikipag-usap mo sa iyong guro sa


google meet.

Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay na


naglalaman ng inyong kasagutan sa mga sumusunod
na tanong;

C.

1. Ano ang komunikasyon at ang iba’t ibang uri


nito? Ipaliwanag kung paano natin
maipapahayag ang ating mga saloobin gamit
ang iba’t ibang uri ng komunikasyon.
2. Paano natin mapapanatili ang mabuting
pakikipag-komunikasyon?

Mga Kasagutan:

A.

1. B

2. C

3. A

4. B

5. D

B.
6. Virtual

7. Pasalita
14

8. Di-Pasalita

9. Di-Pasalita

10. Virtual

C.

1. Ang komunikasyon ay ang proseso ng


pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di-
berbal (Bernales et.al, 2002). Ang unang uri ng
komunikasyon ay ang Pasalita, gumagamit ka ng
mga salita o wika upang iparating sa iba ang iyong
damdamin o saloobin. Pangalawa ay ang Di-pasalita,
kabilang dito ang ekspresyon ng mukha, tono at
lakas ng boses at galaw ng katawan. Kahit na hindi
nagsasalita, maaaring magkaroon pa rin ng
komunikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay pansin
sa mga kilos o galaw ng isang tao. Samantalang ang
panghuling uri ay ang Virtual o ang pakikipag-
ugnayan sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Sa pamamagitan ng mga makabagong
teknolohiya ay naipahahatid natin ang impormasyon
saan man ang lokasyon ng kapuwa.

2. Upang mapanatili ang mabuting pakikipag-


komunikasyon kailangan nating maging malinaw sa
pagpapahayag ng mensahe. Isipin muna kung ano ba
ang nais mong sabihin at piliin ang mga salitang
babanggitin. Iwasan ang mag paligoy-ligoy at
direktang banggitin ito. Makinig ng mabuti sa
mensahe ng kapuwa. Ang komunikasyon ay ugnayan
mo at ng ibang tao, hindi lamang ibang tao ang dapat
na umuunawa sa iyo, dapat rin na maunawaan mo
15

sila.

At higit sa lahat, maging magalang sa pagpapahayag


ng mensahe. Ang iyong mga negatibong
nararamdaman ay maaaring maipahayag sa maayos
na paraan.

Technology
Panuto: Sa iyong Facebook account, i-post ang Integration
iyong mga kinuhang litrato o bidyo na katunayan ng
iyong pakikilahok sa mga gawain o proyekto sa
inyong pamayanan. Kasama rin sa pag-post nito, ang
iyong repleksyon sa nasabing gawain.

Pamantay Indikador Puntos Natatamo


an ng Puntos

Mensahe Malinawan 15
at ag na
orihinalida naipahaya
TAKDANG- d g ang
ARALIN mensahe,
orihinal
(Assignment) ang litrato
at sariling
repleksyon

Kaangkup Napapanah 10
an ng on at may
konsepto kaugnayan
sa paksa

Pagkamali Napakagan 5
khain da at
malinis
ang
kabuuan
ng post

Kabuuang Puntos 30
PAGTATAPOS Technology
NA GAWAIN Pamamaraan/Strategy: Self-analysis Integration
16

Panuto: Isulat sa blackboard ang iyong natutunan,


nagustuhan, at ang nais na alamin o katanungan sa
tinalakay na aralin.

Natutunan Nagustuhan Katanungan

(Closing Activity)

You might also like