You are on page 1of 16

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBAC
K

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

Mary Joyce M. Cabatcha Mikka Angela D. San Miguel

Lesson Plan
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Heading Baitang 8
Ikalawang Markahan

Kasanayang
Pampagkatuto Nahihinuha na:
DLC (No. & b. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay
Statement) kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa

Dulog o
Values Clarification
Approach

Panlahat na
Layunin
Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
(Objectives)

DLC
C- Pangkabatiran: Nahihinuha ang kahalagahan ng katarungan at
2

pagmamahal sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa

A- Pandamdamin: Nakabubuo ng tumpak na pasya na may


katarungan at pagmamahal sa kapwa

B- Saykomotor: Nakagagawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng


halaga ng katarungan at pagmamahal sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa

PAKSA Birtud ng Katarungan at Pagmamahal Tungo sa Matatag na


Pakikipagpakapwa
(TOPIC)

Inaasahang
Pagpapahalaga Love and Goodness

(Value to be
developed)

SANGGUNIAN

(APA 7th Edition 1. K-12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon sa Pagpapakatao.


format) Baitang 8. 2013.

(References)

varied 2. Bognot, R, et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8.


Modyul para sa Magaaral. Pilipinas ng Vibal Publishing
House, Inc. pp. 120-122

3. Hating Kapatid - feat. Perla Bautista. (2011, November 16).


[Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=wgE5LswEj9E

4. Hinggil sa Pakikipagkapwa o ang Ilang Aral na Dapat


Matutunan ng Tao sa Mundong ito. (2011, December 25).
3

Batbat hi Udan.
https://anijun.wordpress.com/2011/12/25/hinggil-sa-
pakikipagkapwa-o-ang-ilang-aral-na-dapat-matutunan-ng-tao-
sa-mundong-ito/

5. Yacat, Jay A. (2017) Walang Pakisama o Walang Kapwa-Tao?:


Isang Sikolohikal na Pagsusuri sa Tindi ng Paglabag at
Ugnayan sa Relasyong Panlipunan. DIWA E-Journal, Tomo 5
(2017), 1-22

MGA Audio Visual Presentation (Youtube)


KAGAMITAN Powerpoint Presentation (?)
Red and Blue construction paper
(Materials)

PANLINANG NA Technology
GAWAIN Pamamaraan/Strategy: Small Group Discussion Integration

(Motivation) Panuto: Panoorin ang Christmas Short Film mula sa


GMA Shorts na pinamagatang “Hating Kapatid”.

Hating Kapatid - feat. Perla Bautista. (2011, November


16).[Video].YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=wgE5LswEj9E
4

Mga Tanong:

1.Tungkol saan ang short film na pinamagatang


“Hating Kapatid?”

2. Mayroon ba kayong kaibigan na katulad ni Jose o


Niño?

3. Paano ninyo ilalarawan ang relasyon ni Niño at


Jose sa isa’t-isa?

PANGUNAHING Technology
GAWAIN Dulog o Approach: Values Clarification Integration

Pamamaraan/Strategy: Values Continuum


(Activity)
Panuto: Ang guro ay magbibigay ng iba’t ibang
pangyayari kung saan tutukuyin ng mga mag-aaral
kung ang mga ito ay nagpapakita ba o hindi ng birtud
ng katarungan at pagmamahal sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa. Ang mga mag-aaral ay magtataas
ng bughaw (blue) na papel kung sila’y sang-ayon at
pula (red) namang papel kung sila’y hindi sang-ayon.

Halimbawa ng pangyayari:

1. Dahil nais mong mapanatili ang kalinisan sa


inyong lugar at makaiwas sa dengue, ikaw at ang
iyong mga kaibigan ay nagkusang maglinis. Kahit
may mga taga-linis ang barangay, hindi ninyo iniaasa
lamang sa mga taga-linis ang responsibilidad na ito -
ang iyong paglilingkod ay nagpapakita ng
pagmamahal.

2. May isa kang kaklase na nahihirapan sa pag-aaral.


Kinuha siya ng kaniyang magulang ng tutor. Kahit na
may tutor na siya ay hindi parin siya nagsisikap na
5

mag-aral ng mabuti. At hindi niya rin tinatrato ng


mabuti ang kanyang guro.

Technology
1. Ano ang iyong napansin na pagkakaiba ng Integration
dalawang senaryo o pangyayari? (C)

2. Sa pagpili ng senaryo na nagpapakita ng


katarungan at pagmamahal sa kapwa, ano ang
mga pinagbatayan mo para rito? ©

3. Ang senaryo ba na iyong napili na


nagpapakita ng katarungan at pagmamahal ay
MGA nakakatulong sa pagpapatatag ng
KATANUNGAN pakikipagkapwa? (A)

(Analysis)
4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
C-A-B katarungan at pagmamahal sa
pakikipagkapwa? (A)

5. Sa iyong palagay, paano mo maisasabuhay


ang pagbibigay katarungan at pagmamahal sa
kapwa? (B)

6. Paano mo paiigtingin ang iyong kakayahan sa


pagpapatatag ng pakikipagkapwa sa tunay na
buhay? (B)
6

PAGTATALAKA Technology
Y Integration
Balangkas ( Outline)
(Abstraction)

A. Depinisyon ng Pakikipagkapwa-tao

B. Birtud na nagpapatatag ng
pakikipagkapwa-tao

1. Katarungan (Justice)

2. Pagmamahal (Charity)

C. Paraan na nagpapakita ng pagmamalasakit


at pagmamahal sa kapwa

1. Paglingkod sa kapwa nang walang


hinihintay na kapalit

2. Paglalagay ng ating sarili sa katayuan


ng ating kapwa.

3. Paggalang sa karapatan ng bawat isa.

Nilalaman (Content)

● Ang Pakikipagkapwa-tao

“Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal


mo sa iyong sarili.”

Itinuring ni Enriquez (1990) ang pakikipagkapwa-tao


bilang pagkilala sa parehong pagka-tao. Ito ay ang
pagtingin sa ating kapwa bilang tao at aasal tungo
dito sa isang makataong paraan. Tinuturing ang
7

kapwa bilang may pinagsasaluhang identidad o


ekstensyon ng ating inner self.

May mga pangangailangan ka na maaari lamang na


matugunan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
mo sa iyong kapwa. Nararapat na may lakip na
paggalang at pagmamahal ang pakikipag-ugnayan
natin sa ating kapwa (Agapay, 1991). Likas sa tao
ang pakikipagkapwa tao kaya mahalagang malinang
ito upang mas mapabuti at mapalalim natin ang ating
koneksyon sa

Maraming paraan upang mapalalim ang


pakikipagkapwa-tao. Ilan sa mga ay ang
pagkakaroon ng birtud na katarungan (justice) at
pagmamahal (charity).

● Justice

Ito ang birtud ng katarungan. Ang katarungan ay ang


pagbibigay ng kung ano ang nararapat sa ating
kapwa ano man ang edad o estado nito sa buhay.
Kung lalakipan ng katapat at pantay na pagtingin sa
lahat magiging patunay ang katarungan.

● Charity

Ito ang birtud ng pagmamahal. Ang charity ang


tinatawag nating pagmamahal na ibinibigay natin sa
ating kapwa. Maaaring mapakita ito sa maraming
paraan tulad ng paglilingkod natin sa ating kapwa o
paggawa ng kabutihan.

Ang mga birtud ng katarungan (justice) at


pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag
ng pakikipagkapwa. Kaya nga, una munang
kailangang matugunan ang pagbibigay ng nararapat
sa kapwa. Kailangan ang katarungan upang maibigay
8

ang nararapat, na walang iba kundi ang paggalang sa


kaniyang dignidad. Subalit mayroong mga bagay na
maaari nating ibigay nang higit pa sa itinatakda ng
karapatan at katarungan, ito ay ang mga bagay na
ayon sa ating pagmamalasakit at pagmamahal sa
kapwa (Dy, 2012).

● Paano ka makakatulong na may


pagmamalasakit at pagmamahal sa
kapwa?

1. Paglingkod sa kapwa nang walang


hinihintay na kapalit. Ang pagbibigay
serbisyo sa ating kapwa ng bukal sa kalooban
at walang hinihintay na kapalit ay
nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.
Maliit man o malaking bagay ang naitulong,
ito ay pagbibigay tanda na tayo ay handang
ibahagi ang ating sarili sa iba.

2. Paglalagay ng ating sarili sa katayuan ng


ating kapwa. Bilang paggalang at
pagmamahal sa kapwa, mahalagang ilagay
muna natin ang ating sarili sa kanilang
katayuan. Bago tayo magpasya, magsalita o
kumilos, isaalang-alang natin ang kanilang
saloobin at sitwasyon. Sa ganitong paraan,
maipapakita natin ang sensitibidad at
pakikiramay.

3. Paggalang sa karapatan ng bawat isa. Ang


paggalang sa karapatan ng bawat isa ay
nagpapakita ng pagmamahal sa ating kapwa
at pagbibigay katarungan. Ito ay tanda ng
pagpapahayag ng respeto o paggalang bilang
9

tao. Ang pagbibigay sa kung ano ang


nararapat sa kapwa ay tanda ng paggalang sa
karapatan niya bilang tao. Lahat ng tao ay
may karapatang mabuhay at mamuhay nang
masaya kaya marapat dapat na kumilos o
makipag ugnayan sa kapwa na hindi
nalalabag ang kaniyang karapatan.

Technology
Pamamaraan/Strategy: Values Clarification Integration

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa tatlong (3) pangkat.


Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang dula-dulaan
tungkol sa kahalagahan ng katarungan at
PAGLALAPAT pagmamahal sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.

(Application) Kriterya/Pamantayan sa dula-dulaan


1. Naipapakita ang angkop na paggamit ng uri ng
komunikasyon batay sa naiatas sa pangkat - 40
2. Mahusay ang pagpili ng mga salitang ginamit- 20
3. Nakikita ang pagiging malikhain- 20
4. Malinaw ang pagkakasabi ng mga salita- 10

PAGSUSULIT Mga Uri ng Pagsusulit: Binary-Choice Item, Short Technology


Answer Integration
(Evaluation/
Assessment) A. 1-5

Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pangyayari ay


nagpapakita ng katarungan at pagmamahal sa kapwa
at M naman kung hindi.

___ 1. Sobra ang sukli na ibinigay kay Carlo sa


dyipni na kanyang sinakyan papuntang paaralan,
naisip niya na huwag na lamang ito ibalik para
10

madadagdagan ang kanyang baon sa buong araw.

___2. Napansin ni Jenny na nahihirapan ang kanyang


kaklase na intindihin ang inaaral nito para sa
kanilang paparating na pagsusulit, kaya naman
nilapitan niya ito at inalok na tulungan siya sa
kanyang pag-aaral.

___3. Habang may pagsusulit, tinawag si Nina ng


kaniyang kaibigan na si Alex para humingi ng
kasagutan sa kanilang pagsusulit. Dahil kaibigan niya
si Alex, sinabi niya ang sagot sa tanong nito.

___4. May sikretong sinabi ang kaklase ni Joy


sakanya. Kahit na gustong sabihin ni Joy ang sikreto
sa kaniyang matalik na kaibigan na si Bea, pinili niya
na hindi ito sabihin.

___5. Binilhan si Sam at ang kanyang kapatid ng


paborito nilang keyk ng kanilang Nanay. Hinati ni
Sam ng pantay ang keyk para sa kanilang dalawang
magkapatid.

B. 6-10

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong gagawin sa mga


sitwasyon na ipinapakita sa larawan sa bawat tanong.

6.
11

_____________________________________

7.

______________________________________

8.

_____________________________________
12

9.

______________________________________

10.

_____________________________________

C. Sanaysay
Panuto: Pagnilayan ang pahayag at sagutin ang mga
katanungan:

“Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa


ay may katumbas na mabuti. Laging tandaan na
naapektuhan ng mga ginagawa natin ang mga tao sa
ating paligid; gayundin naman, tayo ay naaapektuhan
nila, dahil tayo ay magkakaugnay”

1. Sa iyong nabasang pahayag, masasabi mo ba na


13

isa itong kahalagahan ng pagkakaroon ng birtud


katarungan at pagmamahal sa pakikipagkapwa?
Bakit?

2. Bilang isang kabataan, ano ang hamon ng pahayag


na ito sa iyong araw-araw na pakikihalubilo sa iyong
kapwa?

Mga Kasagutan:

A.
1. M
2. T

3. M

4. T

5. T

6. Kahit na hindi ko alam ang sagot, hindi ako


mangongopya

7. Ibabalik ko ang wallet na aking napulot

8. Pipila ako ng tama

9. Pupulitin ko ang kalat na nakita ko sa daan

10. Huhugasan ko ang mga pinagkainan

.
1. Oo, dahil kung tayo’y hindi nag-bibigay ng
14

katarungan at pagmamahal sa ating kapwa, maaring


hindi rin tayo makatanggap nito mula sakanila. Kaya
naman ang payahag na ito ay isa kahalagahan ng
pagkakaroon ng katarungan at pagmamahal sa ating
kapwa dahil ang ating mga paraan ng pakikisama ay
makakaapekto sa kung paano din tayo pakisamahan
ng ating kapwa.

2. Bilang isang kabataan, may mga pagkakataon na


mas naiisip natin na gawin ang mga bagay na para sa
ating sarili kabutihan. At ang pagkakaroon ng
katarungan at pagmamahal sa kapwa ay
kinakailangan ng pagpapakumbaba at isipin ang mga
paraan na mas nakakabuti para sa lahat.

TAKDANG- Technology
ARALIN Panuto: Ang mag-aaral ay magbibigay ng isa Integration
hanggang dalawang halimbawa ng mga paraan na
(Assignment) makapagpapakita ng katarungan at pagmamahal
sa mga taong kanilang nakahahalubilo.
15

Pagtatapos na Technology
Gawain Pamamaraan/Strategy: Voting Questions Integration

(Closing Activity) Panuto: Pumalakpak ng tatlong beses kung ikaw ay


sang-ayon sa pangungusap, isang beses naman kung
hindi sang-ayon.

1. Ang pag boluntaryo na tumulong sa gawain


sa komunidad ay nagpapakita ng pagmamahal
sa kapwa.

2. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng


nararapat para sa kanya.

3. Ang pagpapahalaga sa katarungan at


pagmamahal ay makakatulong sa
pagpapalalim ng ugnayan sa ating kapwa.

“Isang karaniwang bagay lamang para sa isang


normal na tao ang pakikipagkapwa. Ang mabuting
pakikipagkapwa ay iyong pakikisalamuha sa ibang
tao ng may buong paggalang at walang halong
pagkukunwari. Ito ay ay hindi isinasagawa upang
mapuri ng iba. At lalong hindi isinasagawa ang
mabuting pakikipagkapwa upang makatanggap ng
gantimpala o anumang biyaya. Naniniwala ako na
ang paghubog sa pakikipagkapwa ng tao ang
malaking dahilang pag-iral ng tao sa mundong
16

ibabaw.”

- Anijun Mudan-udan

You might also like