You are on page 1of 11

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

Oco, Ma Dona Mae V. Rostata, Rustica S. Sanchez, Kristine M.

Lesson Plan Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Heading Baitang 8: Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa

Unang Markahan

Kasanayang 3.3. Nahihinuha na:


Pampagkatuto
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita at di-pasalita at
DLC (No. & virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng
Statement)
pakikipagkapwa.

Dulog o

Approach
Value Analysis

Panlahat na Layunin

(Objectives) Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


2

C- Pangkabatiran: Mauunawaan na ang pagiging sensitibo sa


komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa.

A- Pandamdamin: Nakikibahagi sa pagkakaroon ng sensitibo at


responsableng pakikipag komunikasyon sa kapwa.

B- Saykomotor: Maipamalas ang pagkakaroon ng sensitibong pakikipag


komunikasyon sa kapwa.

PAKSA Epektibong Komunikasyon

(TOPIC)

Inaasahang Social Responsibility and Accountability (Social)


Pagpapahalaga

(Value to be
developed)

Konsepto ng Ang epektibong komunikasyon ay naka pagpapatatag ng ugnayan natin


Pagpapahalaga sa ating kapwa. Ito rin ay nagpapakita ng ating pagiging magalang,
(1-3 sentences) sensitibo, at responsableng indibidwal.

SANGGUNIAN 1. Anne, C. W. (2018). Five Types of Communication

(APA 7th Edition Retrieved from: https://drexel.edu/goodwin/professional-


format) studies-blog/overview/2018/July/Five-types-of-communication/

(References)
2. Bognot. R.M. et al (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang
8. pp 53-74

3. Duldulao, J. (n.d) Kahalagahan ng Komunikasyon. Retrieved


from:
https://www.academia.edu/37154181/KAHALAGAHAN_NG_K
3

OMUNIKASYON

4. Hrideep B. (n.d). Thirteen Reasons Why Communication is


Important in Life. Retrieved from:
https://franticallyspeaking.com/13-reasons-why-communication-
is-important-in-life/

5. Rey, M.V. (2019). Uri ng Komunikasyon— Ano ba ang mga


Iba’t Ibang Uri Nito. Retrieved from:
https://philnews.ph/2019/09/13/uri-ng-komunikasyon-ano-ba-
ang-mga-ibat-ibang-uri-nito

MGA KAGAMITAN
1. Printed jigsaw puzzles
(Materials)
2. Laptop

3. Projector

PANLINANG NA Technology
Pamamaraan/Strategy: Solving Puzzle
GAWAIN Integration
Panuto: Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang
(Motivation)
bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng puzzle na
naglalaman ng kagamitan sa komunikasyon na
kinakailangan nilang buuin. Pipili ang bawat pangkat
ng isang lider na kanilang pipiringan. Ang lider ang
siyang bubuo ng puzzle na nakapiring, habang ang
mga miyembro ang magsisilbing gabay sa pagbuo
nito. Ang pangkat na mauunang makabuo ay
makakatanggap ng premyo. (school supplies).

Mga Jigsaw puzzle na gagamitin:


4

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman matapos ang gawain?

2. Naging matagumpay ba ang ginawa ninyong


paggabay sa napiling bumuo ng inyong jigsaw puzzle?

3. Ano ang mga paraan na inyong ginamit sa pagbuo


ng puzzle?

Technology
Dulog: Values Analysis Integration
Pamamaraan/Strategy: Group Discussion

Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang


PANGUNAHING bawat pangkat ay aatasang magsagawa ng sarbey sa
kanilang mga miyembro tungkol sa mga hadlang sa
GAWAIN
pakikipag komunikasyon. Matapos malaman ang
sagot ng bawat miyembro, magsasagawa sila ng
(Activity) sintesis mula sa nakalap nilang resulta. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng tatlong minuto upang
ipresinta ang sintesis ng kanilang datos.

MGA 1. Anu-ano ang mga uri ng komunikasyon? (C) Technology


KATANUNGAN 2. Bakit mahalaga ang komunikasyon? (A) Integration
3. Ano ang mga dapat gawin upang matiyak na
(Analysis)
maayos ang pakikipag komunikasyon sa kapwa? (C)
C-A-B 4. Sa paanong paraan maipapakita ang kasanayan sa
pakikipagkomunikasyon? (B)
5. Bakit mahalagang magbigay ng reaksyon sa
mensaheng ibinigay ng kausap? (A)
6. Anu-ano ang mga dapat isabuhay upang maisagawa
ang epektibong komunikasyon? (B)
5

PAGTATALAKAY Technology
Integration
(Abstraction) Balangkas ( Outline)

1. Depinisyon ng komunikasyon

2. Uri ng Komunikasyon

3. Komunikasyon bilang kasanayan na dapat


matutunan

4. Mga kasanayan tungo sa epektibong


komunikasyon.

Nilalaman (Content)

Ano ba ang komunikasyon? Ito ay ang proseso


ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di-
berbal (Bernales et.al, 2002). Ito ay ang pagbabahagi
mo sa iyong kapuwa ng iyong naiisip, nararamdaman,
kailangan o anumang impormasyong nais mong
malaman niya mula sa iyo. Ang komunikasyon ay
paraan ng pakikipag-usap at pakikinig sa mga
sinasabi, iniisip at nararamdaman ng kapwa. Bahagi
rin nito ang pagbibigay ng reaksyon sa mensaheng
ibinigay ng kausap.

Sa pamamagitan ng komunikasyong pasalita,


di-pasalita o pasulat ay naipapahayag natin ang ating
saloobin at kaisipan.

1. Pasalita, ito ang pangunahing uri ng


komunikasyon kung saan gumagamit ka ng
mga salita o wika upang iparating sa iba ang
6

iyong damdamin o saloobin. Ito ang palitan o


dayalogo namamagitan sa pagitan sa dalawang
taong nag-uusapan. Sa mga salitang
ginagamit sa komunikasyon ay maaaring
magresulta ng pagkakaunawaan o di-
pagkakaunawaan sa nag-uusap. Dapat
maging maingat sa mga salitang ginagamit
pagkat ito ay nakaaapekto sa kaisipan at
damdamin ng taong tatanggap nito.

2. Di-pasalita, kabilang dito ang ekspresyon ng


mukha, tono at lakas ng boses at galaw ng
katawan. Kahit na hindi nagsasalita, maaaring
magkaroon pa rin ng komunikasyon sa
pamamagitan ng pagbibigay pansin sa mga
kilos o galaw ng isang tao. Halimbawa, ang
pagngiti mo sa bagong kakilala ay
nagpapahiwatig ng pagtanggap, pagiging
palakaibigan o pagiging bukas sa bagong
ugnayan. Maraming paraan upang
magpahiwatig ng mensahe ng di-pasalita kung
kaya’t hindi madaling maunawaan agad ito.
Maaaring magdulot ito ng pagkalito kung
kaya’t mahalaga na ang mga salita at kilos ay
tugma o iisa lamang ang ipinapahiwatig na
mensahe. Ang pag-unawa sa pakilos na
komunikasyon ay magpapahiwatig na iyong
inuunawa at pinahahalagahan ang mensahe ng
kapwa.

3. Virtual o ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa


gamit ang makabagong teknolohiya. Sa
pamamagitan ng mga makabagong
teknolohiya ay naipahahatid natin ang
impormasyon saan man ang lokasyon ng
kapuwa. Ang Facebook, Twitter, Instagram at
iba pang social networking sites ay halimbawa
ng virtual na komunikasyon. Mas nagiging
7

madali ang komunikasyon gamit ang


teknolohiya na nagdudulot na pagkakalapit
lapit ng mga tao. Kahit mabilis at makabagao
ang uri ng komunikasyon na ito ay hindi pa rin
nito kayang higitan ang personal na
interaksyon upang mapagtibay ang ugnayan.

Ang mabuting pakikipag-komunikasyon ay


isang kasanayan na dapat matutunan. Ang
pagkakaroon ng epektibo at maayos na
komunikasyon sa kapuwa ay makatutulong upang
mapaunlad mo ang iyong ugnayan sa kanila. Kapag
naipapahayag mo ang iyong sarili sa malinaw at
maayos na paraan, mas mauunawaan at mapapalapit
ka sa iyong kapuwa. Makakatugon rin sila ng mas
angkop dahil nauunawaan na nila ang tunay at nais
mong iparating sa kanila.

Madali lamang ang magkaroon ng


komunikasyon o makipag-ugnayan sa iyong kapuwa
ngunit dapat mong tandaan na kailangan ng
kasanayan upang maging epektibo at magkaroon ng
maayos na komunikasyon. Maaaring nasasabi mo ang
iyong nais sa iyong kapuwa pero nagiging sensitibo ka
pa sa pagpapahayag nito? Mayroong mga ugnayan o
relasyon na maaaring masira, maputol o hindi na
umunlad pa kung magiging padalos-dalos sa
pagpapahayag ng iyong mensahe sa alinmang
nabanggit na paraan. Upang maiwasan ito, tandaan at
isabuhay ang mga sumusunod:

● Maging malinaw sa pagpapahayag ng


mensahe. Isipin muna kung ano ba ang nais
mong sabihin at piliin ang mga salitang
babanggitin. Iwasan ang magpaligoy-ligoy at
direktang banggitin ito. Walang kakayahan
8

ang sinuman na hulaan kung ano ang iniisip o


nararamdaman mo kung hindi mo ito
sasabihin. Kapag maliwanag mong
naipapahayag ang iyong mensahe, magiging
maayos ang inyong ugnayan at madali ninyong
malulutas ang anumang suliranin at hindi
pagkakaintindihan.

● Makinig ng mabuti sa mensahe ng kapuwa.


Ang komunikasyon ay ugnayan mo at ng ibang
tao, hindi lamang ibang tao ang dapat na
umuunawa sa iyo, dapat rin na maunawaan mo
sila. Naipapakita mo ang paggalang sa iyong
kapuwa at sa kaniyang mga pananaw kung
nakikinig ka ng mabuti sa kaniya. Iwasan na
magkaroon agad ng sariling paghuhusga,
bagkus ay pakinggan muna, unawaing mabuti
ang iyong kausap at linawin mula sa kaniya
ang nais niyang ipahayag kung hindi mo ito
maintindihan.

● Maging magalang sa pagpapahayag ng


mensahe. Ang iyong mga negatibong
nararamdaman ay maaaring maipahayag sa
maaayos na paraan. Iwasan ang pagsigaw,
pamimintas, paggamit ng mga masasamang
salita at iba pang paraan na nagpapakita ng
kawalang-galang sa iyong kausap. Ang
pagiging mahinahon sa lahat ng oras at
pagpapahayag ng nararamdaman nang hindi
nakakasakit sa kapuwa ay mahalaga upang
hindi maputol o masira ang iyong ugnayan sa
kapuwa.

PAGLALAPAT Technology
Pamamaraan/Strategy: Personal Development Plan
9

Integration

Panuto: Ang mga mag-aaral ay gagawa ng Personal


Development plan upang lalo pang mapaunlad ang
(Application) kanilang kakayahang pang komunikasyon, gamit ang
template na ito:

https://www.highspeedtraining.co.uk/hub/wp-
content/uploads/2016/08/
personal_development_plan_template.pdf

PAGSUSULIT Mga Uri ng Pagsusulit: A- Multiple choice B- Tama o Technology


Mali C- Sanaysay Integration
(Evaluation/
Assessment) Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang
tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay ang proseso ng pagpapadala at pagtanggap


ng mensahe sa pamamagitan ng simbolo na maaring
berbal o di-berbal.

A. Komunikasyon
B. Virtual
C. Pasalita
D. Di-pasalita

2. Pangunahing uri ng komunikasyon kung saan


gumagamit ka ng mga salita o wika upang iparating sa
iba ang iyong damdamin o saloobin.

A. Komunikasyon
B. Pasalita
C. Virtual
D. Di-pasalita

3. Ito ay pakikipag-ugnayan sa kapuwa gamit ang


makabagong teknolohiya na maaaring makapaghatid
ng impormasyon saan man ang lokasyon.

A. Pasalita
B. Virtual
C. Di-pasalita
D. Komunikasyon

4. Kabilang dito ang eskpresyon ng mukha, tono at


lakas ng boses at galaw ng katawan.
10

A. Di-pasalita
B. Komunikasyon
C. Pasalita
D. Virtual

5. Ang Facebook, Twitter, Instagram at iba pang


social networking sites ay halimbawa ng anong uri ng
komunikasyon?

A. Komunikasyon
B. Pasalita
C. Di-pasalita
D. Virtual

Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang mga


sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung
wasto ang pangungusap at MALI kung ang
pangungusap ay hindi wasto.

___ 6. Maaaring magpaligoy-ligoy sa pagbibigay ng


mensahe sa kausap.

___ 7. Gamit ang teknolohiya mas naging madali ang


komunikasyon.

___ 8. Dapat maging maingat sa mga salitang


ginagamit tuwing nakikipag-usap.

___ 9. Maaaring manghusga sa kausap dahil hindi


naman nya ito malalaman.

___ 10. Ang pagiging responsable at sensitibo sa


kanyang kapwa ay nagpapakita ng epektibong
komunikasyon.

C. Panuto: Gumawa ng sanaysay na naglalaman ng


mga sitwasyon na ginagamitan ng pasalita, di-pasalita,
at virtual na uri ng komunikasyon. (5-10 sentences)

Mga Kasagutan:

A.

1. A
11

2. B

3. B

4. A

5. D

B.

6. MALI

7. TAMA

8. TAMA

9. MALI

10. TAMA

C.

TAKDANG- Technology
Panuto: Magsagawa ng isang Case Analysis sa
ARALIN Integration
pamilyang kinabibilangan tungkol sa mga problemang
(Assignment) nararanasan sa pakikipagkomunikasyon.

Technology
Pamamaraan/Strategy Short Communication Integration
Pagtatapos na Exchange
Gawain
Panuto: Humarap sa katabi mong mag-aaral. Mula sa
(Closing Activity) mga uri ng komunikasyon na napag-aralan, mamili ng
isa na gagamitin upang ipahiwatig ang iyong maikling
mensahe para sa kamag-aral na ito.

You might also like