You are on page 1of 1

Gawain Blg.

5
Ang Pagtatanong
Panuto: Pumili ng isang tiyak na paksa at bumuo ng tig-tatlong tanong batay sa iba’t ibang antas.
Paksa: Komunikasyon
Antas ng Tanong Mga Tiyak na Tanong
1. Kaalaman a. Ano ang komunikasyon?
b. Ano-ano ang elemento nito?
c. Ibigay ang dalawang uri nito.
2. Pag-unawa a. Kailan maituturing na matagumpay ang
komunikasyon?
b. Ilarawan kung papaano nagaganap ang ang
komunikasyon.
c. Papaano nagkakaiba ang komunikasyong
interpersonal sa intrapersonal?
3. Aplikasyon/Paggamit a. Para sa iyo ano ang dapat na isinasaalang-alang sa
komunikasyong di-berbal?
b. Ano ang angkop na uri ng daluyan o channel ng
komunikasyon kapag malayo ang kinakausap?
c. Para sa iyo ano ang dapat na isinasaalang-alang sa
komunikasyong berbal?
4. Pagsusuri a. Ano ang pananaw mo sa paggamit ng wikang
paaksyon sa pagpapakita ng nararamdaman?
b. Ano ang dahilan kung bakit hindi nakapagbabalik-
tugon ang isang tagatanggap?
c. Suriin ang binibigyan-diin ni Berlo sa kanyang
modelo ng komunikasyon.
5. Sintesis/Pagbubuo a. Ano ang maaaring gawin ng bawat indibidwal
upang maiwasan ang sagabal sa komunikasyon?
b. Ano ang manyayari kapag hindi batid ng kausap ang
paksa at layunin ng usapan? Bumuo ng panukala
upang masolusyunan ito.
c. Bumuo ng sariling modelo ng komunikasyon.
6. Ebalwasyon/Pagpapahalaga a. Ano ang masasabi mo sa modelong Intermediary ni
Katz? Nakatulong ba ito sa iyong pag-unawa sa
komunikasyon?
b. Ano ang iyong opinyon sa tungkol sa
interkultural/kroskultural ng bansa? Nagagampanan
ba nito ang kanyang tunguhin?
c. Ano ang masasabi mo sa kakayahang
pangkomunikasyon ng mga mag-aaral sa
kasalukuyan?

You might also like