You are on page 1of 13

ANG KOMUNIKASYON BILANG

PAGBUBUO NG SARILI
Amur Mayor-Asuncion, Ed D

Madalas nating marinig ang pamosong kasabihang “no man is an


island… ”. Tunay nga na bagamat ang tao ay nagtataglay ng laksa-laksang
kapangyarihan, mangangailangan at mangangailangan pa rin siya ng kapwa
tao upang mabuhay. Gayundin naman, kung pakaiisiping mabuti,
napakalungkot ng mundo kung ang tao ay makikipagkapwa lamang dala ng
pangangailangan. Kaya nga maging ang wastong paraan ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa ay kailangang patuloy na pagbutihin.

Ang pakikipag-ugnayang ito ay tinatawag nating komunikasyon. Sa


kursong Filipino 1 sa kolehiyo, tinatawag natin itong sining. Sining ngang
matatawag ang iba’t ibang malikhaing paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao
sa kanyang kapwa. Sining ang paggamit natin ng di lamang mga kilos ng
katawan kundi gayundin, ng wika sa ating pakikipagkapwa-tao.

Ang komunikasyon ay ang paraan ng tao upang makasalamuha ang


kanyang kapwa. Maging ang mga hayop ay may sarili ring paraan ng
pakikipag-ugnayan sa iba pang nilalang sa kanyang paligid. Ito ay isang
proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng mensahe na dumadaloy sa
tinatawag na tsanel o midyum. Ang kahusayan natin sa pagsasagawa ng
prosesong ito ay makatutulong sa tao upang maging matagumpay
saanmang larangan niya nais na mapabilang.

At sa puntong ito, bilang mga mag-aaral na bagong pasok sa kolehiyo,


ito ang unang hakbang sa pagtukoy ng larangang nais tahakin sa hinaharap.
Ito ay hindi isang napakadaling hakbang- ito ay nangangailangan ng lubos na
paghahanda at pakikipagkapwa.

Kaya’t mahalaga na sa simula pa lamang ay makilala na ang bawat


indibidwal na makasasalamuha sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.

ABUTIN MO!

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang:


A. naipaliliwanag ang katuturan, kalikasan at katangian ng
komunikasyon
B. naipaliliwanag ang komunikasyon bilang pagbubuo sa sarili
C. nakabubuo ng sariling pagpapakahulugan ng
komunikasyon batay sa mga konseptong natutuhan
SIMULAN MO!
Isang magandang pagkakataon na naman upang magkaroon ng
bagong kaibigan at kakilala. Subuking tumingin sa buong klase… may dati ka
na bang kakilala? May mga pamilyar bang mukha? Sino kaya ang masarap
maging kaibigan? May nakita ka na ba?
Aba, kung wala pa, samantalahin ang pagkakataong ito. Simulan natin
ang semestre sa pamamagitan ng pagkilala sa bawat isa.

BINGO SOSYAL
Narito ang isang BINGO card. Sa halip na numero ang nakasulat sa
bawat kahon, mga katangian ng tao ang nakasulat dito. Mga katangiang
maaaring tinataglay ng sinuman sa iyong mga bagong kaklase. HANAPIN SA
LOOB NG KLASRUM ANG MAG-AARAL NA NAGTATAGLAY NG BAWAT ISANG
KATANGIAN. Alamin ang kanyang pangalan at isulat ito sa loob ng kahon.
Upang higit na maging kapaki-pakinabang ang larong ito, iwasang mag-ulit
ng pangalan ng mag-aaral. Humanap ng iba pa. MAS MARAMI… MAS
MASAYA! Sa katapusan, isulat ang iyong natatanging katangian sa gitnang
kahon, gayundin ang iyong pangalan.

B I N G O
matangos matipuno makinis ang maamong Palangiti
ang ilong balat mukha

matangkad kulot ang kayumanggi bilugang may dimples


mahabang Mata sa mukha
buhok

balingkinitan maigsi ang may salamin Makulit


buhok AKO YAN! sa mata
__________

chinita tahimik maliit nasa labing-16 na


ikalawang taong
taon gulang

may zodiac nagsisimula nagtapos ng Hiphop ang Naninirahan


sign na ang apelyido sekundarya japorms sa gawing
GEMINI sa letrang M sa isang paranaque
Katolikong
paaralan

Matapos mapunan ang BINGO card, ipakilala sa harap ng klase ang


mga bagong kakilala. Gayundin naman, ipakilala ang sarili. Isaalang-
alang ang mga sumusunod na impormasyon. Maging malikhain sa
gagawing pagpapakilala.

Buong Pangalan: ____________________________________


Palayaw: ____________________________
Edad: ____________
Taon/Kurso: ____________________________
Organisasyong Kinabibilangan: ________________________
Pilosopiya sa Buhay: ____________________________________
Iba pang nais idagdag: ______________________________

Ngayon naman ay sagutin ang mga sumusunod sa loob ng 2-3


pangungusap:

1. Aling bahagi ng gawain ang naging madali para sa iyo? Bakit?

2. Aling Bahagi ang naging mahirap? Bakit?

3. Ipaliwanag ang mahahalagang aral na natutuhan sa isinagawang


aktibiti.
ANO SA PALAGAY MO?
Batay sa isinagawang BINGO game, tukuyin kung ang pahayag hinggil
sa komunikasyon ay TAMA O MALI.

_________ 1. Ang komunikasyon ay nababago.

_________ 2. Ang komunikasyon ay kumplikado.

_________ 3. Ang komunikasyon ay maaaring takasan.

_________ 4. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili.

_________ 5. Ang komunikasyon ay isang prosesong nilalahukan.

_________ 6. Ang komunikasyon ay isang nababagong produkto.

_________ 7. Ang bawat komunikasyon ay nagaganap nang

hiwalay sa iba.

_________ 8. Ang bawat indibidwal ay nananatili sa isang

nagbabagong mindo ng karanasan na “siya” ang

pinakasentro nito.

_________ 9. Malaking bahagi ng tagumpay ng komunikasyon ang

pagkakaroon ng komon na wika ng mga taong

sangkot dito at ang kanilang kahusayan sa paggamit

nito.

_________ 10. Ang indibidwal ang siyang bumubuo ng kaniyang


sariling katauhan sa pamamagitan ng kanyang

pakikipag-ugnayan at mga naisin.

ALAMIN MO!

Ang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare


na ang ibig sabihin ay “gawing komon” o “maibahagi”. Ito ay
pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.

Napakaraming iba’t ibang kahulugan at interpretasyon ng


salitang komunikasyon na maging ang mga eksperto sa larangang ito
ay di nagkakasundo sa isang tiyak na kahulugan nito. Ito ay sa
dahilang ang pagpapakahulugan sa salitang komunikasyon ay
nakasalalay sa sariling perspektiba ng bawat tao.

Sa aklat nina Pearson at Nelson (2000), binigyang-kahulugan


ang komunikasyon bilang proseso ng pag-unawa at pagbabahagi ng
kahulugan. Ito ay proseso dahil ito ay isang gawain, isang
pagpapalitan o isang set ng gawi – at ito ay isang hindi “di
nababagong produkto”. Ito ay isang bagay na hindi maaaring
hawakan kundi ito ay isang gawaing maaaring lahukan o salihan.

Gayundin naman ang sinabi ni Berlo, 1960 (Pearson at Nelson


2000). Ang komunikasyon ay isang proseso, ang pakikipag-uganayan
ay dinamiko, patuloy at pabagu-bago. Ang proseso ay may
interaksyon at ang bawat interaksyon at ang bawat isang sangkap ay
may epekto sa iba pa.

Ayon naman kay Barker (1990), ang komunikasyon ay isang


proseso ng mga magkakaugnay na elemento na kumikilos upang
matamo ang isang tiyak na layunin. Idinagdag pa niya, ang
komunikasyon bilang isang proseso ay nangangahulugang ito ay
pabagu-bago, dinamiko at walang katapusan. Kailangan ring
maunawaan ng tao na ang komunikasyon ay nagaganap nang hindi
hiwalay sa isa’t isa. Bagamat ang bawat interaksyong nagaganap sa
isang indibidwal ay may epekto sa kanyang pakikipag-interaksyon sa
iba pa.

Sa aklat naman ni Hernandez (1989), itinuring niya ang


komunikasyon bilang isang cooperative enterprise. Sa isang
cooperative enterprise may dalawa o higit pang tao na
nagbibigayan at kung gayon, ang bawat isa sa kanila ay
nakapagdedebelop na dalawang kakayahan – ang kakayahang makinig
at magsalita nang mahusay. Sa komunikasyon, mahalaga ang
dalawang ito dahil ito ang nagiging daan upang:

 matamo ang pinakamataas na pagkilala ng tao sa


kanyang sarili
 siya ay maging epektibong lider ng komunidad o bansa
 mapabuti ang mga oportunidad na pang-ekonomiya
 mapabuti ang pakikipag-ugnayang panlipunan

Ayon naman sa Grolier Encyclopedia, maaaring maunawaan ang


komunikasyon bilang layunin at bilang tungkulin. Ito ay layunin
kung ang pokus nito ay ang nais matamo ng mga sangkot sa
komunikasyon. Makikita ito kung ang mensahe ay nakarating sa
target ng ayon sa ibinigay ng ispiker at kung epektibo ang ginamit na
istilong pangkomunikasyon. Kapag ang layunin ng komunikasyon ay
di natamo, ang pokus ay natutuon sa pag-iisa-isa ng mga dahilan ng
di pagtatamo nito.

Sa kabilang banda, ang komunikasyon naman ay nagiging


tungkulin kung ang pokus nito ay sa tagatanggap at hindi sa ispiker.
Ang isinasaalang-alang ay ang paraan ng pagtanggap at ang reaksyon
nito sa mensahe.

Nangangahulugan, kung gayon, na ang anumang sinabi/ginawa


o hindi sinabi/ginawa ng isang ispiker ay mayroong kahulugan sa
tagatanggap, bagamat kapwa sila walang kamalayan na may
komunikasyong naganap. Kaya nga sinasabi ring ang komunikasyon
ay hindi lamang isang gawain o proseso, ito rin ay maituturing na
invisible environment.

Pinanindigan naman nina Beebe et. al. (2004) na ang


komunikasyon ay ang proseso ng pagtugon sa impormasyon.
Idinagdag pa nila na ang komunikasyong pantao ay proseso ng
pagbibigay-kabuluhan sa buhay at naibabahagi ito sa kanyang kapwa
sa pamamagitan ng berbal at di berbal na mensahe.

Bunga nito, masasabing ang komunikasyon ay nangangailangan


ng pag-unawa – ang pagkilala at pagpapakahulugan sa berbal at di
berbal na gawi ng tao. Upang magawa ito, kinakailangang may isang
komon o isang pagpapakahulugan sa mensahe ang tagapaghatid
(ispiker) at tagatanggap (awdyens) upang magkaroon ng ganap na
unawaan at tunay na mabisang komunikasyon.
At yamang ang komunikasyon ay kahulugan at ang pinagsamang
pagkaunawa ng mensahe, malaking bahagi ng pagtatagumpay nito
ang pagkakaroon ng komon na wika ng mga sangkot sa komunikasyon
at ang kanilang kahusayan sa paggamit nito.

Kung kaya maging matagumpay ang komunikasyon, kailangang


isaalang-alang ang pananaw hindi lang ng tagapagbigay ng mensahe
kundi gayundin ng tagatanggap nito. Ang komunikasyong hindi
nagsasaalang-alang ng pangangailangan, kaligiran (background) at
kultura ng tagatanggap ay kadalasang di nagiging matagumpay dahil
nawawala ang pagkakaunawaan.

ANG KOMUNIKASYON AY
PAGBUBUO NG SARILI

Ayon kina Pearson at Nelson (2000), ang komunikasyon ay


nagsisimula sa sarili. Nakasalalay ang buong proseso ng
pakikiapgkomunikasyon ng indibidwal sa paraan ng kanyang pagtingin
sa sarili. Isinulat ni Carl Rogers, 1951 (2000) na “ ang bawat
indibidwal ay nananatili sa isang nagbabagong mundo ng karanasan
na siya ang pinakasentro nito”.

Halimbawa, kung ang isang indibidwal at tinatrato bilang isang


mabait at matalino mula sa kanyang pagkabata, ang kabaitan at
katalinuhang ito ay kanyang kalalakhan. Gayon na rin ang kanyang
magiging pagtingin sa sarili. Maraming mga iskolar at social scientist
ang naniniwala na ang tao ay produkto ng pagtrato sa kanya ng mga
tao sa kanyang paligid.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Goerge Herbert Mead


(Pearson at Nelson, 2000) na ang sarili ay nagmumula sa
komunikasyon. Sa pamamagitan ng berbal at di-berbal na simbolo,
ang bata ay natutong tumanggap ng mga gampanin ayon sa
inaasahan sa kanya ng iba.

Ang komunikasyon ay kinasasangkutan ng iba pang tao sa


paligid. Isinasaalang-alang ng isang mahusay na komunikador ang
pangangailangan at inaasahan ng iba sa pagpili ng mensaheng
ibabahagi. Pinaniniwalaan na ang isang mahusay na komunikador na
maaaring mabahagi ang malaking bilang ng mensahe sa anumang
oras subalit mahalaga ang pagtataglay ng kakayahang makadama at
makatugon sa iba pang sangkot sa komunikasyon.
SUBUKIN MO!
A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na konsepto ng komunikasyon
sa loob ng 2-3 pangugusap:

1. Ang komunikasyon ay isang hindi “di nababagong


produkto”.

2. Ang komunikasyon ay isang cooperative enterprise.

3. Ang komunikasyon ay isang invisible environment.

4. Ang bawat indibidwal ay nanatili sa isang nagbabagong


mundo ng karanasan na siya nag pinakasentro.
B. Punan ang concept map ng mga konseptong natutuhan hinggil
sa komunikasyon. Matapos ito ay bumuo ng sariling konsepto ng
komunikasyon sa loob ng 3-5 pangungusap.

KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay _________________________


ALAMIN MO!

Ang komunikasyon ay nagtataglay ng iba’t ibang mga katangian.


Nagbigay sina Beebe (2004) ng ilan sa mga ito.

1. Ang komunikayon ay di matatakasan.

Saan ka mang dako magpunta, ano man ang ating ginagawa,


mayroon at mayroong komunikasyong nagaganap. Maging sa pag-iisa
at pag-aanalaisa ng sarili, mayroong komunikasyon (intrapersonal).
Ang unang pag-uha ng sanggol sa kanyang pagsilang ang kanyang
unang pakikipagkomunikasyon. Kahit pa karamihan sa mga mensahe
ay di nasasambit, naipapahayag pa rin natin ito (di-berbal) sa kapwa,
sadya man o di-sinasadya.

2. Ang komunikasyon ay di mababago.

Makikita ito sa helical model ni Frank Dance na ang


komunikasyon ay hindi bumabalik sa sarili. Kapag ito ay nagmula sa
ibab, patuloy ito sa pag-akyat hanggang sa mgakaroon ng pagsasanib
ng mga ideya at karanasan ng mga sangkot sa komunikasyon.

3. Ang komunikasyon ay kumplikado.

Ang pakikipag-ugnayan sa kapwa ay di gayon kasimple na tulad


ng inaakala ng marami. Pagsinin na lang ang di pagkakaunawaan sa
paligid. Sa kabila ng pagpupursigi ng tao na maging perpekto ang
kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa, mayroon pa ring
lilitaw at uusbong na mga suliranin.

Sinasabi rin na madalas ay di nabibigyang-kahulugan ayon sa


ating nais na ipahatid. Kayat nagmungkahi si Osmo Wiio ng mga
patnubay (maxims) upang mapagtagumpayan ang
pakikipagkomunikasyon:

 kung di magtatagumpay ang komunikasyon, sadyang di ito


magtatagumpay.
 kung ang mensahe ay mauunawaan sa iba’t ibang paraan , ito ay
mauunawaan lamang sa paraang mas higit ang kamalian
 laging mayroong higit na nakaaalam ng iyong mensaheng nais
iparating
 habang dumarami ang nagiging kalahok ng komunikasyon, lalong
nagiging komlikado ang komunikasyon

4. Binibigyang-diin ng komunikasyon ang nilalaman at ang


pakikipag-ugnayan.

Pangunahing isinasaalang-alang sa komunikasyon ang nilalaman


ng anumang transaksyon at ang nabubuong pakikipag-ugnayan mula
rito. Maraming mga pagkakataon na itinututok ng mga kalahok ang
kanilang atensyon sa kung paanong paraan sasabihin ang mensahe
kaysa sa kung ano mismo ang mensahe. Kaya’t sa sobrang pagtutok
na ito sa anyo, nawawala ang sustansya ng mensaheng nais iparating.
Bunga rin nito, nawawala o di kaya naman ay lumalabo ang pakikipag-
ugnayan sa bawat kalahok.

5. Ang komunikasyon ay kinapapalooban ng mga tuntunin.

May mga tiyak na tuntunin ng pakikipagkomunikasyon sa iba’t


ibang pagkakataon. Maaaring ang isang paraan ng
pakikipagkomunikasyon ay di karapat-dapat sa isang partikular na
oras, lugar o mga kalahok. Kailangang mataman ito maisaalang-alang
ng isang komunikador upang maging higit na mabisa ang
pakikipagkomunikasyon.

Bawat pagkakataon ay may kani-kaniyang sariling kumbensyon.


Tulad halimbawa sa panonood ng dula sa teatro. Maaari ngang lubos
tayong humahanga sa husay ng pagganap ng mga aktor sa entablado
subalit hindi ito dahilan upang pumalakpak o di kaya’y gumawa ng
anumang fidbak sa kalagitnaan ng pagtatanghal. Ito ay
makasasagabal sa nagaganap na pagsasadula. Kaya’t maging ang
paggamit o pagpapatunog ng mobile phone sa loob ng teatro ay
mahigpit na ipinagbabawal. Ito ay ang tinatawag na kumbensyong
panteatro o theatrical convention.
SUBUKIN MO!

Patunayan ang mga sumusunod na konsepto /katangian sa


pamamagitan ng pagbibigay-halimbawa ng mga sitwasyon.

1. Ang komunikasyon ay di matatakasan.

2. Ang komunikasyon ay di nababago.

3. Ang komunikasyon ay kumplikado.

You might also like