You are on page 1of 6

KORESPONDENSYA OPISYAL

Pangkalahatang ideya:

Ang pagsulat ng liham ay isang kasanayang mahalagang matutunan. Sa pamamagitan ng liham. maaari
mong maihatid sa isang taong nasa malayong lugar ang mensaheng nais mong sabihin sa kanya. Dahil
layunin ng liham ang maghatid ng mensahe, mahalagang maging maayos ito.

Nakatataba ng puso ang makatanggap ng liham, sapagkat hindi tulad e- mail o text-messaging,
masasabing tunay na pinagbuhusan ng oras at panahon ng sumulat ang liham. Kailangan pa niyang mag-
isip ng magandang panimula at pangwakas, maghanap ng magandang papel at sobre, at personal na
pumunta sa post office upang maihulog ang liham. Kung minsan, may sarili pa siyang istilo ng pagtutupi
ng papel at gumagamit ng mababangong papel at bolpen. At bumibilang pa ng ilang araw bago
matanggap ng pinadalhan ang liham ng pinaghirapan ng sumulat. Dahil sa mga ito, maituturing din isang
sining ang pagsulat ng liham.

Ang Konstitusyon ng 1987 ng Republika ng Pilipinas Artikulo XIV Seksyon 6-9

Sek. 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umuliral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana
ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagututro sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t wlang ibang itinatadhana ang batas, Ingles:

Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang kastila at Arabic

Sek. 8. Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Kastila

Sek. 9. Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng
mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.

ATAS TAGAPAGPAGANAP BILANG 335

Malacañang

Inilagda ng Pangulo ng Pilipinas

Atas Tagapagpaganap Blg. 335

Nag-aatas sa lahat ng mga Kagawaran/ Kawanihan/ Opisyal! Aherisya! Instrumentaliti ng pamahalaan na


magsasagawa ng mga hakbang na kailingan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksyon, komunikasyon at korespondensiya.

SAPAGKAT itinadhana ng konstitusyon ng 1987 na “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” na


“samantalang nililinag, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika”; at ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles”, at

SAPAGKAT sa pamamagitang ng puspusang paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na mga transaksyon,


komunikasyon at korespondensya sa mga opisina ng pamahalaan ay lalong mauunawaan at
mapapahalagahan ng sambanyanan Pilipino ang mga programa, proyekto at mga gawain ng pamahalaan
sa buong bansa, at sa gayon ay magsisilbing instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan para sa
pambansang kaunlaran.

DAHIL DITO AKO, SI CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng Pilipinas, ay nag-aatas sa lahat ng mga kagawarani
Kawanihan/ Instrumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga sumusunod ng hakbang

Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon, transaksyon


at korespondensya sa kani-kanilang opisina, maging nasyonal at lokal,

2. Megtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangangailangan, sa bawat tanggapan upang mangasiwa
sa mga komunikasyon at korespondensya na nagsususlat sa Filipino;
3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng opisina, gusali at edipisyong publiko, atmga

Karatula ng lahat ng opisina at mga didbisyon nito o instrumentality ng mga iyon

At, kung nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na letra ang tekstong Ingles: 4. Isa-Filipino ang
“Panununmpa sa Katungkulan ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan,

5 Gawaing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad pantauhan ng bawat opisina
ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensya opisyal.

Kaugnay nito, inaawtorisahan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na sangguniin at hingan ng suporta
ang lahat ng mga kagawaran / kawanihan/ opisinal ahensya/ instrumentaliti ng Pamahalaan, nasyonal at
lokal.

Pinawawalang-bisa ng Atas Tagapagpaganap na ito ang Atas Tagapagpaganap Blg. 187 na may petsang
Agosto 6, 1969, Inilagda sa lungsod ng Maynila, ngayong ika-25 ng Agosto sa taon ng Ating Panginoon,
labinsiyam na raan at walumpu’t walo.

A. PAGSULAT NG LIHAM

Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan na isinagawa sa pamamagitan ng limbag na


mga salita. Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag-usap na kababakasan ng tunay na
personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din sa liham kung ang sumusulat ay matamang nag- lisip at
malinaw na nakapagpahayag ng kanyang tunay na damdamin sa pamamagitan ng mga mapitagan at
magalang na pananalita.

Maganda ang impresyon sa liham kapag ang sumulat ay gumagamit ng wastong pahayag ng kanyang
ideya, pumili ng mga makahulugang pananalita nagpamalas ng sapat na kaalaman sa bagay na nais
niyang ihatid at gumamit ng sariling istilo sa na madaling maunawaan ng bumabasa.

Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga di-maliwasang aktibidad sa negosyo at pangangailangang personal.
Ang Korespondensyang pampamahalaan at liham-pangalakal at iba pang kauring liham ay dapat nang
may kapormahan Hinahanap sa ganitong uri ng mga korespondensya ang pagiging kahika-hikayat at
nakakukumbinsi sa bumabasa o pinadalhan

Karaniwang mungkahi tungo sa Mahusay na pagsusulat

1. Ituon ang iyong pag-iisip (Center your Thinking) 2. Organisahin ang iyong iniisip. (organize your
thinking)

3 Tiyakan ang iyong iniisip (specify your thinking)

4llahad nang malinaw ang iyong mga ideya o kaisipan (present your thoughts clearly)

B. MGA KATANGIAN NG LIHAM

Madaling makapaghanda ang sinuman ng isang liham, maging ito'y liham na pormal o di-pormal,
subalit ilan lamang mapilit at maituturing na mahusay ang pagkakahanda. Ang pangunahing dahilan
nito ay ang kakulanagan sa bias ng liham

Mahalagang isisping kailangan lagging maging pormal at mabisa ang pagsulat ng liham
pantanggapan. Nangangahulugan ito ng pagiging maayos ng ideyang nais ipahatid sa sinusulatan.

Upang maging matagumpay ang isang liham, inilahad dito ang ilang elementong dapat taglayin
kasama ang pagbuod na paliwanag sa bawat isa. 1. Malinaw (clear)

Una sa lahat, hating ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid sa liham. Iplano
pagkasunod-sunod ng mga ideyang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang
pagkakapagpahayag ng bawat ideya. Hindi dapat maging mahaba o maligoy ang liham. Higit na
epektibo ang maikling pangungusap. Tandaan na ang kasimplihan ay daan sa madaling pag-unawa.

2. Wasto (correct)
Laging isa isip na ang anumang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat
ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin muna ang mga kailangan at ihanda
ang mga ito nang naaaayon sa kani-kanilang prayoridad. Tiykaing wasto ang bawat pahayag o
impormasyon bago ito isulat. Ang wastong pagpapahayag at bararila ay napakapundamental sa
kapuri-puring pagsulat ng liham o ng ano mang uri ng panulat. Mahalaga ring isaalang-alang ang
tamang pagbabantas.

Buo ang kaisipan (complete idea)

3. Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat kapag nakaligtaang itala ang
isang bagay na kailangan ng sumusulat, lalabas na kapos o may pinsala sa pangunahing sangkap ang
liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinusulatan, dapat na unang-unang nakasisiya o sapat
ang isinasaad sa ng sumusulat.

4. Magalang (courteous)

Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Kasinghalaga ito ng wika. Hindi dapat mabakas sa
sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang-asal Makatatawag-pansin ang
pagkamagalang, kaya't agad nakukuha ang tugon o reaksyon sa liham. Naipakikita at naipadarama ng
mga Pilipino ang iba't ibang uri ng pagiging magalang nila sa pamamagitan ng kanilang pananalita

5. (concise)

Sikapin na ang bawat salitang isusulat ay makatutulong sa pagpapabatid ng nais sabihin sa


nililihaman. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito'y isa lamang pagg-
aaksaya ng panahon at nakapapawi ng interest ng nilalaman.

6 Kombersasyonal (conversational)

Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kapag ang bumabasa nito'y parang personal
na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon ay higit
na maging epektibo ang pagkakaunawaan Gumamit ng sariling pananalita at iwasan ang
pagkamaligoy
7. Mapitagan (considerate)

Pakatimbangin ang anumang nais ipahayag ng sumusulat. Bigyang-diin ang mensaheng nagbibigay-
interes sa sinusulatang o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa
gayon ay maipadarama ang pagtitiwala at kabutihang-loob.

MGA BAHAGI NG LIHAM

Sinasabi ng mga awtoridad na ang isang magandang liham ay maaaring itulad sa

isang magandang larawang nakakuwadro. Ang magandang larawan ay ang liham,

You might also like