You are on page 1of 12

Mga Katangian ng

Liham

Ulat ng ikatlong grupo


• Madaling mapaghandaan ng sinuman ang isang liham,
maging ito’y liham na pormal o di pormal, subalit iilan
lamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang
pagkakahanda. Ang pangunahing dahilan nito ay ang
kakulangan sa bisa ng liham.

• Mahalagang isiping kailangang laging maging pormal at


mabisa ang pagsulat ng liham pantanggapan.
Nangangailangan ito ng pagiging maayos ng ideyang nais
ipahatid sa sinusulatan.
• Upang maging matagumpay
ang isang liham, Narito ang
ilang elementong dapat
taglayin kasama ang pagbuod
na paliwanag sa bawat isa.
• Mga dapat sundin
at isa alang-alang
pag ika’y gagawa
ng isang liham
1. Malinaw (Clear)
-Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng
mga bagay-bagay na hangad ipa batid sa
liham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng
mga ideyang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin
kung mahusay ang pagkakapag pahayag ng
bawat ideya. Hindi dapat maging mahaba o
maligoy ang liham. Higit na epektibo ang
maiikling pangungusap. Tandaan ang
kasimplihan ay daan sa madaling pag unawa.
2. Wasto (Correct)
-laging isa-isip na ang anumang liham na nangangailangan ng
katugunan ay dapat magtaglay ng lahat na angkop at tiyak na
impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin muna ang mga
kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang
prayoridad. Tiyaking wasto ang bawat pahayag o impormasyon
bago ito isulat. Ang wastong pagpapahayag at balarila ay
napakapundamental sa kapuri-puring pagsulat ng liham o ng ano
mang uri ng panulat. Mahalaga ring isaalang-alang ang tamang
pagbabantas.
3. Buo ang kaisipan (Complete Idea)
-pagsama-samahin ang lahat ng kailangang
impormasyon sapagkat kapag nakaligtaang itala ang
isang bagay na kailangan ng sumulat, lalabas na kapos
may pinsala sa pangunahing sangkap ang liham. Upang
maging kasiya-siya ang tugon ng sinusulatan, dapat na
unang-una nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng
sumusulat.
4. Magalang (Courteous)
-napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag.
Kasinghalaga ito ng wika. Hindi dapat mabakas sa
sulat ang pagbigla, pagkamagagalitin, o pagkawala ng
kagandang asal . Makatatawag-pansin ang
pagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o
reaksyon sa liham. Naipapakita at naipadarama ng
mga Pilipino ang iba’t ibang uri ng pagiging
magalang nila sa pamamagitan ng kanilang
pananalita.
5. Maikli (Concise)
-sikapin na ang bawat salitang isusulat ay
makatutulong sa pagpapabatid ng nais sabihin sa
nililihaman, iwasan ang paglalakip ng mga
detalyeng walang kabuluhan. Ito’y isa lamang
pag-aaksaya ng panahon at nakapapawi ng
interes ng nililihaman.
6. Kombersasyonal (Conversational)
-masasabing mahusay ang pagkakasulat ng
isang liham kapag ang bumabasa nito’y parang
personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural
na pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon
ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan.
Gumamit ng sariling pananalita at iwasan ang
pagkamaligoy.
7. Mapitagan (Considerate)
-pakatimbangin ang anumang
nais ipahayang ng sumusulat.
Bigyang-diin ang mensaheng
nagbibigay-interes sa sinusulatan o
bumabasa. Sikaping maging
mapagbigay sa lahat ng
pagkakataon nag sa gayonn ay
maipadama ang pagtitiwala at
kabutihang loob.

You might also like