Professional Documents
Culture Documents
Module 2. Korespondensya
Module 2. Korespondensya
Maikling Kasaysayan
Ang mga batas kaugnay sa Wikang Filipino at Korepondensya Opisyal, Konstitusyon 1987
ng Republika ng Pilipinas Artikulo XIV seksyon 6-9.
Sek. 6. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Konggreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan, upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga Wikang Opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang
Kastila at Arabic.
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Kastila at Arabic.
Sek. 9. Dapat magtatag ang Konggreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.
17
DAHIL DITO, AKO, SI CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng Pilipinas, ay nag-aatas sa lahat ng
mga Kagawaran/ Kawanihan/ instrumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga
sumusunod na hakbang:
1. Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na
komunikasyon, transaksyon at korespondensya sa kani-kanilang opisina, maging
nasyonal at lokal;
2. Magtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangangailangan, sa bawat tanggapan
upang mangasiwa sa mga komunikasyon at korespondensya na nasusulat sa Filipino;
3. Isalin sa Filipno ang mga pangalan ng opisina, gusali at edipisyong publiko, at mga
karatula ng lahat ng opisina at mga dibisyon nito o instrumentaliti ng mga iyon at, kung
nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na letra ang tekstong Ingles;
4. Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng
pamahalaan;
5. Gawing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad pantauhan ng
bawat opisina ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at
korespondensya opisyal.
Upang maisakatuparan ang gayong mga layunin, inaatasan ang Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas na bumuo at magsagawa ng programa at mga proyekto na sumasaklaw sa: 1)
kampanyang pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan at kabuluhan ng wikang Filipino bilang
epektibong instrumento ng pambansang pagkakaisa at pagpapaunlad, 2) Pagsasalin sa Filipino
ng Atas Tagapagpaganap na ito, gayundin ng mga katawagang pampamahalaan upang maging
sangguniang babasahin ng lahat ng opisina, 3) pagsasanay ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng
pamahalaan, 3) pagmomonitor ng implementasyon ng Atas na ito at pag-re-report sa panahon
ng progreso ng implementasyon sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, sa pamamagitan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports, at 5) pagsasagawa ng iba pang mga istratehiya para
sa puspusang implementasyon ng mga layunin at Atas na ito.
Kaugnay nito, inaawtorisahan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na sangguniin at hingan
ng suporta ang lahat ng mga kagawaran/kawanihan/opisina/ahensya/instrumentaliti ng
pamahalaan, nasyonal at lokal. Pinawawalang-bisa ng Atas Tagapagpaganap na ito ang Atas
Tagapagpaganap Blg. 187 na may petsang Agosto 6, 1969. Inilagda sa Lungsod ng Maynila,
ngayong ika-25 ng Agosto sa taon ng Ating Panginoon, labinsiyam na raan at walumpu’t walo.
(Lgd)CORAZON C. AQUINO
Pangulo ng Pilipinas
18
Pangkalahatang Uri ng Liham/Korespondensya
Liham Pantanggapan at Liham Pangangalakal
Ang liham pantanggapan ay tumutukoy sa mga liham na ginagamit sa tanggapang
pampamahalaan at/o pribado na ang mga paksa ay hinggil sa anumang transaksyon o mga isyu
sa loob at labas ng mga tanggapang nabanggit.
Ang liham pangangalakal ay tumutukoy sa mga ugnayang pasulat sa pagitan ng mga
establisyementong pangkalakalan, publiko man o pribado.
Bahagi ng Liham
May pitong bahagi ang isang liham:
(1) Pamuhatan
(2) Patunguhan
(3) Bating pambungad
(4) Katawan
(5) Bating pangwakas
(6) Lagda
(7) Mga karagdagang bahagi
19
Makaluma:
322 Homesville Subdivision
Stewart Street
Makati, Metro Manila
Abril 1, 1989
Makabagong paraan:
SMJ-Iligan Vinyl Corporation
Your Choice of the Best Vinyl Products
Tibanga National Highway, Iligan City
Tel. No. (063) 227-1222; Fax. (063) 227-4888
24 Pebrero 2009
______________________________________________________________________________
2. Patunguhan – nilalaman ng bahaging ito ang kompletong pangalan, katungkulan, at
tanggapan ng taong padadalhan ng liham at tirahan ng indibidwal o establisyemento na
padadalhan ng liham. Ingat ang kailangan sa gagamiting pagkakakilanlan o identidad ng
padadalhan ng liham. Ang liham na ipapadala sa isang tao ay kailangang magtaglay ng
tama nitong titulo, eksaktong pangalan, inisyal sa panggitnang apelyido at apelyido. Ang
isang liham na ipinadala sa isang organisasyon ay kailangang malimbag nang kompleto at
nasa wastong baybay. Kung maikli ng kaunti ang liham, ang espasyo sa pagitan ng
patunguhan ay maaaring luwagan sa hanggang 8 espasyo. Pansinin ang sumusunod na
halimbawa:
Kgg. Manuel D. Cassa
Konggreso ng Maynila
Maynila, Pilipinas
3. Bating panimula – ito ang pagbati sa liham at wari ay nagsasabing “Kumusta ka” o
“Magandang umaga”. Ito rin ang naghuhudyat kung kailangan magiging pormal o di
pormal ang bating pangwakas. Inienkowd ito ng dalawang espasyo mula sa huling linya
ng patunguhan. Tutuldok ang ginagamit na bantas upang maghimig pormal. Pansinin ang
sumusunod na halimbawa:
Sa lalaki Sa babae
Ginoo: Binibini/Ginang:
Mahal kong Ginoo: Mahal kong Binibini/Ginang:
Mga Kaginoohan: Mahal na Binibini/Ginang:
Mga Binibini/ Ginang:
20
bating pambungad at bating pangwakas. Kailangan ang liham ay maging malinaw na
malinaw at hindi dapat lumikha ng anumang alinlangan sa pinapadalhan o babasa nito.
Kailangan madali itong basahin at unawain. Nagsisimula ito sa dalawang espasyo buhat
sa bating panimula at nagwawakas na may dalawang espasyo bago ang bating
pangwakas. Kailangang pantay ang kaliwang palugit sa linya ng patunguhan. Ang
kaliwang palugit ay hindi nararapat kumulang sa isa at kalahating dali 1 ½ ang lapad.
Isang espasyo lamang ang pagitan ng mga pangungusap sa isang talata, dalawang
espasyo naman sa pagitan ng mga talata. Pansinin ang tatlong bahagi ng diwang
isinasaad sa katawan ng liham:
6. Ang Lagda – Ito ang nagpapakilala kung sino ang sumulat. Kaya masasabing kasing halaga ito
ng alin mang bahagi ng sulat. Itinatagubilin na ang lagda ng lumiham ay lagyan ng minakinilyang
pangalan, at kailangang sa tinta ang lagda. Ito ang nagpapakilala ng kapangyarihan at
pananagutan niya sa nilalaman ng liham. Binubuo ito ng dalawa o tatlong linya. Pansinin ang
sumusunod na halimbawa:
Lubos na sumasainyo,
(Lgd.)
MARIANO F. ALAGAR (malaking titik dapat)
21
Pangulo, Sangay Promosyon
Iba Pang Bahagi ng Liham
Mga halimbawa:
(1)
Hunyo 5, 2010
S and S Associates
4 D. Tuazon Street
Cubao, Quezon City
Philippines
(2)
22
(3)
Tinatawagang-pansin si G. Rey T. Uy
Pangalawang Pangulo
b. Linya ng Paksa – ginagamit ito upang tukuyin ang dahilan o paksa ng pagkakasulat.
Ang paggamit nito ay nakakabawas sa tungkuling ipaliwanag sa unang panimulang
talata ang dahilan ng pagkakasulat ng liham. Ang linya ng paksa ay maaaring ilagay
sa: 1) dalawang espasyo mula sa ibabaw ng patunguhan, 2) dalawang espasyo mula
sa huling linya ng patunguhan sa gitna ng papel, 3) kahanay ng bating pambungad at
4) dalawang espasyo pagkatapos ng bating pambungad.
Mga halimbawa:
(1)
Enero 2, 2010
Paksa: Resibo Blg. 234
Philippine Education Company
1104 Castillejos Avenue
Quiapo, Manila
(2)
Enero 5, 2010
Philippine Education Company
1104 Castillejos Avenue
Quiapo, Manila
Paksa: Ang mga koleksyon sa Batayang-Aklat
Mga Kaginoohan
(3)
Enero 5, 2010
Philippine Education Company
1104 Castillejos Avenue
Quiapo, Manila
Mga Kaginoohan: Paksa: Ang mga koleksyon sa Batayang-Aklat
(4)
Enero 5, 2010
Philippine Education Company
1104 Castillejos Avenue
Quiapo, Manila
23
Mga Kaginoohan
Paksa: Ang mga koleksyon sa Batayang-Aklat
c. Linya ng Sanggunian – mayroong mga pagkakataong mahalagang banggitin ang mga
bilang sa mga tala upang mapadali ang paghahanap ng mga kaso o kagyat na
makatugon sa isang lumiham na humihingi ng sangguniang bilang o rekord ng isang
produkto o pananaliksik. Sa halip na linya ng paksa ang gamitin, mas
kapaki-pakinabang ang mga sumusunod: sa inyong pagtugon, sanggunian ninyo ang
File B- 33457. Kung mayroong ikalawa o ikatlong kopya ang ginawang liham,
nararapat itong banggitin sa dulong kaliwa ng liham bago ang palugit.
Kopya:
Orihinal
Duplikado
Ikatlong Kopya
Kapag tinutukoy ang pormat, ang nais nating alamin ay kung ano ang balangkas o estilo
ng liham. Ngunit bago ito talakayin, kailangan munang bigyan natin ng pansin ang ilang mga
pangangailangan na nagsisilbing pundasyon upang maingat na mabuo ang balangkas/pormat ng
anumang liham, pantanggapan man o pangangalakal. Ito ay sapagkat, sa isang liham, balangkas
pa lamang ay mahihinuha mo na kung dapat pag-ukulan ng seryosong atensyon ang nilalaman
ng liham o hindi. Kaugnay nito, mahalagang mabatid ng sumusulat kung papaanong
nakatutulong ang istesyunari na may iba’t ibang kulay sa paglinang ng impresyon sa babasa.
Ang Istesyuneri
Hahangaan ng mambabasa ang liham na isinulat sa isang papel na may tamang kulay,
ayos at porma sapagkat nakakaakit ito sa mata at nagbibigay ng magandang impresyon.
Nararapat na magtaglay ng mataas na kalidad o uri ang papel na gagamitin sa liham
pangangalakal. Isang busilak na puti, walang guhit at may tamang kapal na papel, ang angkop
dito. May iba’t ibang kulay na papel na ang pangunahing layunin ay maghatid ng tiyak na
damdamin.
24
Ang Sobre
Kailangang angkop din sa uri at kulay ng papel ang sobre. Ang bahaging dulong kaliwang
itaas ng sobre ay dapat magtaglay ng parihabang impormasyon hinggil sa tirahan ng sumusulat.
Ngunit sa mga pinakamakabagong tanggapan, ang pinakatakip ng sobre ang nilalagyan ng
pamuhatan at ginagawang sanggunian ng isang kliyente. Mayroon ding tinatawag na sobreng
may bintana (window envelope). Karaniwang ginagamit ito ng mga ahensyang pampamahalaan
at pribado.
Kapag walang ang ulong-pagkilala sa istesyuneri, ang palugit sa itaas at ibaba ay dapat
magkatulad. Ngunit kung mayroon, ang palugit sa itaas sa pagitan ng ulong-pagkilala at ng
unang enkowd na aytem ay dapat mas maging malapad kaysa sa palugit sa ibaba. Karaniwang 1
dali ang sukat ng palugit sa ibaba. Samantala 1 ½ dali naman ang sukat ng palugit sa gawing
kaliwa ng liham at 1 dali naman sa kanan. Kung maikli ang liham, pinapahintulutan ang mas
malapad sa nabanggit na pamantayan ang gagawing palugit. Pansinin ang sumusunod na
panukatang itinagubilin sa isang liham pangangalakal:
25
Mga Uri ng Liham
Pagpapatunay (Certification)
26
Lihan Paanyaya (Letter of Invitation)
Liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala na, subalit
hindi nabigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalala upang bigyang aksyon o atensyon ang naunang
liham. Karaniwang nararapat subaybayan ang liham kahilingan, paanyaya, at maging ang
pag-aaplay o pamamasukan sa trabaho.
Pinid na Bantas
Agosto 9, 2010
6 Aurellana Street,
Bagong Ilog, Pasig,
Metro Manila.
Acebedo Optical
29 A. Paterno Street,
Quiapo, Manila.
27
Kung Malaya naman
Agosto 9, 2010
6 Aurellana Street
Bagong Ilog, Pasig
Metro Manila
Acebedo Optical
29 A. Paterno Street
Quiapo, Manila
28
(Margin 2.0 / 1.5)
Ulong-pagkilala o Pamuhatan
2-4 espasyo
Petsa
2-8 espasyo –
Patunguhan
2 espasyo
Bating Pambungad:
2 espasyo
Katawan ng Liham
2 espasyo
2 espasyo
2 - 4 espasyo
Bating Pangwakas,
4 espasyo
PANGALAN AT LAGDA
(Margin 1.5/1.0)
29
2. Tuwid (Block) – mula sa palugit sa kaliwa na 1 ½ dali, ang tuwid na anyo ay magdaragdag
pa ng 1 dali. Simula rito, lahat ng bahagi ng liham ay maaari nang i-enkowd na
magkakatapat maliban sa petsa, bating pangwakas, at lagda. Ang petsa at ang bating
pangwakas ay dapat magkalinya. Magkatapat din ang unang titik ng bating pangwakas at
unag titik ng lagda. Ang lagda ay laging nakasulat o nakalimbag na malaking titik.
Ulong-pagkilala o Pamuhatan
2-4 espasyo
Petsa
2-8 espasyo –
Patunguhan
2 espasyo
Bating Pambungad:
2 espasyo
Katawan ng Liham
2 espasyo
.
2-4 espasyo
Bating Pangwakas,
4 espasyo
PANGALAN AT LAGDA
Margin 1.5/1.0)
30
3. Tahasang tuwid (Full Block) – mula sa palugit sa kaliwa na 1 ½ dali, ang tahasang tuwid
na anyo ay magdaragdag pa ng 1 dali. Simula rito, lahat ng bahagi ng liham ay maaari
nang i-enkowd na magkakatapat. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
Ulong-pagkilala o Pamuhatan
2-4 espasyo
Petsa
2-8 espasyo –
Patunguhan
2 espasyo
Bating Pambungad:
2 espasyo
Katawan ng Liham
2 espasyo
2-4 espasyo
Bating Pangwakas,
4 espasyo
PANGALAN AT LAGDA
(Margin 1.5/1.0)
31
4. Bahagyang Tuwid (Semi Block) – ang kaibahan lamang nito sa anyong modified na tuwid
ay iisa – nakapasok ng apat na espasyo ang simula ng bawat talata sa katawan ng liham.
Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
Ulong-pagkilala o Pamuhatan
2-4 espasyo
Petsa
2-8 espasyo –
Patunguhan
2 espasyo
Bating Pambungad:
2 espasyo
Katawan ng Liham
2 espasyo
(Margin 2.0/1.5)
2 espasyo
2-4 espasyo
Bating Pangwakas,
4 espasyo
PANGALAN AT LAGDA
(Margin 1.5/1.0)
32
5. Nakabitin – maitutulad natin ang anyong ito sa nakapasok o indented maliban sa isang
aspekto – ang ikalawang linya at ang mga sumusunod pang linya ng bawat talata sa
katawan ng liham ay nakapasok ng 5 espasyo. Gayundin ang makikita sa pamuhatan,
patunguhan, at lagda.
Ulong-pagkilala o Pamuhatan
2-4 espasyo
Petsa
2-8 espasyo –
Patunguhan
2 espasyo
Bating Pangbungad:
2 espasyo
Katawan ng Liham
2 espasyo
2 espasyo
2-4 espasyo
Bating Pangwakas,
4 espasyo
PANGALAN AT LAGDA
(Margin 1.5/1.0)
33
6. Memorandum na Estilo – napakapormal ng estilong madalas ginagamit sa mga
transaksyong kailangang bigyan agad ng pansin. Magkapantay ang linya ng petsa at
lagda. Hindi na kailangan ang bating panimula at bating pangwakas. Parehong
matatagpuan sa gawing kaliwa ang pamuhatan at patunguhan.
Ulong-pagkilala o Pamuhatan
Petsa
Mula kay:
Para kay:
PAKSA:
LAGDA
34
Paghulog at Paggawa ng Duplikasyon
Ginagawa ito kapag ang liham ay ipapadala nang hindi sa pamamagitan ng koreo at may
karagdagang kopya. Nararapat lamang itong banggitin sa tulong ng inisyal na ini-enkowd sa
gawing kaliwa ng palugit na may dalawang espasyo pababa mula sa mga inisyal ng nag-enkowd
35
at nagdikta. Kung nagnanais ipatalastas ng lumiham na siya ay nagpadala ng kopyang karbon sa
isang tao, ang impormasyong ito ay inilalagay sa gawing kaliwa sa huling linya pababa sa papel.
Maaaring sabihing kopya kay o “kk” (karbong kopya) ay makinilyahin ng pinadalhan. Kailangang
banggitin din ang angkop na titulo. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
36