You are on page 1of 27

INOBASYON SA WIKANG FILIPINO CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

KURSO FIL103 INOBASYON SA WIKANG FILIPINO


( Subject)

KABANATA/YUNIT YUNIT 1
( Chapter)

PAMAGAT NG ARALIN KORESPONDENSIYA OPISYAL


( Lesson Title) • Pagsulat ng Liham
• Bahagi ng Liham
• Ang Paghuhulog at Paggawa ng Duplikasyon
• Ang Pormat ng Liham Pangangalakal
- Ang Ulong Pagkilala
- Ang Laman ng Liham
- Ang Palugit
- Ang Pormat sa mga Palugit at Pag-eespasyo ng Liham
- Ang Pinid at Malayang Bantas

Sa loob ng 2 linggo (Abril5-16,2021), ang mga mag-aaral ay


LAYUNIN NG ARALIN inaasahang:

( Lesson Objectives) 1. nakatutukoy ng ilang mahusay na mungkahi sa mahusay na


pagsulat ng liham
2. nakatutukoy ng mga bahagi ng liham
3. nakasusulat ng liham sa tulong ng kaalaman sa tamang pormat at
nilalaman nito.

LAGOM NG PANANAW Ilalahad sa bahaging ito ang ilang mga mungkahi sa mahusay na
pagsulat ng liham, ang mga bahagi at tamang pormat sa pagsulat ng
(Overview/Introduction)
liham.
Sinasabi ng mga awtoridad na ang isang magandang liham ay
PANGGANYAK maaaring itulad sa isang magandang larawang nakakuwadro.
(Activity)

1. Ano ang nirerepresenta ng magandang larawan?


PAGSUSURI 2. Ano naman ang nirerepresenta ng kwadro?
(Analysis) 3. Paano masasabing maganda ang pagkakabuo ng liham katulad
ng isang magandang larawan?

Ikalawang Bahagi: Korespondensya Opisyal

Pagsulat ng Liham

Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan na


isinasagawa sa pamamagitan ng limbag na mga salita.
PAGLALAHAD
Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag-usap na
(Abstraction)
kababakasan ng tunay na personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din
sa liham kung ang sumusulat ay matamang nag-iisip at malinaw na
nakapagpahayag ng kanyang tunay na damdamin sa pamamagitan ng mga
mapitagan at magagalang na pananalita.

Maganda ang impresyon sa liham kapag ang sumulat ay gumagamit ng


wastong pahayag ng kanyang ideya, pumili ng mga makahulugang
pananalita, nagpapamalas ng sapat na kaalaman sa bagay na nais niyang
ihatid, at gumagamit ng sariling istilo sa pagsulat na madaling maunawaan
ng bumabasa.

Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga di-maiiwasang aktibidad sa negosyo


at pangangailangang personal. Ang korespondensyang pampamahalaan at
liham-pangangalakal at iba pang kauring liham ay dapat nang may
kapormalan. Hinahanap sa ganitong uri ng mga korespondensya ang
pagiging kahika-hikayat at nakakukumbinsi sa bumabasa o pinadadalhan.

Karaniwang Mungkahi Tungo sa Mahusay na Pagsusulat

1. Ituon ang iyong pag-iisip (center your thinking)

2. Organisahin ang iyong iniisip (organize your thinking)

3. Tiyakin ang iyong iniisip (specify your thinking)

4. Ilahad nang malinaw ang iyong mga ideya o kaisipan (present your
thoughts)

Mga Bahagi ng Liham

Sinasabi ng mga awtoridad na ang isang magandang liham ay


maaaring itulad sa isang magandang larawan nakakuwadro. Ang
magandang larawan ay ang liham, at ang kuwadro naman ay mga palugit
(margin) sa apat na gilid: sa itaas, sa ibaba, sa kaliwa at sa kanan.
May anim na bahagi ang liham na gaya ng:

1. PAMUHATAN (Heading) Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng


tanggapan, adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang
logo ng tanggapan (kung mayroon).

May dalawang uri ng pamuhatan:

a. Nilimbag na pamuhatan (Printed letterhead)

Ang nakalimbag na pamuhatan ay karaniwang nasa gitnang


itaas o sa kaliwang itaas ng papel. Ang logo o sagisag ng tanggapan o
kompanya ay karaniwang inilalagay sa itaas o sa kaliwa ng pamuhatan.
Halimbawa na ang logo ay nasa itaas ng pamuhatan.

Sa modelong ito ang logo ay nasa kaliwa ng pamuhatan.


Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
3rd Floor Watson Building, 1610 J.P. Laurel
Street, Malacañan Complex, San Miguel,
Manila
Tel. No.: 736-0315 . 736-2519 . 736-3831
Telefax: 736-2521 . 736-3834
Email:info@komil.gov.ph
Website.www.komil.gov.ph

b. Minakinilya (typeset) /Sulat-kamay na Pamuhatan

Ito ay sinisimulan mula sa isa’t kalahati (1 ½ ) hanggang


dalawang (2) pulgada o maaaring pitong (7) espasyo mula sa itaas ng
papel. Bawat linya nito ay nilalagyan ng isa lang espasyo. Simula ito sa
sentro pakanan, o kung maikli, isulong sa kanan na hindi lalampas sa
palugit sa kanan. Maaari ding ilagay iyon sa kalagitnaan ng papel.

2. PETSA (Date)

Ang Petsa ay bahagi ng pamuhatan. Maaari itong ilagay sa


kaliwang bahagi para sa anyong full-block at kanan o gitnang bahagi
para sa anyong semi-block.

Nilalagyan ng tatlong espasyo mula sa nilimbag na


pamuhatan gaya ng makikita sa sumusunod:
Full-block

Republika ng Pilipinas
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

2nd F. Watson Building, 1610 J.P. Laurel


Street,Malacañan Complex, 1005 San Miguel, Manila
P.O. Box 2287 Manila
Tel. No.: 736-0315 . 736-2519 . 736-3831
Telefax: 736-2521 . 736 . 3834
Email:info@komil.gov.ph
Website.www.komil.gov.ph
(1)
(2)
(3)
19 Abril 2013

(1)
(2)
(3)

Semiblock
Ang petsa ay binubuo ng buwan, araw, at taon kung kailan sinulat ang
liham. Karaniwan nang nauuna ang buwan, sumusunod ang araw at huli
ang taon. Sa ganitong anyo ay kailangang lagyan ng kuwit ang pagitan ng
araw at taon.

Kung nauuna ang araw, sumusunod ang buwan at taon, hindi na


kailangan ang kuwit.

Maaari ding isulat ang petsa nang ganito: Ika-19 ng Abril 2013.

Sa pagsulat ng petsa, iwasan ang pagdadaglat o pagsulat nang pinaikli.


3. PATUNGUHAN (Inside Address) Ito ay binubuo ng pangalan,
katungkulan at tanggapan ng taong padadalhan ng liham. Kung
kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan,
ang kaniyang katungkulan (kung mayroon), tanggapang
pinaglilingkuran at direksiyon. Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng
adres o direksiyon, hal. ave., st..

Kagalang-galang Virgilio S. Almario


Pambansang Alagad ng Sining
Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
Malacañan Complex, 1005 San Miguel, Maynila

Kung ang alam lamang ay ang katungkulan ng puno ng isang


tanggapan, ngunit hindi tiyak ang buong pangalan ng nasabing puno,
maaaring gamitin ang katungkulan bilang pamalit sa pangalan ng taong
sinusulatan.

Halimbawa:
Kagalang-galang na Alkalde
Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong
Lungsod Mandaluyong, Metro Manila

Kung may kaiklian ang liham, ang espasyo sa pagitan ng petsa at


patunguhan ay maaaring luwagan buhat sa apat (4) hanggang walong (8)
espasyo. Gawing isang pulgada at kalahati ang palugit sa kaliwa at sa
kanan. Mahaba o maikli man ang patunguhan, isang espasyo lamang ang
pagitan ng bawat linya.

Sa pagsulat ng patunguhan, lalo na kung ang sinusulatan ay dapat


bigyang-galang, itinatagubilin ang paggamit ng mga titulong may wastong
pagpipitagan tulad ng G., Gng., Bb., Dr., Prop. at iba pa sa unahan ng
pangalan ng taong sinusulatan.

Ang Bb. (Binibini) o Miss ay ginagamit sa isang babaeng walang


asawa. Ginagamit din ito sa isang babaeng maaaring may titulo ngunit hindi
alam ng sumusulat o kaya ay sa isang babaeng hindi tiyak ng nagpapadala
ng liham kung may-asawa o dalaga. May ilang ahensiya ang gumagamit ng
daglat na “Ms.” kapag alam nilang pinapaboran ng babae ang gayong titulo,
bagaman sa diplomatikong korespondensiya, ang “Ms.” ay hindi ginagamit.

Ang Gng. (Ginang) o Mrs. ay ginagamit sa isang babaeng may


asawa. Maaaring siya ay isa nang biyuda na gumagamit pa rin ng pangalan
ng asawa. Maaari din namang siya ay may titulo ngunit hindi alam ng
sumusulat.
Ang G. (Ginoo) o Mr. ay ginagamit sa mga lalaki at sa mga may
titulo ngunit hindi tiyak ng nagpapadala ng liham.

Gaya ng paggamit ng Bb., Miss o Ms. sa babaeng hindi alam ang


kalagayang sibil, ang paggamit naman ng G. sa lalaking hindi alam ang
ibang titulo, kung mayroon man, ay hindi ituturing na mali.

Mga Dapat Pang Tandaan:

• May mga pagkakataon na ang asawang babae ay


kailangang isama sa liham, ang titulo ng babae ay hindi na
ipinapakita o ipinakikilala. Sapat na ang G. at Gng., Dr. at Gng., o
Atty. at Gng.

• Mahalagang tandaan na kung ginamit na sa


unahan ngpangalan ang kaukulang titulong propesyonal
ay hindi na dapat ulitin pa ang karerang natapos.

Tama nang isulat ang:


Atty. Percida Rueda-Acosta
Dr. Francisco T. Duque III

Mali:
Atty. Percida Rueda-Acosta,
LL.B. Dr. Francisco T. Duque III, M.D.

• May mga awtoridad sa korespondensiya na


nagsasabing ipinahihintulot ang paggamit ng titulo ng
babae kahit na kasama ang pangalan ng lalaki na walang titulo liban
sa Ginoo. Inuuna ang pangalan ng babae kasama ang kaniyang
titulo.

Alkalde Madeleine Ong at G. Hector Ong


Pamahalaang Bayan ng Laoang
Hilagang Samar

Ang Kagalang-galang na Alkalde ng Laoang at Ginoong Ong


Pamahalaang Bayan ng Laoang
Hilagang Samar

• Kung may titulo naman ang lalaki, maaaring ganito


naman ang magiging patunguhan o direksiyon sa sobre:

Gob. Elenita de Jesus at Dr. Reynaldo de Jesus


Kapitolyong Panlalawigan
Lungsod Antipolo, Rizal
Ang Kagalang-galang na Punong Lalawigan ng Rizal at Dr. De Jesus
Kapitolyong Panlalawigan
Lungsod Antipolo, Rizal

• Kung maaaring gamitin ang G. at Gng. Sa iisang


pangalan, iyon ay tumpak sapagkat maaari naman
talagang magkaroon, halimbawa ng isang G. Jesus E. Ferrer at Gng.
Gloria P. Ferrer din, kaya wasto ang: G. at Gng. Jesus E. Ferrer

4. BATING PAMBUNGAD (Salutation) Ito ay pagbati sa sinusulatan.


May iba’t ibang anyo ito at ang karaniwang ginagamit ay ang mga
sumusunod:

Mahal na Ginoo: Mahal na Tagapangulong Licuanan:


Ginoo: Mahal na Punong Mahistrado Sereno:
Mahal na Ginang: Mahal na Kalihim Roxas:
Ginang Mahal na Binibini:
Binibini:

Ang Kagalang-galang/Kgg. ay natatanging pagbati sa mga


taong may matataas na katungkulan gaya ng Pangulo ng bansa, mga
Senador at Kinatawan, mga Gobernador, mga Kalihim ng Gabinete, Sugo
ng Pilipinas, mga Kalihim at Pangalawang Kalihim ng mga kagawaran, mga
hukom, komisyoner, mga alkalde. Ang karamihan sa matataas na
katungkulang binanggit ay ginagamitan ng Kagalang-galang/Kgg. sa
unahan ng tao o tungkulin.

Sa bating pambungad, ang bantas na marapat gamitin ay tutuldok o


colon ( : ).
Mahal na Kalihim Alcala:
Mahal na Heneral dela Paz:

Kung ang sinusulatan naman ay kapalagayang-loob o kaya ay


kaibigan maaaring ang pagbati ay sa unang pangalan at ang bantas na
gagamitin ay kuwit.

Mahal na Jejomar,
Mahal na Jom,

Gamitin lamang ang apelyido kalakip ang titulo ng sinusulatan.


Hindi dinadaglat ang titulo kapag apelyido ang kasunod maliban sa Dr., Mr.,
Mrs. na ang mga pinaikling anyo ay tinatanggap na sa internasyonal na
pakikipagtalastasan.

Mahal na Dr. Nicolas: Mahal na Komisyoner Flores:


Mahal na Direktor Añonuevo: Mahal na Propesor Miranda:
Ngunit kung hindi nakatitiyak sa kasarian ng inyong susulatan
gamitin nang buo ang pangalan o kaya ng Ginoo/G. kasunod ang buong
pangalan.

Mahal na Jesse dela Cruz: Mahal na G. Jovic Sta. Maria:


Mahal na Alex Santos: Mahal na Angeles Fiesta:

Dalawang espasyo ang pagitan ng bating pambungad ng huling


linya ng patunguhan o ang linya ng tawag-pansin (kung mayroon).

5. KATAWAN NG LIHAM (Body of the Letter) Ito ang tampok na bahagi


ng liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan.

Katangian ng maayos na mensahe

1. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat


lumikha ng anumang alinlangan sa pinapadalhan o babasa nito.

2. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita,


pangungusap, talata, at mga bahagi ng liham.

3. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga


salita, banghay, at bantas.

Bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham

4. Panimula – Naglalaman ito ng maikling pahayag sa layon o pakay ng


liham.

5. Katawan – Naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay


ng liham.

6. Huling talata – Nagsasaad ito kung ano ang inaasahang aksiyon sa


ipinadalang liham.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay malugod
na nag-aanyaya sa inyo na dumalo sa idaraos na
palatuntunan bilang paggunita sa pangunahing
makatang Pilipino na si Francisco “Balagtas” Baltazar sa
Abril 1, 2005, Biyernes, sa ganap na ika-9:00 n.u.–12:00
n.t. sa Awditoryum ng Pambansang Aklatan. Ang
okasyong ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 964 na
nagtatadhana ng taunang Pagdiriwang ng Araw ni
Balagtas tuwing 2 Abril.
Ang paksa ng pagdiriwang ay “Mga
Kaisipan ni Balagtas: Gabay sa Mabisang Ugnayan
ng Masa at Pamahalaan.” Tampok sa
nabanggit na palatuntunan ang pagbibigay ng Gawad
Pagkilala sa mga indibidwal at mga institusyong malaki
ang mga nagawa sa pagpapaunlad ng panitikang
Filipino. Magkakaloob din ng tropeo at gantimpalang
salapi sa mga magwawagi sa timpalak sa pagsulat ng
tula at tatanghaling “Makata ng Taon 2005” na
itinataguyod ng Gawad Surian sa Tula-Gantimpalang
Collantes 2005.

Kami ay lubusang umaasa sa inyong pagpapaunlak sa


paanyayang ito.

Kung ang liham naman ay may kahabaan na hindi sasapat sa isang


pahina, maaari itong dugtungan sa papel na malinis, walang ulong-sulat o
nilimbag na pamuhatan, ngunit sa gayon ding uri ng papel, gayon ding
sukat. Ilagay sa kaliwa ang pangalan ng sinusulatan, ang pahina sa gitna at
petsa naman sa kanan.

Iwasang magdagdag ng pahina kung ang bahagi ng liham na


isusulat ay kulang sa tatlo (3) o apat (4) na linya bago ang pamitagang
pangwakas.

May dalawang espasyo mula sa bating pambungad at sa


pagitan ng dalawang talata at isa sa bawat linya ng katawan ng liham.

Pamit6. PAMITAGANG PANGWAKAS (Complimentary). Nagsasaad ito


ng pamamaalam sa nilalaman.

Mga Dapat Tandaan sa Pamitagang Pangwakas

• Ang bating pambungad at ang pamitagang pangwakas ay


iniaangkop sa katungkulan o kalagayang panlipunan ng
taong sinusulatan.

• Kung ano ang antas ng pamimitagang ipinahihiwatig


sa bating pambungad ay siya ring isinasaad sa
pamitagang pangwakas.

Ginoo: Magalang na sumasainyo,


Kagalang-galang Lubos na gumagalang,
Mahal na Bb. Santos:
Mahal na Gng. Yap: Matapat na sumasainyo,
Mahal na G. Reyes:
Mahal na Ginoo:

Ang pamitagang pangwakas ay may dalawang espasyo mula sa


huling salita ng katawan ng liham. Isulat buhat sa kalagitnaan pakanan, na
ang dulo ay hindi lalampas sa palugit at lagyan ng kuwit at isulat sa
malaking titik ang unang letra ng salita.
7. LAGDA (Signature) Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng
lumiham. Ito ay nagpapakilala ng kapangyarihan at pananagutan sa
nilalaman ng liham. Ang mga babae, kung nais nila, ay maaaring
gumamit ng Bb., Gng. Ms. sa unahan ng kanilang pangalan. Hindi
gumagamit ng G. (Mr.) ang kalalakihan sa unahan ng kanilang
pangalan.

Maglaan ng apat na espasyo mula sa pamitagang pangwakas


hanggang sa pangalan na nakasulat sa malalaking titik (light o bold) at sa
ilalim nito ay ang katungkulan.

Ang unang titik ng pamitagang pangwakas at ang pangalan (o


titulo) ng lumiliham ay magkatapat. Ang unang titik o numero ng petsa ay
karaniwan ding katapat ng unang titik ng pamitagang pangwakas.

Matapat na sumasainyo,

Lgd.)

CARMELITA C. ABDURAHMAN
Komisyoner
Programa at Proyekto

Iba pang Bahagi ng Liham

Bukod sa mga bahaging binanggit, ang mga liham ay mayroon pang


ilang bahaging ginagamit, halimbawa: ang inisyal, paglalakip, tawag-pansin,
paksa, notasyon ng binigyang sipi.

1. INISYAL NG PAGKAKAKILANLAN (Identifying initials)

Sa mga liham pampamahalaan, naglalakip ng inisyal ng


pagkakakilanlan (identifying initials) ang gumawa ng liham.
Maglaan ng dalawang espasyo mula sa huling linya ng lagda, sa
gawing kaliwa ng papel, makikita ang magkasamang inisyal ng
taong nagpahanda at ang kawani o klerk na
naghanda/nagmakinilya ng liham. Karaniwang nasa malaking titik
ang inisyal ng sumulat ng liham at ang nagmakinilya ay nasa
maliit na titik.

May mga pagkakataon na dalawang mataas na pinuno


ang nagpapahanda ng isang liham. Kaya, lumilitaw sa inisyal na
tatlong tao ang naghanda nito.

JAR:eff JAR:eff/06082011 JLS:JAR/eff JLS/jar:eff

2. PAGLALAKIP (Enclosure)

Ang paglalakip ay matatagpuan sa ibaba ng kaliwang


bahagi ng liham. Talaan ito ng dokumento/mga dokumento na
binanggit sa liham. Nagpapaalala ito sa nagmakinilya na isama
ang bagay na ilalakip sa loob ng sobre, at para sa tatanggap ng
liham ay tinatawag naman ang kaniyang pansin na hanapin o
tingnan ang mga kalakip. Maaaring isulat nang buo ang salita
(Kalakip) at isulat ang bagay na inilalakip.

Maglaan ng dalawang espasyo pagkatapos ng inisyal ng


pagkakakilanlan.

• Kalakip: Mungkahing Memorandum

• Mga Kalakip:
Memorandum ng Kasunduan
Katitikan ng pulon
Kasunduan sa Pagbabayad

Kalakip: Gaya ng nasasad

3. TAWAG-PANSIN (Attention line)

Bahagi ng liham na panawag-pansin sa taong kailangan


na ang pagtukoy ay sa pamamagitan ng higit na nakatataas.

Maaari itong ilagay sa tapat ng bating pambungad o sa


dakong gitna na ang tipo ay ma aaring sa malalaking titik o ang
unang letra lamang.

• Kgg. JUAN DE LA CRUZ


Alkalde
City Hall
Maynila

Tawag-pansin: Gng. Maria Agriina dela


Cruz Records Oficer III

4. PAKSA (Subject)

Bagaman hindi sapilitan ang paglalagay ng paksa,


nakatutulong ito upang matukoy agad ang layon o nilalaman
ng liham laluna kung ito ay isang kahilingan.

PAKSA: Kahilingan sa Pagsasalin ng “Ten Principles of Bandung” sa Wikang Fil

Inilalagay ito dalawang espasyo pagkatapos ng bating


pambungad.

5. NOTASYON NG BINIGYANG SIPI (Copy Notation)

Kung magbibigay ng kopya ng liham para sa ibang tao,


ilagay ang binigyang sipi, cc

Ang Paghuhulog o Paggawa ng Duplikasyon

Ito ay ginagawa kapag ang liham ay ipinadala na hindi sa pamamagitan


ng koreo at may mga karagdagang kopya. Nararapat lamang itong banggitin
sa tulong ng inisyal na ini-enkowd sag awing kaliwa ng palugit na maya
dalawang espasyo pababa mula sa mga inisyal ng nag-enkowd at nagdikta.

Kung nagnanais ipatalastas ng lumiham na siya ay nagpadala ng


kopyang karbon sa isang tao, ang impormasyong ito ay inilalagay sa gawing
kaliwa sa huling linya pababa sa papel.

Maaaring sabihinng kopya kay “kk (karbong kopya) ay makinilyahin ng


pinadalhan. Kailangang banggitn din ang angkop na titulo.

Halimbawa:

Kopya kay: Dr. Lita E. Pia

Kk: Lita Pia, MD

d. Linya ng Tagapamagitan. Isinaalang-


alang ang “tagapagitan” o tsanel
bilang protocol o sunod-sunod
na daluyan ng komunikasyon

Halimbawa:
(a)

Dr. Sukarno D. Tanggol


Tsanselor
MSU-Iligan Institute of Technology
Lungsod Iligan, 9200
Sa pamamagitan ng Tsanel:
(Through Channel)

(b)
Dr. Sukano D. Tanggol
Tsanselor
MSU-Iligan Institute of Technology
Lungsod Iligan, 9200
Paraanin sa Kinauukulan:

(c )

Dr. Sukano D. Tanggol


Tsanselor
MSU-Iligan Institute of Technology
Lungsod Iligan, 9200
Sa pamamagitan ni: Dr. Marie Joy D. Banawa
Dekana
Kolehiyo ng mga Sining at Agham
Panlipunan

Ang Pormat ng Liham Pangangalakal


Kapag tinutukoy ang pormat, ang nais nating alamin ay kung ano
ang balangkas o estilo ng liham. Ngunit bago ito talakayin, kailangan
munang bigyan natin ng apnsin ang ilang mga pangangailangan na
nagsisilbing pundasyon upang maingat na mabuo ang balangkas/pormat ng
anumang liham, pantanggapan man o pangangalakal. Ito ay sapagkat, sa
isang liham, balangkas pa lamang ay mahihinuha mo na kung dapat pag-
ukulan ng seryosong atensyon ang nilalaman ng liham o hindi. Sabihin pa,
kailangang maging maingat ang susulat sa porma ng balangkas na kanyang
gagamitin. Mahina ang liham na hindki nagpapahalaga sa bagay na ito.
Kaugnay nito, mahalagang mabatid ng sumusulat kung paanong
nakatutulong ang istesyunari na may iba’t ibang kulay sa paglinang ng
impresyon sa babasa.

Ang Istesyuneri

Kung paanong ang isang tinderang matikas, malinis at magandang


magdala ng damit ay nakaaakit sa kanyang kostumer, gayundin ang liham
sa isinulat sa isang papel na may tamang kulay, ayos at porma sapagkat
hahahngaan ito ng babasa. Kadalasa’y nagpapatingkad ito ng magandang
impresyon. Ito rin ay magandang puhunan sa mga isasagawang
transaksyon sa hinaharap.
Nararapat na magtaglay ng mataas na kalidad o uri ang papel na
gagamitn sa liham pangangalakal. Isang busilak na puti, walang guhit at
may tamang kapal na papel ang angkop dito. Alalaumbaga, kailangang hindi
manipis ang papel upang maiwasan ang madaling pagkalukot. Mga papel
na may neutral na kulay, kayumanggi, abo, asul, luntian, at dilaw ay
naghahatid ng kasiya-siyang damdamin. Ang pangunahing layunin ng papel
na may kulay ay ang paghahatid nito ng tiyak na damdamin. Mapapansing
maging ang resulta ng pagkuha ng eksamen sa serbisyo sibil at iba pang
eksameng pampropesyunal ay ipinadadala sa may kulay na papel na
nakapasok sa sobreng may bintana.
Ang istesyuneri na may sukat na 8 x 11 dali o inches ay karaniwang
ginagamit sa maraming tanggapan. Ang hinating sukat na 8 x 5 ½ ay
angkop pangdokumento kaya mainam para sa pakikipag-ugnayang
pangtanggapan o pandepartamento sanhi ng kaiklian ng papel. Monark o
klab ang tawag sa isteyuneri na may sukat na 7 ¼ x 10 ½ dali o inches.
Baronial o o sukat kolonyal ang may 5 ½ x 8 ½ dali na kalimitang ginagamit
ng mga propesyunal tulad ng doctor, abogado, arkitekto at inhinyero. Ang
malaking sukat na papel 8 ½ x 13 dali ay standard na iestyunering legal at
para sa mga affidavit at testimonya sa korte.

Sobre

Ang sobre ay kailangang angkop din sa uri at kulay ng papel. Ang


pamantayan sa sukat komersiyal na sobre ay 6 ½ x 3 5/8 dali, samantalang
ang siukat opisyal naman ay 9 ½ x 4 1/8 dali. Ang bahaging dulong
kaliwang itaas ng sobre ay dapat magtaglay ng parihabang impormasyon
hinggil sa tirahan ng sumulat. Ngunti sa mga pinakamakabagong
tanggapan, ang pinakatakip ng sobre ang nilalagyan ng pamuhatan at
ginagawang sanggunian ng isang kliyente.
Sa isang banda, mayroong tintawag na sobreng may binatan (window
envelop). Karaniwang ginagamit ito ng mga ahensiyang pampamahalaan
tulad ng Pambansang Sentro ng Pagsusulit (National Testing Center) at ang
Komisyon ng Regulasyon sa Pilipinas (Philippine Regualtion Commission)
upang ipatalastas ang grading nakuha sa eksaminasyong pampropesyon
tulad ng inhinyerya, medisina, guro, nars, dentist at marami pang iba. Sa
pamamagitan ng sobreng may bintana napadadali ang pagpapadal ng mga
resulta sa pagsusulit ng kinauukulan. Sa ganitong sobre ay kailangang
mayroon pamantayan ang porma ng papel na ipapasok upang masentro
ang patunguhan ng liham sa bintana.

Ang wastong paglalagay ng Adres sa Sobreng Ihuhulog sa Koreyo


(Post Office)

Pamuhatan____________
_____________________
_____________________

Patunguhan_____________

Ang Ulong Pagkilala/ Letter Head


Ang pangunahing layunin ng ulong-pagkilala ay upang magpatalastas.
Nararapat ipakilala ng impormasyong ito ang tanggapan, intitusyon o
indibiduwal. Sabihin pa, nararapat ding ipabatid nito sa babasa ang tiyak na
tirahan at lokasyon ng tanggapan. Kung minsan, maging ang logo at
sambitlain (motto) ng kumpanyang ipinatalastas ay isinasama. Sa
kasalukuyan, hindi lamang bilang ng telepono ang makikita rito kundi pati na
ang bilang ng cellphone, e-mail ad, blg ng fax at iba pa.
Ang ikalawang layunin ng ulong- pagkilala ay bilang palamuti.
Samakatuwid, ay nararapat magdagdag sa pang-akit sa balangkas ng
liham. Sa ilang pagkakataon tumatayo itong anunsyo o adbertisment ng
mga produksyon at paglilingkod ng kumpanya.
Masakit sa mata ang masaklaw at masalimuo na ulong-pagkilala. Higit
na mainam, mangyari pa, ang payak at may himig katapatang parirala o
pangungusap.
Maaaring ang ilan o higit pang impormasyong binaggit sa ibaba ay
matatagpuan sa ulong-pagkilala.
1. Pangalan (indibiduwal), tanggapan, kumpanya
2. Tirahan o lokasyon (kabilang ditto ang numero ng kalsada, sona,
distrito, bayan at lalawigan, bansa.)
3. Adres
4. Zip Code
5. e-mail adres
6. Bilang ng cell phone (cell phone number)
7. Bilang ng fax
8. Bilang ng telepono
9. Sambitlain o motto/ islogan
10. Logo
11. Mga hanay ng produkto o mga larawan nito
12. Kalikasan ng establisyemento
13. Disenyo o tatak ng tangggapan

Ang lahat ng mga nabanggit na datos ay malinaw na nakaimprenta sa


pantay na porma na sumasakop lamang sa ikalimang bahagi ng papel.
Kung labis ditto ang sukat, magiging mabigat sa mata at masikip ang laman
ng kabuuan ng papel.
Ang ulong-pagkilala ay maaaring matagpuan sa:
a. Gitnang itaas ng papel
b. Kanang sulok sag awing itaas ng papel
c. Kaliwang sulok sag awing itaas ng papel
d. Gitnang ibaba ng papel
e. Kanang sulok sa ibaba ng papel
f. Kaliwang sulok sa ibaba ng papel
g. Kanang palugit
Nararapat na iatas sa isang mahusay na disayner/promoter/
tagapaglathala ang pagdidisenyo ng ulong-pagkilala upang mapag-isipang
mabuti o mapaganda nang puspusan ang angkop na estilo nito. Nagsisilbing
salamin sa panlasa at kalidad ng tanggapan o kumpanya ang pagsulat ng
ulong-pagkilala.

Halimbawa ng mga Ulong-Pagkilala

Ang Laman ng Liham


Ang kabuuang ayos ng liham sa isang pahinang papel ay lumilikha ng
paghanga tulad ng larawang nasa kuwadro. Ang aktuwal na laman ay
kumakatawan sa larawan samantalang ang apat na palugit ay tumutugon sa
kuwadro.

Ang Palugit
Kapag walang ulong-pagkilala sa istesyuneri, ang palugit sa itaas at
ibaba ay dapat magkatulad. Ngunit kung mayroon, ang palugit sa itaas sa
pagitan ng ulong-pagkilala at ng unang enkowd na aytem ay dapat maging
mas malapad kaysa sa palugit sa ibaba. Karaniwan nang 1 dali o inc. ang
sukat ng palugit sa ibaba. Samantala’y 1 ½ dali naman ang sukat ng
palugit sa gawing kaliwa ng liham at 1 dali naman sa kanan. Hindi dapat
bawasan sa 1 dali ang sukat ng palugit sa kanan at kaliwang bahagi. Kung
maikli ang liham, pinahihintulutan ng mas malapad sa nabanggit na
pamantayan ang gagawing palugit.
Ang sumusunod na panukatan ay itinatagubilin ng isang liham
pangangalakal:
Haba ng Liham Haba ng Espasyo sa pagitan ng
Linya petsa
at adres sa liham
Mas kakaunti sa 50 salita 40 10 espasyo
Mula 50 hanggang 100 40 8 espasyo
salita
Mula 100 hanggang 150 40 6 espasyo
salita
Mula 150 hanggang 250 40 4 espasyo
salita
Mula 250 hanggang 350 40 2 espasyo
salita

Ang isang liham na higit pa sa 300 salita ay dapat ienkowd sa


dalawang papel. Masyadong masikip sa isang papel ang higit sa 180 na
salita.

Ipinalalagay na ang linya ng petsa ay maaaring simulant pagkatapos


ng 3 o 4 na espasyo mula sa nakaimprentang ulong-pagkilala.

Nakamihasnan nang isang espasyo lamang ang pagitan sa mga linya


ng pangunusap sa katawan ng anumang liham. Kabilang na rito ang liham
pangangalakal. Samantala, dalawang esapsyo ang pagitan ng mga talata at
iba pang bahagi tulad sa pagitan ng mga talata at iba pang bahagi tulad sa
pagmakinilya ng pamuhatan at bating pangwakas.

Kung napakaikli ng liham, pinahihintulutang gawing dalawang espasyo


ang pag-eenkowd sa kabuuan ng liham maliban sa pamuhatan at
patunguhan na nananatiling isang espasyo lamang.
Ang Pormat sa mga Palugit at Pag-eespasyo sa Liham

Ulong Pagkilala___________
________________________
________________________

2-4 espasyo

Petsa___________________

2-8 espasyo

Patunguhan______________________
________________________________
________________________________
2 espasyo
Bating Panimula___________________
2 espasyo

Laman o Katawan liham__________________________________


____________________________________________________________
____________________________________________________________
________________________________
2 espasyo

_____________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________________________________

4 espasyo
Bating pangwakas______________

4 espasyo
Pangalan at Lagda______________
4 espasyo

PELQ: esl
CSL: 03
Ang Pinid at Malayang Bantas
Ang patunguhan, pamuhatan at lagda ay maaaring magtaglay ng pinid o
malayang bantas. Ang mga bantas na ito ay batay lamang sa kung
mayroong kuwit o tuldok sa dulo ng linya at hindi ang anomang bantas sa
loob ng linya. Kailangang mayroong kuwit sa pagitan ng mga ngalan ng
lunsod at bayan, baryo at lalawigan at sa pagitan ng mga bilang at ngalan
ng buwan at taon. Ngunit walang kuwit sa pagitan ng buwan at araw.
Kapag ang anyong pinid ang ginamit, mayroong tulodk sa dulo ng linya
ng patunguhan, petsa at pamuhatan. Samantala’y kuwit naman ang
ginagamit sa iba pang linya bago ito.
Mga Halimbawa:

Pinid na Bantas
Agosto 9, 2010

6 Aurellana Street
Bagong Ilog, Pasig
Metro Manila

Acebedo Optical
29 A. Paterno Street
Quiapo, Manila.
_________________:

_______________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____________________________________.

________________________________________________
_______________________________________________________.

Lubos na gumagalang,

(Lgd.)
MARCELO D. DIMAGIBA
Pangulong, IMN
Nanatili ang bantas na kuwit sa dulo ng huling talata at bating
pangwakas.
Kung Malaya naman, walang bantas sa dulo ng huling linya ng
patunguhan, pamuhatan at lagda. Dangan at nananatili ang kuwit sa
pagsulat ng petsa at adres at sa dulo ng linya ng bating pangwakas.

Halimbawa:
Agosto 9, 2010

6 Aurellana

Bagong Ilog, Pasig


Metro Manila

Acebedo Optical
29 A. Paterno Street
Quiapo, Manila.
_________________:

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________

Lubos na gumagalang,
(Lgd.)
MARCELO D. DIMAGIBA
Pangulong, IMN
Sanggunian:

Sandoval, Mary Ann S. et,al. 2018. Inobasyon sa wikang Filipino.


Mutya Publishing House, Inc. Malabon City, Philippines

Dela cruz, Mar Anthony S. at Evasco, Eugene Y. 2016. Pagsulat sa


Filipino sa Piling Larangan:Akademik Modyul. Diwa Learning Systems
Inc, Makati City, Philippines
Website:

docplayer.net/24192539-Patnubay-sa-korespondensiya-opisyal-ikaapat-
na edisyon.html para sa karagdagang babasahin

I. Ang sumusunod na pahayag sa ibaba ay mga impormasyong


nakapaloob sa isang liham. Sadyang pinaghalo-halo ang ilang
PAGLALAPAT mga bahagi rito. Tukuyin kung ano-ano ang mga ito at buuin muli
ang isang wastong liham. Iangkop din kung anong estilo ang
(Application) iyong gagamitin. Gawing batayan ang rubric na nasa ibaba.

1. Ika- 20 ng Hulyo 2010


2. Lubos na gumagalang,
3. MSU-Iligan Institute of Technology
College of Arts and Social Sciences
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
4. MARY ANN S. SANDOVAL, Ph.D.
5. Tserman
6. Mahal na Dr. Salazar
7. Dr. Rodulfo S. Salazar
Superbisor
Southeast II District
Tubod, Iligan City
8. Malugod po naming kayong inaanyayahan na dumalo sa paglulunsad
ng mga teksbuk-workbuk sa Filipino sa darating na Agosto 7, 2010.
Gaganapin poi to sa Bulwagang Filipino, CASS, MSU-IIT sa ika-8:00
ng umaga. Ang paglulunsad pong ito ay kaugnay ng selebrasyon ng
Buwan ng Wika.
May maiiksing lektyur pong ibibigay tungkol sa nilalaman ng mga
ilulunsad na libro ang mga pangunahing awtor.
Ang mga dadalo po ay pagkakalooban ng katibayan ng
pakikilahok at may kasamang libreng meryenda. Libre din po ang
rehistrasyon. Inaasahan po naming ang inyong pagdalo sa nabanggit
na araw ng paglulunsad.
9. Kalakip:
Listahan ng mga libro
Programa sa paglulunsad
Papel ng pagtugon

RUBRIC SA PAGSULAT NG LIHAM


mula sa www.coursehero.com/file/RUBRICS

Organisasyon Naihanay nang lohikal Hindi gaanong Hindi naihanay nang


ang nilalaman ng liham naihahanay nang lohikal ang nilalaman ng
at efektiv na naihatid lohikal ang nilalaman ng liham efektiv na naihatid
ang mensahe nito liham efektiv na naihatid ang mensahe nito
ang mensahe nito

Gramar Wasto at angkop ang May iilang hindi Wasto Hindi Wasto at hindi
mga salitang ginamit. at hindi angkop na mga angkop ang mga
salitang ginamit. salitang ginamit.
Kumbersasyonal o
natural ang Kulang sa pagiging Hindi Kumbersasyonal o
pagkakapahayag. kumbersasyonal o hindi natural ang
kulang ang pagiging pagkakapahayag.
Nagamit nang wasto natural ang
ang mga bantas at pagkakapahayag. Hindi nagamit nang
malaking titik. wasto ang mga bantas
Hindi gaanong nagamit at malaking titik
nang wasto ang mga
bantas at malaking titik.

Organisasyon Naihanay nang lohikal Hindi gaanong Hindi naihanay nang


ang nilalaman ng liham naihahanay nang lohikal ang nilalaman ng
at efektiv na naihatid lohikal ang nilalaman ng liham efektiv na naihatid
ang mensahe nito liham efektiv na naihatid ang mensahe nito
ang mensahe nito

Gramar Wasto at angkop ang May iilang hindi Wasto Hindi Wasto at hindi
mga salitang ginamit. at hindi angkop na mga angkop ang mga
salitang ginamit. salitang ginamit.
Kumbersasyonal o
natural ang Kulang sa pagiging Hindi Kumbersasyonal o
pagkakapahayag. kumbersasyonal o hindi natural ang
kulang ang pagiging pagkakapahayag.
Nagamit nang wasto natural ang
ang mga bantas at pagkakapahayag. Hindi nagamit nang
malaking titik. wasto ang mga bantas
Hindi gaanong nagamit at malaking titik
nang wasto ang mga
bantas at malaking titik.
Magkakaroon ng pagsusulit na ibibigay sa huling araw ng linggo ng pagtatapos ng
modyul I na ito (iskedyul ng inyong klase). Saklaw nito ang mga paksang tinalakay
PAGTATAYA sa Modyul I. Bubuoin ng 25-30 na puntos ang pagsusulit. Gagawin ito sa
(Evaluation) pamamagitan ng Moodle (VLE).

You might also like