You are on page 1of 13

A.

Basahing Mabuti ang mga tanong na sumusunod at sagutin ayon sa


hinihingi:

1. Sagutin ng tama o mali ang sumusunod. Kung mali, mangyaring iwasto


ito.

A. Nagagawa ang kautusang Tagapagpaganap ng kahit na sinong


administrador ng tanggapan.

Mali, dahil ito ay magagawa lamang o nagmula ito sa Presidente ng bansa


o Prime mInister ng bansa o sa sinumang naghahawak ng pinakamataas na
tungkulin sa pamahalaang Pambansa o kaya mula sa sinumang kanyang
pinahintulutang mag isyu ng ganitong uri ng kautusan.

B. Maaring makapaglabas ng isang memorandum ang isang klerk para sa


kanya puno.

Mali, dahil kailangan papirmahin sa mga nasasakupan o sinumang


nakaukol.

C.Ang endorsement o paglilipat ay ginagawa ng isang taong (karaniwang may


katungkulan) tumatanggap ng isang liham na wala sa kanya ang karapatang
sumagot, kundi nasa ibang tanggapan.

Tama

D.Ang maikling liham-panloob o islip ay dinadala na lamang ng isang


mensahero o kauri nito sa kinauukulang kawani o mga kawari para sa
kanilang kabatiran.

Tama

E.Ang mga memorandum pantanggapan, memorandum sirkular, at


memorandum pangkagawaran ay may magkakaibang tungkulin o
kapangyarihan kaya hindi maaring mapagpapalit-palit ng gamit.

Mali, dahil ang memorandum pantanggapan ay inihahanda lamang ukol


sa iba o hingil pang bilang ng mga tao. Ang memorandum sirkular naman ay
inihahanda lang kung mayroong kinakailangan ipatupad na Gawain at
nahihingil ito sa mga gawaing pangkalahatan ng kagawaran para sa
nasasakupan nitong puno ng tanggapan at mga kawani. At ang memorandum
pangkagawaran naman ay inihahanda lamang ng tanggapan ng kalihim ng
kagawaran o ng katulad na opisina para sa nasasakupan nitong mga puno.
2. Bakit naiiba sa katangian ang mga korespondensiyang panloob-
tanggapan kaysa sa iba pang uri ng liham pantanggapan? Ipaliwanag
nang malinaw pagkakaiba sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
halimbawa.

Ang Korespondensiyang panloob-tanggapan at liham pantanggapan,


gaya ng nasa una, ay tumutukoy sa liham na ginagamit sa mga tanggapan
privado at tanggapang pampamahalaan.

B. Gawaing pananaliksik

1. Saliksiki’t tipunin ang sumusunod at iulat ang mga nilalaman nito


kaugnay ng wikang Pambansa.

A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 na nilagdaan ni Educ.


Sek.
Walang nakalap na impormasyon.

B. Memorandum Pangkagawaran Blg. 255, s 1996 na nilagdaan ni Kal.


Ricardo T. Gloria
C. Atas ng Pangulo ng Pilipinas. Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997

Signed on July 15, 1997

MALACAÑANG
MANILA

ATAS NG PANGULO NG PILIPINAS

PROKLAMASYON BLG. 1041

NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31


BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

SAPAGKAT, ang pagpapahalaga sa isang katutubong wikang pambansa ay


pinatunayan ng pagkakaroon ng kaukulang probisyon sa Saligang Batas ng 1898,
1935, 1973, at 1987;

SAPAGKAT, ang isang katutubong wikang panlahat ay mahalagang kasangkapan


sa komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa;

SAPAGKAT, ang katutubong wikang nagsisilbing batayan ng nililinang,


pinauunlad at pinagyayaman pang wikang pambansang Filipino ayon sa
itinatakda ng Saligang Batas ng 1987, ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa
Himagsikan ng 1896 tungo sa pagkakamit ng Kasarinlan na ang Ika-100 Taon ay
kasalukuyang ipinagdiriwang at ginugunita ng sambayanang Pilipino;

SAPAGKAT, ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang itinuturing na Ama
ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong Agosto 19, 1878;

DAHIL DITO, AKO, si FIDEL V. RAMOS, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa


ng kapangyarihang kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag ng taunang
pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, sa
pangunguna ng mga pinuno at kawani sa sektor ng pamahalaan, mga pinuno at
guro sa sektor ng edukasyon, mga kinatawan ng pakikipagugnayang pang-madla,
mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang organisasyong pangwika, pang-
edukasyon, pangkultura at sibiko, at mga organisasyong di-pampamahalaan.

BILANG KATUNAYAN, lumagda ako rito at ipinakintal ang tatak ng Republika ng


Pilipinas.

GINAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika 15 ng Hulyo, sa taon ng Ating


Panginoon, Labinsiyam na Raan at Siyamnapu’t Pito.

(Sgd.) FIDEL V. RAMOS

Akda ng Pangulo:
(Sgd.) RUBEN D. TORRES
Kalihim Tagapagpaganap

Source: CDAsia

SAPAGKAT, ang isang katutubong wikang panlahat ay mahalagang kasangkapan


sa komunikasyon, unawaan, kaisahan at kaunlaran ng bansa;

SAPAGKAT, ang katutubong wikang nagsisilbing batayan ng nililinang,


pinauunlad at pinagyayaman pang wikang pambansang Filipino ayon sa
itinatakda ng Saligang Batas ng 1987, ay gumanap ng mahalagang tungkulin sa
Himagsikan ng 1896 tungo sa pagkakamit ng Kasarinlan na ang Ika-100 Taon ay
kasalukuyang ipinagdiriwang at ginugunita ng sambayanang Pilipino;

SAPAGKAT, ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon, ang itinuturing na Ama
ng Wikang Pambansa, ay isinilang noong Agosto 19, 1878;

DAHIL DITO, AKO, si FIDEL V. RAMOS, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa bisa


ng kapangyarihang kaloob sa akin ng batas, ay nagpapahayag ng taunang
pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, sa
pangunguna ng mga pinuno at kawani sa sektor ng pamahalaan, mga pinuno at
guro sa sektor ng edukasyon, mga kinatawan ng pakikipagugnayang pang-madla,
mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang organisasyong pangwika, pang-
edukasyon, pangkultura at sibiko, at mga organisasyong di-pampamahalaan.

BILANG KATUNAYAN, lumagda ako rito at ipinakintal ang tatak ng Republika ng


Pilipinas.

GINAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika 15 ng Hulyo, sa taon ng Ating


Panginoon, Labinsiyam na Raan at Siyamnapu’t Pito.

(Sgd.) FIDEL V. RAMOS

Akda ng Pangulo:
(Sgd.) RUBEN D. TORRES
Kalihim Tagapagpaganap

Source: CDAsia

D. Memorandum Pangkagawaran Blg. 286, s. 1998 na nilagdaan ni Kal.


Andrew Gonzalez, FSC.
Walang nakalap na impormasyon

E. Memorandum Pangkagawaran Blg. 274, s 1999 na nilagdaan ni Kal.


Andrew Gonzales, FSC.
Walang nakalap na impormasyon
C. Humiran ng isang katitikan/minutes ng isang idinaos na pagpupulong
ng isang samahan/klub sa paaralan, ng isang samahan sa barangay, ng
isang kooperativa, ng isang pulong ng konseho ng barangay, o ng
anumang samahan o korporasyon sa inyong pook.

1.Suriin ang pagkakasulat ng katitikang hiniram at iayos nang naaayon sa


forma ng isang nasa istandard na forma ng katitikan, gaya ng isinasaad sa Cf,
ante, pp. 106ss.

Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Northern Samar
Don Juan F. Avalon National High School
Bayan ng San Roque

Katitikan ng Pagpupulong
KATITIKAN NG PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG YES-O
NOONG IKA-17, NG HULYO TAONG 2017, GANAP NA IKA-11:25 NG
UMAGA SA DON JUAN F. AVALON NATIONAL HIGH SCHOOL, SAN ROQUE
Mga Dumalo:
ENRIQUE SARMIENTO III – LIDER NG PULONG
AMIA CLARISSE NOHAY – TAGA-TALA
JEAN MARIE PAEL – MGA PINUNO
JANSSEN DELA TORRE – MGA PINUNO
BHONG CARLO SARINA – MGA PINUNO
REBECCA AIRA BALITON – MGA PINUNO
PRINCES K-C BABILONIA – MGA PINUNO

DALOY NG USAPAN:
PANIMULA
1.) Panalangin

2.) Pagpapatibay Sa Nakaraang Katitikan

3.) Presentasyon Ng Mga Suliranin


4.) Pagtanggap Ng Mga Suhestyon Sa Solusyon

5.) Botohan

6.) Pagpaplano Ng Pagsasagawa Ng Mga Solusyon

7.) Pagtatapos

PANIMULA
Sinimulan ang pulong sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na
pinamunuan ni Bb. Amia Clarisse Nohay.
Bb. ACN– Bago natin simulan ang pagpupulong ay inaanyayahan muna ang lahat na
tumayo at damhin ang presensya ng panginoon para sa ating pambungad na panalangin.
Png. ESS(III)- Inaanyayahang tumayo si Bb. Nohay upang bigkasin ang nakaraang
katitikan.
Bb. ACN- Noong Biyernes, ika-14 ng Hunyo taong 2017, ay napagusapan natin ang
mga pangunahing suliranin na kinaharap ng ating paaralan. Ang maling paraan ng
segregasyon ng basura at patuloy na pagkakalat ng mga estudyante sa paaralan. Ang
mga ito ay matagal nang problema ng paaralan na sa kabila ng mga paalala ay patuloy
pa rin itong isinasagawa ng mga magaaral lalo’t dahil na rin sa kawalan nila ng
disiplina. Ang hindi maayos na segregasyon ay matagal nang problema ng ating
paaralan. Ang pagkalutas nito ay magdudulot talaga ng malaking tulong, hindi lamang
sa paaralan kundi para sa komunidad. Ang pagkakalat sa paligid ng paaralan ay patuloy
paring lumalaganap gayon na rin ang pagkakalat ng ilang estudyante sa kabila ng mga
paalala. Ngunit ang pagkalutas nito ay lubhang makakapagpabawas sa mga trabahong
paglilinis na aktibidad sa paaralan.
Png. ESS(III)- Ngayong nailatag na ang mga suliraning nilalayon nating lutasin, maaari
nang magbigay ng suhestyon na solusyon para sa mga suliranin.
Ms. JDT- Sa segregasyon, maaaring magkaroon ng Material Recovery Facility. Dito
mas madaling maiipatupad ang segregasyon kung mgakakaroon ng malinaw at matibay
na dibisyon and MRF ang paaralan. Mas maganda ito at mas malilinawan ang mga
estudyante kung saan dapat nila ilagay ang mga iba’t ibang klase ng mga basura, tulad
na lamang ng basurahang may malinaw na simbolo ng inilalagay dito.
Png. ESS(III)- Maraming salamat sayong suhestyon Janssen. Mayroon pa bang ibang
suhestyon?
Ms. PKB- Mas magiging epektibo ito kung lalagyang ng karampatang multa. Ito ay
makakapagpigil sa mga nagkakalat. Ito ay magdadala ng napakahalagang sandali upang
pag-isipan kung katumbas nga ba talaga ng simpleng paglalakad papunta sa basurahan
o pagtapon ng basura sa tamang lalagyan ang pagmumulta na maaari na rin sanang
gamiting pamasahe.
Ms. RAB- Makaka-enganyo sa mga estudyante kung maiisip nila na may agad-agarang
insentibo sa kanila ng hindi pagkakalat, lalo na’t kasabay ito ng suhestyon ni K-C. Hindi
lamang sila mapapaisip dahil sa posibilidad ng kawalan kundi pati narin sa posibilidad
ng may makukuha.
Png. ESS(III)- Maraming salamat sa inyong mga suhestyon. Kung wala nang idaragdag
na suhestyon, ay maaari na nating simulan ang botohan para palawigin ang
segregasyon.Ang botohan ay nagging patas kaya lahat ng suhestyon ay ipapatupad.
Png. ESS(III)- Ngayon naman ay tatalakayin ang mga hakbang na gagawin upng
maisagawa ang mga plano na ito. Maari kayong magbahagi muli ng mga ideya.
Ms.JMP– Maaing paglaanan ng parte ng pondo ang pagpapa-semento ng mga dibisyon
para sa segregasyon-pagkatapos ng pakikipagkasundo sa mga lider ng komunidad
upang maisama an gating paaralan sa kalinisan ng basura. Maari na din agad itong
masimulan kapag naauprbahan upang mapakinabangan pa sa mga taong pampaaralang
ito.
Mr.BCS- Saa multa at insentibo, ang mga magoobserba sa pagsunod sa patakarang ito
ay maaring manggaling sa iba pang miyembro. Mabibigyan sila ng mga gawain ng
maglista ng mga nagkakalat, hindi nagsesegregate, at mga sumusunod sa patakaran.
Ms.RAB– Ang mga nailistang sumusunod sa patakaran ay magkakaroon ng
pagkakatataon na manalo ng pagkain sa canteen o di kaya ay gamit sa silid aralan.
Ms.PKB- Maari pagmulan ng pondo dito ang mga makokolektang multa.
Png.ESS(III)– May magbabahagi pa ba? Mga saloobin? Opinyon? Tanong? Kung wala
na ay salamat sa inyong lahat sa paglalaan sa inyong oras at pagdalo sa pagpupulong
na ito. Bilang pagbubuuod, maari bang magbahagi ang ating taga talang si Bb. Nohay?
Ms.ACN-Pagbubuod, sa pagpupulong na ito ay nilatag ang mga suliranin kailangan
bigyan ng atensyon-mga suliranin. Napagkasunduang isagawa ang MRF, pagmumuta,
pagbibigay ng insentibo, at naihanda na ang mga plano sa pagsasagawa.
Png.ESS(III)– Salamat Bb. Nohay. Muli salamat sa koopersayon ninyo at ikinagagalak
ko sabihin nagging matagumpay ang pagpupulong na ito. Bago tayo maghiwahiwawlay
ay inaanyayahan ko kayo yumuko at tayo ay manalangin sa pangunguna ni Bb. Dela
Torre.
Ms.JDT- Tayo ay yumuko at damhin ang presensya ng Panginoon.
Itindig ang kapulungan sa ganap na 11:32 ng umaga.
2.Pumili ng isang mosyong pinagtibay at igawa ng isang resolusyon gaya ng
ayos ng nasa Cf ante, p.110-111ss.

SAMAHAN NG ORGANISASYON (YES-O)


Don juan f. Avalon national high school
San Roque, Northern Samar

Resolusyon BLG 17 – 17
IPINAPANUKALA NI PRINCESS K.C BABILONIA NA MAS MAGIGING
EPEKTIBO ITO KUNG LALAGYANG NG KARAMPATANG MULTA. ITO AY
MAKAKAPAGPIGIL SA MGA NAGKAKALAT. ITO AY MAGDADALA NG
NAPAKAHALAGANG SANDALI UPANG PAG-ISIPAN KUNG KATUMBAS
NGA BA TALAGA NG SIMPLENG PAGLALAKAD PAPUNTA SA BASURAHAN
O PAGTAPON NG BASURA SA TAMANG LALAGYAN ANG PAGMUMULTA
NA MAAARI NA RIN SANANG GAMITING PAMASAHE.
SAPAGKAT Makaka-enganyo sa mga estudyante kung maiisip nila na may agad-
agarang insentibo sa kanila ng hindi pagkakalat, lalo na’t kasabay ito ng suhestyon ni
K-C. Hindi lamang sila mapapaisip dahil sa posibilidad ng kawalan kundi pati narin sa
posibilidad ng may makukuha.
SAPAGKAT ito’y makakatulog upang mapaayos at malinis ang kapaligiran. At maging
isa itong babala para sa mga estuyante sa paaralan ito.
SAPAGKAT ito’y ipanapatupad hindi lamang sa loob ng paaralan pati narin sa
barangay at iba pang nayon ng ating bansa.
DAHIL DITO’Y IPINAPASYA GAYA NG GINAGAWANG PAGPAPASYA NGAYON, nang buong
pagkakaisa ng mga bahagi ng organisasyon na ito. Ang suliranin na ito ay kailangan bigyan ng
atensyon at agarang aksyon para masolusyonan ang nasabing suliranin. Ang nakasunduan
pagsasagawa ng MRF, pagmumulta, pagbibigay ng insento at insentibo at naihanda na ang
mga plano sa pagsasagawa

ISINAGAWA’T AT NILAGDAAN ngayon ika-22 araw ng Hulyo, 2017 sa Don Juan F.


Avalon National High School Barangay San Roque.
Pinatutunayan:
ENRIQUE SARMIENTO III
Puno ng Organisasyon (YES-O)
Pinagtitibay:
Mrs. RINA DELA CRUZ
Punong Guro
PAGSASANAY 6

Group 3

KORESPONDENSIYA SA PAGSASANAY

SA BAWAT ARALIN

KURSO: BS BIOLOGY 2

SEKSYON: B

IPINASA NINA:

LAUZON, REVEGEN

JARITO, MYRA

MANGADA, SHARMAINE

MARIGA, NOROLINE

NAZA, NERIZZA

PANGALAN NG GURO:

SHARON ALIPOSA
GURO SA FILIPINO

First Semester 2019-2020

You might also like