You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY - PASIG CAMPUS

ANDRES BONIFACIO HIGH SCHOOL


Pag-Asa Street Barangay Caniogan City of Pasig
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

DYNAMIC LEARNING PLAN

ASIGNATURA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG


PILIPINO
PAKSA KONSEPTONG PANGWIKA : WIKANG OPISYAL
SANGGUNIAN Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Dr. Maria Agnes Q.
Furung
LINGGUHAN ARAW Lunes/Miyerkules

LAYUNIN A. Nagagamit ang mga karanasan sa lipunang kinagagalawan sa pag-unawa ng


mga konseptong pangwika ;
B. Nasusuri ang pagkabuo ng wikang opisyal;
C. Napahahalagahan ang wikang Opisyal bilang mahalagang instrumento ng
pakikipag-komunikasyon.
NILALAMAN
WIKANG OPISYAL

Wikang Opisyal- Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa


kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig.

Wikang Pambansa (Filipino) – bilang wikang opisyal ay unang itinadhana sa bisa ng


batas Komonwelt Blg. 570, s.1940 na nagtakda ng paggamit nito sa mga opisina ng
pamahalaan simula hulyo 4, 1946.

Katuusang Tagapagpaganap Blg. 96 ( Oktubre 24, 1967)- na nag-aantas ng pagsasa


Pilipino ng mga pangalan ng mga edipisyo, gusali, opisina ng mga gobyerno.

Memorandum Sirkular ( MS) Blg. 172 (Marso 27, 1968) -na nagaantas ng mahigit na
pagsunod sa kautusang tagapagpaganap blg. 96 at sa paggamit ng Pilipino sa mga
opisyal na ulong-sulat (Letterhead) at panunumpa sa katungkulan sa lahat ng opisina
ng Gobyerno.

MS Blg.199 (Agosto 5, 1968)- na nag-aantas ng pagdalo ng mga empleyedo ng


pamahalaan sa mga seminar sa Pilipino at iba pang aktibiti ng Surian ng Wikang
Pambansa (SWP).
MS Blg. 72 (Agosto 6, 1969)- na nag-aantas sa mga kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Pilipino at iba pang
aktibiti ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP).

MS Blg. 384 (Agosto 17, 1970)- na nag-aantas sa mga opisina ng gobyerno ng


pagtatalaga ng tauhang mangasiwa sa mga korespondensya opisyal sa Pilipino at
lalong nabigyang-diin ang mga kautusang ito dahil sa pagpapatibay ng konstitusyon
nang 1973 na nagtatadhana.

Pangulong Corazon C. Aquino – naglagda ng kautusang tagapagpaganap blg. 335


ARELLANO UNIVERSITY - PASIG CAMPUS
ANDRES BONIFACIO HIGH SCHOOL
Pag-Asa Street Barangay Caniogan City of Pasig
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Agosto 25, 1988 na nag-aantas sa mga


kagawaran/kawanihan/tanggapan/ahensya/instrumentality ng pamahalaan na
magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Pilipino sa
Opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya.

Konstitusyon 1987 – na naglalahad na ukol sa mga layunin ng komunikasyon at


pagtuturo ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles (Artikulo xv, Seksyon 7).

Ang Kautusan ay iniatas sa lahat ng pinuno at kawani ng pamahalaan sa buong bansa,


nasyonal at lokal, iniatas sa kanila ang mga tiyak na tagubilin:

1. Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa mga opisyal


na transakyon, komunikasyon at korespondensiya sa kani-kanilang opisina-
nasyonal at lokal;
2. Magtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangngailangan sa bawat
tanggapan , upang mangasiwa sa mga komunikasyon at korespondensya na
nasusulat sa Filipino.
3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng opisina, gusali, edipisyong publiko at
mga karatula ng mga opisina at ng mga dibisyon nito o instrumentality kung
nanaisin, ilagay sa maliit na letra ang tekstong Ingles.
4. Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng Pinuno at tauhan ng
pamahalaan at;
5. Gawing bahagi ng programa ng mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad
pantauhan ng bawat opisina ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa opisyal
na mga komunikasyon at korespondensya.

Sapagkat ang KWF ang inatasan sa puspusan at mabisang pagpapatupad ng


mga layunin ng kautusan , naghanda at nagbalangkas ito ng mga programa at
proyekto na sumasaklaw sa:

1. Kampanyang pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan at kabuluhan ng


Filipino bilang mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa at
pagpapaunlad;
2. Pagsasa Pilipino ng kautusang Tagapagpanap Blg. 335, gayundin ng mga
katawagang pampamahalaan upang maging sangguniang babasahin ng
lahat ng tanggapan ;
3. Pagsasanay ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan sa paggamit ng
Filipino;
4. Pagmomonitor ng implementasyon ng kautusan at pagsasabmit nang
tuwiran sa tanggapan ng pangulo ng Pilipinas o sa pamamagitan ng
kagawaran ng Edukasyon, kultura at Isports ng panahunang ulat tungkol sa
sa proseso ng implementasyon; at
5. Pagsasagawa ng ibang pang istratehiya para sa lubusang pagpatupad ng
mga layuning ng kautusan.
ARELLANO UNIVERSITY - PASIG CAMPUS
ANDRES BONIFACIO HIGH SCHOOL
Pag-Asa Street Barangay Caniogan City of Pasig
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

MGA 1. Ano-ano ang mga kautusan na iniatas sa mga kawani at Pinuno ng Pamahalaan
TANONG/MGA sa buong bansa , nasyonal o lokal man ?
GAWAIN 2. Bakit nga ba mahalagang gamitin sa loob ng opisina ng pamahalaan at sa
panunumpa sa gobyerno ang isang Wikang opisyal na Filipino?
Paglalapat Panuto : Sumulat ng Sanaysay tungkol sa Wikang Filipino, Bilang Wikang Opisyal.

Panimula :

Gitna:

Wakas:

Pamantayan :

Nilalaman 30%
Kaugnayan 20%
Kaisahan o kalinisan 10%
Kabuuan 100%

Inihanda ni: Binigyang pansin ni: Iwinasto ni:

Bernadette Pearl B. Victoria Marah Jane B. Reyes, Lpt Harlene Vicente


Filipino Subject Teacher Subject Coordinator Principal, High School
Department

You might also like