You are on page 1of 2

Pinag-aralan ang mga panuntunan sa unang lingo ng modyul gaya ng oryentasyon ng kurso bisyon,

misyon, pilosopiya, values ng kolehiya; Himno ng PCCR, mga polisiya, panuntunan, mga patakaran;
pagtalakay ng silabus ng kursong online, patakarang pang-akademiko, pamamaraan ng pagmamarka, at
mga panghuling pangangailangan ng kurso. Pinag-aralan din natin ang “Filipino, ang pambansang wikang
dapat pang ipaglaban”, nalaman natin dito na patuloy na paglaban hanggang sa ngayon ang mga
nagtuturo ng at nagmamahal sa wikang Filipino upang magkaroon man lang ng 3 units ito sa bagong GE
na maisasakatuparan sa 2016. Bilang karagdagang impormasyon nalaman natin na may tatlong bahagi
ang pambansang patakaran hinggil sa wikang pambansa sa konstitusyong 1987. Una, kinikilala
konstitusyon na Filipino ang wikang pambansa ng Filipinas ayon sa Artikulo 14 seksiyon 6 - ang
pambansang wika ng Filipinas ay Filipino. Ikalawa, itinatadhana nito ang wikang Filipino bilang opisyal na
wika sa komunikasyon at pagtuturo ayon artikulo 14 seksiyon 7 para sa komunikasyon at pagtuturo, ang
mga opisyal na wika sa Filipinas ay Filipino, hangga’t walang itinatadhanaang batas, ingles.Ikatlo,
inaatasan nito ang gobyerno na gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad nito habang ito’y
nabubuo, patuloy itong pauunlarin at payayamanin batay sa mga umiiral na wika sa Filipinas at iba pang
wika; alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng kongreso, ng hakbang ang gobyerno
upang simulant at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.

Ang mga alituntunin, kabilang ang direksyon ng bisyon ng kurso, misyon, pilosopiya, mga
pagpapahalaga, at mga pangunahing pangangailangan, ay sinuri sa unang linggo ng modyul.
Una, ang bagong GE na ipapatupad sa 2016 ay magsasama ng hindi bababa sa tatlong yunit sa
Filipino dahil kinikilala ito ng konstitusyon bilang pambansang wika ng Pilipinas. Ayon sa artikulo
14 seksyon 7 para sa pagtutulungan, tinukoy nito ang wikang Filipino bilang opisyal na wika ng
komunikasyon at pagtuturo. Pangatlo, kinakailangan na kumilos ang gobyerno para isulong ang
kaunlaran.

Tinalakay sa ating ikalawang lingo ng modyul ang pagtingin ng mga nasa kapangyarihan ay nasa labas ng
bansa, mas binibigyang-diin ang pagpapaunlad ng wikang makakayang makipag-ugnayansa mga
dayuhan. Paanona nag wikang Filipino? Puwede itong kalimutan, maliban na lang kung buwan ng
Agosto! Hindi biro ang sitwasyong ang wikang Filipino ay tila pang-kubeta na lang sa maraming paaralan,
o kahit ilang opisinang pribado’t pampubliko. Huwag na nating hintayin pang pati sa kubeta’y kailangan
nang mag-Ingles ang mga tao, lalo na ang ating kabataan. Walang lugar ang tinaguriang “English-
speaking zones” sa isang bansang may sarili namang wika’t nagnanais ng mahigpit na pagkakaisa. Ang
paghuhubog ng kaisipan ay epektibong maisasagawa sa pagtataguyod ng Filipino, ang wikang nagmula
sa sariling kultura’t malinaw na nagbubuklod sa lahat ng Pilipino.

Ang pananaw ng mga nasa kapangyarihan ay tinalakay sa ikalawang linggo ng modyul; mas
nakatuon ang pansin sa pag-unlad. Ang tinatawag na "English-speaking zones" ay walang lugar
sa isang bansang nagsasalita ng sarili nitong wika at nagsusumikap para sa mahigpit na
pagkakaisa. Ang pagtataguyod ng Filipino, ang wikang nagmumula sa sariling kultura at walang
pag-aalinlangan na nagbubuklod sa lahat ng Pilipino, ay isang mahusay na paraan upang
makatulong sa pagbuo ng isip.

Tinalakay sa ikatlong lingo ng modyul ang balangkas ay isang naisulat na plano ng mahahalagang bahagi
ng isang sulatin na nakakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang bahagi lamang ang
nakapaloob ditto upang magsilbing patnubay gamitin ukol sa magiging laman ng isang sulatin. Napag-
aralan din na mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin katulad ng
pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon. Napag-aralan din na matapos makuha
ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iispin ay kung alin sa maraming
impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat na sa bahaging ito, mahalaga ang paghahanda ng
isang balangkas. Pinag-aralan din na ang lagom ay tumutukoy sa isang mas maikling bersyon ng isang
mas mahalagang teksto o sulatin. Lagom din ang katawagan sa gawain kung saan pinapaikli at pawang
kinukuha lamang ang mga importanteng punto sa isang teksto, o sulatin.

Upang makapaghanda ng ulat o anumang iba pang uri ng pagsulat, tulad ng pag-uulat,
pananaliksik, at organisasyon ng impormasyon, dapat gumawa ng balangkas. Ang gawain kung
saan ang mga pangunahing ideya ng isang teksto o komposisyon ay pinaikli at kinuha ang lahat
ay kilala bilang lagom. Bukod pa rito, sinisiyasat kung ano ang iyong mga iniisip pagkatapos
matanggap ang iyong ulat.

You might also like