You are on page 1of 2

3. CMO NO.4, s.

1997

- Base sa aking nabasa at naunawaan, dito nakasaad ang batayan sa pagtuturo sa Wikang
Pambansa na siyam (9) na yunit ng Filipino ang kukunin sa programang Humanities, Social
Science at Communication (HUSOCOM) at anim (6) naman sa di HUSOCOM. Wikang
Panturo ang ginagamit na wikang pormal sa pagtuturo sa eskwelahan at pagsulat ng mga
aklat.

4. Konstitusyon 1987; Artikulo X1V Seksiyon 7

- Base sa aking nabasa at naunawaan, ito ang nagpapatunay at nagpapatibay na ang opisyal
na wika ng Pilipinas ay Filipino. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ito
ay maituturing bilang lingua franca o tulay ng komunikasyon sa bansa. Ito ang wikang
maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, dokumento ng pamahalaan, batas at
sa diskurso o pakikipagtalastasan.

Pagsusulit/Pagsubok:

1. Panuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pang-


wika. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Bakit kinakailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang pambansang


magagamit at mauunawaan ng nakararaming Pilipino?

- Para sa akin, kinakailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang


pambansang magagamit at mauunawaan ng nakararaming Pilipino upang
nangsagayon ay magkaroon ng organisado at maayos na proseso ng komunikasyon
sa bawat isa. Ito ang siyang susi upang maunawaan ng maraming tao ang mga plano
ng gobyerno sa kanilang pamamahala sa komunidad at ang pagpapatupad ng batas
ay malinaw sa kaisipan ng tao. Ang wikang pambansang itinalaga ang siyang
magiging daan upang mapagbuklod-buklod ang bawat mamamayan, magkaroon ng
sistematikong pagpapalaganap ng mataas na kalidad ng edukasyon at makamit ang
isang matiwasay at maunlad na bansa.

2. Bakit kailangan ng isang ahensya ng wika sa ating bansa at ano ang


pangunahing tungkulin nito?

- Sa aking palagay, kailangan ng isang ahensya ng wika sa ating bansa upang


magkaroon ng maayos na sistema at patakaran sa paggamit at pagpapalawak pa nito.
Ang pangunahing tungkulin nito ay malinang at mapayabong pa ang wika na
ginagamit lalo na ng mga mag-aaral na siyang magpapayaman sa kultura at
kasaysayan ng ating bansa.

You might also like