You are on page 1of 4

Pedmar D. Borja.

ID#: 2022-08526
WIKA REPLEKSIYON (MODYUL 7)

Ang unang babasahin sa ikapitong modyul ay ang “Ilang Tala sa Estado at Direksyon
ng Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino” ni Galileo S. Zafra. Ang modyul na ito ay
nakasentro sa kung ano ang intelektuwalisasyon- ang nagawa nito sa wikang Filipino at
ang mga dapat pang gawin. Ipinaliwanag rin dito ang konseptong intelektuwalisasyon
sa pagpapaunlad ng ating wikang Filino. Inisa-isa ang mga proseso sa pagtatamo ng
intelektuwalisadong wika na may diin sa akademikong larang. Nilathala din ang ilang
usapin upang magbukas ng ibang direksiyon sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

Habang binabasa ko ang teksto ay may mga nagustuhan akong mga punto. Ang una
na rito ay ang intelektuwalisasyon sa konteksto ng pagpapaunlad ng
wikang Filipino. Nagustuhan ko kung paano ipinakita upang maging intelektuwalisado
ang ating wika, at ito'y sinimulan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa, na naging Pilipino, at kalaunan ay naging Filipino noong 1987. Pagkatapos
ay sinimulan naman ang estandardisasyon sa pamamagitan ng
paglalathala ng mga bilingguwal at multilingguwal na word list.
Panghuli, ay pormal nang pinalaganap ang wikang pambansa at ginamit
bilang wikang panturo na ginamit rin sa ibat-ibang anyo ng midya tulad ng telebisyon,
radyo at iba pa. Kasama rin dito ang unti-unting pagpapayaman ng korpus ng pormal na
sulatin sa wikang pambansa. Ngunit sa ating nakikita sa panahon ngayon, ganap na ba
nating masasabi na intelektuwalisado na ang wikang Filipino batay sa mga nabanggit
na mga proseso? Sa totoo lang ay maganda ang mga nagawa ng mga dalubhasang ito
bilang unang hakbang upang maging intelektuwalisado ang ating wika, ngunit masasabi
kong ito ay hindi pa lubusang ganap na naipatupad ngayon. Dahil una, sa kahulugan
palang nito na inihayag ni Santiago(1990), sinasabi na "Ang intelektwalisasyon ay
proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay sa antas
na intelektwalisado nang sa gayo'y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng
karunungan", at kung mapapansin natin ay wala tayong mga libro sa agham, teknolohiya
at iba pang larang na nakalimbag sa wikang filipino. Hindi tulad ng sa ibang bansa tulad
ng bansang Indonesia, Africa, at Singapore na may mga aklat sila sa ibat ibang larang
na nakasulat sa kani-kanilang wika. Kapag ang isang wika ay ginagamit sa ibat-ibang
larang sa akademya, ay saka lang natin masasabi na ang isang wika ay isang ganap na
intelektuwalisado na. Ang isang importanteng rason kung bakit mas maganda na may
mga libro tayo sa ibat-ibang larang na nasa wikang Filipino, ay upang maunawaan din
ito kahit ng mga Pilipino na hindi marunong sa wikang Ingles at mga hindi nakapag-aral.
Dahil kung papaniwalaan man natin o hindi, may mga pinoy parin na mahilig magbasa
ng aklat. Na kahit hindi sila nag-aaral ay may namumukudtanging interes parin sila sa
pagbabasa, at ang patunay diyan ay ang ibang mamamayan sa amin, nagbabasa sila
ngunit pili lamang dahil ito'y mga nasa wikang Filipino lamang. Kung ating susubukan
na gawan ng pagsasalin ang iba pang larang tulad sa Siyentia, medisina, arkitektura at
iba pang ispesyalisadong larangan ay malaking tulong ito sa atin at sa iba, upang
mapalawak pa ang ating mga kaalaman. Na habang lumalawak ang ating kaalaman ay
siya ding pagyabong ng ating wika. Alam kong mahirap itong gawin dahil kailangan
natin ng mga eksperto sa ating sariling wika na gagawa ng mga termimo at maaaring
ito rin ay magdulot ng kalituhan sa atin dahil nga ay bago ito, pero minsan kasi
kailangan lang ang isang bagay na simulan. Alam ko na kaya rin natin ito tulad nang sa
ibang bansa.

Pangalawa, sa ilalim ng proseso sa pagtatamo ng intelektuwalisadong wika, ay


makatutulong sa pag unawa sa intelektuwalisasyon ang konsepto ng tatlong uri ng
language domain o larang ng wika(3 classes of Language Domains ni Bonifacio P.
Sibayan). Ito ay ang non-controlling domain, semi-controlling domain, at controlling
domain. Ang mga language domains ay ang mga nagtatakda sa magiging tunguhin ng
wika at mayroon ditong nakapaloob sa mga mamamayan at sa mga ahensiya ng
pamahalaan na nagtataguyod sa paggamit nito. Ang non-controlling domain o
karaniwang larang ng wika ay binubuo sa ating mga tahanan at ating lingua franca. Ang
semi-controlling domain naman ang mahalagang larang ng wika na binubuo ng relihiyon
politika at intertainment na mga industriya. Panghuli ay ang controlling domain o ang
napakahalagang larang ng wika, na binubuo ng tatlong sangay ng gobyerno na ang
tagapagpaganap, pambatasan at hudikatura, sangay ng edukasyon (elementarya
hanggang kolehiyo), at mga propesyunal.

Nagustuhan ko rin ang dalawang pangunahing proseso sa intelektuwalisasyon para


sa Filipino ni Zafra, at ito ang prosesong lingguwistiko at ekstra-lingguwistiko. Pag
sinabing prosesong lingguwistiko, ito ay tumutukoy sa pagdedebelop ng
estandardisadong wika, pagbuo at pagpapaunlad ng mga korpora(talaan ng mga salita
at terminolohiya), mga teksto sa ibat ibang disiplina, at pagbuo ng rehistro ng wika(mga
salita o terminolohiya para sa partikular na disiplina at larangan). Sumasang-ayon ako
na sa pagbubuo ng mga pagsasalin (sa prosesong lingguwistiko) , ang dapat na
nagtutulong-tulong dito ay hindi lamang ang mga eksperto sa wika(lingguwista) kundi
maging din tayo ay dapat kasama sa paggawa nito, at pagkatapos magawa ang mga ito
ay saka na ipakikita sa mas nakakataas, para sa balidasyon ng mga termino. Nasabi rin
na may tatlong karaniwang estratehiya upang magamit ang mga
teknikal na termino mula sa ibang wika: ganap na panghihiram,
panghihiram nang may pagsasalin, at paglikha. Ang halimbawa ko rito ay
ang salitang teknolohiya, ang salitang ito ay isang hiram lamang sa wikang Ingles na
Technology, na sinalin sa ating sariling wika, at naging teknolohiya na tinanggap na ng
lahat sa atin. Ang ekstra-lingguwistiko naman ayon kay Gonzales, ay ang pagbuo ng
isang grupo ng "significant others" o "creative minority". Sumasang-ayon din ako sa
prosesong ito dahil dito, tinutukoy na ang mga lupon ng iskolar o tao na
nagpapakadalubhasa sa partikular na larang ay mas makakatulong sa pagbuo ng
intelektuwalisasyon ng wika sa ibat ibang disiplina at larang dahil sila ang higit na
nakaka alam sa mga ito. Halimbawa, kung gusto natin na magkaroon ng pagsasalin sa
kursong inhinyero, ay nararapat lang na ang kunin nating grupo ng tao na magsasalin ng
mga termino ay ang mga "engineers" dahil sila ang mas may kaalaman dito kumpara sa
ibang propesyon, pagkatapos nilang makagawa ng mga termino ay saka naman
titingnan ng mga dalubhasa sa Filipino para suriin ang mga salitang ito. Ang dalaqang
paraan ng pagsasalin na ito ay nakikita kong isang malaking pakinabang sa lahat, upang
mapadali ang pagsasalin ng bawat termino at upang mas mabilis ang pag-unlad ng
ating wika.

Pangatlo ay "Ang mga nagawa na para sa intelektuwalisasyon ng Filipino".


Sa parteng ito ay namangha ako na may mga aklat na palang nailimbag sa ating sariling
wika tulad ng UP Diksiyonaryong Filipino at Gramatikang Filipino (na may kaugnayan sa
estandardisasyon ng wika). Tesis at Disertasyon sa Filipino at Paglalathala ng mga
Monolingguwal (sa Filipino) at Bilingguwal (sa Filipino at Ingles) na Journal(na may
kaugnayan sa pagbubuo ng korpus sa wika). Bilang pagbuo ng register ng Filipino sa
ilang disiplina ay may artikulong nagawa na pinamagatang "The Parameters of
Intellectualization-Applications to Filipino" na masusing binahagi rito ang proseso ng
pagbubuo ng mga termino sa isang salita. Itong mga halimbawa ay isa sa magandang
hakbang sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ngunit ang nakikitang kong isang
problema bakit hindi pa ganap na intelektuwalisado ang wikang Filipino ay dahil ang
mga aklat o mga nailimbag na mga ito ay hindi pa masyadong naipapakilala sa lahat.
Tulad na lamang ng UP Diksiyonaryong Filipino, nandirito ang mga pagsasalin ng mga
ibang salita ngunit hindi parin ito masyadong kilala ng mga kabataan ngayon dahil
kulang ang publikasyon at desiminasyon nito, kahit sa mga paaralan man lang. Kulang
ang pagpapalaganap ng mga akdang nakasulat sa Filipino na sadyang nagiging dahilan
ng mabagal na pag-usad ng pagiging intelektuwalisado ng ating wika. Kung ako ang
tatanungin, mas maganda kung na-aakses ito ng lahat, tulad ng paglalathala nito sa
online at kung pwede pa nga ay gawan ng app ang mga ito tulad ng UP diksunaryong
Filipino. Nakakalungkot lang na isipin, na may nagawa na pala ang iba sa atin bilang
kontribusyon sa pag iintelektuwalisado ng ating wika, ngunit ito'y hindi naibabahagi at
napapasa sa mas malawak na saklaw na mga Pilipino.

Ang huling punto na aking nagustuhan ay tungkol sa "Ilang usapin tungkol sa


diskurso ng intelektuwalisasyon ng wika" dito inilahad ang mga maaaring dahilan kung
bakit napakahirap at mabagal ang pag-usbong proseso sa pag intelektuwalisa ng
wikang Filipino, at may isang dahilan ang tumatak sa akin at ito ay, ang tunguhin raw ng
intelektuwalisasyon sa atin ay may pagkiling lalo na sa wikang Ingles. Kung ating
mapapansin, ay may mga naisasalin nang ibang akademikong larang tungo sa ating
wika, at ang halimbawa nito ay ang ekonomiks na paksa. Ang paksang ekonomiks ay
tinuturo na sa hayskul at kasiya-siya na ito ay nakasalin sa ating sariling wika, ngunit
hindi ba natin naisip kung bakit ang iba pang mga larang(Siyentia, matematika, at iba pa)
ay walang sumusubok na isalin ito sa ating sariling wika? O kung meron man, bakit hindi
ito nailalahad sa lahat? Kung atin ding mapapansin, itinuturo ang wikang Filipino sa
Germany, USA, UK, Australia, China, Japan (upang pangalanan ang ilan) at sa paraang
ito ay nagiging ganap na intelektuwalisado ang kanilang mga wika dahil may
naidadagdag na mga termino sa kanilang bokubolaryo, na siya namang nagiging dahilan
ng pag-usbong ng kanilang wika. Kung ating gagayahin ang ibang bansa sa mga
proseso nila, ay alam kong makakamit din natin ang ating hangarin sa
intelektuwalisasyon ng ating wika. Ang kulang sa ngayon ay ang unang hakbang at
alam ko, na kung may tumutol man o mahirapan man tayo sa una, ay makakaya rin
nating tanggapin ang mga ito at maisapuso ang lahat ng mga pagbabagong nagaganap
sa ating pag-aaral sa wika.

You might also like