You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHAN – MODYUL 1

Aralin 1: Iba’t Ibang Uri ng Liham at


Pagsulat ng Liham at Resume
Pagsulat ng Liham
Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa isang
tiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o nakatitik. Ang isang
liham ay katulad din ng personal na pakikipagusap na kababakasan ng tunay na personalidad
ng taong sumusulat. Mababatid din sa liham kung ang sumusulat ay matamang nag-isip at
malinaw na
nakapagpapahayag ng kaniyang tunay na damdamin sa pamamagitan ng mga mapitagan at
magalang na pananalita.
KATANGIAN NG LIHAM
1. Malinaw (Clear)
2. Wasto (Correct)
3. Buo (Complete)
4. Magalang (Courteous)
5. Maikli (Concise)
6. Kumbersasyonal (Conversational)
7. Mapagsaalang-alang (Considerate)
Iba’t ibang uri ng liham
1.Liham Pagbati (Letter of Congratulations)
Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay, karangalan, o bagay
na kasiya-siya. Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang nakagawa ng anumang
kapuri-puri o kahangahangang bagay sa tanggapan.
2.Liham Paanyaya (Letter of Invitation)
Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam,
o gumanap ng mahalagang papel sa isang particular na okasyon.
3.Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)
Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod,
pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, ideya at opinyon, at tinanggap na mga
bagay.
4.Liham Kahilingan (Letter of Request)
Liham na inihahanda kapag nangangailangan, o humihiling ng isang bagay, paglilingkod,
pagpapatupad, at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa
pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksiyonal man o opisyal.
5.Liham Pag-uulat (Report Letter)
Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat isakatuparan
sa itinakdang panahon.
Tinatalakay dito ang:
a.Pamagat,
b.Layunin,
c.Kalikasan ng proyekto;
d.Bahagdan ng natamo batay sa layunin;
e.Kompletong deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang gawain, pati na ang mga tauhan,
pamamaraan, mga hadlang, at mga remedyo; at mga gawaing kailangan pang isagawa upang
matapos sa itinakdang panahon ang proyekto.
6.Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)
Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o umalis sa
pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan.
7.Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of Application)
Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala
o magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya at
tuwirang pananalita na nakapaloob sa nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang
impresyon. Tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anumang oras
na kinakailangan.
8.Liham Panawagan (Letter of Appeal)

Filipino sa Piling Larang - Akademik


Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o
implementasyon ng kautusan, kapasiyahan, at pagsusog/ amyenda ng patakaran.
MGA BAHAGI NG LIHAM
MAY ANIM NA BAHAGI ANG LIHAM
1.Pamuhatan (Heading)
Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres, telepono, at numero ng fax.
Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon)
2. PETSA (Date)
Ang Petsa ay bahagi ng pamuhatan.
Maaari itong ilagay sa kaliwang bahagi para sa anyong full-block at kanan o gitnang bahagi
para sa anyong semi-block.
3. PATUNGUHAN (Inside Address)
Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong ng liham.
4. BATING PAMBUNGAD (SALUTATION)
Ito ay pagbati sa sinusulatan. Sa bating pambungad, ang bantas na marapat gamitin ay
tutuldok o colon ( : ). May iba’t ibang ito at ang karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod:
Mahal na Ginoo: Mahal na Tagapangulong Libatique: Ginoo: Mahal na Punong Mahistrado
Sereno:
Mahal na Ginang: at iba pa.
5. KATAWAN NG LIHAM (body of the letter)
Ito ang tampok na bahagi ng liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan.
Katangian ng maayos na mensahe
a. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat lumikha ng anumang
alinlangan sa pinapadalhan o babasa nito.
b. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita, pangungusap, talata, at mga
bahagi ng liham.
c. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga salita, banghay, at
bantas.
Bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham
a. Panimula – Naglalaman ito ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liham.
b. Katawan – Naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng liham.
c. Huling talata – Nagsasaad ito kung ano ang inaasahang aksiyon sa ipinadalang liham.
6.Pamitagang pangwakas (complimentary close).
Nagsasaad ito ng pamamaalam sa nililihaman.
Mga Dapat Tandaan sa Pamitagang Pangwakas
a) Ang bating pambungad at ang pamitagang wakas ay iniaangkop sa katungkulan o kalagayang
panlipunan ng taong sinusulatan.
b) Kung ano ang antas ng pamimitagang ipinahihiwatig sa bating pambungad ay siya ring
isinasaad sa pamitagang pangwakas.
c) Ang pamitagang pangwakas ay may dalawang espasyo mula sa huling salita ng katawan ng
liham. Isulat buhat sa kalagitnaan pakanan, na ang dulo ay hindi lalampas sa palugit at lagyan
ng kuwit at isulat sa malaking titik ang unang letra ng salita. Ginoo: Kagalang-galang Mahal na
Bb. Santos at iba pa.
7. LAGDA (Signature)
Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham. Ito ay nagpapakilala ng
kapangyarihan at pananagutan sa nilalaman ng liham. Ang mga babae, kung nais nila, ay
maaaring gumamit ng Bb., Gng. Ms. Sa unahan ng kanilang pangalan. Hindi gumagamit ng G.
(Mr.) ang kalalakihan sa unahan ng kanilang pangalan.
Maglaan ng apat na espasyo mula sa pamitagang pangwakas hanggang sa pangalan na
nakasulat sa malalaking titik (light o bold) at sa ilalim nito ay ang katungkulan. Ang unang titik
ng pamitagang pangwakas at ang pangalan (o titulo) ng lumiliham ay magkatapat. Ang unang
titik o numero ng petsa ay karaniwan ding katapat ng unang titik ng pamitagang pangwakas.
Halimbawa: Matapat na sumasainyo, (Lgd.) CARMELITA C. ABDURAHMAN Komisyoner
Programa at Proyekto

Pagsulat ng Resumè
Ang isang resume ay isa sa mga requiremejts na hinahanap ng mga employers sa mga
nagnanais magtrabaho para sa kanila o sa kanilang kumpanya. Nilalaman nito ang mga

Filipino sa Piling Larang - Akademik


mahahalagang impormasyon tungkol sa aplikante na may kinalaman sa gusto niyang pasuking
trabaho.
Mga impormasyon na dapat ilagay sa Resume
1.Pangalan- Totoo at buong pangalan.
2.Contact number- Mahalaga sa employer na alam nila kung paano ka nila makokontak lalo na
kapag natanggap .
3.E-mail address- May mga employer na sa e-mail nagpapadala ng update tungkol sa
aplikasyon.
4.Home address- kailangang malaman ng employer kung hindi masyadong malayo sa trabaho.
5.Objective- Ano ang layunin para sa trabahong gusting apsukan.
6.Work Experience-Kailangan ilagay at malaman kung ano ang ginagawa sa mga nakaraang
trabaho.
7.Educational Attainment- Ilagay ang kursong natapos at school kung saan nagtapos.
8.Skills- Mga kakayahan na alam mo, angat ka sa iba,makakatulong sa trabaho na idagdag sa
resume.
9.Mga dinaluhang seminar at Wokshop
10.Sanggunian
PALALIMIN
GAWAIN 1:
Panuto: Sumulat ng isang Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of
Application). Isulat o i-print nang malinis sa isang maikling bondpaper.
PAMANTAYAN Puntos (50%)
May maayos ng nilalaman 15
Kompleto ang mga bahagi at tamang pormat 15
Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pananalita 15
Malinis ang presentable ang papel 5

Gawain 2: Aplay na!


Panuto: Gumawa ng isang Resume at ilapat ito sa Liham Aplikasyon na iyong ginawa sa Gawain
F. Siguraduhing pareho ang mga elementong nakapaloloob dito. I-print nang malinis sa isang
maikling bond paper.
PAMANTAYAN Puntos
May maayos na nilalaman /impormasyon 15
Kompleto ang mga bahagi at tamang pormal 15
Malinis at presentable ang papel 5
Kabuoan 35

Filipino sa Piling Larang - Akademik

You might also like