You are on page 1of 26

MGA KATANGIAN NG

KORESPONDENSIYANG
SULATIN
Ano nga ba ang liham?
Ang liham o letter writing ay ang
pagpapalitan ng mensahe o sulat
na naglalaman ng impormasyon
tungkol sa iba’t ibang uri ng
paksa.
Tunay na makabuluhan ang tinuran ni Senador Franklin M. Drilon sa kanyang
mensahe na naitala sa muling paglalathala ng patnubay sa Korespondensiya Opisyal,
hindi na maitatatwa na ang Filipino ang lingua franca – pangkalahatang midyum na
ginagamit sa komunikasyon sa isang bansa.
Mga Uri ng Liham
Liham Pagbati (Letter of
Congratulations)-
pinadadalhan ng liham pagbati ang
sinumang nagkamit ng tagumpay,
karangalan o mga bagay na kasiya- siya.

Liham Paanyaya (Letter of Invitation)-


taglay ng liham na ito ang paanyaya sa
pagdalo sa isang pagdiriwang o partikular
na kaganapan o okasyon.
Liham Tagubilin (Letter of Instruction)-
nagmumungkahi ang isang indibidwal
kung may gawaing nararapat isangguni
upang maisakatuparan ang mga nilalayon
ng mga kinauukulan

Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)-


pagpapahayag ng pasasalamat sa mga
naihandog na tulong, kasiya- siyang
paglilingkod, pagbibigay ng
mahahalagang impormasyon at tinanggap
na mga bagay.
Liham Kahilingan (Letter of Request)-
liham na inihahanda kapag
nangangailangan ng isang bagay,
paglilingkod, pagpapatupad, at
pagpapatibay ng anumang nilalaman ng
korespondensiya maging opisyal man o
transaksiyonal.

Liham Pagsang- ayon (Letter of


Affirmation)-
liham na sumasang- ayon at nagpapatibay
sa isang kahilingan na makakabuti sa
Liham Pagtanggi (Letter of Negation)-
nagpapahayag ito ng dahilan ng
pagtanggi, di pagsang- ayon sa paanyaya,
kahilingan at iba pa hinggil sa
pangangailangang opisyal at
transaksiyonal.

Liham Pag- uulat (Report Letter)-


liham na nagsasaad ng katayuan ng isang
proyekto o gawain na dapat isakatuparan
sa itinakdang panahon.
Liham Pagsubaybay (Follow- up Letter)-
liham na ipinadadala upang alamin ang
kalagayan ng liham na, naipadala na
subalit hindi nabibigyan ng tugon.

Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)-


liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng
isang kawaning nagpasiyang huminto o
umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang
mabigat na kadahilanan.
Liham Kahilingan ng Mapapasukan/
Aplikasyon (Letter of Application)-
liham na ipinadadala ng sinumang
nagnanais makapaglingkod sa isang
tanggapan.

Liham Paghirang (Appointment Letter)-


liham na nagtatalaga sa isang kawani sa
pagganap ng tungkulin o promosyon para
sa kabutihan ng paglilingkod sa
tanggapan.
Liham Pagpapakilala (Letter of
Introduction)-
liham ito na himig- personal na
nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa
isang tanggapan.

Liham Pagkambas (Canvas Letter)-


liham na nagsasaad ng kahilingan hinggil sa
halaga ng isang bagay na nais bilhin at iba't
ibang uri ng serbisyo.
Liham Pagtatanong (Letter of Inquiry)-
liham na nangangailangan ng tuwirang sagot
na nais malaman hinggil sa mga opisyal na
impormasyon.

Liham Pakikidalamhati (Letter of


Condolence)-
liham na ipinadadala sa mga kakilala,
kaibigan, kaopisina, kamag- anak na naulila.
Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)-
liham na ipinadadala sa mga kakilala,
kaibigan, kaopisina na nakaranas ng
sakuna o masamang kapalaran.

Liham Panawagan (Letter of Appeal)-


liham na nagsasaad ng kahilingan,
kooperasyon, pakiusap para sa
pagpapatupad ng isang kautusan.
Liham Pagpapatunay (Letter of
Certification)-
liham na nagpapatunay na ang isang
empleyado sa tanggapan ay nagtungo sa
isang gawaing opisyal sa isang partikular
na lugar.
PAGSULAT NG
KORESPONDENSIY
A OPISYAL
Isang biyaya ang kakayahan ng
taong magpahayag sa paraang
hindi lamang limitado sa isa.
Nararapat itong pagyamanin
at paunlarin tungo sa lalo pang
ikahuhusay ng tao sa
pangkalahatan.
Ang korespondensiya ay
sumasaklaw sa lahat ng sulating
opisyal na nauukol sa isang kawani.

Upang mamulat tayo sa kahalagahan


nito, mayroong mga kakailanganing
kaalaman sa pagsulat ng
korespondensiyang opisyal. Ito ay
ang mga sumusunod:
KATANGIAN NG
KORESPONDENSIYANG
SULATIN SA
AKADEMIKONG
PAGSULAT
korespondensiyang opisyal ay
isang natatanging paraan ng
pagpapahayag
na“nangangailangan ng
kahusayan sa paggamit ng mga
espesyal na bokabularyo at
parirala sa mga gawaing
pampamahalaan”
(Belvez et al., 2001)
MGA KATANGIAN NG
KORESPONDENSIYANG
SULATIN
Kalinawan
 gumamit ng salitang angkop sa propesyon
ng sinusulatan.
 dapat may kahusayan sa wikang gagamitin
 dapat maipahayag nang wasto ang mensahe

Solidong Diwa
 kompleto ang pagpapahyag ng wika na
hindi nag- iiwan ng kakulangan sa
impormasyon.
 kinakailangang kongkreto ang laman ng
liham at natitiyak na kakayaning isagawa
Magalang
 angpagiging magalang ay makikita sa
paggamit ng matatapat at wastong mga salita
sa pagpapahayag ng sarili sa sinulatan

Pagsasaalang- alang sa Kapakanan ng iba


 kinakailangang pag- aralan at alamin ang
interes o kawilihan ng iba bago sumulat
Maikli
 kinakailangang tuwiran ang paglalahad ng
impormasyon
 malabong maunawaan ang mensahe kapag
napakahaba ang paglalahad nito

Tiyak
 iwasan ang paggamit ng mga salitang
abstrakto at mga pangkalahatang salita
 gumamit ng mga salitang kongkreto at
eksakto upang maging tiyak ang
pinupuntong mensahe
Wasto
 sikaping maging wasto ang liham
 Siguraduhing tama ang taong susulatan ng
liham
 iwasan ang paggamit ng mga salitang
nakakalito

Katanggap- tanggap o Maayos ang Anyo


 kailangang katanggap- tanggap ang liham
 ang paggamit ng papel na may mataas na
kalidad ay nakakatulong sa kagandahan ng
liham
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like