You are on page 1of 1

Liham Pagpapakilala

Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa isang tanggapan


upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay ng anumang transaksiyon.

Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon


Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o
magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya at tuwirang
pananalita na nakapaloob sa nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang impresyon.
Tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anumang oras na
kinakailangan.

Liham Pagsubaybay
Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala na, subalit
hindi nabibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalaala upang bigyang-aksiyon ang naunang liham.
Ang uri ng liham na nararapat subaybayan ay ang liham kahilingan, paanyaya; at maging ang
pag-aaplay o pamamasukan sa trabaho. Sa pagsulat, magalang na banggitin sa liham ang petsa
at layunin ng naunang komunikasyon.

You might also like