You are on page 1of 9

Linggo 11- 13 Reviewer Performance Task

POSISYONG PAPEL - Ito ay sulating naglalaman ng mga pinaninindigang palagay o saloobin


patungkol sa mahalagang isyung kinakaharap ng iba’t ibang larangan lalo na ang akademyia,
politika, at iba pang dominyon.
-Karaniwang isinusulat ang posisyong papel sa paraang pagpapahayag na maaring pinaghalo-
halong paglalahad, panghihimok, pangangatuwiran, at maargumentong ideya.

Akademya - Sa akademya, binubuksan pagkakataong talakayin ang mga isyung hindi dumaan sa
eksperimentasyon ngunit may mga inilatag itong mga ebidensya at mga kuru-kuro. Ipinalalawak
nito ang talakayan ukol sa isang paksa nang obhektibo

Politika - Sa pulitika naman, hindi maitatangging napakalaki ng pakinabang ng posisyong papel


sa iba’t ibang aspekto na may kinalaman sa pamahalaan. Sapagkat ang konteksto nito ay
tumatalakay sa mahalagang pag-unawa ng mga opinyong magbibigay ng solusyon, mungkahi at
mga tiyak na mga opinyon para sa mabisang pagpapatupad nito.

Aidememoire - Sa batas kapag may mga paksang dapat talakayin at mga isyung hindi nasang-
ayunan.

Kahalagahan ng Posisyong Papel

 Komunikatibong pormal na pasulat na magbibigay linaw mula sa


isang pangkat o organisayon.
 Pagkakaroon ng pormal at diplomatikong paglalahad ng mga ideya ng
mga taong sangkot o may pagpapahalaga.
 Pagkakataon ng isang organisasyong makapagpaliwanag sa paraang
di nangangailangan ng karahasan.
 Pagpapakita ng mga pagpapahalaga nang may respeto, dignidad at paninindigan upang
maging halimbawa o modelo ng mabuting paguugali pagdating sa pagbibigay ng
opinyon.

Katangian ng Posisyong Papel

 Nabubuo mula sa pinakapayak gaya ng liham sa patnugot (letter to the editor) hanggang
sa pinakakomplikadong akademikong posisyong
papel (academic position paper).
 Naglalaman ng mga maiinam na mga konteksto para sa mas malinaw na detalyadong
impormasyon.
 Ang nilalaman ay may ipinararating na punto gamit ang mga
ebidensya.
 Maargumento ang nilalaman at paninindigan ngunit may paggalang sa
kasalungat na pananaw.
 May bahaging subhetibo ang ganitong sulatin sapagkat naglalabas ito
ng saloobin

Layunin ng Posisyong Papel


 Makapaghayag ng mga kuru-kuro o paniniwala at rekomendasyon
gamit ang mga batayang ebidensyang totoo.
 Mamulat ang mambabasa sa maargumentong isyu na inihain ng
manunulat o mga manunulat.
 Mahikayat ang isang tao, grupo o komunidad hinggil sa isang isyu.
 Upang maintindihan ang pinaninindigan ng isang tao o organisasyon

Ang Mga Dapat na Isinsasaalang-alang sa Pagbuo ng isang Posisyong Papel (Xavier University
Library, 2014)

1. Gumamit ng mga ebidensiya sa pagsuporta ng iyong posisyon tulad ng mga pangyayari,


istatistikal, petsa at iba pa.

2. Alamin kung ang mga pinagkunan ng mga ebidensya ay tunay nakinikilala.

3. Alamin ang mga kalakasan at kahinaan ng puntong iyong pinaninindigan.

4. Alamin ang mga posibleng solusyon o suhestiyon na maaaring gawin dito.

Balangkas ng Posisyong Papel (Xavier University, 2014)


Linggo 12 Liham at Resume

Ang Liham - ay maingat na pagsasatitik ng mga tiyak na ideya, saloobin, katotohanan at iba pa sa
papel, na magbibigay linaw sa nais pagbigyan o pagsabihan ng nilalaman nito.

Liham Pagbati (Letter of Congratulations)


- Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay, karangalan o bagay na
kasiya-siya. Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang nakagawa ng ano mang kapuri-puri
o kahanga-hangang bagay sa tanggapan.

Liham Paanyaya (Letter of Invitation)


- Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam
at/o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon.

Liham Tagubilin (Letter of Instruction)


- Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing
nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang magkatulungan ang mga
kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.

Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)


- Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga inihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod,
pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, ideya at opinyon, at tinanggap na mga
bagay.

Liham Kahilingan (Letter of Request)


- Liham na inihanda kapag kailangan o humihiling ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad at
pagpapatibay ng anumang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng
inaasahang bunga, transaksiyonal man o opisyal.

Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation)


- Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa
operasyon ng osang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon kung
kinakailangan.

Liham Pagtanggi (Letter of Negation)


- Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang-ayon sa paanyaya,
kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang opisyal at transaksiyunal. Kailangang
mahusay na maipahayag ang dahilan ng pagtanggi ng inaanyayahan upang hindi makapagbigay-
alinlangan sa sumulat. Nasasalamin sa ganitong uri ng liham ang pagkatao o personalidad ng
tumanggi sa liham. Dapat tandaan na kapag ang inaanyayahan ay tumanggi o di makadadalo sa
paanyaya, kailangang magpadala ng isang kinatawang gaganap ng kaniyang tungkulin. Kung di
gusting ipaganap ang tungkulin, sagutin ng nakakakumbinsing pananalita ang nag-anyaya.
Liham Pag-uulat (Report Letter)
- Ito ang liham na nagsasaan ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat isakatuparan sa
itinakdang panahon. Tinatalakay dito ang: (a) pamagat, at kalikasan ng proyekto; (b) bahagdan
ng natamo batay sa layunin; (c) kompletong deskripsiyon ng proseso ng kasalukuyang
gawain, pati na ang mga tauhan, pamamaraan, mga hadlang, at mga remedyo; at (d) mga
gawaing kailangang pang isagawa upang matapos sa itinakdang panahon ang proyekto.

Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)


- Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala na, subalit
hindi nabibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalala upang bigyang aksiyon ang naunang liham.
Ang uri ng liham na nararapat subaybayan ay ang liham kahilingan, paanyaya, at maging ang
pag-aaplay o pamamasukan sa trabaho. Sa pagsulat, magalang na banggitin sa liham ang petsa
at layunin ng naunang komunikasyon.

Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)


- Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o umalis sa
pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan. Kinakailangan ditong
mailalahad nang maayos at mabisa ang dahilan ng pagbibitiw sapagkat nasa anyo at himig ng
pananalita ng nagbibitiw ang larawan ng kaniyang pagkatao. Hinihingi rito ang marangal na
pagpapahayag. Dapat iwasan ang panunuligsa sa tanggapan o sa mga pinuno at tauhan ng
opisinang nililisan.

Liham Kahilingan ng Mapapasukan/ Aplikasyon (Letter of Application)


- Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o
magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na pagkakasunud-sunod ng mga ideya at
tuwirangpananalita na nakapaloob sa nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang
impresyon. Tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anumang oras na
kinakailangan.

Liham Paghirang (Appointment Letter)


- Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin,
pagbabago/paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan o promosyon (promotion)
para sa kabutihan ng paglilingkod sa tanggapan. Isinasaad sa liham ang dahilan ng pagkahirang
at ang pag-asang magagampanan ang tungkuling inaatas sa kaniya nang buong kahusayan.

Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)


- Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa isang tanggapan
upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay ng anumang transaksiyon.

Liham Pagkambas (Canvass Letter)


- Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: (a) halaga ng bagay/aytem na nais
bilhin, (b) serbisyo (janitorial services, security services. Catering services, venue/function halls,
at iba pa) ng isang tanggapan. Nagsisilbing batayan ito sa pagpili ng pinakamahabang halaga ng
bilihin at serbisyong pipiliin.
Liham Pagtatanong (Letter Inquiry)
- Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na
impormasyon.

Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)


- Liham ito na ipinapadala sa mga kaopisina, kakilala, kamag-anak na naulila. Nagpapahayag ito
ng pakikiisa sa damdamin subalit hindi dapat palubhain ang kalungkutan ng mga naulila.
Nararapat itong ipadala agad matapos mabatid ang pagkamatay ng isang tao.

Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)


- Liham ito na ipinapadala sa mga kaopisina, kaibigan, kailala, kamag-anak na nakaranas ng
sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo, lindol, baha, sunog, aksidente sa
sasakyan o ano pa mang sakuna ngunit buhay pa. Nilalaman ng liham ang lubos na pakikiramay
sa sinapit na sakuna at ang tulong na nais ipaabot ng tanggapan sa biktima. Nararapat na
maipadala agad ito sa kinauukulan matapos mabatid ang pangyayari.

Liham Panawagan (Letter of Appeal)


- Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o
implementasyon ng kautusan, kapasiyahan at pagsusog/enmiyenda ng patakaran.

Liham Pagpapatunay (Letter of Certification)


- Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa tanggapan ay
nagtungo at/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang partikular na lugar at petsa na kung
kalian ito isinagawa. Nilalagdaan ito ng puno ng tanggapan, tagamasid pampurok o puno ng
isang rehiyon. Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng liham lalo na sa aspeto ng pangangalakal.
Sa mga uri ng liham na nabanggit marami rito ang liham panganglakal. Kailangang matutuhan
hindi dahil sa natatanging dahilan at layuning mangalakal, kundi ay magkaroon ng pormal na
pagpapahayag, pagtatanong at pagsagot na nauukol sa anumang transaksyon, dokumentasyon
at pag-alam o pagpapaalam ng mga impormasyon.

RESUMÉ
Madalas din ang pinakatampok na paggawa ng liham pangkalakal ay ang pagsulat ng liham ng
kahilingan ng mapapasukan o aplikasyon. Sa pagsulat din ng ganitong liham ay lagi nang
kahingian na kalakip nito ang resumé o impormasyon na nauukol sa taong humihingi ng
kahilingan ng posisyon o trabaho. Ang resumé ay naglalaman ng mga impormasyon ng isang
indibidwal na naghahanap ng trabaho. May kahalintulad ito sa bio-data ngunit ang resumé ay
sariling sulatin ukol sa sarili, mas pinaunlad at mas pormal ang istruktura nito. Hindi tulad ng bio-
data na nasa pinakapayak na anyo at sasagutan na lamang ang mga kahingian na impormasyon
ukol sa isang tao
Mga Hakbangin at Gabay sa Pagsulat ng Resumé

- Tandaan na kapag sumulat ng resumé ay maikli ngunit maraming impormasyon


- Sumulat muna ng isang burador o draft.
- Kung hindi sigurado sa istruktura ay maaaring tumingin o magsaliksik ng mga ginagamit
na pormat. Basta naririto ang mga mahahalagang nilalamang
dapat na ilagay sa resumé:

o Pangalan (Name)
o Mga Layunin (Objectives)
o Sertipikasyon o Mgaa Dinaluhang Palihan (Certificates/ Attended Seminars and
Workshops)
o Edukasyong (Education)
 Kurso (Courses)
 Mga Karangalang Natamo (Awards)

o Propesyonalismong Karansan (Professional Experiences)


o Mga kakayahan (Skills)
o Samahang kinabibilangan (Affiliations)
o Sanggunian (Character References)
- Maging espisiko sa ilalahad na layunin. Siguraduhin na ang layunin ay magbibigay ng
impresyon sa kompanyang inaaplayan. Dapat ang nilalaman nito ay naghahayag ng kung
anong magagawa mo para sa kompanya at hindi ang kung anong magagawa ng
kompanya para sa iyo.
- Narito ang mga dapat isaalang-alang upang maging maayos at
propesyonal ang resumé:
o Huwag gumamit ng unang panauhan tulad ng “ako”
o Huwag magsinungaling o maglarawan nang pagmamalabis ukol sa sarili
o Magdagdag ng pamukaw sa resumé tulad ng anyo ng letra na may guhit,
italyado, may maliliit at malalaki bilang empasis sa mga bahagi at iba pa.
o Gumamit ng “bullets” (“Ο” “→” “■” “□” “►”) para sa paglilista at paglalahad.
- Basahin nang mabuti ang nilalaman. Tama ba ang gramatika, nilalaman at may mali bang
nabaybay

*TANDAAN:

Kapag gumawa ng resumé ay lakipan ito ng liham ng kahilingan ng mapapasukan o


aplikasyon
Linggo 13 Agenda

Agenda
Ang salitang agenda ay nagmula sa salitang Latin na agere na ang nangangahulugang gawin
o dapat gawin.
- Ito ay talaan ng mga dapat talakayin at gawin sa isang mapitagang pagpupulong na
isasagawa. Isinusulat ang agenda upang magkaroon ng gabay sa mga planadong pag-uusap o
aktibidad sa tiyak na pulong. Ginagawa rin ito upang magkaroon ng organisado at
produktibong diskusyon sa kung anong dapat pag-usapan at gawin. Kung walang agenda ay
walang dahilan upang magkaroon ng pulong at kung ano man ang dapat magawa. Sapagkat,
ang paggawa ng agenda ay parang pagkakambas at pagpapasiya ng mga gamit para sa
mabubuong produkto.

- Inihahanda ito ng isang opisyal kasama ang isang kalihim sa bawat pulong at ang ibang
taong sangkot dito upang malaman kung sila ay may suhestiyong nais pang isama sa dapat
pag-usapan.

- Pagkatapos itong isulat, bago ang takdang oras ng pulong ay ibinibigay ang agenda sa mga
taong kasali rito. Ipinararating sa kanila ang kaalaman at nilalaman ng dapat na usapin
upang magkaroon ng ideya at saloobin sa dapat na bigyan ng resolusyon, isyung dapat
lutasin, o mungkahing maibabahagi.

Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng agenda

- Sumulat kaagad ng agenda upang magkaroon na ng mga tala sa mga tiyak ng mga dapat
pag-usapan sa darating na pagpupulong.
- Kapag nagkaroon na ng tiyak na panahon at lugar ang pagpupulong ay ikonsidera na ang
mga dapat isama o hindi dapat isama sa agenda.
- Iwasan ang paglalagay ng napakaraming tala sa agenda kung hindi kakayanin ng itinakdang
limitadong oras. Magbubunga ito ng pagkabagot sa mga kasamahan sa pulong at magiging
hindi ito magiging makabuluhan kung maraming nakasingit na agenda na hindi naman
kapaki-pakinabang.
- Maglaan lamang ng sapat na oras sa bawat paksang isinulat mula sa agenda.
- Gumawa ng isang magandang pormat ng agenda para sa maayos na pagpresenta nito sa
mga taong sangkot sa itinakdang pulong.
Narito ang halimbawa ng isang agenda.
Linggo 14 Katitikan ng Pulong

Katitikan ng Pulong
- Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na minutes of the meeting sa wikang Ingles. Nabubuo
ang isang katitikan ng pulong kapag isinusulat ng kalihim ang mga nagaganap sa isang pulong.

- Ang ginawang adyenda ng isang pinuno o Tagapangulo ng isang kawani o lupon ay ang batayan
ng katitikan.

- Maaari rin namang magtalakay ng iba pang bagay sa susunod na pulong kung mababanggit at
ilalagay sa katitikan.

Kailangang itinatala o magtaglay ang katitikan ng pulong ng mga sumusunod:

 Petsa
 Oras
 Lugar ng pinagdausang pulong
 Mga napag-usapan
 Mga dumalo at hindi dumalo:

Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong

 Natitiyak na nasunod ang mga agenda at walang nakalimutang paksang dapat pag-
usapan.
 May dokumentasyon bilang ebidensya sa kung ano mang mga layunin.
 Mababalik tanaw ang mga napag-usapan at mabibigyang kalinawan ang mga napag-
usapan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

 Maghanda ng pormat na maaaring sulatan ng katitikan.


 Siguruhing ang mga nakatala sa agenda ay kasama o hindi naisama sa napag-usapan.
 Katotohanan lamang ang isusulat sa katitikan.
 Maging alerto sa mga napag-usapan, mga napagkasunduan at hindi napagkasunduan, sa
mga mahahalagang detalye.
 Kapag nagkataon na mayroong naunang pagpupulong, bago basahin ang adyenda ng
gaganaping pagpupulong, dapat munang ilahad ang katitikan ng nakaraang pagpupulong

You might also like