You are on page 1of 25

NARATIBONG

ULAT
Ano nga ba ang Naratibong ulat?

 Ang naratibong ulat ay isang ulat sa


paraang naratibo o pasalaysay. Kadalasang
makakakita ng narrative report mula sa
iba’t ibang ahensya o kompanya na
nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang
gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa
isang organisasyon o institusyon.
Ano nga ba ang Naratibong ulat?
 Dahil naratibo ang pagbuo nito, mahalaga
ang kronolohiya upang higit na makita ang
kaisahan, kaugnayan at lohika ng mga
pangyayari. Maaari rin nitong lamanin ang
mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin
ang naging kalakasan o kahinaan ng isang
ahensya o samahan. Makatutulong din ang
ganitong uri ng ulat at dokumentasyon
bilang sanggunian para sa mga gawain at
tunguhin ng institusyon sa hinaharap.
Ano nga ba ang Naratibong ulat?

 Dagdag pa, isa rin itong dokumento na


nagsasaad ng sunod-sunod na
pangyayari o kaganapan sa isang tao o
grupo ng tao.
Kahalagahan ng Naratibong Ulat

Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y


posibleng mangyari pa, mahalaga ito upang
magkaroon ng sistematikong
dokumnetasyon ang mga nangyari o kaya’y
kaganapan na mababalikan kapag
kinakailangan. Sa ilang pagkakataon,
sakalaing magkaroon ng hindi
pagkakasundo sa pagitan ng iba’t ibag tao o
grupo ng tao.
Kahalagahan ng Naratibong Ulat

 Upang makapagbigay ng sapat na


impormasyon sa maga taong nais
makakuha ng impormasyon hinggil sa
isang espisipikong bagay, serbisyo,
produkto o pangyayari.
Elemento ng Naratibong Ulat
1. Kronolohikal na pagkakaayos
Mahalaga na ang pagsusulat nito ay
magsisimula at magtatapos batay sa
nangyari. Hindi maaaring patalon-talon ang
pagtalakay sa pangyayari. Makagugulo ito sa
sinumang magbabasa ng nagawang pag-
uulat.
Elemento ng Naratibong Ulat
2. Walang kinikilingan o kaya’y may sariling
opinion sa pangyayari
Dahil ang isang naratibong ulat ay may
layunin, hindi maaaring maglagay ng
personal na opinion o kaya’y kuro-kuro sa
naganap. Iwasan ang paggamit ng mga pang-
uri upang ilarawan ang pangyayari. Mas
mahalaga na marami ang mga pandiwa.
Elemento ng Naratibong Ulat
Halimbawa:
Kung isasalaysay ang pagdating ng isang
opisyal mula sa TESDA, maaaring isulat ang:
• Dumating ang TESDA director ng Rehiyon 3
ganap na ika-3 ng hapon. Sinalubong siya ng
mga guro ng Mataas na Paaralan ng Jose
Rizal.”
• Mainit na sinalubong ng mga guro ng
Mataas na Paaralan ng Jose Rizal ang
makisig na TESDA Director ng Rehiyon 3.
Mahahalagang Elemento ng isang
Talatang Nagsasalaysay
Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng
talatang nagsasalaysay upang maging
mahusay at nararapat ang isang naratibong
ulat
Mahahalagang Elemento ng isang
Talatang Nagsasalaysay
a. Konsepto
• Mahalagang malinaw sa naratibong ulat ang
konteksto ng pag-uusap/pagpupulong/gawain dahil
ito ang magtatakda ng kabuuang set-up ng pagkikita.
• Kailangang masagot ang sumusunod na tanong:
1. Kailan naganap ang pag uusap/pagpupulong/gawain?
2. Saan naganap ang pag- uusap/pagpupulong/gawain?
3. Tungkol saan ang pag- uusap/pagpupulong/gawain?
Mahahalagang Elemento ng isang
Talatang Nagsasalaysay
b. Mga Kasali/kasangkot na Tao
• Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganap ang
pag- uusap/pagpupulong/gawain kailangang kilalanin din
kung sino so sino-sino ang kasali sa gawain. Mahalagang
kilalanin sila sa pamamagitan ng pagbanggit ng buong
pangalan sa unang beses na banggitin ang pangalan nila.
• Sakaling babanggitin uli, maaaring sabihin na lamang ang
apelyido. Kung may kaparehong apelyido banggitin ang
unang letra ng pangalan bago ang buong apelyido.
Halimbawa, “Binanggit ni Bb. A. Perez kahalagahan ng
pinupunton resolusyon ni G. S. Perez”
Mahahalagang Elemento ng isang
Talatang Nagsasalaysay
c. Resolusyon (kung mayroon man)
• Kung ang pangunahing dahilan ng
pag-uusap/pagpupulong/gawain ay para magkaroon ng
paglilinaw, desisyon, o rekomendasyon, mahalaga na
maitala ang resolusyong ito sa pinakamatapat na
pamamaraan. Kung kakayanin, maging verbatim ang
nabuong resolusyon.
Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t
ibang ahensiya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat
hingil sa gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa
isang organisasyon o institusyon.
Mga Katangian ng Isang
Naratibong Ulat
1. Mabuting Pamagat – ang isang mabuti at
epektibong pamagat ay dapat maikli, kawili-wili sa
mga mambabasa, may orihinalidad at di palasak, at
hindi katawa-tawa.
2. May Mahalaga/Makabuluhang Paksa
3. Wastong pagkakasunod-sunod – nagtataglay ng
tatlong pangunahing bahagi ang simula, gitna, at
wakas; nagbabalik sa tunay na simula at nagtatapos
sa tunay na wakas na ginagamit na simula ng may
akda.
Mga Katangian ng Isang Naratibong Ulat
4. Kawili-wiling simula at wakas.
Layunin ng isang naratibong ulat na mapag-ugnay
ang mga pangyayaring naging karanasan, namasid o
nasaksihan at maaari namang pasalita o pasulat ang
pagsasalaysay. Ang dalawang paraang ito ay maaring
hanguin sa mga sumusunod:
• Sariling Karanasan
• Pangyayaring Nakita o Nasaksihan
• Pangyayaring Narinig o Napakingan
• Pangyayaring Nabasa o Natunghayan
• Bungang Isip o Likhang Isip
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Naratibong Ulat
1. May maikli at kawili-wiling pamagat.
2. May mahalagang paksa.
3. May wastong pagkakasunod-sunod.
4. May kawili-wiling simula at wakas
5. May layuning ilahad ang mga pangyayaring namasid o
nasaksihan.
6. Gumagamit ng mga salitang angkop at pormal.
7. Gumagamit ito ng mga pandiwang nasa aspektong
pangnagdaan.
8. Gumagamit ito ng panahon o mga tiyak na petsa o araw
upang tukuyin kung saan at kalian nangyari o naganap ang
isang pangyayari.
Mga Etika sa Pagsulat ng Naratibong
Ulat
1. Sumulat batay sa sariling ideya.
2. Timbangin kung makabubuti ba ang nilalaman ng
sulatin.
3. Gumagamit ng tama at angkop na mga salita.
4. Iwasang mangopya ng likha/idea ng iba.
5. Tiyaking hindi nakakasakit ng damdamin ang
ginagawang naratibong sulatin.
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat
kaisipan sa ibaba. Isulat ang Oo kung ang pahayag may
kaugnayan sa naratibong ulat at Hindi naman kung hindi
ito kaugnay sa naratibong ulat.
1. Mahalagang malinaw sa ang konteksto ng
pag-uusap/pagpupulong/gawain dahil ito ang magtatakda
ng kabuuang set-up ng pagkikita.
2. Kailangang masagot ang mga tanong gaya ng - kailan
naganap ang pag- uusap/pagpupulong/gawain? _ _ _
3. Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganap
ang pag- uusap, mahalagang kilalanin sila sa
pamamagitan ng pagbanggit ng buong pangalan sa unang
beses na banggitin ang pangalan nila.
4. Layunin ng isang naratibong ulat na mapag-ugnay ang mga
pangyayaring naging karanasan, namasid o nasaksihan at
maaari namang pasalita o pasulat ang pagsasalaysay.
5. Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t ibang
ahensiya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hingil sa
gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang
organisasyon o institution.
6. Naglalaman ito ng mga nakamit, napagtagumpayan,
gayundin ang naging kalakasan o kahinaan ng isang ahensya
o samahan.
7. Kadalasang makakakita mula sa iba’t ibang ahensya o
kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang gawain
o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisasyon o
institusyon.
8. Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng
mangyari pa, mahalaga ito upang magkaroon ng
sistematikong dokumnetasyon ang mga nangyari o
kaya’y kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan.
9. Mahalaga na ang pagsusulat nito ay magsisimula at
magtatapos batay sa nangyari. Hindi maaaring patalon-
talon ang pagtalakay sa pangyayari. Makagugulo ito sa
sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat.
10. Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talata upang
maging katanggap- tanggap sa mga pamunuan ng
ahensyang kinabibilangan nito.
11. Mahalagang malinaw sa ang konteksto ng
pag-uusap/pagpupulong/gawain dahil ito ang magtatakda
ng kabuuang set-up ng pagkikita. _
12. Kailangang masagot ang mga tanong gaya ng - kailan
naganap ang pag- uusap/pagpupulong/gawain? _ __
13. Maliban sa tagpuan at panahon kung kailan naganap
ang pag- uusap, mahalagang kilalanin sila sa
pamamagitan ng pagbanggit ng buong pangalan sa unang
beses na banggitin ang pangalan nila. _
14. Layunin ng isang naratibong ulat na mapag-ugnay ang
mga pangyayaring naging karanasan, namasid o
nasaksihan at maaari namang pasalita o pasulat ang
pagsasalaysay. _
15. Karaniwang nakikita ang naratibong ulat mula sa iba’t
ibang ahensiya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat
hingil sa gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa
isang organisasyon o institution.
16. Naglalaman ito ng mga nakamit, napagtagumpayan,
gayundin ang naging kalakasan o kahinaan ng isang
ahensya o samahan.
17. Kadalasang makakakita mula sa iba’t ibang ahensya o
kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang
gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang
organisasyon o institusyon.
18. Isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng
mangyari pa, mahalaga ito upang magkaroon ng
sistematikong dokumnetasyon ang mga nangyari o kaya’y
kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan.
19. Mahalaga na ang pagsusulat nito ay magsisimula at
magtatapos batay sa nangyari. Hindi maaaring patalon-
talon ang pagtalakay sa pangyayari. Makagugulo ito sa
sinumang magbabasa ng nagawang pag-uulat. _
20. Mahalaga ang iba’t ibang elemento ng talata upang
maging katanggap- tanggap sa mga pamunuan ng
ahensyang kinabibilangan nito.

You might also like