You are on page 1of 7

PAGPILI NG BATIS O HANGUAN NG IMPORMASYON

Impormasyon - tumutukoy sa mahahalagang kaalaman o konsepto tungkol sa isang ganap na tao, bagay, lugar o
pangyayari. Ito rin ay mahahalagang detalye na may basehan, batayan, kahulugan at konteksto.

Batis - pinagmulan ng mga kaalaman na nakalap mula sa mga nabasa, naririnig, napapanood, o nararamdaman na
nagpoproseso ayon sa sariling karanasan; ito ay maituturing ding representasyon o interpretasyon.

PAGPILI NG BATIS O HANGUAN NG IMPORMASYON

Hanguang Primarya - Ito ay naglalaman ng impormasyong galing mismo sa tao o bagay na pinag-uusapan sa pangyayari
o kasaysayan.

Halimbawa: Guro, Saksi, Manunulat, Tagabalita, Diary, Autobiography, Liham

Hanguang Sekondarya - Ang batayan ng impormasyon ay mula sa primarya o pangunahing batis ng pangyayari o
kasaysayan.

Halimbawa: Aklat, Kwentuhan, Internet, Biography

Hanguang Tersyarya - Kinapapalooban ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang
hanguan para sa pangkalahatang mambabasa.- Ang mga aklat at artikulo sa ensaylopidya at mga publikasyong para sa
sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa kategoryang ito.

- Maaaring gamitin ang mga hanguang ito upang maging pamilyar sa paksa. Ngunit kung gagamitin ang mga datos mula
sa mga hanguang tersyarya upang suportahan ang isang iskolarling argumento, maaari iyong hindi mapanaligan.

Hanguang Elektroniko• Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng
mga informasyon o datos.

✓Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka nang makukuha. ✓ Ang teknolohiyang ito ay
bunga ng kumbinasyon ng servisyong postal, telefono, at silad-aklatan. ✓Sa internat ay maari ka ring magpadala ng
liham-elektroniko o e-mail sa alin mang panig ng mundo.

Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito:A. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?1. Ang web page
Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko.Halimbawa:
http://www.university_of_makati.edu/

2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo o bisnes.Halimbawa:
www.knightsofcolumbus.org www.yahoo.com

3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.Halimbawa: www.makaticity.gov


http://www.tourism.gov/

B. Sino ang may akda?Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang informasyon sa internet nang sa gayo’y
masuri kung ang informasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay kalakip ng informasyong isinulat ng may-akda ang
kanilang mga kredensyal at kwalifikasyon. Kung gayon,maaaring iverifay ang mga informasyon hinggil sa kanilang
pagkatao. Kung wala ito, mahirap paniwalaan ang kanilang akda.

C. Ano ang layunin?Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang magbahagi
ng informasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng pagpasok ng mga informasyon sa
internet. Samaktwid, maaari rin itong magamit sa pagpapakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes.

D. Paano inilahad ang informasyon?Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at
prejudice ang teksto.

E. Makatotohanan ba ang teksto?Alamin kung opisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay
maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang
website nang sa gayo’y maikumpara ito sa ibang nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi.

F. Ang informasyon ba ay napapanahon?Mainam kung ang informasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang
petsa ng pinakahuling revisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi

PAGBUBUOD NG IMPORMASYON
• Ginagawa ang pagbubuod upang iulat ang impormasyon mula sa isang hanguan.

• Tanging mga pangunahing punto lamang na nauugnay sa argumento ang nakapaloob sa buod.
Turabian. (2008): Magbuod lamang kung mauunawaan ng tagapakinig/ mamababasa ang impormasyon nang hindi
nila nalalaman ang detalye. Kung higit pa sa buod ang kanilang kailangan, hindi buod ang kailangang gawin. Maaaring
quotation o kaya’y paraphrase ng impormasyon ang kailangang gawin.

KWL Chart - ginagamit upang ilahad ang mga impormasyong dati nang alam (know), nais malaman (want) at natutunan
(learn).

Venn Diagram - ginagamit ito upang ilahad ang pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay o paksa

Story Sequence - ginagamit ito upang tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna at
wakas.

Story Ladder - katulad ng story sequence, ginagamit ito upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula
sa simula, gitna at wakas. Sa organizer na ito, isinasaayos ang mga pangyayari sa anyong hagdanan.

Timeline - kahawig ng dalawang nauna, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ang itinatampok dito. Ang kaibahan
lamang, tinutukoy ang panahon kung kailan naganap ang bawat pangyayaring madalas ay totoo.

Story Pyramid - Ginagamit ito upang ilahad ang mga importanteng impormasyon sa isang kwento tulad ng mga
pangunahing tauhan, tagpuan at mahahalagang pangyayaring bumubuo sa banghay.

Flow Chart - ginagamt ito upang ilarawan ang pagkakasunodsunod o daloy ng mga hakbang o proseso mula sa una
hanggang sa huli. Tinatawag din itong sequence chart.

Concept Map - ginagamit ito upang ilarawan ang ugnayan ng mga konsepto o ideya. Tinatawag din itong conseptual
diagram.

Cluster Map - Ginagamit ito upang ilarawan ang isang sentral na ideya at ang sumusuportang konsepto o datos

Cause and Effect T-Chart - ginagamit upang ipakita ang mga impormasyong tumutukoy sa sanhi at bunga.

Problem and Solution Chart - ginagamit upang ipakita ang mga impormasyong tumutukoy sa problema at solusyon.Main
Idea and Details Chart - ginagamit upang isa-isahin ang mga pangunahing ideya at ang mga sumusuportang detalye.
Nahawig ito sa isang balangkas o outline.

Organizational chart - ginagamit upang ilarawan ang hiyerkiya sa isang organisasyon.

Fact and Opinion Chart - Ginagamit upang paghiwalayin ang mga impormasyong katotohanan at opinion.

PAKIKINIG

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

Ano nga ba ang pakikinig?

▪ Ayon kay Yagang (1993), ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap.

• Ayon kina Howatt at Dakin (1974), nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa sa diin at bigkas, balarila at
talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita.• Ayon kay Wilga Rivers (1981), makalawang beses
tayong nakikinig kaysa sa pagsasalita, makaapat na beses kaysa sapagbabasa at makalimang beses kaysa sa pagsulat.

• Napakahalaga nito sa paglinang ng kakayahan sa pagsasalita. Gaya ng sinabi ni Nida (1957), “Ang pagkatuto sa
pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay nang malaki kung paano mo ito napakinggan nang mabuti.”• Ang pakikinig ay
isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.

Kahalagahan ng Pakikinig

1. Pagbuo ng desisyon

2. Pakikihalubilo sa kapwa

3. Pakikipagtalastasan

4. Pagtanggap ng impormasyon

Layunin ng pakikinig
1. MAALIW

2. LUMIKOM NG IMPORMASYON/ KAALAMAN

3. MAG-SURI

PROSESO NG PAKIKINIG

1. PAGDINIG SA TUNOG - Ito ang unang pagproseso ng mga tunog mula sa ispiker na magaganap nang mabilisan kasama
ang mga imahe. Ang mga imahe ay tumutukoy sa mga parirala, sugnay, pananda, intonasyon at diin at tuldik sa
kadaluyan ng tunog.2. Interpretasyon sa mensahe -

3. Layunin ng speaker - Sa prosesong ito ay inuunawa ng tagapakinig ang layunin ng ispiker kung ano ang tipo ng tunog
ang nagaganap, ang kahulugan at ang nilalaman.

4. BAKGRAWN NG IMPORMASYON - Dito nag-iisip ang tagapakinig o kung paano niya inuunawa ang kahulugan ng
paksa.

5. LITERAL NA KAHULUGAN - Sa prosesong ito ay ang pagbibigay ng tagapakinig ng karaniwas o tunay na kahulugan. 6.
METAPORIKAL NA KAHULUGAN - Ang susi sa pakikipagkomunikasyon ng tao ay ang kakayahang umunawa sa inaakala at
tunay na kahulugan ng mensahe.

7. RETENSYON SA MENSAHE - Dito pinoproseso ng tagapakinig kung anong mensahe ang dapat pananatilihin o dapat
kalimutin.

MGA URI NG TAGAPAKINIG

Ang mga tagapakinig ay maaaring mauri batay sa kanilang mga reaksyon habang nakikinig lalo na sa isang klase o
talakayan. Karamihan sa mga uring ito ay higit na aplikable sa mga pormal na kapaligirag pangklasrum, ngunit maging sa
ibang sitwasyon at pagkaataon ay maaaring makakita tayo ng isa o ilan sa mga sumusunod na uri:

1. Eager Beaver - Siya ag tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kaniyang harapan.
Ngunit kung naiintindihan niya ang kayang naririnig ay isang malaking tanong. Makikita sa kanyang mata ang kawalan ng
pokus kahit na pilit na pilit ang pagpapanggap niya na siya'y masugid na nakikinig.

2. Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong
makinig. Sa katunaya'y naiinis pa siya kapag may nag-iingay. Dahan-dahan niyang ipipikit ang kaniyang mgamata habang
inihihilig ang upo at maglakbay sa daigdig ng panaginip.

3. Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magreak sa anumang sasabihin ng nagsasalita. Lagi siyang naghihintay
ng maling sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.

4. Bewildered - Siya ang tagapakinig nakahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin
sa.pagkunot ng kaniyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kaniyang
mga naririnig.

5. Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi nalang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang
mukha ang pagiging atentibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang
sapagkat ang hinihintay niya ay ang oportunidad namakapag tanong para makapagpaimpres.

6. Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Kitang-kita sa kaniya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Madalas
nauupo siyang para bang nasa sala ng sariling bahay at itinutuon ang atensyon sa ibang bagay o tao.

7. Busy Bee - Isa siyang pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat. Bukod sa hindi siya nakikinig, abala rin siya sa
ibang Gawain katulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sakatabi, pagbabasa ng libro o magasin, pagsusuklat o iba pang
Gawain na walang kaugnayan sa pakikinig.

8. Two- Eared Listiner - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig. Nakikinig siya gamit hindi lamang ang kaniyang tainga
kundi maging ang kaniyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa Gawain ng pakikinig. Makikita rin sa kaniyang mukha
ang kawilihan sa pakikinig. Samakatuwid, siya ang uri ng tagapakinig na dapat tularan ng lahat.

MGA DAPAT TANDAAN SA EPEKTIBONG PAKIKINIG

A. PAKINGGAN HINDI LAMANG ANG MGA SALITA KUNDI MAGING ANG MGA KAHULUGAN

• Kailangang ipokus ang atensyon sa kabuuan ng mensahe na ating naririnig.


• Hindi lamang niya tinatanong ang sarili kung ano ang kahulugan ng kanyang naririnig, tinatanong din niya ang kanyang
sarili kung ano ang nais ipakahulugan ng kanyang kausap sa mga sinasabi nito.

B.TULUNGAN ANG KAUSAP NA LINAWIN ANG KANIYANG MENSAHE

• Kailangang tulungan mo ang iyong kausap na maging Malaya sa pagpapahayag nang maging malinaw ang mensaheng
iyong matatanggap.

C. IPAGPALIBAN HANGGAT MAARI ANG IYONG MGA PANGHUHUSGA

• Lahat ng tao ay may kaya-kanyang pag uugali. Mayroon din siyang mga biases at prejudices. Ngunit hindi dapat hayaan
ng isang tagapakinig na makaapekto ang mga ito sa kaniyang pagpapakahulugan sa mensahe.

D. KONTROLIN ANG MGA TUGONG EMOSYUNAL SA NARIRINIG

- Kapag hindi natin nakontrol ang ating emosyon, maaaring maging kasunod nito ang baluktot na pag-iisip at
pangangatuwiran. Bunga nito, hindi natin maririnig ang ating kausap kahit pa ang kanyang sinasabi ay tama o
makatuwiran.

E. PAGTUUNAN ANG MENSAHE

• Maaaring mapagod ang isang tagapakinig sa kaniyang pakikinig ngunit magagawa niyang hikayatin o ‘di kaya’y pilitin
ang kanyang sarili na magpatuloy sa pakikinig sa pamamagitan din ng pagtuon ng pansin sa mensahe. Napapanatili niya
ang kanyang konsentrasyon at napipigil niya ang paglalakbay ng kanyang diwa at pagkawala ng atensyon.

F. PAGTUUNAN NG PANSIN ANG ISTRUKTURA NG MENSAHE

- Higit na magiging madali ang pagalala sa mga datos kung papansinin din natin ang istruktura ng mensahe sa
pamamagitan ng pattern nito sa pag-uugnay nito sa ibang bagay

KASANAYAN SA PAGSASALITA

Pagsasalita

✓ Kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kaniyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng
paggamit ng wikang nauunwaan ng kaniyang kausap.

✓ Kakayahang ipabatid ang nasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas

KAHALAGAN NG PAGSASALITA

✓ Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita

✓ Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao

✓ Nakapag aanyaya o nakakaimpluwensya ng saloobin ng nakikinig

✓ Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan

MGA PINUNOABRAHAM LINCOLN• Dating pangulo ng Estados Unidos, naging tanyag at nagiwan ng hindi na
mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi maging sa buong mundo.• Hindi mataas ang pinag-
aralan sapagkat wala siyang pormal na edukasyon at siyang mahirap na mamamayan lamang

• Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita
ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya.• Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang kanyang Gettyburg
Address at ikalawang Inagural Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng
daigdig.

FRANKLIN DELANO ROOSEVELT▪ Nanatili sa White House nang apat na sunudsunod na termino mula 1923-1925.▪
Nilinang niya ang kanyang kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga
malalayang simulain ng pagsasalita.▪ Halos lahat ng kanyang talumpati sa radio ay praktisado ng lubusan.

• Maging ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunod-sunod na tagumpay ay nakaugat sa
kanyang impluwensya sa kanyang tagapakinig.

JOHN F. KENNEDY▪ Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng
ipinalabas ng mga programang pantelibisyon.▪ Dahil sa kanyang epektib na pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa nasabing
halalan.
DEMOSTHENES▪ Tanyag na isang dakilang orador.

▪ Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang sarili magsalita nang tuloy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng
pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan.▪ Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang
maituwid lamang ang kanyang pananalita.

Pagtatalumpati

- maituturing na Isang uri ng sining

- Ito ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla

- Dito makikita ang katatasan at husay ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kaniyang
pangangatwiran sa paksang tinatalakay

MASINING NA PAGBIGKAS

• Lakas ng Pagbigkas

- ito ay may kinalaman sa angkop na lakas o paghina ng tinig

- batay ito sa damdamin at kaisipang nais ipahayag ng bumibigkas

• Bilis ng Pagbigkas

- Ito ay may kinalaman sa bilis o bagl ng pagbigkas na dapat iakma at ibatay rin sa damdamin at kaisipang nais ipahayag
ng bumibigkas

• Linaw ng Pagbigkas

- Ang salik na ito ay tumutukoy sa tamang lakas ng tinig, bilis ng pagbigkas, tamang bigkas ng mga salita, pagsasaalang
alang ng tamang din upang maunawaan ang ibig ipakahulugan ng bawat salita.

• Hinto

- Ang paghinto ay maaring matagal sa bawat tuldok o sa katapusan ng bawat pangungusap, samantalang sa kuwit sa loob
ng pangungusap ay bahagya Ang paghinto

• Kilos at Kumpas

- Upang ganap na maunawaan ang pagbigkas, ang angkop na kumpas ng kamay at pagkilos ay kailangan.

- Nakatutulomh ito upang higit na kawili wiki, nakakahikayat at makulay ang pagbigkas.

KASANGKAPAN NG ISANG NAGSASALITA

• Kaalaman sa Paksa

- Magiging mabisa ang nagsasalita kung hawak niya ang halos lahat ng detalye tungkol sa paksang pinag uusapan.
Nakakapagpahayag siya ng mga kinakilangang impormasyon lalo na kung may malawak din siyang talasalitaan kaugnay
sa mga kaisipan at konseptomg kanyang ipinahahayag.

• Tiwala sa Sarili

- Madalas na Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na kaalaman sa paksang pinag uusapan at maging sa
malawak na talasalitaan.

- Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at eksposyur

• Tindig

- Sa pagsasalita, kailangan ang maayos na tindig na nagpapakita ng tiwala sa sarili, paggalng ay pagiging interesado sa
kausap

- Lalo na itong kailangan ng nagsasalita sa tanghalan ng magbibigay ng panayam o lektyur at nagtatalumpati

• Kasanayan

- Naipapakita ang kasanayan sa paraan ng pagbigkas ng mga salita, pagpili ng mga talasalitaamg gamitin at maging sa
kaniyang mga kaalaman sa paksang pinag-uusapan
- Naihahanay niya ng maayos at lohikal ang kanyang mga ideya.

• Lugar

- Nasaan ang nag uusap ? ( sa palengke , sa parke , sa eskwelahan )

• Papel na Ginagampanan

- Ano ang relasyon ng nag uusap ? ( Kaibigan vs kaibigan, amo vs utusan , namimili vs nagbibili, mag asawa,
magksintahan , magkapatid )

• Paksa

- Nosyon o kaisipang pag uusapan ( libangan, hanapbuhay, laro, artista , pagkain, pag aaral )

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA

Kahandaan

- Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang talumpati sa panimula o inyroduksyong
binibigkas ng tagapagsalita

- Kung maganda ang panimula, nakuha agad ang atensyon ng mg tagapakinig

- Dalawang mahalagang salik para sa panimula ng pananalita :

a. kilalanin ang tagapakinig b. isaalang alang ang okasyon kung pormal o di pormal

Kahusayan sa Pagsasalita

- Madaling maganyak na makinig ang publiko kung mataas at mahusay magsalita ang mananalumpati/ tagapagsalita

- Ibinibigay ng tagapagsalita ang kaniyang tinig sa nilalaman ng kaniyang talumpati.

- Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wasting grammatika , at
wastong pagbigkas ng mga salita.

Ibat ibang uri ng Talumpati

Impromptu

- ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda

- Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita

Extempore

- Ayon Kay James M. Copeland , anag unang kahirapan sa pagsagawa ng pagbigkas na extempore ay isang kompetisyon
ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa pagbigkas

- Ang paghahanda sa ganitong topo o uri ng pag talumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksanag sa
mismong paligsahan

Isinaulong Talumpati

- sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kaniyang talumpati

- Samakatuwid may paghahanda na sa ganitong topo ng pagtatalumpati at kaiilangang memoryado o saulado ang pyesa
bago bigkasin ang talumpati

Pagbasa ng papel sa panayamo Kumprensya

- Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumprensya

- Ang pag oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/ konklusyon ay dapat na
magkakaugany at may kaisahan.

You might also like