You are on page 1of 7

Mga Uri ng Tekstong

Impormatibo
- Aktuwal na datos, katotohanan o pangyayari (Factual data)
- Bagong puntos o kaalaman (New knowledge)
- Talaan ng nilalaman, glosari at indeks
Iba’t ibang impormasyon
1. Hango sa isang sangguniang nasaliksik (From research)
2. Natuklasan buhat sa tekstong binasa (Text read)
3. Nauugnay sa isang reyalidad (Reality)
4. Malalim pang pananaliksik ng sumulat (Using other reference)
Mga bahagi ng tekstong impormatibo
- Panimula - pagpapakilala sa paksa (Introduction)
- Pamungad na pagtatalakay sa paksa- buwelo ng pagtalakay sa paksa (Intro discussion)
- Graphical representation
- Aktuwal na pagtatalakay sa paksa- komprehensibong pagtatalakay sa paksa (Topic
discussion)
- Mahalagang datos
- Pagbanggit sa mga sangguniang ginamit (Citation of reference)
- Paglalagom (Recap)
- Pagsulat ng sanggunian- isinusulat ang lahat ng sanggunian (List of reference)
Paraan ng pagpapahayag ng impormasyon sa tekstong impormatibo
- Pagbibigay - depinisyon
- Pagbibigay - diin (Emphasis)
- Paglagay ng talaan ng nilalaman, glosari, at indeks
- Paggamit ng mga grapikong pantulong, ilustrasyon, tsart, at larawan

Deskriptibo
- Naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa (Clear
Image)
Mga pangangailangan sa epektibong deskripsiyon
1. Pagpili ng paksa (Subject)
2. Pagbuo ng isang pangunahing larawan (First Image)
3. Pagpili ng sariling pananaw o perspektibo (Point of view or Perspective)
4. Kaisahan
5. Pagpili ng mga sangkap na isasama
Dalawang uri ng deskripsiyon
- Karaniwan- malinaw na larawan sa isipan (Clear mental Image)
- Masining- pumupukaw ng guni-guni (Imagination)

Pursuweysib/Nanghihikayat
- Himukin ang mambabasa na kumilos at gumawa ng isang bagay na naaayon sa
kagustuhan ng manunulat. (Writers desire)
- Ginagamitan ng mga pananalitang nakahihikayat sa mga mambabasa at tagapakinig.
Tatlong paraan sa panghihikayat
1. Ethos- paggamit ng imahe o kredibilidad (Using image and personal credentials)
2. Pathos- emosyon (Emotions and imaginations)
3. Logos- paggamit ng lohika at impormasyon (Logic and information)
Cohesive devices-
- Anapora- ginagamit kapag ang panghalip ay nasa hulihan ng pangungusap (Pronoun at
end)
- Panghalip- replaces a noun
- Si jasleen ay maganda. Siya ay nag-aaral ng mabuti.
- Katapora- ginagamit tuwing nasa harap ang panghalip (Pronoun at start)
- Kung hindi siya ang pinakamaganda, marahil magagalit si jasleen.
Paraan ng panghihikayat
1. Nagsasaad ng prinsipyo o paniniwala (Aspiration and Beliefs)
- Itinatampok ang paniniwala o adhikain ng isang tao, grupo ng tao, o institusyon
2. Nagbibigay - edukasyon o nangangaral
- Saligan o batayan na ang layon ay akapagbigay ng kaalaman (Purpose of knowlegde)
3. Nang-iimpluwensiya
- Layon ay mabago ang paniniwala ng isang indibidwal, grupo ng mga tao, o ng isang
institusyon (Change the beliefs)
4. Namimilit
- Puwersa ng paniniwala sa tao, grupo ng mga tao, o isang institusyong nais nitong
hikayatin (Force to believe)
5. Nanliligaw
- Kabaligtaran ng pamimilit (Opposite of coercion)

Naratibo
- May layuning magsalaysay o magkuwento ng mga magkakaugnay-ugnay na
pangyayari.
Mga katangian
1. Mabuting pamagat
a. Maikli (Short)
b. Kawili-wili (Interesting)
c. Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas (No revealing end)
d. Hindi katawa- tawa (Not funny)
e. May kaugnay o naaangkop sa paksa (Appropriate to topic)
2. Mahalagang Paksa
- Gaano kahalaga ang isang naratibong komposisyon, gayon din naman ang paksa
3. Wastong pagkasunod- sunod ng mga pangyayari
- Iba-ibang ayos ang pagkakasunod-sunod ng isang narasyon. Karaniwan nang ito’y may
ganitong ayos:
- Simula - Gitna - Wakas
- Gitna o dakong wakas - Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng paggunita o
pagalala - Wakas.
- Nagsisimula sa wakas - Nagbabalik sa tunay na simula - Nagtatapos sa tunay na
wakas na ginamit sa simula ng sumulat.

4. Mabuting simula
- Kailangang maging kawili-wili
5. Mabuting wakas
- Kinakailangang maging kawili-wili upang maikintal ang bisa ng narasyon sa mambabasa
(Interesting to impress the validity of the narrative)

Argumentatibo
- Naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na
pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.
- Kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang ebidensiyang batay sa katotohanan
upang manghikayat ang tagapakinig o mambabasa.
Mga bahagi
1. Panimula - mapanghikayat
2. Katawan - kailangang organisadong nakahanay (Organized and alined)
3. Konklusyon - pananaw
Paraan
1. Pagsusuri - Iniisaisa ang mga bahagi ng paksa upang ang mga ito ay masuri
2. Pagtukoy sa mga sanhi - Inuugat ang mga naging sanhi ng mga pangyayari (Cause of
events)
3. Pagbubuod - sinisimulan sa maliit na patunay tungo sa paglalahat (Small proof to
generalize)
4. Pasaklaw - sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o kaalaman at iisa-isahin ang mga
mahahalagang punto (General truth or knowledge and lists the important points)
Mga halimbawa ng sulatin
1. Tesis
2. Posisyong papel
3. Papel na pananaliksik
4. Editoryal
5. Petisyon
6. Debate

Prosidyural
- Makapaghatid ng sunod-sunod at metodolohikal na mga hakbang na may basehan o
siyentipikong Sistema o panuntunan (Convey sequential and methodological steps)
- Layunin nagabayan ang bumabasa upang makamit ang isang awtput o matumpay na
magagawa ang isang aktibidad sa pamamagitan ng magkakasunod na impormasyon o
panuto (Purpose is to guide the reader to achieve an output)
Katangian
1. Sistematiko at metodikal ang paglalahad
- Magkaroon ng sistematiko at metodikal na hakbang na sundin ng mambabasa
(Important to have a systematic and methodical)
2. May malinaw na instruksiyon o panuto
- Mahalagang malinaw ang pagkakapahayag ng bawat panuto (Each instruction should
be clearly stated)
3. May malinaw na target o awtput
- Malinaw sa isang hakbang ang layuning o inaasahang awtput (Output must be clear in
every step)

Pagsasalin: Katuturan, Kahalagan, mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasalin


Pagsasalin
- Ang proseso ng pagsasalin ay paglilipat ng kahulugan mula sa isang wika patungo sa
iba pang wika (Translational from one language to another)
- Isa sa mahalagang bagay o disiplinang nakapaloob sa proseso ng pananaliksik ang
pagsasalin (Disciplines included in the research process)
Mga Salik sa Proseso ng Pagsasalin
- Dalawang termino ang dapat isaalang alang sa proseso ng pagsasalin
1. Source Language o SL ang wikang isinasalin
2. Target language o TL ang gagamiting wika sapagsasalin
HALIMBAWA:
- The bag is expensive. (Source language o SL)
- Mahal ang bag. (Target language o TL)

Mga bagay na dapat na dapat isaalang-alang sa proseso ng pagsasalin


1. Wika
- Kaluluwa ng isang bansa ang wika. Isang bagay na dapat siguraduhin ng isang
tagapagsalin na kailangang may sapat siyang kaalaman hindi lamang sa isang wika
kundi sa iba pang wika (Soul of nation, translator must be sufficient knowledge)
2. Kultura
- Proseso ng pagsasalin inilalapat hindi lamang ang kahulugan ng isang wika buhat sa iba
pang wika kundi pati na rin ang kabuluhan ng kultura ng parehong wika. Kailangang
isaalang-alang ang mga kultural na aspeto ng parehong SL at TL (Cultural significance
of the language)
3. Panahon
- Maingat ang pagtutumbas sa pagsasalin sapagkat nilalayon nito ang kahulugan buhat
sa ibang wika at kultura kung kaya’t hindi dapat minamadali ang bawat proseso (It aims
at the meaning from another language and culture so every process should not be
rushed)
4. Sangunian
- Maari kang gumamit ng monolingual o bilingual na diksiyonaryo, depende sa iyong
pangangailangan.
Monolingual
- Masasabing pinaka awtoridad na sanggunian ang paggamit ng Merriam-Webster na
diksyonaryo (Most authoritative reference)
Bilingual
- Recommended dictionary are as follows:
- Ingles - Filipino = dictionary ni Fr. Leo English
- Ingles - Filipino = dictionary nina Victor at Luningning Santos na Viccasan dictionary
- Ingles to Filipino = UP diksiyonaryong Filipino

Mga katangiang dapat taglay ng isang nagsasalin


1. Sapat na kaalaman sa mga sangkot na wika at kultura
- Marapat lamang na may sapat na kaalaman ang isang tagapagsalin sa mga wikang
sangkot na kaniyang isinasalin. Hindi lamang simpleng paglalaro sa mga salita at
kahulugan nito ang pagsasalin (Must have sufficient knowledge of the languages)
2. May sapat na panahon
- Binibigyan dapat ng tagapagsalin ang kanyang sarili ng sapat na panahon sa pagsasalin
(Enough time to translate)
3. Malawak ang pagbabasa
- Kailangang magkaroon ang isang tagapagsalin ng malawak na pagbasa sa iba’t ibang
teksto o diskurso. Hindi ka dapat reliant sa dictionary lang (Must have extensive reading
in various texts)
4. Sumasannguni sa mga awtoridad na batayan at sanggunian
- Walang perpektong pagsasalin at walang perpektong pagtutumbas na mga salita.
Marapat na sumangguni sa mga sanggunian tulad ng mga diksyunaryo hindi upang
makabuo ng konsepto (No perfect translation and refer to dictionaries)

Ang proseso ng pagsasalin: bago ang salin


1. Pagsasanay sa isinasagawang pagsaasalin
- Maaaring simulan ang pagsasalin sa mga ekspresyon o sa mga araw-araw na nakikita
sa paligid (Seen everyday around)
2. Pagbasa at pamilyarisasyon sa TL at sa teksto ng TL
- Hindi dapat magsimula ang pagsasalin nang basta na lamang magsasalin nang hindi
binabasa, inuunawa, at nagiging pamilyar sa tekstong isinasalin (Not w/o understanding
or before familiarizing with words)
3. Pag-aaral sa kultura ng TL
- Kailangang magbasa at umunawa pa rin ng ibang teksto na tumutukoy o naglalarawan
ng kultura ng TL. Magbasa ng kasaysayan o mga lifestyle na babasahin hinggil sa
kultura ng TL (Understanding culture, lifestyle and history)
4. Pagpili at paggamit ng diksiyonaryong gagamitin
- Kagaya ng nabanggit, marapat na gumamit ng diksyonaryo sapagkat kahit gaano ka pa
kabihasa sa pagsasalin, may mga pagkakataong sa proseso na iyong ginagawa na
mawawala ka at kailangang mangapa ng mga pagpapakahulugan (Use of dictionary)
Ang proseso ng pagsasalin: Ang aktwal na pagsasalin
1. Literal na pagsasalin
- Tinatawag itong formal equivalence o direktang pagtutumbas ng mga sangkot na wika o
mga aspektong lingguistiko (Formal or direct equivalence)
Halimbawa:
- The students are listening to their teacher. (SL)
- Nakikinig ang mga estudyante sa kanilang guro. (TL)

Kabanata 1
- Kinapapalooban ng mga pinakamahahalagang bahagi ng pananaliksik ang unang
kabanata sapagkat sa bahaging ito matutunghayan ang mga batayan sa paggalugad ng
kaalaman sa ninanais na gawan ng pananaliksik (Most important parts of the research -
exploring knowledge indesire subject)

Panimula
- Binibigyang-linaw ng panimula ang mga katanungang maaaring gumugulo sa isipan ng
mga mambabasa sa isinasagawang pananaliksik (Clarifies the questions that may
trouble the mind)
- Nilalaman nito ang maiksing pagpapakilala sa makrong dulog o malawakang pagtingin
(Marco or broad view)
- Ipinapakita rin nito ang haylayt na mga pinagbatayang literature’t pananaliksik na
nagsisilbing hanguan ng suliranin ng pagaaral (Highlights of the literature and research)

Kaligirang kasaysayan ng pag-aaral (Background of study)


- Nagiging karaniwang kamalian ng mga sumulat ng seksyong ito ang paglalagay ng mga
kasaysayan ng intitusyong o paksang ginagawan ng pag-aaral.
- Dapat na inihahayag sa bahaging ito ang kaligiran at saklaw ng pag-aaral (Scope of
study)
- Naghahatid ito ng kaalaman sa mga mambabasa kung saan ipinokus ng mananaliksik
ang paksa (Focus of topic)
- Detalyado ring ipinaliliwanag sa bahaging ito ang mga dahilan kung bakit napakahalaga
ng paksa ng pag-aaral (Reason of study)

Batayang teoretikal (Theoretical framework)


- Inilalarawan at ipinaliliwanag ng bahaging ito ang mga teoryang pinagbabatayan ng
isinasagawang pananaliksik/pag-aaral na kinuha mula sa mga kaugnay na pag-aaral o
literatura (Theories underlying the conducted research/stud)
Balangkas konseptwal (Conceptual framework)
- Binigyang-linaw ng bahaging ito ang mga elemento ng pinaghanguang teorya na
ginagamit sa pag-aaral (Clarifies the elements of the adapted theory)
Paglalahad ng suliranin (SOP)
- Pinakapuso at utak ng isang pananaliksik ang bahaging ito ng pag-aaral. Nilalaman nito
ang mga katanungang pampanalaliksik. Ito rin ang nagsisilbing pinakapamagat ng
pagaaral o pananaliksik. Sumasagot ito sa mga katanungang “ Ano, Sino, Saan at
Kailan” (Heart and brain of a research)
Mga tiyak na suliranin (Questions)
- Ang bahaging ito naman ay kakikitaan ng malinaw, tiyak at lohikal na pahayag ng
kabuuan ng suliranin (Clear, specific and logical statement of the whole problem)

Hipotesis o Asumpsyon
- Inilalahad ng mga bahaging ito ang mga teorya ng mga kaugnay na literature at
pagaaral na maaaring pinatotohanan o pinasubalian ng kasalulukuyang isinasagawang
pag-aaral o pananaliksik (Present the theories of related literature and studies that may
be verified or disproved)
Asumpsyon (Assumption)
- Ang asumpsyon kung walang bryabol na susubukin sa paraang istadistikal at inihahayag
ng mananaliksik ang maaaring maging kahinatnan ng isinasagawang pag-aaral ()
Hipotesis (Hypothesis)
- Ang Hipotesis naman ang dapat na gamitin kung susubukin ang pagkakaroon ng
makabuluhang pagkakaiba o pagkakaugnay ng mga ginamit na baryabol sa
pamamagitan ng kalkulasyon ng kompyutasyong istadistikal.

Kahalagahan ng pag-aaral (Importance of study)


- Ano ba ang magiging silbi ng isinasagawang pananaliksik sa larangan na kinabibilangan
nito (Use of the research being conducted in the field it belongs to)

Saklaw at hangganan ng pag-aaral (Scope and limitations of study)


- Inihayag sa bahaging ito ang kasaklawan (nais na pag-aralan) at kahangganan (hindi
sakop ng pag-aaralan) ng pananaliksik (Scope (desired to study) and limitations (not
covered by the study))

Katuturan ng mga katawagan (Definition of terms)


- Hindi makakaiwas sa gawaing pananaliksik ang pagkakaroon ng terminolohiyang
magagamit nang ispesipiko para lamang sa isinasagawang pag-aaral (Terminology)

You might also like