You are on page 1of 4

Pagsulat Reviewer

Paglalahad - ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang pook, bagay o


ideya. Sa maikling salita ang paglalahad ay isang uri ng sulatin na nagpapaliwanag sa mga
bagay bagay ng maayos, detalyado ay komprensibo
- tinatawag ding Expository writing sa ingles.
Sanaysay - Ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay
at komentaryo sa buhay.
- Ito ay hango sa salitang pranses na ‘essayer’
Dalawang Uri ng Sanaysay
1. Pormal - Tinatawag din itong impersonal o siyentipiko.
- ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat
na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
2. Impormal - Tinatawag din itong pamilyar o persona.l
- Ito’y naglalarawan ng pakahuluhgan ng may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng
kanyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay.
Labingdalawang natataging uri ng sanaysay
1 . Nagsasalaysay - Ito ay katulad din ng pormal na sanaysay dahil ito ay sasanay na
gumagamit ng mga salitang pormal.
2. Naglalarawan - ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari sa buhay, inilalarawan nya lahat ng
detalye.
3. Mapag-isip o di praktikal - ito ay naghahayag ng mga salita na nagbibigay sa mga
mambabasa na mapag-isipan ang kanilang binabasang sanaysay.
4. Kritikal o mapanuri - ito ay isang papel na nangangailangan ng isang malalim na pag-aaral
ng isang paksa at inilalantad nito malakas at mahina tampo
5. Didaktibo o nangangaral - ito ay nagpapahayag ng kanyang sariling karanasan na
nagbibigay pangaral o inspirasyon sa mga mambabasa.k.
6. Nagpapaalalaito - ay nagpapahayag ng kanyang sariling opinyon upang makapag-paalala
sa mga mambabasa ng kanyang mga naiispan.
7. Editoryal - ito ay ginagamit sa mga balita at may mga paksa tungkol sa mga nangyayari na
trahedya sa kapaigiran.
9. Sosyo-politikalito - ay nagpapatungkol sa mga politika na mga gawain tulad ng paksa sa
mga tauhan ng gobyerno o kaya naman ay naglalahad ng mga pangyayari sa loob ng politika.
10. Sanaysay na pangkalikasan - ito ay tungkol sa mga kalikasan, pumapaksa sa kapaligiran
tulad ng paksa patungkol sa kagubatan.
11. Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan- Nagsasanaysay na nakapokus lamang sa
isang tauhan, inilalahad nito ang paksa tungkol sa tauhang ito.
12. Mapagdili-dili o replektibo - Isang masining na pagsulat na may kauganayan sa
pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
Panimula - Ito ay dapat nakakatatawag ng pansin o nakapupukaw sa damdamin ng mga
mambabasa.
Katawan - Kinakailangang maging mayaman sa kaisipan at nagtataglay ng kaisahan ang mga
detalye nito.
Wakas - Karaniwang nababasa ang pangkalahatang impormasyon ng may-akda.
Replektibong Sanaysay - pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at
damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat
nito.
Larawang Sanaysay - Ito ay koleksyon ng mga larawang maingat na inaayos upang maglahad
ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto, o
magpahayag ng damdamin
Lakbay Sanaysay - Tinatawag ding travel essay o travelogue.
- Isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa
paglalakbay.
NONON CARANDANG - Tinawag niyang “sanaylakbay” ang lakbay-sanaysay kung saan ang
terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay
.- Naniniwalang ang sanaysay angpinakaepektibong pormat ng sulatinupang maitala ang mga
naranasansa paglalakbay.
Posisyong Papel - ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na katwiran
ukol sa pinapanigang isyu.

Balangkas ng Posisyong Papel


1.Panimula
- Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-
usapan.
2. Paglalahad ng mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa Iyong Tesis
- Ilahad ang mga kinakailangangi mpormasyon para mapasubalian ang binanggit na
counterargument.
- Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad.
3. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
- Pagpapahayag o paglalahad ng hanggang tatlong punto ng iyong posisyon.
- Maglahad ng mga patunay at ebidensyang hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian
4. Konklusyon
- Muling paglalahad ng argumento ot esis
- Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso
o isyu.

Talumpati:
Pagtatalumpati - ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang
pasalita na tumatalakay sa isang partikular na paksa.
Mga Uri ng Talumpati:
1. Biglaang Talumpati - Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag na Talumpati - Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng
ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito - Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati - Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-
aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Mga Uri ng Talumpati ayon sa Layunin:
1. Talumpating nagbibigay impormasyon o kabatiran - Magpabatid ng mga paksa,isyu, o
pangyayari sa mga nakikinig.
2. Talumpating Panlibang - Magbigay kasiyahan sa mga nakikinig.
3. Talumpating Pampasigla - Magbigay ng inspirasyon, makapukaw at makapagpasigla sa
damdamin at isipan ng tao.
4. Talumpating Panghikayat - Hikayatin ang tagapakinig natanggapin ang paniniwala sa
pamamagitan ngpagbibigay-katwiran at mga patunay.
5. Talumpating pagbibigay-galang - Layuning tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon.
6. Talumpating Papuri - Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa bagong hirang na opisyal,
taong namayapa, o pagpaparangal.

Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati:


1. Kronolohikal na Huwaran - Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.
2. Topikal na Huwaran - Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa
pangunahing paksa.
3. Huwarang Problema-Solusyon - Ginagamit ito sa mga uri ng talumpating nanghihikayat
onagpapakilos.

Diskusyon o Katawan - Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat


dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang
pinakakaluluwa ng talumpati.
Mga Katangiang Taglay sa katawan ng talumpati:
a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at
maliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye.
b. Kalinawan - kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang
maunawaan ng mga nakikinig.
c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.
Katapusan o Konklusyon - Dito nakasaad ang pinaka kongklusyon ng talumpati. Dito
kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.
Haba ng Talumpati - Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas.
Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.

You might also like