You are on page 1of 55

KABANATA 2

PAGPOPROSESO NG
IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON
Pagpili ng Batis (Sources) ng
Impormasyon
Pagpili ng Batis (SOURCES ) ng
Impormasyon

1. Ang mga Hanguang Primarya (Primary Sources)


2. Ang mga Hanguang Sekondarya (Secondary Sources)
3. Hanguang Elektroniko o Internet
Ang mga Hanguang Primarya (Primary
Sources)

Ito ang mga hanguang pinagmulan ng mga raw


data, ika nga. Sa kasaysayan, halimbawa,
kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa
panahon o taong pinapaksa, mga bagay-bagay,
mapa at maging kasuotan.
Ang mga Hanguang Sekondarya
(Secondary Sources)

Anumang bagay na naglalarawan, nagsasalin o


nagsusuri ng impormsyon mula sa primaryang
sanggunian.
Halimbawa ng Hanguang Sekondarya o
(SECONDARY SOURCES)
 Diksyunaryo
 Ensayklopidya
 Journal
 Magasin
 Pahayagan
 Newsletter
 Aklat o Textbook
Hanguang Elektroniko o Internet

Isa sa pinakamalawak at pinaka mabilis


na hanguan ng mga impormasyon o datos.
a. Anong uri ng website ang iyong titingnan
1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa mga
institusyon ng edukasyon o akademiko.
Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu/

2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa


komersyo o bisnes.
Halimbawa : www.knightsofcolumbus.org
www.yahoo.com

3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan.


Halimbawa : www.makaticity.gov
b. Sino ang may akda?
c. Ano ang layunin?
d. Paano inilahad ang impormasyon?
e. Makatotohanan ba ang teksto?
f. Ang impormasyon ba ay napapanahon
PAGBABASA AT
PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON
HALIMBAWA NG HANGUANG PRIMARYA

 Eyewitness accounts o mismong nakasaksi ng pangyayari


 Rekord ng mga talumpati at mga larawan
 Talaarawan o Diary records
 Autobiographies
 Mga pampublikong kasulatan o dokumento
Mga Layunin sa Pagbabasa :

1. Nagbabasa upang maaliw.


2. Tumuklas ng mga bagong kaalaman at
maimbak ito.
3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4. Mapaglakbay sa lugar na pinapangarap marating.
5. Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at mabatid at
pagkakatulad at pagkakaiba sa kulturang kinagisnan.
APAT NA HAKBANG SA PAGBASA NA DAPAT
TANDAAN AYON KAY WILLIAM S. GRAY
1. Persepsyon- Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at
kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.
2. Komprehensyon- Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
3. Reaksyon- Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan,
kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto.
4. Integrasyon- Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay o paggamit ng
mambabasa sa kanyang dati at mga bagung karanasan sa tunay na buhay.
Ano ang Teorya sa Pagbasa

Ito ay nagtatangkang ipaliwanag ang mga


proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa
mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at
ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).
Mga Teorya sa Pagbasa

A. Teoryang Itaas-Pababa (Top-Down)


B. Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)
C. Teoryang Interaktibo
D. Teoryang Iskema (Schema)
Teoryang Itaas- Pababa (Top-Down)

Ang teoryang ito ay naniniwalaang ang pag-unawa


ay nagmumula sa isipan ng mambabasang mayroon
nang dating kaalaman at kaisipan. Ang daloy ng
impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas
(TOP) patungo sa ibaba (DOWN) na ang ibig sabihin
ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)
Ang pang-unawa sa isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba
(bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas
(up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng
mata at utak o isipan. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang
behaviourist at sa paniniwalang ang utak ay isang blankong
papel o tabula rasa.
Teoryang Interaktibo

Nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at


ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at
ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
Teoryang Iskema (Schema)

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan


sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang
binasang teksto. Ang iskema ay nadaragdagan,
nalilinang, nababago at napapaunlad.
Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap


ng mga totoong impormasyon na humahantong sa
kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng
paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman
na.
Tatlong Yugto ng Pananaliksik sa Silid- Aklatan

Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard tagalog, sangguniang aklat,


bibliograpiya, indeks at hanguang elektroniko o internet.

Yugto 2: Pagsusuri na kinakasangkutang ng browsing, skimming, at scanning ng


mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.

Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer


printouts, at iba pang sanggunian.
PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-
UGNAY NG IMPORMASYON
PAGBUBUOD

Ito ay pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin.


Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang
impormasyon na nakuha sa tekstong binasa.
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGUBUOD

Hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito


sa salitang Griyego na “paraphrasis”, na ang ibig
sabihi’y “dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag”.

Lagom o Sinopsis- ay isang pagpapaikli ng mga


pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang
di lalampas ito sa dalawang pahina.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD
 Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang
buong diwa nito.
 Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng
pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata.
 Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
 Gumamit ng sariling pananalita.
 Hindi dapat lumayo sa diwa ang estilo ng orihinal na akda.
KATANGIAN NG PAGBUBUOD
 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay
sa paksa.
 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo
ng sarili nating mga salita.
 Ito ay pinaikling teksto.
PAG-UUGNAY-UGNAY NG IMPORMASYON

Ang GRAPHIC ORGANIZERS ay may kagamitang


pedagohikal. Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga
guhit, larawan, at mga salita upang linawin at ilantad ang
mga kaisipan, konsepto, proseso, at ugnayan ng mga
bagay-bagay.
MGA URI NG GRAPHIC ORGANIZER
1. K-W-L Chart
2. Venn Diagram
3. Main Idea and Details Chart
4. Cause and Effect Chart
5. What if? Chart
6. Fishbone Planner
7. Story Ladder
8. Story Pyramid
9. Cluster Map
10. Organizational Chart
11. Fact and Opinion Chart
12. Timeline
K-W-L CHART
Teknik upang matukoy ang dati ng kaalaman at iniuugnay sa mga
bagong kaalaman.
VENN DIAGRAM
Ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng
dalawang paksa upang makita ang pagkakatulad ng mga
ito.
MAIN IDEA AND DETAILS CHART
Ginagamit tuwing may pinag-aaralang pangunahing
kaisipan at pag iisa sa mga detalye.
CAUSE AND EFFECT CHART
Ito ay nagbuuod ng sanhi at bunga ng isang pangyayari o
phenomenon
WHAT IF? CHART
Ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga mag-aaral
sa pagbibigay ng mga kasagutang maaring itugon sa mga
pangyayaring susuriin.
FISHBONE PLANNER
Ito ay ginagamit sa pagtitimbang-timbang sa maganda at
hindi magandang epekto ng isang isyu o paksang pinag-
uusapan.
STORY LADDER
Ginagamit ito upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari mula sa simula, gitna at wakas. Isinasaayus ang
pangyayari sa anyung hagdan.
STORY PYRAMID
Ginagamit upang ilahad ang mga importanteng impormasyon sa
isang kwento tulad ng pangunahing tauhan, tagpuan at
mahahalagang pangyayaring bumubuo sa banglay.
CLUSTER MAP
Ginagamit ito upang ilarawan ang isang sentral na ideya at mga
sumusuportang konsepto o datos.
ORGANIZATIONAL CHART
Ginagamit ito upang ilarawan ang hirerkiya sa isang
organisasyon.
FACT AND OPINION CHART
Ginagamit upang paghiwalayin ang mga impormasyong
katotohanan at opinyon.
TIMELINE
Ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari ang itinatampok
kasama ang panahon kung kalian naganap ang bawat pangyayari.
PAGBUBUO NG SARILING
PAGSUSURI BATAY SA
IMPORMASYON
MGA HALIMBAWA NG PROPAGANDA TECHNIQUES

1. Name Calling
2. Glittering Generalities
3. Bandwagon
4. Card Stacking
5. Testimonial
6. Transfer
7. Makamasa
NAME CALLING
Ang pag-aakusa o pagbatikos sa isang tao sa pamamagitan ng
paggamit ng hindi magandang etika.

Halimbawa:
 Isa syang sinungaling at basagulero.
 Kutis mo’y kasing itim ng uling.
 Isa kang Hipon.
GLITTERING GENERALITIES
Mga mapanlilang na general terms na ginagamit sa isang tao
upang maiwasan ang mga hindi magagandang detalye tungkol sa
kanya.

Halimbawa:
 Pagmamahal
 Kapayapaan
 Kalayaan
 Katotohanan
BANDWAGON
Ito ay ang pagkumbinsi sa mga tao na gumawa ng isang bagay kung
saan ipinapakita nilang marami din ibang tao ang gumagawa nito.

Halimbawa:
 Sikat
ang ADIDAS ngayun ang daming gumagamit at bumibili, alam
mona ba?
CARD STACKING
Ang pagpresinta ng magagandang katotohanan tungkol sa isang tao o
bagay at pagtatago ng hindi kanais-nais na katangian nito .

Halimbawa:
 Nangtanungin si Julie tungkol sa mapang-api niyang ama, sinabi
niyang “Matangkad at guwapong lalaki ang tatay”.
TESTIMONIAL
Ang paggamit ng mga salita ng sikat na personalidad upang mahikayat ang
ibang mga tao.

Halimbawa:
 Gumagamit si Sharon Cuneta ng facial cleanser na ito. Sabi nya,
pinapaganda, pinapalambot at nililinis nito ang kanyang kutis.
TRANSFER
Ang paggamit ng pangalan o larawan ng mga sikat na personalidad upang
mahikayat ang mga tao.

Halimbawa:
 Ginagamit ni Paeng Nepomuceno ang ganitung tatak ng sapatus. Gagaling
ka din sa paggamit ng tatak ng sapatos na ito.
MAKAMASA
Ang pagtatag ng isang tao bilang “masa” upang maraming tao ang
magkagusto sa kaniya.

Halimbawa:
 Nagsusuot ng mga ordinaryong damit na pantrabaho ang mayayamang
politiko upang makakuha ng maraming mga boto sa susunod na
eleksiyon.
KAKAYAHANG
KOMUNIKATIBO
Kakayahang Komunikatibo
 Ang kakayahang komunikatibo ay nangangahulugan na kakayahan ng
isang indibidwal na magamit ng tama at wasto.

 Ang kakayahang ito rin ay sumasakop sa pagkakatuon ng tamang pag-


unawa sa alituntunin sa tamang paggamit ng wika maging ang dapat
na asal ng tao sa paggamit nito.
Kakayahang Lingguwistik
 Tumutukoy sa anyong gramatikal ng wika sa lebel ng pangungusap.

 Kakayahang umunawa sa mga ponolohikal, morpolohikal at sintaktik


na katangian ng wika at kakayahang magamit ng mga ito sa pagbuo ng
salita, parirala, sugnay at pangungusap.
 Ponolohikal – tumutukoy sa pamilyaridad sa tunog ng wika na
makakatulong din sa pagkilala sa mga salita na bumubuo sa isang wika.

 Morpolohikal- kakayahan sa pagbuo ng salita sa pamamagitan ng ibat’t


ibang proseso na ipinahihintulot sa isang particular na wika.

 Sintaktik- kakayahang ng isang indibidwal na makabuo ng mga


makabuluhang pahayag mula sa pag-uugnay sa mga salita na nakabubuo ng
mga parirala, sugnay at pangungusap.
Kakayahang Sosyolinggwistik
 Isangkakayahan ng gumagamit ng wika nangangailangan ng pag-
unawa sa konteksto ng lipunan kung saan nya ito ginagamit.

 Itoay tumutukoy sa abilidad o kakayahan ng tao na iproseso ang pinag


uusapan o paksa at iugnay ito sa kanyang sarili, sa lugar na kanilang
pinag-uusapan.
 Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat
isaalang-alang.

S- setting
P- participants
E- ends
A- act sequence
K- keys
I- instrumentalities
N- norms
G- genre

You might also like