You are on page 1of 12

MODULE 10

Etika at Pagpapahalaga sa Akademya


Ang etika at pagpapahalaga ay kapuwa gumagabay kung paano natin ihaharap ang
ating sarili sa o pakikiharapan ang ating kapuwa. Gayundin, tumutulong to upang
magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa isang lipunan.
Etika
Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang
"Karakter."
Katumbas ito ng salitang character sa Ingles o pagkatao o karakter sa Filipino.
Ang ethos ay mula sa salitang ugat na ethicos, na nangangahulugang "moral, moral
na karakter."
Ginawa itong ethics sa ingles at etika sa filipino
(www.merriamwebsterdictionary.com)
Ang etika para kay Chris Newton (www.ehow.com) ay tumutugon sa mahalagang
tanong ng moralidad. konsepto ng tama at mali, mabuti at masama. pagpapahalaga
at pagbabalewala. pagtanqgap at di-pagtanggap ng lipunan na siyang nagtatakda ng
mga batayan sa mga ito.
Ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao
bilana kanivana obligasvon. karapatan. katuwiran. at halaaa
Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao,
katapatan, at pagtitiwala.

PAGPAPAHALAGA
Mga istandard o batayan--mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at
negosyo-na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon.
Tumutulong ito upang timbangin at balansehin ang ating mga desisyon.
Isa itong paniniwala ng isang tao o grupo na may sangkot o pinanggagalingang damdamin o emosyon
ukol sa isang bagay na dinedesisyunan.

ETIKA VS PAGPAPAHALAGA
Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademya
a. Copyright
Sa Pilipinas, nililinaw sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang Republic Act No. 8293 ang
mga karapatan at obligason ng mga may-akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor,
mananallksIk, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawa ng mga Ito. Mahalagang malinawan ang
mga karapatan at obligasvong ito upana maiwasan ang anumang di- pagkakaintindihan para sa mga
pagsipi at pagbubuod, lalo na sa mga layuning akademiko.
Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag, at iba pang
impormasyon.
b. Plagiarism
Ito ang maling paggamit, "pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag" ng ibang
tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya.
Ayon kay Diana Hacker (www.newworldencyclopedia.com), tationg paglabag ang maituturing na
plagiarism: 1) hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya; 2) hindi
paglalagay ng panipi sa hiniram a direktang salita o pahayag; at 3) hindi
ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase).

c.Paghuhuwad ng Datos
1) Imbensiyon ng datos
Sa mga eksperimento, estadistika, at maging mga pag-aaral ng kaso, maaaring maengkuwentro ang
ganitong problema. Malinaw a sinadyang pandaraya it at malaki ang kabayaran dito paris ng
pagpapatalsik sa unibersidad o suspension nang ilang semester o taon.
2) Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos
3) Pagbabago o modipikasyon ng datos
d. Pagbili ng mga Papel o Pananaliksik
Pagbili sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan
upane masa sa guro
Hindi lamang ito di-etikal kundi legal na gawain.
e. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at angkinin bilang
sailing papel na isusumite sa guro.\
f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon, report, at iba pa. Malinaw
a pandaraya ito. Kaugnay nito, ang gumagawa at nagpapabayad para gawin ang mga ito ay sangkot din sa
pandaraya
Mga Pagpapahalagang Intelektuwal at Moral sa Akademya
a. Kababaang-loob
Huwag angkinin ang hindi sa iyo at aminin na hindi sa iyo ang idea o datos. Magagawa ito
sa bamamagitan no pactukov kund kanino aaling and ginamit na ldeva o datos
b. Lakas ng loob
Harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling idea at pangatuwiranan ito.
c. Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba
Maisasakongkreto ito ng paggamit ng politically correct na mga salita upang maiwasan ang insulto at
pananakit ng damdamin. Tinutukoy ng mga salitang it ang mga may kaugnayan sa kasarian, kalusugan o
pisikal na kaanyuan, laki, bigat, taas, grupong kinabibilangan, kalagayan ng pag-lisip.
d. Integridad
Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng mga datos,
gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
e. Pagsisikhay
Hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang iba't ibang pamamaraan upang
makakuha ng maa datos sa legal at matapat na paraan.
f. Paniniwala sa katuwiran
Pinangangatuwiranan nang naaayon sa etika at pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa ang anumang
laeyang gustong patunayan
g. Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin
May matuwid, at karampatang pagpapahalaga sa tao, katuwiran, idea, at mga gawain.
h. Kamalayang mapanuri
Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap (tagapagpagalaw at actor).
Kailangan ana kanivana aktibona paadedesisvon at mapanuring kaisipan kauanav na kanivana ikinikilos.
ibinabahagi. at isinusulat.
i. Pag-aatubili
Hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat upang maiugnay
ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan.
j. Hiya
Ayon kay Dr. De Castro (1998), ang "hiya ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma
ang kani-kanilang mga kalooban ... ang gabay ng indibidwal upang maiangkop niya ang kaniyang
kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan."

MODULE 11

Mga Dapat a Isaalang-alang sa Paghahanda ng Akademikong Pagsulat


1. Katangian ng Mananaliksik/Manunulat-
Marapat lamang a angkinin ng kahit sinumang manunulat o mananaliksik ang sumusunod na
mga katangian, lalo sa paghahanda ng kritikal na mga dokumento at artikulo:
a. Matiyaga - walang katapusan ang paghahanap ng mahahalagang mga datos na makatutulong
sa kaniyang sulatin, ito man ay sa lehitimong mga personalidad, institusyon at mga nakalimbag a
materyal.
b. Sistematiko - may tamang pag-iskedyul at pagsasaayos ng mga appointment sa
kakapanayamin at/o pupuntahang mga lugar. Mahalaga ang tamang pagbabalangkas ng oras sa
pananaliksik.
c. Maingat - mahigpit na isinasaalang-alang ang balidason ng facts o datos ng pananaliksik,
kredibilidad ng mga pinaghanguan ng detalye (kung ito ba ay mapagkakatiwalaan at eksperto a
sa partikular na larang/disiplina), may pagtitimbang sa mga pang ng pagsisiyasat o walang biased
pagdating sa paglalahad ng detalye, higit sa lahat ay ang malinaw na paglalahad ng motibo,
kongklusyon, puna, rekomendason sa isinagawang pananaliksik.
d. Kritikal - hindi lahat ng nakalap na datos ay isinasama sa pananaliksik. Mainam a maging
mapanuri ang mananaliksik kung ang nakuhang datos ba ay napapanahon, may relevance o
kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik, may kabuluhan sa susunod pang mga mananaliksik, at
higit sa lahat mapakikinabangan ng sinumang nag-aaral ng partikular na larang. Hindi lamang
basta-basta tumatanggap ng mga datos, manapa' sinusuri, sinisiyasat, at pinaglilimiang mabuti
ang kabuluhan ng mga nakalap na datos. Mahusay siya sa pag- aayaw-ayaw ng mga detalye.
e. Matapat - walang itinatagong pagkilala sa mga orihinal na idea mula sa pinaghanguang mga
datos. Hindi inaangkin ng manunulat a ang kaniyang mga nakuhang datos ay pagmamay-ari niya
at may iba nang personalidad/institusyon ang nagmamay-ari na nito.
2. Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik/Manunulat
Sa kahit na anong sitwasyon, marapat lamang na isaalang-alang ng kahit na sinuman ang
"Kagandahang-asal" at "wastong pag-iral" sa pakikitungo sa kapwa. Ganito rin sa pagsulat at
pananaliksik. Narito ang mga etika at responsibilidad ng mananaliksik/manunulat:
a. Kilalanin na ang mga ideyang inilagay sa pananaliksik/pagsulat ay hindi nanggaling sa iyo o
may orihinal ng nagmamay-aring mga ito.
b. Huwag basta-basta kumuha ng mga datos ng walang permiso sa mga mapagkakatiwalaang
tao/institusyon. Lumiham, tumawag sa telepono o mobile, mag-email at ayusin ang iskedyul
bago ang itinakdang panayam.
c. Magpokus lamang sa paksa ng interbyu. Iwasang langkapan ng personal at negatibong
pagsipat ang mga obserbasyon.
d. Pagtiyagaang daanan ang proses ng pagsulat. Huwag manipulahin ang mga datos at
pagsikapang kunin ang mga detalye sa tamang panahon at pagkakataon.
e. Huwag na huwag dayain ang mga impormasyon. Masusukat dito ang integridad at kredibilidad
ng mismong gumagawa ng pananaliksik. Maging obhetibo sa lahat ng pagkakataon.
3. Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa Akademikong Pagsulat
Isang kalapastanganan sa akademikong pagsulat ang pagkopya ng mga konsepto at ideya,
pagsipi ng mga orihinal na gawa nang walang pagkilala at/o paghingi ng pahintulot sa tuna na
mga may-akda. Plagiarism ang tawag dito. Paano maiwasan ang plagiarism?
a. Lagi't lagi, isama ang pangalan ng awtor/institusyon at petsa ng pagkakasulat ng mga
dokumento.
b. Iwasan ang maya't mayang pagsipi sa mismong pahayag (verbatim).
May iba't ibang uri ng pagtatala (buod o presi, halaw, mula active patungong passive voice, at
marami pang iba). Muli, kilalanin at isama ang pangalan ng awtor at petsa ng
pagkakasulat/pagkakalathala ng datos o ideya.
LAGING TANDAAN
Lagi nating isasaalang-alang a ang epektibong mga sulatin gaya ng pananaliksik at iba pang
akademikong pagsulat ay nakasalalay sa magagandang katangian ng mismong manunulat at ang
kaniyang malawak na kasanayan sa pagsulat. Huwag ding kaliligtaan na mahalagang salik ang
pagsangguni sa mapagkakatiwalaang tao/eksperto/institusyon sa piling mga larang at disiplina,
na siyang magsisilbing giya at gabay sa mabisa at episenteng pagsulat.
MODULE 12
SULATING PANANALIKSIK
Batayang Kaalaman
Mahalagang magkaroon ang sipag at tiyaga sa pananaliksik. Kailangang mag-ukol nang
mahabang panahon upang maisagawa nang may kabuluhan ang anumang pananaliksik.
Kahulugan ng Pananaliksik
Ayon sa dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o
paglutas ng isang suliranin Ayon naman kay Kerlinger (1973). ang pananaliksik ay isanmg
sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal a imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal
tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kap
Hakbang sa Paggawa ng Sulating
Pananaliksik
Pagpili ng Paksa
Pagpapahayag ng Layunin
Paggawa ng Tentatibong Balangkas
Paghahanda g Bibliograpiya
Pangangalap ng Datos
Pagpapahalaga sa mga nakalap na datos
Pagsulat ng Burador
•Pagrerebisa
• Aktwal na pagsulat ng Oangwakas ba papel
Ano ang Thesis Proposal?
isang detalyadong plano a ginagamit ng mga mag-aaral bilang gabay sa pagsasagawa ng isang
pananaliksik. Ito ay nagpapakita ng lohikal at sistematikong pagdulog ng mga mag-aaral upang
maisagawa ang kanyang pananaliksik.
Halimbawa:
Mga mag-aaral ng Elizabeth Seton Taong 1975 hanggang 2005: Nasaan na sila ngayon?
Ano ang haypotesis sa isang pananaliksik?
ito ay isang suhestiyong kasagutan sa isang suliranin o pag-aaral isang lohikal, isang
makabuluhang paghihinuha, upang magbigay daan sa isang matalinong pag-aanalisa sa isang
suliranin Nang magamit upang ito'y mabigyan ng kasagutan. (Leedy)
Ano ang tinatawag na variable?
Ito ay isang konsepto na nagpapakita ng isang kabuoan o bagay gaya ng:
• Kasarian, edad, katalinuhan, klima, nakamit, marka, edukasyon, kalagayang panlipunan
Isang simbolo na ang bilang o itinakda rito
Anumang bagay na maaaring mabago sa halaga o bilang batay sa kasidhian kaantasan
(MsGuian)

Ano ang pangkalahatang uri ng variable?


Independent Variable
Ito ay may kakayahang magbago na nakaaapekto sa iba pang variable na tinukoy
• Ito av tivak na masusukat. namamanipula o maaring manili ng isang mananaliksik upang
matukoyat makamit ang relayon sa isang nasusuring pagbabago (Tuckman)
Dependent Variable
Isang mahalagang aspeto na nasusuri o naoobserbahan at masusukat upang matukoy ang epekto
nito sa isang independent variable. (Tuckman)
Halimbawa:
• Anong sistemang pampagtuturo ang nakaaapekto sa isang programang pangdalubhasaan o pang
masteral?
Independent Variable: sistemang pampagtuturo • Dependent variable: programang pang
dalubhasaan o pang-masteral
Ang isang kasiyahan sa trabaho ay nakaaapekto sa kahusayan ng isang guro?
Independent Variable: kasiyahan sa trabaho • Dependent Variable: kahusayan ng isang guro
Layunin
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin ng gawaing ito. Dapat na:
• Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto
Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon sa dati nang idea
• Mabigyang- linaw ang isang mahalagang isyu o paksa
Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema
Makapagpatotoo o makapagpangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga materyales o
dokumento tungkol sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw
• Nakapagbibigay ng mga idea o mungkahi batay sa pangkasaysayang perspektibo para sa isang
pangyayari o senaryo

Uri ng Pananaliksik
Emperikal o mala-siyentipiko - Nangangailangan ng malalim a pagsusuring mga ebidensya at
paktwal na datos, Ito' nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos upang makita ang
relasyon ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong siyentipiko.
• Applied Research - Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito'y kalkulasyon at estatistika
Karaniwang ito y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang
magaling na halimbawa nito'y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng prediksyon na
nagkakatototoo. Ginagawa rin
ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang mabisang resulta nito ay depende sa
serbey
at sa napiling sampling.
• Pure Research - Ginagawa ito sa sarling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang
bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik
Mga Paraan ng Pananaliksik
A. Palararawan (Descriptive Method) - Ito' idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang
kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang
imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa Ito' may
kinalaman sa mga kundison ng mga ugnayang nagaganap mga gawaing umiiral, mga paniniwala
at prosesong nagaganap, mga epektong nararamdaman o mga kalakarangt nilinang, Uri ng
Padlalarawang Paraan
1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) - ang paraang ito'y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao
o yunit sa loob ng sapat na panahon
2. Sarbey - Ang mga sarbey a pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari
nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari
Lawak ng Sarbey
2.1. Sensus - isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.
2.2. Sarbey- ilang bahagi lamang ng populasyon
3. Mga Pag-aaral a Debelopmental - sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng
mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loo ng mahabang panahon
• Dawalang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa Pananaliksik na
Developmental

3.1. Longitudinal p Mahabang Panahong Paraan - Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong
sampol ng mga kalahok sa loob ng
mahabang panahon • 3.2. Kros-Seksyunal a Paraan - (Cross-Sectional Method) Ito ay tungkol sa
pag-aaral ng mga kalahok na may iba't ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong
panahon
4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) - Ito ay ginagamit kung ibig na
masubaybayan ang isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na aaral pag-aaral ay kailangan
kung ibig tiyakin ang maaaring bunga ng isang pag
• Halimbawa: Ibig tiyakin ng mananaliksik kung ang Pre-School Education ay nakabubuti sa
mga bata sa mga asignaturang tulad ng wika, agham at matematika
5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) - Nangangailangan ng pagkalap g
impormasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang
malutas ang mga suliranin Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri
ng nilalaman. (content analysis)
6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) - Ito ay isang popular a paraan ng palarawang pag-
aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit datos sa pag-aaral na ito ang mga
kondisyong umiral sa kasalukuyan 7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito
ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang ibat iang baryabol na
magkakaugnay o may relasyon sa isa't sa target na populasyon.
B. Eksperimental na Paraan - Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik
na tunay na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga Idinagdag
ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na
pinakasopistikadong
pamamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.
Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:
1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.
2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.
3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay
inoobserbahan sinusulat

Paggawa ng Bibliograpiya
• Ang Talasanggunian o bibliography ay ang bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na
nagpapakita ng talaan mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o
pingakunan ng impormason

Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na katwiran
ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng isang debate, naghihikayat itong maipaglaban ang
pinapaniwalaang tama. Ang pangangatwiran ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong
pumanig sa opinyon manunulat. Sa bawat argumento ginagamitan ito ng mga matitibay na
ebidensya mula sa pinagkakatiwaang datos. Mahirap paniwalaan ang isang isyu kung walang
pinagbabatayang ebidensya.
Ang mga ebidensya ay maaaring kunin sa obserbason, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis,
abogado, dalubhasa, doctor o propesor, atbp) upang maipakita na makakatohanan ng
ipinaglalabang isyu.
Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito upang mapatunayang mali o
di kapanipaniwala ang mga binabatong isyu. Mas makatotohan ang pinapanigang isyu kung may
tatlo o higit pang matitibay na ebidensya na magpapatunay.
Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa pangangatwiran ayon kina Constantino at
Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).
1. Mga katunayan (facts) - nakabatay it sa makakatotohanang idea mula sa mga nakita, narinig,
naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin gumamit ng mga taong nakasaksi o mga nakaranas ng
pangyayari ngunit siguruduhin ang mga testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay
hindi ibig sabihin pangmatagalan na ebidensya maari tong magbago depende sa mga bagong
tukas na datos.
2 Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling pananaw. Hindi ito
makatotohan sapagkat nakabatay lamang ito sa sailing pagsusuri o judgement. Maaaring
gamiting tong ebidensya pero kinakailangan ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may
awtoridad o mga kilalang tao sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal, politiko at
siyentipiko.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagsulat ng posisyong papel, mahalagang pag-ukulang pansin ang ibabahaging paksa sa
pamamagitan g pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel upang matulungan na
makumbinsi ang mambabasa ng panigan ang nasabing isyu.
Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel mula
sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).
1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahavag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat ng posisyong papel.
1. Panimula
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos ang paksa at ang katwiran
ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa nasabing
posison. Kapag sa simula ay maipakita ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi
ang mambabasa na paniwalaan ang posisyon.
2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya) -
Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal a pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga
ebidensya.
• Sa bawat argumento, mahalagang
mapatunayan a mali o walang katotohanan ang binabato o mga argumentong tumutol sa iyong
tesis. Sa bawat paglalahad ng pangangatwiran bigyan ito ng mga matitibay na mga batayan mula
sa mga pinagkakatiwalaang datos upang maipakita na makatotohanan ang yong posiyong
pinaglalaban. Mas higit na kapanipaniwala kapag may tatlo o higit pang matitibay na mga
ebidensya na gagamitin para madepensahan ang pinapanigang posisyon.
3. Kongklusyon
Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang magiging implikasyon nito.
Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu. May mga sang-ayon at may mga
di-sang-ayon sa isyu. Ang posisyon ng bawat indibidwal ay makakatulong upang magkaroon ng
kamalayan sa pangyayari sa ating lipunan.
Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. Anong
Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu? Sang-ayon ka ba o di ka sang-ayon?
Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay inilalahad na nag malinaw na
komposisyon ng pagtututol. Dapat isa- isahin ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan at
maintindihan ng karaniwang tao. Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan sa
pagsulat ng posisyon. Isa sa layunin ng Posisyong papel ay manghikayat.

You might also like