You are on page 1of 12

1

KABANATA 2
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Modyul Blg. 02

Mga Paksa:
2.3 Pagbubuod
2.4 Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
2.5 Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri batay sa Impormasyon

LAYUNIN

Matapos mong mapag-aralan ang yunit na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga
sumusunod:
a. Natutukoy ang kahulugan at mga pamantayan sa pagbubuod ng impormasyon;
b. Naiisa-isa ang mga uri ng graphic organizers;
c. Nakapagbibigay ng mga halimbawa gamit ang mga uri ng graphic organizers; at
d. Nakabubuo ng sariling pagsusuri batay sa mga impormasyon na nakalap.

Panimula

Talamak na ang impormasyon na nagkalat saan mang sulok ng mundo. Ngunit hindi lahat
ay mapagkakatiwalaan sapagkat sa modernong panahon ay marami nang naglipanang mga
impormasyong kalahating totoo at kalahating kasinungalingan. Kinakailangan ang pagiging
mapanuri upang maiwasan ang mabilis na pagtanggap sa impormasyong nababasa, naririnig o
napanonood sa telebisyon.

Sa panahon ng mis-impormasyon, napakahalaga ng pagbabasa sapagkat ito ang ugat ng


karunungan. Dito nalilinang at nahahasa ang galing at pag-iisip ng tao. Sa kasalukuyan, nauuso
ang social media kung saan naglipana ang tinatawag na fake news. Kung hindi magiging
mapanuri ay madali ka nitong mabibihag at mapapaniwala. Sabi nga sa liriko ng awiting "Maling
Akala" ng bandang Eraserheads ―Bago maniwala mag-isip-isip ka muna, marami
ang namamatay sa maling akala‖.

Sa dami ng impormasyong nagkalat, paano nga ba masisigurado ang relayabiliti nito?


Ang yunit na ito ay makatutulong upang maayos na maiproseso ang impormasyong nakalap.
Malalaman at matututunan dito ang wastong pagpili ng batis o hanguan, ang wastong pagsusuri,
pagbubuod at pag-uugnay-ugnay ng impormasyon para sa mabisang komunikasyon.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA IO
2

DALOY NG KAALAMAN

2.3 Pagbubuod

Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o


babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong
binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang
isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa. Isinasaad dito kung ano ang nasa
teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong binigyang-diin
ng may-akda (The Silent Learner, 2017).
Ito ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling
kuwento ang binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Hindi dapat padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw
ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori, maaaring ilahad ang mga
dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad (The Silent Learner,
2017).

Iba’t ibang Paraan ng Pagbubuod


Ayon kay Javier (2017), may iba't ibang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng
impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o Sinopsis.
Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na
―paraphrasis‖, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag." Ang Lagom
o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang
di lalampas ito sa dalawang pahina.

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod

 Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
 Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang
kaisipan ng talata.
 Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
 Gumamit ng sariling pananalita.
 Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

Katangian ng Pagbubuod

 Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.


 Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili nating mga salita.
 Ito ay pinaikling teksto.

2.4 Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon


Upang madaling maunawaan, maipakita sa iba at maipaliwanag ang ugnayan ng mga
impormasyon, iminumungkahi ang paggamit ng graphic organizers.

Ang graphic organizers ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang
dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw, at maikli ngunit
malaman at buo. Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga guhit, larawan, at mga salita upang
linawin at ilantad ang mga kaisipan, konsepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay. May
iba’t ibang uri ng grapiko. Bilang kagamitang pedagohikal, ang mga ito’y ginagamit na

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA IO
3

pambiswal at may iba’t ibang paraan ng pagdidisenyo, may teknik ng pagkakatitik, paglalarawan,
paggamit ng kulay, at lay-out at ito ay para sa epektibong komunikasyong biswal.

Kahalagahan ng Graphic Organizer


Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay. Ginagamit din ito upang ibigay ang
kategorya ng konsepto ng mga pangyayari, biswal ng mga larawan at mga kaalaman. Ito ay
ibinibigay upang mahasang mabuti ang pag-iisip ng mga mag-aaral.

Mga Uri ng Graphic Organizer


1. K-W-L Chart – teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at iniuugnay sa mga bagong
kaalaman. Nakababatay ito sa paniniwalang mas nananatili at nagiging makahulugan ang
bagong kaalaman kung iniuugnay sa dati ng nalalaman.

Know/ Alam na Want/Nais malaman Learn/Natutunan

Ang panghalip ay isang Ano ang mga uri ng - Panghalip Panao


bahagi ng pananalita na panghalip? - Panghalip Pananong
ginagamit na panghalili sa - Panghalip Panaklaw
pangngalan. - Panghalip Pamatlig

2. Venn Diagram – ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dalawang paksa upang


makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.

Piksyon Di-piksyon

 Tunay na
pangyayari
 Kathang-isip  Talambuhay
 Di-maaaring  Kasaysayan
mangyari  May tagpuan, tauhan,  Makasaysayang
 Alamat balangkas ng mga pangyayari
 Kuwentong pangyayari  Mga karanasan
bayan  Kuwento ng
 Epiko tagumpay
 pabula

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA IO
4

3. Main Idea and details chart – ginagamit tuwing may pinag-aaralang pangunahing kaisipan
at pag-iisa-isa sa mga detalye.

PANGUNAHING KAISIPAN

DETALYE 1

DETALYE 2

DETALYE 3

4. Cause and Effect Chart – ito ay nagbubuod sa sanhi at bunga ng isang pangyayari o
phenomena.
BUNGA

SANHI
BUNGA

BUNGA

5. What If? Chart – ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng
mga kasagutang maaaring itugon sa mga pangyayaring susuriin.

Paano Kung? Posibleng Katugunan

1. Paano Kung?

2. Paano Kung?

3. Paano Kung?

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA IO
5

6. Fishbone Planner – ang fishbone planner ay ginagamit sa pagtitimbang-timbang sa maganda


at hindi magandang epekto ng isang isyu o paksang pinag-uusapan.

7. Story Ladder – katulad ng story sequence, ginagamit ito upang ipakita ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, at wakas. Isinasaayos ang mga pangyayari sa
anyong hagdanan.

Wakas

Kakalasan

Kasukdulan

Tunggalian

Simula

8. Story pyramid – ginagamit upang ilahad ang mga importanteng impormasyon sa isang
kuwento tulad ng pangunahing tauhan, tagpuan at mahahalagang pangyayaring bumubuo sa
banghay.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA IO
6

9. Cluster Map - Ginagamit ito upang ilarawan ang isang sentral na ideya at ang mga
sumusuportang konsepto o datos.

10. Organizational chart – ginagamit ito upang ilarawan ang hirerkiya sa isang organisasyon.

Organisasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino

11. Fact and opinion chart – ginagamit upang paghiwalayin ang mga impormasyong
katotohanan at opinyon.
Katotohanan Opinyon
Ang Pilipinas ay nasa Timog- Ang Pilipinas ay isang kahanga-
Silangang Asya. hangang bansa sa mundo.

Ang Bulkang Taal ay matatagpuan Maganda raw ang Bulkang Taal.


sa Batangas.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA IO
7

12. Timeline –ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ang itinatampok kasama ang
panahon kung kailan naganap ang bawat pangyayari.

Pagsalakay ng mga Tumakas si Hen.


Pagbagsak ng Corregidor
Hapon sa Pearl McArthur
Harbor papuntang

Disyembre 8, 1941 Disyembre 26, 1941 Marso 11, 1942 Abril 9, 1942 Mayo 6, 1942

Pagdeklara sa Pagbagsak ng Bataan


Maynila bilang

2.5 Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon

Para sa maraming tao, itinuturing natin ang kasalukuyang panahon bilang panahon ng
impormasyon o information age. Dahil sa mabilis na pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon
– mula sa mga pahayagan, magasin, libro, radyo, telebisyon, kompyuter at sa internet. Ngunit
paano tayo nakasisiguro na ang lahat ng impormasyong ating nakukuha ay kapaki-pakinabang,
wasto at mapagkakatiwalaan? Narito ang ilang paraan upang matiyak na ang impormasyon ay
wasto at mapagkakatiwalaan.
 Paghahambing at Pag-iiba-iba
 Pagkilala sa Pagkakaiba ng Katotohanan sa Opinyon
 Pagtantiya ng Pagkiling o Bayas

Paghahambing at Pag-iiba-iba
Ang pagkukumpara ay ang proseso ng pagsusuri ng dalawa o mas madaming tao, bagay o
ideya upang makita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba nila. Subalit, madalas ginagamit ang
salitang pagkukumpara upang ipakita ang pagkakapareho samantalang ang pag-iiba-iba para
ipakita ang pagkakaiba.

Pagkilala sa Pagkakaiba ng Katotohanan sa Opinyon


Ang mga facts o katotohanan ay impormasyon na maaring mapatunayan na totoo. Bihira
silang magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa. Ang opinyon ay mga
impormasyon na base sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang
pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaring mapatunayan kung totoo o hindi. Huwag
magkamali sa pagsuri ng opinyon at katotohanan; dahil kung hindi maliligaw ka sa
impormasyong iyong natanggap. Laging ikumpirma sa mga awtoridad at eksperto upang
malaman kung ang isang impormasyon ay katotohanan o opinyon lamang.

Pagtantiya ng Pagkiling o Bayas


Ang bayas ay isang inklinasyon, predisposisyon o pagkakagusto na nagiging balakid
upang maging kapani-paniwala ang isang pinagmumulan ng impormasyon. Minsan,
pinoprotektahan ng isang pinanggagalingan ng impormasyon ang opinyon niya na nagiging sanhi
ng pagkawala ng kanyang pokus sa katotohanan. Kapag nangyari ito, may bayas o pagkiling na
ang taong iyon. Mahalaga na malaman mo ang mga bayas sa kahit anong impormasyon na iyong

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA IO
1

natatanggap upang hindi ka madaling malilinlang o maloloko. Maaring may bayas ang isang
impormasyon na hindi nagbibigay ng kumpletong katotohanan. Maraming mga bayas o
pagkiling ang nasa porma ng propaganda techniques.

Mga halimbawa ng Propaganda Techniques:


1. Name Calling—ang pag-aakusa o pagbatikos sa isang tao sa pamamagitan ng
paggamit ng hindi magandang etiketa.
Halimbawa: Isa siyang sinungaling at basagulero.

2. Glittering Generalities—mga malabo at mapanlinlang na general terms na ginagamit sa


isang tao upang maiwasan ang mga hindi magagandang detalye tungkol sa kanya.
Halimbawa: pagmamahal, kapayapaan, kalayaan, katotohanan

3. Bandwagon—ang pagkumbinsi sa mga tao na gumawa ng isang bagay kung saan


ipinapakita nilang marami ring ibang tao ang gumagawa nito.
Halimbawa: Maraming tao ang gumagamit ng Produkto X dahil alam nila ang mga
kabutihang dulot nito. Ikaw ba, alam mo?
4. Card Stacking—ang pagpresinta ng magagandang katotohanan tungkol sa isang tao o
bagay at pagtatago ng hindi kanais-nais na katangian nito
Halimbawa: Nang tanungin si Julie tungkol sa mapang-api niyang ama, sinabi
niyang
―Matangkad at guwapong lalaki ang tatay‖.

5. Testimonial—ang paggamit ng mga salita ng sikat na personalidad upang mahikayat


ang ibang mga tao
Halimbawa: Gumagamit si Sharon Cuneta ng facial cleanser na ito. Sabi niya,
pinapaganda, pinapalambot at nililinis nito ang kanyang kutis.
6. Transfer—ang paggamit ng pangalan o larawan ng mga sikat na personalidad upang
mahikayat ang mga tao
Halimbawa: Ginagamit ni Paeng Nepomuceno ang ganitong tatak ng sapatos. Gagaling ka rin
sa paggamit ng tatak ng sapatos na ito.
7. Makamasa—ang pagtatatag ng isang tao bilang ―masa‖ upang maraming tao ang
magkagusto sa kaniya
Halimbawa: Nagsusuot ng mga ordinaryong damit na pantrabaho ang mga mayayamang
politiko upang makakuha ng maraming mga boto sa susunod na eleksiyon.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
IOLL
FILIPINO
2

KABANATA 2
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Modyul Blg. 03

Paksa:
2.6 Kakayahang Komunikatibo
 Kakayahang Linggwistiko
 Kakayahang Sosyolinggwistik
 Kakayahang Diskorsal
 Kakayahang Estratehiko

LAYUNIN

Matapos mong mapag-aralan ang yunit na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


`sumusunod:
a. Matalakay at masuri ang pagkakaiba-iba ng kakayahang komukatibo batay sa pagkakagamit,
katangian at kahingian nito at bilang mabisang bahagi ng konstekstwalisadong komunikasiyon;

b. Maiugnay ang kahalagahan at ang kabuluhan ng kakayang komunikatibo sa pang-araw-araw


na pamumuhay, bilang bahagi ng tahanan, paaralan, lipunan at bansa;
c. Makasulat at makapagbahagi ng sanaysay, tula, kwento atbp na may kaugnay sa tinalakay na
aralin, partikular sa komunikasiyon na/o may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari; at
d. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga
komunidad at buong bansa batay sa kakulangan ng paggamit ng komunikasiyon o
pakikipagdiskurso.

Panimula
Talamak na ang impormasyon na nagkalat saan mang sulok ng mundo. Ngunit hindi lahat
ay mapagkakatiwalaan sapagkat sa modernong panahon ay marami nang naglipanang mga
impormasyong kalahating totoo at kalahating kasinungalingan. Kinakailangan ang pagiging
mapanuri upang maiwasan ang mabilis na pagtanggap sa impormasyong nababasa, naririnig o
napanonood sa telebisyon.
Sa panahon ng mis-impormasyon, napakahalaga ng pagbabasa sapagkat ito ang ugat ng
karunungan. Dito nalilinang at nahahasa ang galing at pag-iisip ng tao. Sa kasalukuyan, nauuso
ang social media kung saan naglipana ang tinatawag na fake news. Kung hindi magiging
mapanuri ay madali ka nitong mabibihag at mapapaniwala. Sabi nga sa liriko ng awiting "Maling
Akala" ng bandang Eraserheads “Bago maniwala mag-isip-isip ka muna, marami ang
namamatay sa maling akala”.
Sa dami ng impormasyong nagkalat, paano nga ba masisigurado ang relayabiliti nito?
Ang yunit na ito ay makatutulong upang maayos na maiproseso ang impormasyong nakalap.
Malalaman at matututunan dito ang wastong pagpili ng batis o hanguan, ang wastong pagsusuri,
pagbubuod at pag-uugnay-ugnay ng impormasyon para sa mabisang komunikasyon.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
IOLL
FILIPINO
3

DALOY NG KAALAMAN

2.6 KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO


 Ayon kay Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng
Sining para sa Literatura, parang hininga ang wika,
palatandaan ito na buhay tayo at may kakayahang umugnay sa
kapwa nating gumagamit din nito (Carpio et al., 2012).
 Hindi sapat na ang tao’y matuto ng wika at makapagsalita
lamang nito, marapat ding maunawaan at magamit nito ang
wika nang tama sa iba’t ibang aspekto na humahantong sa
pagtataglay ng kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence. shutterstock.com

KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
 Ang Kakayahang Linggwistiko ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at
makaunawa nang maayos at makabuluhang pangungusap.
 Tumutukoy sa kakayahan sa tunog ng wika, sa pagbuo ng mga salita at gramatika ng
wikang ito.

KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK
 Ang sosyolinggwistik ay tumutukoy sa kakayahang gamitin ang wika nang may
naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasiyong
pangkomunikasiyon.
 Hindi sapat na magaling lamang sa diskurso, dapat naiaangkop din ito sa lipunan kung
saan nakikipag-ugnayan ang tao, ito ang pangunahing abilidad ng kakayahang
sosyolinggwistik.

Gumamit si Dell Hymes ng akronim na S.P.E.A.K.I.N.G upang maging mabisa ang


komunikasyon:
Setting (Saan nag-uusap?)
Participants (Sino ang kausap?)
Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?)

Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan?)


Keys (Pormal ba o impormal ang usapan?)
Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?)
Norm (Ano ang paksa ng usapan?)
Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo/Nagmamatuwid?Naglalarawan? o
Nagpapaliwanag/Naglalahad?)

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
IOLL
FILIPINO
4

Halimbawa:
1. Magandang araw po! Kumusta po kayo? (pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may
awtoridad)
2. Uy! Kumusta ka naman? (paggamit ng impormal na wika sa pakikipag-ugnayan sa ating
mga kaibigan)

KAKAYAHANG DISKORSAL
 Tumutukoy sa mismong kakayahang na matiyak na tama ang isa o higit pang kahulugan
ng teksto at sitwasiyon na nakapaloob o nakaayon sa konteksto, o magbigay nang
wastong interpretasiyon sa mga napakinggang pahayag upang makabuo ng
makabuluhang kahulugan.

Sa kakayahang ito, mahalagang tandaan ang mga Panuntunan sa Kumbensiyon ni


Grice, 1975 (Clack 2007):
1. Prinsipyo ng Kantidad

 Dami ng impormasyong kailangang ibigay.


a. Ibigay ang inaasahang dami ng impormasyon mula sa iyo.
b. Huwag lalagpas sa dami ng impormasyong inaasahan mula sa iyo.

2. Prinsipyo ng Kalidad
 Katotohanan ng ibinibigay na impormasyon
a. Huwag sabihin ang paniniwala mong hindi totoo.

b. Huwag mong babanggitin ang mga bagay na wala kang sapat na katibayan.

3. Prinsipyo ng Relasyon
 Halaga ng ibinibigay na impormasyon
a. Panatilihing mahalaga o may kaugnayan ang mga impormasyong ibinibigay.

4. Prinsipyo ng Pamamaraan
 Paraan ng pagbibigay ng impormasyon
a. Iwasan ang pagbibigay ng mga pahayag na mahirap maunawaan.
b. Iwasan ang pagbibigay ng malabong ideya.

Dalawang Uri ng Kakayahang Diskorsal


1. Kakayahang Tekstuwal
 Kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa sa iba’t ibang teksto gaya ng
mga akdang pampanitikan, transkripsiyon, gabay na instruksiyon at iba pang pasulat na
komunikasiyon.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
IOLL
FILIPINO
5

2. Kakayahang Retorikal
 Kahusayan ng indibidwal na makibahagi sa kumbensiyon. Kasama ang kakayahang unawain
ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o opinyon.

KAKAYAHANG ESTRATEHIKO
 Ito ay naglalarawan sa pakikipagtalastasang pinag-iisipan at ginagamitan ng iba’t ibang
paraan ng epektibong komunikasiyon sa kapwa.
 Ito ay naglalayong maiparating ang mensahe sa kapwa sa pamamagitan ng mga paraang tiyak
na mauunawaan ngunit hindi nalilimitahan sa berbal na paraan. Bahagi ng kakayahang
estratehiko ay ang paggamit ng mga di-berbal na paraan gaya ng mga kumpas, senyas,
pagturo, at iba pa.

Halimbawa:
1. Paggamit ng nguso sa pagturo ng mga bagay na pinag-uusapan.
2. Paggamit ng ulo sa pagturo ng direksiyon.
3. Pagkumpas ng kamay o ekspresiyon ng mukha upang ipahayag ang pagsang-ayon o
pagtutol.
***

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
IOLL
FILIPINO

You might also like