You are on page 1of 8

KABANATA 2

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON


Modyul Blg. 05

Mga Paksa

2.3 Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng


Impormasyon
2.4 Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri
batay sa Impormasyon

2.3 Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon

Pagbubuod
Ito ay pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng
mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa.
Kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto

Iba’t Ibang Paraan ng Pagbubuod


Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang
Griyego na “paraphrasis”, na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag." Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga
pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa
dalawang pahina.

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod


Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa
nito.
Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata.
Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
Gumamit ng sariling pananalita.
Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

Katangian ng Pagbubuod
Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.
Hindi inuulit ang mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili
nating mga salita.
Ito ay pinaikling teksto.
Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
Ang graphic organizers ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito
ay may dalawang dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang
maayos, malinaw, at maikli ngunit malaman at buo. Ginagamit dito ang
kombinasyon ng mga guhit, larawan, at mga salita upang linawin at ilantad ang
mga kaisipan, konsepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay.

Ginagamit ito upang ibigay ang kategorya ng konsepto ng mga


pangyayari, biswal ng mga larawan at mga kaalaman. Ito ay ibinibigay upang
mahasang mabuti ang pag-iisip ng mga mag-aaral.

Mga Uri ng Graphic Organizer


1. K-W-L Chart – teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at iniuugnay
sa mga bagong kaalaman.

Know/ Alam na Want/Nais malaman Learn/Natutunan


Ang panghalip ay isang Ano ang mga uri ng panghalip? - Panghalip Panao
bahagi ng pananalita na - Panghalip Pananong
ginagamit na panghalili -Panghalip Panaklaw
sa pangngalan. -Panghalip Pamatlig

2. Venn Diagram – ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dalawang


paksa upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.

Piksyon Di-Piksyon
May Tunay na pangyayari
Kathang-isip tagpuan, Talambuhay
Di-maaaring mangyari tauhan, Kasaysayan
Alamat Makasaysayang
balangkas
Kuwentong ng mga pangyayari
bayan Mga karanasan
pangyayari
Epiko Kuwento ng
pabula tagumpay

3. Main Idea and details chart – ginagamit tuwing may pinag-aaralang


pangunahing kaisipan at pag-iisa-isa sa mga detalye.
PANGUNAHING KAISIPAN

DETALYE 1

DETALYE 2

DETALYE 3

4. Cause and Effect Chart – ito ay nagbubuod sa sanhi at bunga ng isang


pangyayari o phenomena.

BUNGA

SANHI
SANHI
BUNGA

BUNGA

5. What If? Chart – ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga mag-aaral
sa pagbibigay ng mga kasagutang maaaring itugon sa mga pangyayaring
susuriin.
Paano Kung? Posibleng Katugunan

1. Paano Kung?

2. Paano Kung?

3. Paano Kung?
6. Fishbone Planner – ang fishbone planner ay ginagamit sa
pagtitimbangtimbang sa maganda at hindi magandang epekto ng isang isyu o
paksang pinaguusapan.

PAKSA

BENTAHE

7. Story Ladder – katulad ng story sequence, ginagamit ito upang ipakita ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, at wakas.
Isinasaayos ang mga pangyayari sa anyong hagdanan

Wakas

Kakalasan
Kasukdulan

Tunggalian

Simula
8. Story pyramid – ginagamit upang ilahad ang mga importanteng impormasyon
sa isang kuwento tulad ng pangunahing tauhan, tagpuan at mahahalagang
pangyayaring bumubuo sa banghay.
Mga Tauhan

Mga Tagpuan

Mga naging suliranin

Mga iba pang pangyayari

Kasukdulan at katapusan

9. Cluster Map - Ginagamit ito upang ilarawan ang isang sentral na ideya at ang
mga sumusuportang konsepto o datos.

Presidensyal

Federal Monarkiya

Mga Uri ng
Pamahalaan

Diktatoryal Unitary

Parlamentaryo
10. Organizational chart – ginagamit ito upang ilarawan ang hirerkiya sa isang
organisasyon.
Organisasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino

Kalipunan ng mga Komisyoner


SENTRO NG
WIKA AT (11 Komisyoner,3 Fultym at 8 Part-tym)
KULTURA
Lupong Tagapamahala
(SWK)
(Tagapangulo,2 Fultym Komisyoner,Direktor
Heneral)

SANGAY NG SANGAY NG
SANGAY NG SANGAY NG
KULTURA AT
EDUKASYON AT SANGAY NG SALITA AT PANGASIWAAN
ARALING
NETWORKING SALIN (SS) GRAMATIKA AT PANANALAPI
KULTURAL
(SEN) (SPP)
(SSG) (SLAK)

11. Fact and opinion chart – ginagamit upang paghiwalayin ang mga
impormasyong katotohanan at opinyon.

KATOTOHANAN OPINYON

Ang Pilipinas ay nasa Timog - Ang Pilipinas ay isang kahanga-


Silangang Asya hangang bansa sa mundo

Ang Bulkang Taal ay matatagpuan


Maganda raw ang Bulkang Taal
sa Batangas
12. Timeline –ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ang itinatampok
kasama ang panahon kung kailan naganap ang bawat pangyayari.

Tumakas si
Pagsalakay Pagbagsak
Hen. McArthur
ng Hapon sa papuntang
ng
Pearl Harbor Australia Corregidor

Disyembre Disyembre Marso 11, Mayo 6,


Abril 9, 1942
8,1941 26, 1941 1942 1942

Pagdeklara
sa Maynila Pagbasak ng
bilang Open Bataan
City

2.4 PAGBUBUO NG SARILING PAGSUSURI BATAY SA IMPORMASYON

 Paghahambing at Pag-iiba-iba
 Pagkilala sa Pagkakaiba ng Katotohanan sa Opinyon
 Pagtantiya ng Pagkiling o Bayas

Mga halimbawa ng propaganda techiniques:

1. Name Calling—ang pag-aakusa o pagbatikos sa isang tao sa pamamagitan ng


paggamit ng hindi magandang etiketa. Halimbawa: Isa siyang sinungaling at
basagulero.

2. Glittering Generalities—mga malabo at mapanlinlang na general terms na


ginagamit sa isang tao upang maiwasan ang mga hindi magagandang detalye
tungkol sa kanya. Halimbawa: pagmamahal, kapayapaan, kalayaan, katotohanan

3. Bandwagon—ang pagkumbinsi sa mga tao na gumawa ng isang bagay kung


saan ipinapakita nilang marami din ibang tao ang gumagawa nito (“makisali sa
bandwagon”). Halimbawa: Maraming tao ang gumagamit ng Produkto X dahil
alam nila ang mga kabutihang dulot nito. Ikaw ba, alam mo?

4. Card Stacking—ang pagpresinta ng magagandang katotohanan tungkol sa


isang tao o bagay at pagtatago ng hindi kanais-nais na katangian nito Halimbawa:
Nang tanungin si Julie tungkol sa mapang-api niyang ama, sinabi niyang
“Matangkad at guwapong lalaki ang tatay”.

5. Testimonial—ang paggamit ng mga salita ng sikat na personalidad upang


mahikayat ang ibang mga tao Halimbawa: Gumagamit si Sharon Cuneta ng facial
cleanser na ito. Sabi niya, pinapaganda, pinapalambot at nililinis nito ang kanyang
kutis.

6. Transfer—ang paggamit ng pangalan o larawan ng mga sikat na personalidad


upang mahikayat ang mga tao Halimbawa: Ginagamit ni Paeng Nepomuceno ang
ganitong tatak ng sapatos. Gagaling ka din sa paggamit ng tatak ng sapatos na ito.

7. Makamasa—ang pagtatatag ng isang tao bilang “masa” upang maraming tao


ang magkagusto sa kaniya Halimbawa: Nagsusuot ng mga ordinaryong damit na
pantrabaho ang mga mayayamang politiko upang makakuha ng maraming mga
boto sa susunod na eleksiyon.

You might also like