You are on page 1of 5

SCIENCE

science
Scientific investigation (Lesson 1)

Scientific Investigation- the way in which scientists and researchers use a systematic process to
answer questions about the world around us. It is the heart of science.

Tauhan 
-gumaganap ng mahahalagang karakter.

Dalawang uri ang tauhan


 Tauhang Lapad- nagbabago ang katauhan.
 Tauhang Bilog- hindi nagbabago ang katauhan.

Katangian ng Tauhan
 Protagonista- pangunahing tauhan sa isang akda.
 Antagonista- lumilikha ng hakbang upang hindi magtagumpay ang pangunahing tauhan.

Epiko (Lesson 2)

Epiko- ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan ng isang tauhan o


pakikipagtunggali sa kaaway na halos hindi kapani-paniwala dahil sa angkin nitong kakayahan at
kapangyarihan. Ito ay sinasaad ng pakanta.

Maikling kwento (Lesson 3)


Maikling Kwento- isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento


 Panimula- bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kuwento.
 Saglit ng kasiglahan- naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning
inihahanap ng lunas
 Kasukdulan- nagsasaad ng pinaka masidhing kawilihan.
 Kakalasan o pababang aksyon- magliliwanag sa mga komplikasyong nalikha sa unang bahagi
ng kuwento at magpapatuloy ang paglutas ng problema ng pangunahing tauhan.
 Wakas- ang huling bahagi o ang kahihinatnan ng kuwento.
 Suliranin- problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian- may apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o
kalikasan.
 Tagpuan- ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin
angpanahon kung kailan naganap ang kuwento.
 Paksang diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
 Kaisipan- ang mensahe ng kuwento.
 Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Sanhi at bunga (Lesson 4)
SCIENCE
science
Sanhi- dahilan ng pangyayari
Bunga- resulta o kinalabasan ng sanhi

Mito (Lesson 5)
Mito
-Kumpol ng mga tradisyonal na kuwento, mga kuweno ng binubuo ng isang partikular na
relihiyon o paniniwala
-Ang mito o myth ay karaniwang tumatalakay sa mga kuwentong may kinakaman sa mga diyos,
diyosa, bathala, diwata at mga kakaibang nilalang na may kapangyarihan.
-Kadalasan naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa.
-Madalas ito ay kathang-isip lamang ngunit mayroon parin itong mga naiaambag sa kasaysayan
at pati na rin sa modernong pag-aaral.

Katangian ng mito
1. Ang mga tauhan ay di-ordinaryong tao at itinuturing na “mahiwagang sinaunang tao”.
2. Ang tagpuan ay sinauna o mistikong pook.
3. Ang banghay ay maaaring tumulay mula sa mistikong daigdig tungong mundo sa
kasalukuyan.
4. Nag-uudyok ng pagbabago sa kasalanan.
5. Ang mga pangyayari ay taliwas sa tunay na buhay.
6. Ang mito ay balot ng hiwaga.

Gamit ng mito
7. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
8. Ipaliwanag ang pwersa ng kalikasan
9. Magturo ng mabuting aral.
10. Magkuwento ng mga sinaunang gawaing panrelihiyon.
11. Maipahayag ang kasaysayan.
Pang-ugnay (Lesson 6)
Pang-ugnay- salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Uri ng Pang-ugnay


 Panubali- Nagsasabi ng pag-aalinlangan o pagbabakasakali.
Nagsasaad ng kondisyon.
SCIENCE
science
Pang-ugnay (Lesson 6)
Pang-ugnay- salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Uri ng Pang-ugnay


 Panubali- Nagsasabi ng pag-aalinlangan o pagbabakasakali.
Nagsasaad ng kondisyon.
Kung, pag, sana, baka, kapag
Halimbawa:
a. Ibibili kita ng cellphone kung mapapasa mo ang pagsusulit.
b. Kapag nakita ko siya, iaabot ko sa kanya itong regalo mo.

 Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari


-naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
Mula noon, minsan, bago pa man, sa wakas
Halimbawa:
a. Bago pa man niya napasagot ang dalaga, nagtrabaho muna siya sa kanila.
b. Sa huli, nagwagi si Rhine sa puso ni Ann.

 Pang-ugnay na panghikayat
-nagsasaad ng pagpapatotoo, pagpapatunay, o maaaring pagbibigay ng pasubali.
Totoo, tunay, talaga, pero, subalit
Halimbawa:
a. Ang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng mask ay tunay na nakatutulong upang huwag
tayong dapuan ng sakit.
b. Totoong nakababahala ang pandemya.

Pananaliksik (Lesson 7)
Pananaliksik- isang mapanuri at maka-agham na imbestigasyon ng isang bagay, paksa o
kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, o pagnunuo at pag-uulat ng mga
ideya nsng obhektibo, matapat at may kalinawan.

Mga Hakbang sa Pananaliksik


 Pagpili ng paksa
-isaalang-alang kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes.
 Paglilimita ng paksa
-mahalagang bigyang-limitasyon ang paksang pipiliin upang hindi ito masyadong maging
masaklaw at matapos sa tamang panahon.
 Paghahanda ng pansamantalang Bibliyograpiya
-paghahanda ng talaan ng iba’t-ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang material maging sa internet.
Pananaliksik (Lesson 7)
SCIENCE
science
Mga Hakbang sa Pananaliksik
 Ang pagbuo ng pansamantalang Balangkas
-isulat ang pangunahing ideya o pinakabuod ng pananaliksik na isinasagawa.
 Paghahanda ng iwinastong balangkas o Final outline
-susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga
bagay bang kailangang baguhin o ayusin. Balansehin ang lagay ng bawat punto.
 Pagsulat ng Burador o Rough Draft
-mula sa iwinastong balangkas, maaari ng magsimulang sumulat ng burador.
 Pagrerebisa
-muling pagbasa sa isinulat upang makita o malaman ang mga kamaliang nagawa na
kailangang iwasto.
 Pagsulat ng Pinal na Manuskrito
-isinagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng
mga datos.

Proyektong panturismo (Lesson 8)


Proyektong Panturismo- ang paglalahad ng mga natatagong kagandahan ng isang lugar. Sa
pamamagitan nito maipapatalastas ang mga produkto, pasyalan, personalidad o kahit na anong
bagay na maaaring makatulong sa pagangat ng turismo sa lungsod na kinaroroonan.

Turismo
-ito ay ang paglalakbay o pagbisita ng mga tao sa ibang lugar o bansa na may layunin.

Turista
-ang tawag sa taong dumarayo sa ibang lugar o bansa.

Mga Salitang Ginamit sa Proyektong Panturismo


• Halina at tuklasin!
• Sakay na!
• Tara!
• Swak na swak!
• Kayang-kaya ng inyong budget

Mga Acronym na Madalas Gamitin sa Proyektong Panturismo


• 3 R’s – Reuse Reduce Recycle
• DILG – Department of Interior and local government
• ESWMA – Ecological Solid Waste Management Act
• DOT – Department of Tourism
• DOTC – Department of Transportation and Communication
SCIENCE
science
Proyektong panturismo (Lesson 8)

Mga Gabay sa Pagsusuri ng Isang Travel Brochure


 Nakapupukaw-pansin na pabalat
-pagkakaroon ng malikhain at magandang pabalat ay nakatutulong upang higit na mkuha ang
interes ng mga turista.
 Alamin ang target audience
-pagsasaalang-alang ng pagpili ng mga lugar na maaaring ayon sa badyet ng mga turista.
 Payak at malinaw na nilalaman Introduksiyon o panimula
-naglalarawan sa lugar ayon sa kasaysayan. Paggamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto na
makapupukaw sa interes ng turista, kompleto at simpleng detalye.
 Antas ng wikang gagamitin
-naaayon sa pangkalahatang populasyon ng mambabasa
 Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan pa
-paglalagay ng mapa o direksyon kung paano pupuntahan ang isang landmark.
 Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga
-marapat isama sa brochure ang mga lugar na maaaring kainan at naghahanda ng mga
delicacies ng nasabing lugar.
 Mga larawan ng mga lugar na maaaring pasyalan, kainan, at mapagpahingahan
-kadalasan na unang tinitingnan ng turista sa pagpili ng lugar na kanilang pupuntahan ay ang
mga larawan.
 Halaga ng transportasyon at iba pang bilihin
-malaking tulong ito sa mga turista upang mapaghandaan ang gastusin sa kanilang
paglalakbay.
Extra note

DON’T RELY
ON THIS
TOO MUCH.
STILL READ Research more to know
YOUR more. Study hard!
MODULE!
Thank you:D
Make sure to study
the kultura’s and all
the lessons that were

You might also like