You are on page 1of 18

FILIPINO

(QUARTER 1)
M1-M10
o n
l a n
Ba
C .
s e u m
r i s i n
h a l u m
: C A
B y 9-

Ipapasa kay: G. Jayson A. Lamadrid


Pagsusuri ng mga Pangyayari
Module 1

Ano ang Maikling Kwento?

Ito ay isang halimbawa ng karunungang bayan. Ito ay isang


akdang pampanitikan na gawa ng imahinasyon na hango sa
tunay na pangyayari sa buhay ng isang tao.

Bahagi ng Maikling Kuwento:

1.) Simula
Nagpapakita ng sulyap ng suliranin ng pangunahing tauhan
Mga tauhan at tagpuan ng kuwento
Makikita dito ang daloy ng kuwento

2.) Gitnang Bahagi


Kasukdulan
Tunggalian na may iba’t ibang uri ( Tao vs. Tao, Tao vs.
Kalikasan, Tao vs. Sarili

3.) Wakas
Kakalasan
Solusyon sa problema ng tauhan
Paghahatol o Pagmamatuwid
Module 2

Ano ang Paghatol at Pagmamatuwid?

Paghatol- Pagbibigay ng pasiyao desisyon ukol sa isang


pangyayari.
Pagmamatuwid- Pagtatama, isang anyo ng diskorso na
may layuning makahikayat ng iba sa pamamagitan ng
pangunahing tuwiran upang paniwalain o gawin ng mga
taga-pakinig o mambabasa ang nais niyang paniwalaan
o gawin nila.

Uri ng Pangangatuwiran:

Pangangatuwirang Pabuod (Inductive Reasoning)


- nagsisimula sa maliit katotohanan tungo sa isang panlahat na
simulain o panlalahat ang pangangatuwirang pabuod. Nahahati
ang pangangatuwirang ito sa tatlong bahagi.

Pangangatuwiranggumagamit ng pagtutulad
-Inilahad dito ang magkatulad nakatangian, sinusuri ang
katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong
paglalahat sa ganito pangangatwiran ay masasabing
pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaring
maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian
subalit magkaiba naman sa ibang katangian.

Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag uugnay ng


pangyayari sa sanhi. Nananalunton ito sa paniniwalang may
sanhi kung kaya nagaganap ang isang pangyayari.
Paghahatol o Pagmamatuwid
Module 2

Pangangatuwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at


pagpapatunay. Nkapaloob dito ang mga katibayan o
ebidensyang higut na magpapatunay sa paksang tinutukoy.

Pangangatuwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)

Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan


ng pagkakapit ng isang simulang panlahat ang
pangangatuwirang pasaklaw. Ang silohismo na
siyang tawag sa ganitong pangangatuwiran ay
bumubuo ng isang batayan at isang konklusyon.
Isang payak ng balangkas ng pangangatuwiran
ang silohismo.
Denotatibo at Konotatibo
Module 3

Ano ang Denotatibo?


Ito ay ang kahuluhan ng isang salita na matatagpuan sa
diksyunaryo o salitang ginagamit sa pangkaraniwan at
simpleng pahayag.
Tunay na kahulugan ng salita.

Ano ang Konotatibo?

Ito ay ang pagpapakahulugan sa salita na malayo sa tunay na


kahulugan nito.
Ito ay maaring nag-iiba iba ayon sa saloobin, karanasan at
situwasyon ng isang tao. Nagtataglay ng pahiwatig ng
emosyonal.
Malalim ang kahulugan ng salita.

Gawain
Telenobela at Kaganapan
Module 4

Paano maihahambing ang mga pangyayari sa


telenobela sa Lipunang Asyano?

Base sa mga karanasan


Pag-susuri ng pangunahing paksa
Obserbasyon
Banghay ng Maikling Kuwento
Module 5

Talasalitaan
Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Tauhan- Mga gumanap sa kuwento.
Suliranin- Problemang haharapin ng mga tauhan
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Tagpuan- Nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksiyon
o insidente, gayundin ang panahon kung kalian naganap ang
kuwento.
Kakalasan- Tulay sa wakas
Paksang diwa- Pinaka-kaluluwa ng kuwento

Kuwentong Makabanghay
Isang kuwentong nagbibigay diin sa banghay o maayos na
daloy ng mga pangyayari ay tinatawag na kuwentong
makabanghay. Ang akda’y nakapag-iiwan lamang ng kakimalan
sa isip ng mga mambabasakung may mangyayari at kung
masasagot ang mga katawagang tulad ng sumusunod; Ano ang
nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas?

Mula sa banghay ay makakabuo ng balangkas kung saan


makikita ang magkaka-ugnay at mabilis na galaw ng mga
pangyayari.
Banghay ng Maikling Kuwento
Module 5

Banghay ng Maikling Kuwento


1. Simula- paglalahad o paglalarawan sa tauhan, tagpuan.
Maaring mailahad din dito ang suliranin.
2. Tauhan- mga gumanap sa kwento. Tauhang Bilog- nagbabago
ang karakter.
Tauhang Lapad- walang pagbabago sa karakter
Tauhang Sosyal- lumalabas tuwing may pagtitipon o
pagdiriwang, pandagdag
Tauhang Saykolohikal- mga tauhan sa isip ng karakter o
konsensya
Tauhang Pisikal- nakikita at nakakausap, bida o kontrabida
Protagonista at antagonista
3. Suliranin- nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang
nagpapadaloy sa buong istorya.
4. Papataas na Aksyon- Dito nagaganap ang paglalahad ng
suliranin. Naipapakita dito ang reaksyon ng mga tauhan sa
paglahad ng suliranin.
5. Kasukdulan- Pinakamataas na bahagi ng kuwento. Ito ang
bahagi ng kuwento na kapana-panabik.
6. Pababang Aksyon- Dito makikita ang kakalasan. Kakalasan sa
mga kumbensyonal, tradisyonal na kuwento, madalas
naglalagay ng ganito ang manunulat.
7. Wakas- Dito natatapos ang kuwento, maaring masaya,
malungkot o nagbubukas ng iba pang ideya o ang tinatawag na
open-ended.
Banghay ng Maikling Kuwento
Module 5

Mga Uri ng Banghay:


1. Linear- nagpapakita ng pag-usad ng kuwento mula simula
hanggang wakas batay sa natural na reaksyon sa mga aksyon.
2. Epesodiko- banghay na hinati- hati ang mga pangyayari sa
daloy ng pagsasalaysay.
3. Paikot- nagpapamalas ng umiikot na pangyayari sa loob ng
kuwento.
4. Absurdo- nagpapakita na tila walang nangyayari, walang
nagaganap o wlaang patutunguhan ang mga kilos o reaksyon
ng mga tauhan sa loob ng salaysay.

Estilo ng Pagsulat ng Awtor


Paraan kung paano inaayos ng manunulat ang kaniyang mga
salita upang maipahiwatig ang ideya.

Mga Paraan ng Pagsulat:

1. Paghahambing- isinasaayos ng paseksyon, unang seksyon ay ang


pagkakaiba. Ang pangalawang seksyon ay ang pagkakatulad, maari
din silang magkapalit.
2. Paanggulo- batay sa personal na masasabi o reaksyon ng
bawat tao tungkol sa mga bagay- bagay o isyu sa isang
obhektibong paglalagom.
3. Palamang o Pasahol- sinisimulan sa mga bagay munang lalong
mahalaga ang binabanggit bago ang di-gaanong mahalaga o vice-
versa.
Banghay ng Maikling Kuwento
Module 5

Mga Tayutay:
1. Pagtutulad- naipapakitang pagtutulad ang dalawang
magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga
katagang kagaya, katulad, para, para sa, para ng, anaki’y,
anino, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, at iba pang
mga kauring kataga.

2. Pagwawangis- tiyak na paghahambing ngunit hindi


ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing
na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng
bagay na inihahambing.

3. Pagsasatao- ginagamit ito upang bigyang buhay, pagtaglayin


ng mga katangiang pantao, talino, gawi, kilos ang mga bagay na
walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasama
ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang-diwa.

4. Pagmamalabis o Eksaherasyon- ito ay lagpalagpasang


pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan, damdamin at iba pang
katangian, lalagyanan o katayuan.
Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

Module 6

Pagsusunod- sunod ng mga pangyayari


Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay
isang paraan ng pagbubuod, kung saan mahalaga ang
kasanayan sa pagkuha. ng mga pangunahin kaisipan ng bawat
talata o pangungusap sa kuwento. Lubos na nakakatulong ito
upang makuha rin ang mga mahahalagang detalye at
impormasyon sa pagkasunod -sunod ng mga pangyayari.

Hudyat sa Pagsunod-sunod sa mga Pangyayari


Kapag ang pinagsunod-sunod ay maa pangalan. Gagamit tayo
ng mga katagang: una, pangalwa, pangatio.
Kapag ang pinagsunod- sunod ay proseso o paraan ng isang
bagay.
PANG-UKOL - Kataga, salita o pariralang nag-uugnay ng isang
pangngalan sa iba pang salita sa pangunausap. (alinsunod
sa/kay, ayon sa/kay, hineail sa/kay, kay/kina, laban sa/kay,
tungkol sa/kay, ukol sa/kay)
PANGATNIG - mga kataga, salita o pariralang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala, sugnay o payak na pangungusap. (at,
anupa, bagaman, bagkus, bago, dahil sa, dapatwat, kapag,
kaya, kundi, kung, habang, maliban, nang, ngunit, o, sapagkat,
palibhasa, pati, sakali, samantala, samakatuwid, sa madaling
salita, upang, sanhi, sapagkat, subalit, ni)
Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

Module 6

Paraan ng Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa


Isang Akda
SIKWENSYAL
- Kinapapalooban ng mea serve ng Rangyaxarin magkakaugnay
sa isalt isa na humahantong sa sang pangyayari na siyang
panapaksa ng teksto.

PROSIDYURAL
- Ito ay tungkol sa serve ng gawain pang matamo, ang
inaasahang hangganan o resulta •

KRONOLOHIKAL
- Ang paksa nito ay ang tao ay kung ano pa mang bagay na
inilalahad sa isana paraan batax sa isang tivak na baryabol.
Impormasyon at mahahalangang pangyayari. Ginagamit ayon
sa petsa gaya ng tiyak na araw at taon.

Kahalagahan Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Mahalaga ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa


akda sapagkat sa tulong nito ay mas madali nating
natutukoy ang mga pangunahing kaisipan sa kuwento at
nakatutulong rin ito upang makuha ang mga detalye at
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Angkop na Pang-ugnay

Module 7

Pang-ugnay (Connectives)

Ito ang mga salitang nagpapakita ng relasyon sa


dalawang salita, parirala o sugnay. Mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng
dalawang sugnay.
Mga Uri ng Pang-Ugnay
Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o sugnay.

Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa


panuring at salitang tinuturingan.

Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang


pangngalan sa iba pang salita.

PANG - ANGKOP:
Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa at salitang
tinuturingan. Ito ay nagpapaganap lamang ng mga
pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-
angkop.
Angkop na Pang-ugnay

Module 7

a. Ang pang-angkop na - na ay ginagamit kapag ang unang


salita ay natatapos S katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat
ng nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng
salita ng panuring.

b. Ang pang-angkop ng-ng ay ginagamit kung ang unang salita


at nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n


tinatanggal o kinakaltas ang nat ikinakabit ang -ng.

PANG - UKOL:
Ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kaugnayan
ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.

Gumagamit ng Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa,


labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

PANGATNIG:
Ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o
kaispan sa isa pang salita o kaisipan sa isang
pangungusap.
Angkop na Pang-ugnay

Module 7

a. Pamukod - ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.


b. Paninsay o pasalungat - ginagamit kung nagsasaaad ng
pagsalungat
Ginagamitan ng subalit, datapwat, bagama't

c. Panubali o Panlinaw - nagsasaaad ng panubali o pasakali.


d. Pananhi - tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad
kadakilaan
Ginagamitan ng sapagkat, dahil sa, palibaha

Transitional Device:
- Ang transitional devices ay mga salitang ginagamit upang
pagsunod-sunirin ang mga pangyayari o naratibo paglilista ng
mga ideya at paglalahad.
- Ilan pa sa mga transitional devices ay ang kung gayon, sa
wakas, kaya naman, sa lahat ng ito, sa ganang akin at marami
pang iba.
Katotohan, Kabutihan at Kagandahan

Module 8

Kabutihan:
Kabaitan, kaaya-aya, at kaayusan

Kahisayan sa moral at kagalingan

Positibong katangian

Katotohanan:
Tama, katunayan, katiyakan,

katapatan, kataimtiman at mabuting

paniniwala.

May balidad

Kaisa ang katunayan at reyalidad

Kagandahan:

Kaligayan, kahulugan at satispaksyon

Loob at labas na ugali at kaanyuan.

Kagandahang loob
Pahiwatig sa Akda

Module 9

Pahiwatig:
Itinatalakay ang mga pangyayari

Mahalagang sangkap Estilo ng pagsasabi ngunit hind isa

lantad na paraan.

May mga misteryo Pagbibigay ng ibang kahulugan

Alusyon

Interpretasyon:
Hindi tuwirang nakalahad sa tesksto

Kakayahan sa paglutas ng suliranin

Pagbibigay ng kahulugan sa mga salita na hindi tuwirang

sinabi ng may akda.

Magaling na pagsusuri
Pagpapalawak ng Interpretasyon
Suriin ang pagkakagamit ng mga salita para mahinuha ang
kahulugan
Denotasyon- aktuwal na kahulugan
Konotasyon- kultural o pangkaranasang kahulugan
Simbolismo- representasyon
Kontestuwal na kahulugan- kahulugan batay sa akda o
teksto
Tao VS. Sarili

Module 10

Tunggalian: Tao vs. Sarili


Mga tanong ng karakter sa kaniyang sarili. Tinatawag din

itong ‘self-conflict’ .

Kinakalaban ng karakter ang kaniyang paniniwala, prinsipyo at

palagay.

Tama o mali

May kinalaman sa moralidad at paniniwala

You might also like