You are on page 1of 30

Lesson 6: quantitative

research problem

REPORTERS:
Dapanas, Keziah Jade
Duenas, Adriana Marie
Ynot, Melody
Objectives:
Objectives:
1. increase the number of English words you know; After this lesson, you should be able to:
2.communicate the word use to the newly learned words;
3. explain the meaning of Quantitative Research Problem
4. evaluate the quality of Qualitative Research Problem and Research Questions;
5. use prose and non- prose means of comparing and contrasting the approaches and types of research
questions;
6. distinguish the researchable from a non- researchable problem and;
7. apply the guidelines in stating a Quantitative Research Problem and Research Questions.
Mapanuring Pagbasa, Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring
Mambabasa

-Isa sa mga hindi maiiwasang Hindi ito nangangahulugang hindi


gawain sa loob ng akademiya ang nagbabasa ang mga taong nasa labas ng
pagbasa. Sa bawat asignaturang akademiya. Iba-iba lamang ang mga
kinukuha at pinapasukan ng mag- binabasa, layunin sa pagbasa, at paraan
aaral, may mga libro, manwal, ng pag-alam at pag- unawa sa binabasa.
Ang mga akademiko o yaong mga nasa
artikulo, report, at iba't ibang anyo
akademiya man ay nagbabasa rin ng mga
ng sulatin at gawain na kailangang
iba't ibang tekstong di-akademiko.
basahin at gawin upang mapalawak Samantala, hindi naman nabibigyan ng
at mapalalim ang kaalaman nila sa pagkakataon ang mga nasa labas ng
mga konsepto, ideya, at akademiya upang makapagbasa ng mga
impormasyon. Ito rin ay upang binabasa sa loob nito, maliban na lamang
mapaunlad ang kakayahan nila sa kung napagdaanan na nila ito sa pag-aaral
mapanuring pag-iisip. sa hayskul at kolehiyo, o kaya'y bahagi ito
ng kanilang trabaho.
Lilinawin dito na ang tekstong binabanggit ay
hindi lamang yaong nababasa gaya ng libro,
artikulo, manwal, pamanahong papel, mapa,
report, polyeto, at iba pa. Teksto rin ang
napapanood na pangyayari, sitwasyon,
programa sa telebisyon, pelikula, at pintura.
Teksto rin ang napapakinggang talumpati ng
isang politiko, debate sa telebisyon at
eskuwelahan. diskusyon sa loob ng silid-
aralan, at iba pa. Anomang binabasa,
binibigyang-interpretasyon, inaanalisa, at
ginagawan ng ebalwasyon ay isang teksto sa
modernong pakahulugan nito.
Mga Halimbawa ng mga uri, anyo,
estruktura,layunin, at pinal na output
nito, na nakabatay sa kurso.
Pamamahayag o
Panitikan
Komunikasyong Pang-broadcast
- Tekstong pampanitikan (tula,
– Artikulo sa diyaryo
dula, nobela, sanaysay, maikling
- Balita, report sa radyo,
kuwento, telenobela, pelikula, at
telebisyon, Internet, tabloid
iba pa)
- Interbyu
- Artikulo ng panunuring
- Programa
pampanitikan
- Editoryal
- Datos sa Social Media
- Programa sa radyo at
telebisyon
Pisika Antropolohiya
-Case Study sa isang
- Resulta ng eksperimento
komunidad
- Siyentipikong report.
-Artikulo/Libro ng pag-aaral sa
isang pangkagt etniko
Sining -Interbyu sa sa isang
-Akdang pansining komunidad
-Rebyu ng akdang pansining
Sikolohiya
- Eksperimento sa laboratoryo
- Case Study
-Siyentipikong Report
Lingguwistika
-Analisis ng grammar ng isang wika
-Pag-aaral ng diksiyonaryo at bokabularyo ng isang wika
Estruktura ng Tekstong Akademiko

Deskripsiyon Problema at
ng Paksa Solusyon
Pagkakasunod-
sunod o Sekwensiya
ng mga Ideya

Sanhi at
Bunga
Pagkokompara Aplikasyon
1. Deskripsiyon ng Paksa
-Kasama rito mga depinisyon, paglilinaw, at
pagpapaliwanag. Karaniwan itong makikita sa simula
ng teksto.

Halimbawa:
"Nahahati ang pagsusuri sa dalawang bahagi. Naglalahad ang unang
bahagi ng mga pagdadalumat sa pambansang panitikan na
matatagpuan sa ilang mga kalipunan at kasaysayang
pampanitikan...ang ikalawang bahagi nama'y pumapasok sa usapin
ng saklaw at bisa ng naturang konsepto, batay sa ugnayan nito sa
mga Panitikang Rehiyonal at Panitikang Sektoral…
2.Problema at Solusyon
-Dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap ang
pinakatema ng teksto at ang punto at layunin ng paksa, ang
gustong patunayan, ipaggiitan, isangguni, ilahad, at paano ito
mauunawaan. Dito umiikot ang pagtalakay sa buong teksto, at
iba pa.

Halimbawa:
"May mga paraan upang mapakinabangan ang texting na
kinababaliwan ng mga mag-aaral at itinuturing ng mga guro na
sagabal sa kanilang pag-aaral."
3. Pagkakasunod-sunod o Sekwensiya ng mga Ideya
Maaari itong kronolohikal (panahon) a hierarkikal (ideya).

Halimbawa:
"Upang maging malinaw ang pagtalakay sa pag-unlad ng wikang
Filipino bilang wikang pambansa at wikang opisyal ay susuriin ang
mga pinagdaanan nito sa iba't ibang yugto ng pag-iral nito."

4. Sanhi at Bunga
-Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katuwiran
sa teksto

Halimbawa:
"Isa sa mga maaaring tingnan ay ang epekto ng kalamidad sa
kabuhayan ng mga tao."
5. Pagkokompara
Kaugnay ito ng pagkakapareho at/o pagkakaiba ng
mga datos upang patibayan ang katuwiran.

Halimbawa:
"Ang dyipni ay katulad ng maraming bagay at ugaling bahagi
na ng buhay- Pilipino. Ang disenyo ay halo-halo na maski paanong
tulad ng sangkap ng lutong pinakbet, at makulay na parang ati-atihan
sa Aklan. Ang loob ay sing-ingay ng palengke ng Dibisorya, ngunit
relihiyosong tulad ng simbahan ng Quiapo..."
6. Aplikasyon
-Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na
nagaganap sa buhay.
Halimbawa:
"Maging ang urban lore ay nagpapahiwatig ng
kontradiksiyong panlipunan. Ang white lady sa Balete Drive,
biktima ng sexual abuse at heinous violence, ay muli't muling
bumabalik sa alaala at espasyo ng marahas at baliw na syudad."
PARTIKULAR NA ESTRUKTURA NG TEKSTONG
AKADEMIKO
1. Estrktura ng Tesis
-kaugnay ito ng mga tekstong nangangatuwiran o may
pinapatunayan. Narito ang dayagram.

INTRODUKSIYON
Paksang Pangungusap

KATAWAN
Paksang Talata
Mga Detalye
Argumento
Katuwiran
Paksang Pangungusap
Mga Detalyeng Pangungusap

Kongklusyon
Argumentong Konklusyon
2. Estrukturang Problema-Solusyon

Tinatalakay nito ang mga problema o isyu at posibleng solusyon.


INTRODUKSYON
Pahayag ng Problema
at/o Solusyon

KATAWAN
Mga Detalye
Mga Ebidensiya
Mga Katuwiran
Mga Posibleng Solusyon

KONKLUSYON
Resolusyon Mungkahing
Solusyon o Kawalan ng
Solusyon
3. Estrukturang Factual Report
Walang pinapanigang isyu o katuwiran ito. Isa lang itong ulat.

INTRODUKSIYON
Pangunahing Paksa

KATAWAN
Mga Detalye
Mga Paliwanag

KONGKLUSYON
Pangkalahatang Buod
Mapanuring Pagbasa:
Mga Estratehiya
Mapanuring Pagbasa:
Mga Estratehiya
Ang tekstong akademiko ay nangangailangan ng maingat, aktibo,
replektibo at mapamaraang pagbasa. Makatutulong ang mga ito
upang higit na maunawaan ang binabasang akda.

1. Maingat dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya, at suriin


kung gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang.
Malaki and maitutulong nito upang magabayan ang pagbasa sa teksto
(Dapat ko ba itong paniwalaan? Maingat ba ang may-akda sa paggamit ng
ebidensiya at katuwiran?)

2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong


ginagawa ang mambabasa upang maging malinaw ang ipinahahayag ng
teksto. Nagtatanong din siya sa sarili kaugnay ng teksto o mga
ipinahahayag nito.

3. Replektibo dahil nabibigyang katibayan o patunay ang nabasa kaugnay


ng mga kaalaman at sariling karanasan ng mambabasa.
4. Maparaan dahil maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang
mabuti ang teksto. Ilan sa mga ito ang pre-viewing o pre-reading, skimming, at brainstorming.

Pre-viewing o Pre-reading (Bago Bumasa)


Bubusisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artikulo. Kung libro, puwedeng tingnan ang
pabalat, ang likod ng pabalat na kung minsa'y may paliwanag ang may-akda tungkol sa libro o
kaya'y mga pahayag ng ilang personalidad tungkol dito. Maaaring magtala ng ilang impormasyon.

Skimming
Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga
pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong binabasa.

Brainstorming
Ito ang talakayan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat miyembro at
magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto.

Nararapat na tandaan na ang mga estratehiyang nabanggit ay para sa pagsimula pa


lamang ng pagbasa upang magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto. Wala
nang hihigit at bubuti pa sa malaliman, masusi, at masusing pagbabasa. Maisasagawa ito
sa pamamagitan ng metakognitibong pagbasa.
METAKOGNITIBONG
PAGBASA TUNGO SA
MAPANURING PAGBASA
AT MAMBABASA
METAKOGNITIBONG PAGBASA TUNGO SA
MAPANURING PAGBASA AT MAMBABASA

Ang metakognitibong pagbasa ay kaugnay ng Transactional


Reader-Response Theory (W. Iser at Rosenblatt), kung saan ang
mambabasa ang lumilikha ng kahulugan sa teksto mula sa mga
kaalaman at karanasan. Sa teoryang ito, may nabubuong interaksiyon sa
pagitan ng teksto at mambabasa. Kaugnay rin ito ng pinagsamang
pagbasang analitikal (teksto bilang teksto) at kritikal (teksto sa
konteksto) na siyang bumubuo sa mapanuring pagbasa. Interaksiyon ng
kaalaman, estratehiya, at teksto ang metakognitibong pagbasa.
AnG TATLONG TEORYA, PANANAW O
KALAKARAN NA UMIIRAL SA LARANGAN NG
LITERASI

Ang una ay ang tradisyonal na pananaw, kung saan


matatagpuan na sa teksto ang lahat ng ideya,
impormasyon, at kahulugan para sa mambabasa.
Nagreresulta ito sa isang pasibong pagbasa, kung saan ang
mababasa ay nagiging pasibong tagatasa na nakatuon
lamang sa mga salita at estruktura ng teksto. Kaugnay ito
ng bottom-up na paraan ni Patrick Gough (1972).
Ang pangalawa ay ang pananaw na kognitibo, kung saan may
interaksiyon ang mambabasa sa teksto. Bumubuo rin siya ng
hipotesis o haka-haka, tinatanggap o hindi tinatanggap ang mga
ideya o pahayag sa teksto, nagbibigay-interpretasyon sa mga
datos, kumukuha ng impormasyong kaugnay ng datos sa teksto
mula sa mga dating kaalaman, nabasa, nakita, napanood, at
narinig. Ang pananaw na ito ay kaugnay ng top-down na paraan
(Goodman 1990), Sikolingguwistikong Modelo ng Teorya ng
Iskema (Brumelhart 2004), at Konstruktibong Pag-unawa (Dole
2004). Kaalaman at estratehiya sa pagbasa ang katangian ng
pananaw na ito.
Ang pangatlo ay ang metakognitibong
pananaw (Klein et al. 2004). Pangunahing
katangian nito ang pag-iisip kung ano ang
ginagawa habang nagbabasa. Kaalaman,
estratehiya, at teksto ang gabay ng pananaw na
ito. Kumbaga, nakukompleto dito ang kulang
na katangian ng tradisyonal (teksto lamang) at
kognitibo (kaalaman at estratehiya lamang).
Proseso ng Metakognitibong Pagbasa
Bago basahin ang teksto:

1. Estratehiya -Tiyakin ang layunin o dahilan kung bakit mo binabasa o gustong basahin
ang teksto. Dahil ba ipinababasa ito ng guro? Kung gayon, malaliman ang pagbasa dito.
Kung may gusto ka namang malamang teoryang tinatalakay rito, yaon ang pagtutuunan.
Tukuyin din ang uri o anyo ng teksto (halimbawa: report, editoryal, nobela, sanaysay, at
iba pa). Nakadepende ang paraan ng pagbasa sa uri o anyo ng teksto.

2. Hanapin o tukuyin ang paksang pangungusap- Ito ang pangungusap sa loob ng


teksto-kadalasa'y nasa unang talata o introduksiyon-na tumutukoy sa paksa o gustong
patunayan kaugnay ng paksa. Kung minsa'y hindi ito mababasa sa teksto ngunit nasa
mambabasa na kung paano niya masasabi sa isang pangungusap ang kabuuang mensahe
ng teksto.

3.Linawin, bigyang-tuon, at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang


binabasa ang teksto - Malinaw ba niyang naipaliliwanag ang layunin o naliligaw ang
mga argumento? Ano ang gusto niyang patunayan?
4. Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensiya (halimbawa:
ilustrasyong nagpapaunlad sa layunin kaugnay ng paksa) - Angkop, kapani-
paniwala, mapagkakatiwalaan, o sinaliksik ba ang mga ito?

5.Suriin ang paraan ng pagkakasulat - Organisado ba ang mga ideya? Ano ang
estilo ng pagsulat ng may-akda? May mga kontradiksyon ba? Sa anong perspektiba
niya ito sinulat?

6. Alamin ang gamit ng wika - Angkop ba ito sa uri ng teksto? Sa layunin? Sa


iniisip na mambabasa nito? Ano ang "tono" ng teksto batay sa gamit ng wika?

7. Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksiyon kung ano ang susunod na


mangyayari batay sa integrasyon ng mga datos, teksto, salitang alam mo bilang
mambabasa, mga impormasyong mula sa media, karanasan, haka-haka, at
kongklusyon sa mga nauna nang pagbasa. Ipaliliwanag kaya ng may-akda kung
bakit may epekto ang kakulangan sa tulog sa pagkakaroon ng Alzheimer's batay
sa ipinapaliwanag sa Internet? Paano kaya niya bibigyang-solusyon ang
problemang binanggit niya? Kung ako iyon, iba ba ang desisyong gagawin ko?
8. Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto - Maaaring ibatay ito sa
alinman sa sumusunod:
a. Mga paksang pangungusap sa bawat talata upang makuha ang ugnayan
ng mga bahagi sa kabuuan ng teksto
b. Pagkakasunod-sunod ng mga ideya mula sa iyong pagtatala
c. Sanhi at bunga ng mga pangyayari o ideya sa teksto
d. Pagkokompara ng mga pangyayari o mga ideya at datos sa loob ng teksto
e. Iba pang paraang inaakalang makatutulong upang maipakita ang
pangkalahatang mensahe ng teksto

9. Gumawa ng ebalwasyon o kongklusyon batay sa mga tinutukoy sa teksto,


sariling opinyon, karanasan, datos, impormasyon mula sa labas ng teksto
(halimbawa: media, pamilya, komunidad, bansa, daigdig, libro, at iba pa), at
sariling makatuwiran at maalam na pagdedesisyon at disposisyon. Natamo ba
ang layunin ng may-akda? May maibibigay ba itong kontribusyon sa mundo ng
mga kaalaman?
MAPANURING MAMBABASA

Sa kabuuan, anomang uri ng teksto at tinatalakay nito, ang


mambabasa pa rin ang gagawa ng pagsusuri at pagdedesisyon kung ito
ay mahalaga, makabuluhan, may ibubuga, kapani-paniwala, kasiya-siya,
dapat basahin at balik-balikan, dapat pag-aralan nang malaliman, o ang
kabaligtaran nito. Gayunman, mahalagang basahin ang teksto sa sarili
nitong merito. Ang mga dating kaalaman, karanasan, nabasa, napanood,
napakinggan, at iba pa ay gamiting gabay lang upang unawain ang
teksto. Tandaan, hindi kinakailangan at huwag ipilit ang sariling opinyon
at paniniwala sa teksto. Huwag puwersahin ang may-akda na palitan ang
paniniwala niya at ipalit ang sa iyo.
MGA RESPONSIBILIDAD AT GAWAIN NG
MAPANURING MAMBABASA
Kaugnay nito, mahalagang tiyakin ang responsibilidad at gawain ng isang
mapanuring at mambabasa:

1. Bago gumawa ng obserbasyon at reaksiyon sa teksto, masusi itong binabasa


hindi pahapyaw lamang.

2.. Bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng may-akda o ng teksto.

3. Tumatanggap ng mga bagong ideya at iniuugnay ito sa sarili niyang ideya.

4. Bumubuo ng sariling ideya at hindi nakikisakay lamang sa ideya ng iba.

5. Maalam, nagsasaliksik, at naghahanap ng paraan upang maunawaan ang


teksto at paksa mula sa mga libro, panayam, Internet, obserbasyon, at iba pa.
6. Gumagamit ng wikang rumerespeto sa anoman ang palagay sa binasang
akda. Halimbawa: Politically correct na mga salita (may respeto sa kasarian,
lahi, pisikal na kalagayan, estado, relihiyon, grupo, at iba pa)

7.Nakatutulong ang pagsusuri upang makabahagi sa pagpapaunlad ng


kaalaman.

8. Nakagagawa ng pagbubuod o sintesis ng mahahalagang punto o ideya mula


sa teksto.

9. Sinusuri ang teksto mula sa iba't ibang lente at hindi mula sa iisang
pananaw lamang.

10. Nabibigyang-pagpapahalaga at pagtatasa ang mga ideya sa teksto.


MARAMING SALAMAT PO SA
INYONG PAKIKINIG….
Hanggang sa muli bbye
byee byeee.

You might also like