Professional Documents
Culture Documents
MGA LAYUNIN
A Singkaw- kaisipan
Gaano katalas ang iyong isip? Kapag ikaw ay nagbabasa, ganoon ba kadaling
maimbak sa iyong memorya ang mahalagang impormasyon? O ikaw ay
nangangailangan ng susulatang papel upang itala ang mahahalagang impormasyon?
Kapag nagpoproseso ng impormasyon, mas gusto mo bang nakahiga o nakaupo
upang maging mabilis ang daloy ng pag-iisip? O nakakapagproseso ka ng
impormasyon sa anumang paraan na naisin mo?
B Lusong-kaalaman
Ang pagpoproseso ng impormasyon ay maihahalintulad sa kung paano
inaayos ang tahanan at opisina. Ginagamitan ito ng iba’t ibang mahuhusay na
estratehiya. Tulad ng pag-aayos ng tahanan at opisina, inaalam kung paano
maoorganisa ang mga kasangkapan, kung saang lugar ilalagay ang mga ito at kung
paano iaayos ang mga ito sa lagayan. Sa pagproseso naman ng impormasyon,
nilalapatan ng maayos na sistema at organisasyon ang mga konsepto o mga kaisipan
upang maintindihan ito nang lubos at mapanatili sa kaisipan.
C Bungkal – kabatiran
pagproseso ng impormasyon.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.proprofs.com%2Fquiz-
Hakbang sa Pagproseso ng Impormasyon
school%2Fstory.php %3Ftitle%3Dvak-quiz-visual-auditory-
kinesthetic&psig=AOvVaw0YTS49uSeaGtOQcCIVxQvz&ust=15937437
76743000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKCUr6_EreoCFQAAAAAdAAAAABAD
Nagsisimula ang pagproseso ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtukoy
sa kung anong impormasyon ang kailangan. Inihanda ang mga kagamitan tulad ng
aklat na mapagkukunan ng impormasyon, taong mapagtatanungan, kagamitang
mapapanood, usapan na maririnig, panayam, at maaari ding hanguan sa media o
internet. Mula sa mga kagamitang nabanggit ay masusing pinipili ang mga
impormasyong kailangan, inihihiwalay at iniiwan ang mga impormasyong nagdudulot
ng kalituhan. Ang mga tiyak na impormasyon na maaaring makatulong o magamit
ang binibigyang pansin. Inililista, pinakikinggan o iniimbak sa memorya ang mga
kinakailangang impormasyon. Ang mga impormasyon o kaalamang nakalap ay
inaayos upang mabilis itong maibahagi at matasa kung ang mga ito ay nakatugon sa
pangangailangan ng impormasyon. Upang lubos itong maunawaan ay tunghayan ang
halimbawa ng pagproseso ng impormasyon.
Mga Halimbawa ng pagproseso ng impormasyon.
“The more you read, the more you know, the more you know the smarter you grow,
the stronger your voice when speaking your mind and making your choice.”
I. PAGBASA ng IMPORMASYON
Proseso ng pagkuha at at/o pag-unawa ng/sa nakalimbag o nakasulat na
impormasyon o ideya/simbolo.
Computer Language – matatawag ding pagbasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang
uri ng imbakan ng kompyuter.
A. Kahulugan ng Pagbasa
B. Kahalagahan ng Pagbasa
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.rappler.com%2Fnation%2F153369
-araw-pagbasa-hope-reading&psig=AOvVaw3Hy3xYKI29njLOzfpa5y5C&ust=1593745064222000
&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIDSq5fJreoCFQAAAAAdAAAAABAD
C. Mga Uri ng Pagbasa
B. Layunin ng Pananaliksik
Makahanap ng solusyon hinggil sa isang problema o suliranin.
Nakagagawa ng mga bagay-bagay na nagpaparanas ng mga bagong
kasanayan at nakapagbabahagi rin ng mga kaalaman ayon sa mga karanasang
natutuhan.
C. Kahalagahan ng Pananaliksik
Alamin
Ang mag produkto ng makabagong teknolohiya ang siyang pinakamabilis na
hanguan ng kaalaman. Bukod dito, ang mga ito ay siya ring pinakamabilis na midyum
ng komunikasyon kung saan ay naibabahagi o naipapalaganap ang mga
impormasyon.
Mahalaga ang komunikasyon para magkaunawaan ang mga tao sa mundo. Sa
pakikipagkomunikasyon natin naipapahayag ang ating mga saloobin hinggil sa ating
mga nakikita at nadarama. Ang komunikasyon ang nagpapanatili ng kapayapaan sa
lipunan.
Likas sa isang tao namakisama, makihalubilo at makipag talastasan sa kapwa,
Ito ang dahilan kung bakit patuloy na pinauunlad ang teknolohiya sa larangan ng
komunikasyon .Magkagayunman, hindi sapat na alam ng tao na gamitin ang
komunikasyon nang mabisa at mapanghikayat, higit na mahalagang matuto siya sa
mahalagang impormasyon na mapupulot sa pakikipagkomunikasyon.
D Linang-diwa