You are on page 1of 2

Karunungang-Bayan

-Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikian, sawikain, at bugtong.


-Nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula.

Salawikain

Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga
ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.

Sawikain

-Tinutukoy sa mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinhaga.


-Hindi tiyak ang kahulugang ibinibigay nito sapagkat may natatago pa itong kahulugan patungkol
sa iba't-ibang bagay.

Paghahambing
-Isang paraan ng paglalahad.
-Ito ay nagkakatulong sa pagbibigay linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.

Pahambing na Magkatulad

-Uri ng paghahambingan na ginagamit ng panlaping gaya ng magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-,
magsim-, magsin-, ga-, pareho-, at kapwa-.

Pahambing na Di-Magkatulad

-Uri ng paghahambingan na naglalahad ng pagkakaiba ng dalawang bagay.


-Mayroong dalawang uring nito.

Palamang

-Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.


-Ginagamit ng higit, lalo, mas, at di-hamak.

Pasahol

-Kulang sa katangian ang isa ang isa sa dalawang pinaghahambing.


-Ginamit ng di-gaano, di-gasino, at di-masyado.

Epiko
Ito ay isang mahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas na nagsasaad ng kabayanihan
at mahiwagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na karaniwang nagtataglay ng lakas
na nakahihigit sa karaniwang tao.

Pagtutulad

Tayutay na ginagamit ng paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasim- at iba pa.
Hakbang ng pananaliksik
Ano nga ba ang kahulugan ng pananaliksik?

 Masasabing ito ay tumutukoy sa sistematikong paghahanap at pagkakalap na


mahahalagang detalye o impormasyon may kinalaman sa isang paksa sa aralin,
suliranin at marami pang iba. May kaugnayan ito sa paghahandang mabuti sa
bawat ulat para maisagawa ito sa mahusay na paraan. Gayundin, ang bahagi ng
isang pananaliksik ay may mga hakbang na dapat gawin. Kung saan,
nasasalamin nito ang isang mahusay na pananaliksik.

 Ito rin ay may prosesong pag-unawa, pag-alam tungkol sa maingat na pagsusuri,


kasama dito ang kritikal at detalyadong teknik para malaman ang isang bagay
Kaya pinakikita nito na may mahalagang papel ang pananaliksik sa pag-aaral.
Ito ang tutulong para maintidihan ang mahahalagang punto, patunayan na totoo
ang mga ebidensiyang nakuha at maunawaan mabuti ang paksa.

7 Hakbang sa Paggawa ng pananaliksik

1. Pumili at maglimita ng paksa.


 Ang paksa ay dapat alam mo, nakakawili, mapagkukunan ng datos, may
sanggunia, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.
2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas
 I – Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag aralan sa paksa
 II – Ilahad ang layunin
 III – Itala o ilista ang mga tanong
 IV – Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa
3. Magtala ng sanggunian
 (Mangalap sa internet o silid aklatan)
 Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian, pitong
sanggunian ang minimum.
4. Mangalap ng datos.
 Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na.
 Ideya lamang ng nabasa ay sapat ba.
 Makakatulong ang paggamit ng INDEX CARD sa pagtatala ng mga sanggunianang
minimum.
5. Bumuo ng konseptong papel.
 Ginagawa kapag sigurado kana sa paksang sasaliksikin.
 Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na
magbibigay linaw sa isusulat.
6. Gumawa ng dokyumentasyon.
 Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng saggunian at
bigyang pansin ang paggamit ng wastong bantas.
7. Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

You might also like