You are on page 1of 19

MGA HAKBANG SA

PANANALIKSIK NG ISANG
PROYEKTONG PANTURISMO
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan
na ikaw ay:
 1. Natutukoy ang mga hakbang na ginawa sa
pananaliksik mula sa napakinggang ga pahayag.
 2. Nakabubuo ng mga datos sa pananaliksik sa isang
proyektong panturismo
 3. Napapatalas ang kaalaman sa paggawa ng
proyektong panturismo (travel brochure) nang may
pagkamalikhain
GAWAIN 1
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing
mabuti ang bawat bilang bago sagutan ng tamang
sagot.
 1. SAMNAKALINKIK = ____________________
 2. ROSUTMI = ___________________________
 3. NEIRTENT =____________________________
 4. SOTAD =______________________________
 5. VELTRA RECHUBRO =__________________
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK:
 Ang pananaliksik ay pagtuklas at
pagsubok ng isang teorya upang lutasin
ang problema o hadlang sa buhay ng isang
suliranin na nanailangan na bigyan ng
solusyon.
Kahulugan Ayon sa Iba’t Ibang Mga Awtor

 Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at


disiplinadong pagtatanong ng impormasyon sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa
kalikasan at kalalagyan ng suliraning tinukoy
tungo sa solusyon nito.
 Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at
isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga
importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na
paksa o suliranin
 Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang
proseso ng pangangalap ng impormasyon
o datos para masolusyonan ang isang
karaniwang problema sa paraang
siyentipiko.
Kahalagahan ng Pananaliksik:
 1. Maging solusyon sa suliranin.
 2. Makadiskubre ng bagong kaalaman, konsepto at
impormasyon.
 3. Makita ang kabihasnan na umiiral ng isang bagay.
 4. Umunlad ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral.
 5. Mapalawak na kaalaman ng mga mag-aaral.
Iba’t Ibang Maaaring Mapagkunan ng mga
impormasyon sa Pagsasagawa ng Pananaliksik
 mga iba’t ibang paraan na maaring mapagkunan ng mga impormasyon
sa pagsasagawa ng pananaliksik ayon kay Narciso (2017):
 1. Ang Internet- Sa panahong ito kung saan laganap at napakabilis nan
g modernisasyon sa teknolohiya, napakadali ng kumalap o kumuha ng
impormasyon sa tulong ng internet. Sa isang click lang sa mga search
engine tulad ng google ay aabot ng daang libong resulta na ang lalabas
sa loob ng kalahating segundo. Subalit kailangang maging mapanuri at
matalino rin ng taong nananaiksik upang matukoy kung
mapagkakatiwalaan at tumpak ba ang mga impormasyong kanyang
nakakalap.

2. Mga Aklat o Libro- Maging sa panahon
ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya,
ang mga nakalimbag o naka-pdfna aklat o
libro ay mabisa pa rig mapagkukunan ng
impormasyon. Kasama na rito ang iba’t
ibang sangguniang nakalimbag tulad ng
encyclopedia, almanac, atlas at
diksyunaryo.
3. Mga Artikulo sa Magasin at Diyaryo
 Sa mga magasin at diyaryo man ay
marami rin artikulo o tekstog maaaring
pagmulan ng kinakailangang
impormasyon.
4. Mga Video mula sa YouTube, mga
Dokumentaryo, at Iba pang Palabas Pantelebisyon

 Ang mga impormasyon ay hindi lang


nagmumula sa mga nababasang
pinagkunan kundi gayundin sa mga
napapanood sa video, dokumentaryo at
iba pang palabas pantelebisyon.
5. Mga Panayam,Seminar at Workshop
 Ang ilang napapanahong impormasyon ay
maaari ring magmula o makuha sa mga
panayam, seminar at workshop kung saan
ang mga tagapagsalita o tagapanayam ay
mga eksperto sa paksang kanilang
ibinibigay para sa mga tagapakinig
Mga Hakbang sa Pananaliksik:
 1. Pumili at maglimita ng paksa. Ang paksa ay alam
na alam at nakawiwili, mapagkukunan ng datos,
may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng
kongklusyon.
 2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa
paksa. Itala o ilista ang mga tanning.
Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
 3. Magtala ng sanggunian. Huwag takdaan ang bilang ng
maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong
minimum sa pitong sanggunian.
 4. Mangalap ng datos. Importante ang dating kaalaman sa
mga nabasa na. Ideya lamang nang nabasa ay sapat na.
Makaktulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng
mga sanggunian.
 5. Bumuo ng konseptong papel. Ginagawa kapag sigurado ka
na sa paksang saliksikin. Kasama dito ang
balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na
magbibigay-linaw sa isusulat.

. Gumawa ng dokumentasyon. Sinupin ang
6

mga datos, gumamait ng parentetikal na


paglalahad ng sanggunian at obserbahan
ang paggamit ng wastong pagbabantas.
 7. Isulat ang pinal na kopya ng
pananaliksik.
Proyektong Panturismo
 • Ang Turismo ay ang akto ng paglalakbay sa
labas o loob ng bansa parasa layunin ng
pagllibang, pagsasaya, o mga bagay na may
knalaman sa negosyo o komersyo.
 • Travel Brochure ay isang uri ng printang
tagapagtalastas na madalas gamitin ng mga
turista upang maging gabay sa paghahanap ng
lugar na nais puntahan.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyektong
Panturismo (Travel Brochure)
 1. Pumili ng lugar na ifi-feature
 2. Mangalap ng mga impormasyon at letrato ng
lugar na napili.
 3. Isaayos ito sa paraang gusto
 4. Gawing kaakit-akit
 5. E-edit nang maayos para maganda
PANUTO: Saisang long bond paper,
gumawa/gumuhit ng isang proyektong
panturismo sikat na lugar kung saan
dinadayo ng mga turista). Gamitin ang mga
hakbang na tinalakay sa aralin kung paano
makabuo nito.

You might also like