You are on page 1of 13

AWITING-BAYAN AT

BULONG
 Alam niyo ba na ang Kabisayaan ay
mayaman din sa panitikan? Katulad din
sa ibang rehiyon sa Pilipinas, mayroon
silang awiting bayan at bulong.
 Ang mga awiting-bayan o kantahing-bayan ay
mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang
ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
Halimbawa ng mga awiting ito ay Leron, Leron
Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu
Pung Singsing, Manang Biday at Paruparong
Bukid.
 Nanatiling paksa ng mga awiting-bayan ang
katutubong kultura. Pinaksa ng mga awiting-
bayan ang tungkol sa damdamin ng tao,
paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran,
kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng
buhay, pananalig, pag-asa, pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, at paglalahad ng
iba-ibang ugali at kaugalian.
Mga uri ng awiting-bayan:
Kundiman
-Ito ay ang awit ng pag-ibig.
 Dandansoy (isinalin mula sa Sugbuwanon/Cebuano)

Dandansoy, bayaan na kita


Uuwi na ako sa payaw
Kung sakaling maulila ka sa akin,
Tanawin mo lamang ako sa payaw
Dandansoy, kung susunod ka sa akin
Huwag kang magdadala ng tubig,
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Humukay ka ng balon sa daan.
Talindaw
-Ito ay ang awit sa pamamangka .
 An Balud (isinalin mula sa Waray)

Tila nag-aapoy, mapupulang langit


Maging itong dagat, tila nagngangalit
Siguro'y may nagkaingin kung saan
Malakas na hangin ang dumadaluyong.
Daluyong na ito'y laruan ng dagat
Na nagmula pa sa karagatan
Ang gabing madilim, tubig na malinaw
ang pag-asa ng mga mandaragat
Oyayi o Hele o Duayya
-Ito ay ang awit sa pagpapatulog ng bata.
 Hiligaynon Lullaby (isinalin mula sa Hiligaynon)

Bunso ko, bunso ko, matulog ka na,


Ang iyong ina ay wala pa,
Pumunta sa tindahan, bibili ng ulam,
Bunso ko, bunso ko, matulog ka na.
Diona
-Ito ay ang awit sa kasal.
 [walang pamagat]

Umawit tayo at ipagdiwang


Ang dalawang puso ngayo'y ikakasal
Ang daraanan nilang landas
Sabuyan natin ng bigas.
Soliranin o Suliranin
-Ito ay ang awit sa paggaod habang namamangka o sa
mga manggagawa.
 Magtanim ay 'di Biro

Magtanim ay 'di biro


Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo
Braso ko’y namamanhid
Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.
Sa umaga, paggising
Ang lahat, iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Dalit o Imno o Himno
-Ito ay ang awit sa diyos-diyosan ng mga
Bisaya Oyayo o kaya naman sa pagsamba.

Dung-aw
-Ito ay ang awit sa patay o pagdadalamhati ng
mga Ilokano.
 Rawitdawit
-Ito ay ang awit ng mga lasing.
 Sambotani
-Ito ay ang awit ng pagtatagumpay.
 Maluway
-Ito ay ang awit sa sama-samang paggawa
 Kutang-kutang
-Ito ay ang awiting panlansangan.
 Pananapatan
-Ito ay ang panghaharana sa Tagalog.
 Balitaw
-Ito ay ang panghaharana sa Bisaya
 Pangangaluwa
Ito ay ang awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog.

You might also like