You are on page 1of 1

FILIPINO 7

Mga Hakbang at Datos na Ginagamit sa Pananaliksik

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag
 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o
brochure)

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


ANG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang informasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng informasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at
matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap sa isa pang esensyal na gawain- ang
paghahanda ng kaniyang ulat-pananaliksik.- Aquino (1974)
Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa
isang syentipikong pamamaraan. -Manuel at Medel, 1976. Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa
layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. -Parel 1966

MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK


 Unang Hakbang – Maghanap at maglimita ng paksa. Ang paksang ito ay dapat may kaaalaman ka na, nakawiwili, mapagkukunan ng
datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng konklusyon.
 Ikalawang Hakbang – Guwawa ka ng temporaryong balangkas. Ilahad sa pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. Kasunod nito,
ilagay ang mga layunin, itala o ilista ang mga tanong, at pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.
 Ikatlong Hakbang – Itala ang mga sanggunian. Ating tandaan na dapat hindi nating takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng
sanggunian ngunit gawin itong minimum sa pitong sanggunian.
 Ikaapat na Hakbang – Kumulekta o kumuha ng datos. Tandaan na ang mga magkaparehas na paksa ay importante dahil ang dating
kaalaman sa mga nabasa ay mag bibigay ng ideya sa manunulat. Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga
sanggunian.
 Ikalimang Hakbang – Gumawa ng konseptong papel. Ito’y nagagamit natin kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin. Bukod dito
ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa isusulat.
 Ikaanim na Hakbang – Gawin ang dokumentasyon. Mahalaga ito upang masinup ang mga datos. Para dito dapat tayong gumamit ng
parentetikal na paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit ng wastong pagbabantas.
 Ikapitong Hakbang – Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.
 Ikawalong Hakbang – I-proof read o ipa review sa isang “proof reader” o panel ang iyong gawang sulating pananaliksik at ipasa kung
ito’y naaprubahan na.

PAGGAWA NG ISANG TRAVEL BROCHURE


Isang uri ng print advertisement ang brochure na madalas gamitin ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais
nilang puntahan. Tulad ng ibang uri ng advertisement, kailangan itong paglaanan ng panahon, sapat na detalye at masusing paglalagay ng iba’t
ibang larawan at disenyo na angkop sa tema at layunin ng gagawing brochure.

Travel Brochure - Ito ay maglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao upang maging kompleto ang kanilang karanasan. Piliin lamang
ang detalyeng ilalagay dito dahil kaunti lang ang maaaring isulat na pangungusap. Lagyan ng magandang disenyo at larawan kung mayroon.
Tatlo o higit pang lugar na dapat puntahan , ang kahalagahan ng bawat lugar at makikita at maaring gawin doon.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG TRAVEL BROCHURE


1. Nakapupukaw-pansin na pabalat - ang pagkakaroon ng malikhain at magandang pabalat ay nakatutulong upang higit na makuha ang interes ng
mga turista
2. Alamin ang target audience - mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na brochure sa pagsasaalang-alang ng pagpili ng mga lugar na maaaring
ayon sa badyet ng mga turista
3. Payak at malinaw na nilalaman - mahalaga ang travel brochure na mga konkretong detalye. Gayunpaman, kailangan itong maging simple
upang madali nila itong maunawaan at hindi magkaroon ng kalituhan sa pagkakaunawa nila sa nilalaman nito.
ng
MGA NILALAMAN ISANG TRAVEL BROCHURE
1. Introduksiyon o panimula - maglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan. Maaaring gumamit ng iba’t ibang tagline o dayalekto na makapupukaw
sa interes ng turista
2. Lokasyon ng mga prominente o kilalang pasyalan - Higit na magiging madali sa mga turista ang paghahanap ng mga landmark o tourist spots
kung may kasama itong mapa o paraan kung paano ito pupuntahan. Di dapat makaligtaan ang paglalagay ng mga lugar na may makatawag
pansin na outdoor activities tulad ng paglangoy, pag-akyat ng bundok, pagsakay sa zipline, at iba pa.
3. Lugar kung saan maaaring kumain at magpahinga - Ito ang isa sa pinakamahalagang nilalaman ng brochure na madalas makaligtaan.
Marapat isama sa brochure ang mga lugar na maaaring kainan at naghahanda ng mga delicacies ng nasabing lugar
4. Mga larawan ng mga lugar na maaaring pasyalan, kainan at mapagpapahingahan - Mas madalas na inuuna ng mga turista ang pagtingin sa
larawan kaysa sa mga detalye, kaya mahalagang sa unang tingin pa lang ay nakapupukaw na ito ng atensiyon. Higit na makapagbibigay ng ideya
sa turista ang mga larawan na ilalagay sa brochure.
5. Halaga ng transportasyon at iba pang bilihin - Makatutulong ito nang Malaki sa mga turista upang mapaghandaan ang mga maaaring gastusin
upang makapagtabi ng sapat na halaga Sanggunian: read, write,think international reading association

You might also like