You are on page 1of 1

FILIPINO 7

PAGHIHINUHA SA KALALABASAN NG MGA PANGYAYARI

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap
na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-
aral.

ANG TAMAD NA KABAYO


Jean Mary A. Barcibal
Sa isang probinsiya ng Bukidnon ay may magkaibigang Kalabaw at Kabayo. Si Kalabaw ay masipag at mabait samantalang si Kabayo
naman ay tamad at palaging natutulog kahit sa oras ng trabaho. Araw-araw silang pumupunta sa bukid upang tumulong sa pag-aararo ng lupa na
tinatamnan ng mga palay at mais. Si Kalabaw ay maaga pang nagigising upang simulan ang pagtatrabaho sapagkat mahalaga sa kaniya ang oras
upang madaling matapos ang gawain. Samantalang si Kabayo naman ay hindi masaya sa ginagawa niya at siya ay puro reklamo kaya umaabot
siya hanggang hapon sa pag-aararo.

Isang umaga, habang nasa trabaho ang magkaibigan ay may naisip na kalokohan si Kabayo. “Kaibigan, kaibigan, napapagod na talaga
ako sa araw-araw nating pagtatrabaho, mabuti pa ang iba diyan kain at tulog lang ginagawa. Ano kaya kung magpapanggap akong may sakit
para pag nakita nilang matamlay ako ay hindi na nila ako pag-aararuhin?’’

“Ano kaba Kabayo marami pa tayong dapat tapusin at isa pa madali na rin naman nating matatapos ito, palagi ka kasing nakahiga
diyan kaya hindi mo natatapos ang trabaho mo nang maaga”

Hindi pa rin nakinig si Kabayo kay Kalabaw, agad siyang nagpapanggap na hinimatay kaya dali-dali siyang kinuha ng kanilang amo
at itinali sa ilalim ng puno. Tuwang-tuwa si Kabayo sa nangyari kaya’t palagi niya itong ginagawa. Kapag nakikita niyang papalapit na ang
kanilang amo ay magpapapanggap siyang mahina.
“Hay naku Kalabaw, bakit ba kasi hindi mo na lang ako gayahin, habang pagod na pagod ka sa pag-aararo diyan tingnan mo naman
ang buhay ko dito sobrang komportable.

“Maayos lang naman ako dito, masaya ako sa pag-aararo sapagkat alam kong malaki ang naitutulong ko sa mga tao.”

Hindi pinansin ni Kabayo ang sinabi ni Kalabaw at hanggang sa sumunod na araw ay nakasanayan na niyang gawin na kapag
naiinitan siya at napapagod ay nagpapapanggap siyang matamlay at pagod na pagod kahit hindi naman.

Isang hapon ay dumating ang kanilang amo na may kasamang isang lalaki. Habang papalapit sa kaniya ay narinig niya ang pag-uusap
ng dalawa na ibebenta na lang siya dahil mahina na at wala nang silbi. Dadalhin na siya sa bayan upang katayin.

Nang marinig ito ng Kabayo ay agad siyang umiyak, sinabi niya sa sarili niya na sana naging masipag na lang siya at tinatapos ang
mga gawain katulad ni Kalabaw. Nalungkot rin ang kaniyang kaibigang Kalabaw sa nangyari ngunit wala na silang magagawa pa. Tuluyan nang
namaalam si Kabayo dahil sa ugaling ipinakita niya. Kung naging masipag lang sana siya ay sana buhay pa siya at kasama ang kaibigan nito. Si
Kalabaw naman ay masayang tumutulong sa pag-aararo kasama ang kaniyang bagong kaibigang Kalabaw na binili ng kaniyang amo.

You might also like