You are on page 1of 2

Alamat Ng Saging

Maraming taon na ang nakalipas nang manirahan ang isang napakabait na matanda dito sa
mundo. Ang matandang tinutukoy ay tinatawag nilang Apo Sagin.
Mag-isa man na naninirahan si Apo Sagin sa kanyang maliit na bahay kubo ay itinuring
naman na siyang kapamilya ng mga kapitbahay niya. Napamahal sa kanyang mga
kapitbahay si Apo Sagin dahil sa ito ay mabait at matulungin. Ang mga kapitbahay nito ay
hindi mapapahiya kapag sila ay lalapit sa kanya upang humingi ng tulong. Kahit mahirap
lang at matanda na ay binibigay ni Apo Sagin ang lahat ng kanyang makakaya.
Ang mga maliliit na bata ay malapit sa matanda. Itinuring na nila itong kanilang lolo. Sa
tuwing hapon ay nagpupunta ang mga bata sa bahay ng matanda upang makinig sa mga
kuwento ni Apo. Pagkatapos ay may nakahanda pang pagkain ang mga ito na niluto ng
matanda.
Hindi lamang sa mga taong bayan matulungin ang matanda kundi pati na rin sa ibang tao
maski hindi niya ito kakilala. Minsan habang nangangahoy siya sa gubat, may lumapit sa
kanyang isang lalaki na nanghihina sa gutom. Agad niya itong inuwi sa kanyang bahay at
inalagaan hanggang sa bumuti ang pakiramdam ng lalaki.
Noong minsan naman ay isang batang babae ang nanghingi ng limos sa kanya. Dinala niya
ito sa bahay niya at ipinaghanda niya ng makakain. Bago umalis ang bata, tinuruan niya
itong maghabi ng mga pinatuyong dahon upang gawing pamaypay upang maibenta. Sa
ganoon hindi na manglilimos ang bata. Laking pasasalamat ng bata sa matanda. Balang
araw ay makakabawi din daw siya sa kabutihang ipinakita sa kanya ng matanda. Napangiti
lang si Apo Sagin.
Isang araw, dinapuan ng sakit si Apo Sagin at dahil sa matanda na ito ay masama ang
naging tama nito sa kanya. Lubos na nanghina ang matanda. Marami ang dumalaw kay
Apo Sagin upang alagaan siya habang may sakit ito. Halinhinan ang kanyang mga
kapitbahay sa pagbabantay sa kanya. Maging ang mga batang kanyang kinukwentuhan sa
tuwing hapon ay nandoroon at kinukwentuhan ang kanilang mahal na lolo.
Dumating ang oras na naghihingalo na ang matanda. Ang lahat ng taong bayan ay andoon
upang makita ang mabait na matanda kahit sa huling pagkakataon man lamang. Mahinang
nagpaalam ang matanda at dahan-dahan itong binawian ng buhay.

Nag-iiyakan ang mga taong bayan nang may dumating na isang bata. Ito ang pulubing
tinulungan ni Sagin. Siya pala ay isang diwata. Ibinilin niya sa mga tao na ilibing si Sagin sa
may bakuran. Huwag na raw silang malungkot dahil si Sagin ay mananatili sa kanila at di
sila kailan pa man iiwanan. Ginawa nila ang sinabi ng diwata.
Makalipas ang ilang lingo, may isang halamang umusbong sa libingan ni Sagin. Ilang linggo
pa ang nakalipas may parang hugis puso ang nakita nila sa halaman. Naalala nila ang
sinabi ng diwata. Ang malaking puso ay halintulad ng matabang puso ni Sagin na punungpuno ng kabaitan at pagmamahal sa kapwa. Ang naging bunga nito ay marami at matamis.

You might also like