You are on page 1of 9

RENNALD E.

MAYONGUE BS BIO 2A

KABANATA III

Gabay na Tanong
1. Paano mailalarawan ang iyong naging karanasan sa paggawa ng pananaliksik sa
Senior High School? Paano mauulit ang iyong mabubuting karanasan at paano
maiiwasan ang mga hindi mabubuting karanasan?
- Ang paggawa ng pagsasaliksik ay hindi isang madaling gawain, ngunit sa
tulong at gabay ng guro ng laro, nagagawa naming ito ng maayos. Upang
magawa namin ito ng matagumpay, dapat isaisip at alalahanin kung ano ang
natutunan sa oras na iyon. Ang paggamit ng taglay nitong karunungan ay susi
din sa matagumpay na pagsasaliksik. Upang maiwasan ang mga pagkakamali,
isaalang-alang ang kasalukuyang sitwasyon at mga limitasyon, na maaaring
makahadlang sa wastong pagsasaliksik.

2. Ano-ano ang mga batayang kasanayang kailangan sa pananaliksik? Paano


matagumpay na maisasagawa ang bawat isa?
- Kapag nagsasaliksik, kailangan mong sundin ang iba't ibang mga kasanayan.
Isa sa mga ito ang pagpili at limitasyon ng paksa. Dapat isaalang-alang ng
mga mananaliksik ang pagiging kapaki-pakinabang at tulong ng napiling
paksa sa lipunan at iba pang mga mananaliksik. Pangalawa, ang ekspresyon
ay pagbuo ng isang sistematikong pagkakaisa ng mga ideya upang linawin
ang ugnayan sa pagitan ng mga ito. Ang layuning ito ay maaaring
matagumpay na makamit kapag natukoy ng mananaliksik na nais niyang
suriin ang paksa at naisagawa ang pagsusuri batay sa mga limitasyong
kinakaharap niya.

3. Maliban sa mga kasanayang binalik-aralan sa kabanatang ito, ano-ano ang iba pang
kasanayang kailangan tungo sa matagumpay na pananaliksik?

- Ang isang kasanayang maaaring magsulong ng matagumpay na pagsasaliksik


ay ang paggamit ng iba`t ibang mga sistema ng dokumento. Ang pangalawa
ay ang paggamit ng pangunahing kaalaman sa dokumento, tulad ng
simpleng pagkilala sa pinagmulan ng data o impormasyon upang
maiwasan ang pagnanakaw o plagiarism.
Ebalwasyon

Sagutin sa hiwalay na papel

I. Tukuyin kung anong kategorya ng batis ng impormasyon o sanggunian


ang inilalarawan ng sumusunod na pahayag.

A. Hanguang Primarya C. Hanguang Tersyarya


B. Hanguang Sekondarya D. Hanguang Elektroniko

C. 1. Ang mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at mga publikasyonng para sa


sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa kategoryang ito.
D. 2. Ang mga datos mula sa hanguang ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan katulad ng
kanilang mga nakalimbag na counterpart.
A. 3. Ang mga hanguang ito ang pinagmumulan ng mga raw data upang masulit ang haypotesis
at masuportahan ng mga haka.
B. 4. Ang mga hanguang ito ay kinapapalooban ng mga ulat pampananaliksik na gumamit ng
mga datos mula sa mga hanguang primarya upang malutas ang mga suliraning
pampananaliksik.
D. 5. Ang mga mananaliksik ay umaasa na ngayon sa Internet upang maakses ang mga hanguang
aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database, mga tekstong primary mula sa
reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging mga iskolarling dyornal na abeylabol online.
B. 6. Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag-iwanan sa kani-kanilang karangan at
upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya ay pagpapabulaan.

C. 7. Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga


naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa.
C. 8. Kung gagamitin ang mga datos mula sa mga hanguang teksyarya upang suportahan ang
isang iskolarling argumento, maaaring hinidi mapanaligan ng mga mambabasa ang
pananaliksik.
A. 9. Sa kasasayan, halimbawa, kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa panahin o taong
pinapaksa, mga bagay-bagay, mapa, maging kasuotan.
C. 10. Sa mga unang yugto ng pananaliksik, maaaring gamitin ang mga hanguang ito upang
maging pamilyar sa paks
II. Piliin sa loob ng kahon ang salita o terminong tintukoy ng sumusunod na pahayag.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

tuwirang sipi 11. Walang ibang ginawa rito kundi ang pagkopya ng ideya.
buod 12. Tinatawag din itong synopsis.
hawig 13. Tinatawag itong paraphrase sa Ingles.
14. Galing ito sa salitang Panses na ang ibig sabihin ay
Presi
pruned o cut down statement.
Presi 15. Higit na maikli ito sa orihinal nang may 5 hanggang 40%.
hawig 16. Isang hustong paglalahad ito ng mga ideyang gamit ang
higit na payak na salita ng mambabasa.
Sintesis 17. Pagsusuma ito ng mga mahahalagang paksang
tinatalakay sa isang akda.
balangkas 18. Sistematikong hanay ito ng mga ideya na nagpapakita ng
malinaw na ugnayan.
Internet 19. Ito ang pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong
paraan ng paghahanap ng paksa.
kabuluhan 20. Katangian ito ng mga paksa na tumutukoy sa maaaring
maging kapakinabangan ng mananakisik at iba pang tao.
aklatan 21. Ito ang tradisyon na hanguan ng paksa.
22. Ginagawa ito dahil karamihan ng babasahing akademiko
salin
ay nasusulat sa wikang Ingles.
23. Ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang
ideya ng isang mahabang prosa o berso gamit ang sariling salita ng
Presi
mambabasa.

hawig 24. Nagagawa nitong higit na nauunawaan ang mga akdang


teknikal o ano mang akdang mahirap intindihan.
25. Madalas itong inilalagay sa bandang huli ng isang akda upang mabuhol
ang mga pangunahing puntong pinatunayan
Sintesis
sa isang akda.

salin 26. Hangga’t maaari, walang idinaragdag o ibinabawas dito.


balangkas 27. Madalas itong tukuyin bilang gulugod ng isang papel.
interes 28. Konsiderasyon ito sa pagpili ng paksa na tumutukoy sa
kawilihan ng mananaliksik.
kasapatan 29. Konsiderasyon ito sa pagpili ng paksa na tumutukoy sa
mga abeylabol na datos.
sarili 30. Maaaring simulan dito ang pag-iisip ng paksang
pagpipilian.
konseptong papel 31. Ito ang nagsasaad ng pangkalahatang balak sa
isasagawang pananaliksik.
rasyunal 32. Ito ang motibasyon at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling
paksain ng pananaliksik.
33. Maaaring maihayag ito sa pamamagitan ng isang
layunin
katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.
34. Tumutukoy ito sa mga paunang tugon sa suliraning nais
panimulang haka
tuntunin sa pananaliksik.
35. Ito ay tumutukoy sa mga balak na hakbang sa
metodolohiya pangangalap ng datos at pag-iimbestiga ukol sa napiling
paksa.
Gawain. Bumuo ng konseptong papel pampananaliksik batay sa iyong napiling paksa.

“EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SA MGA ESTUDYANTE”

I. Rasyunal

Sa kasalukuyang panahon ay wala ng imposible sa ating mundo. Ang lahat ay abot kamay na
lamang sa mura at mabilis na paraan. Sa isang pindot lamang ay
nagkakalapit ang lahat ng tao sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa Social Networking.

Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang Social Networking sites tulad ng Facebook,


Twitter, Tumblr, Myspace, Friendster at marami pang iba ay naibabahagi natin ang gusto nating
ibahagi sa iba at tayo ay nalilibang mapabata, matanda may ngipin o wala ay tiyak na patok ang
mga Social Networks na ito. Sa henerasyon ngayon ay talagang uso-usong ang mga ito lalo na
sa mga kabataan. hindi ka “in” kung wala kang Facebook o Twitter dahil ito na ngayon ang
kadalasang pinag-uusapan.

Tunay na maraming naidudulot ang Social Networking sa ating lahat subalit maaring
magdulot din ito ng kasamaan kung pagmamalabisan.

II. Layunin

Ang layunin ng mananaliksik ay makapagbigay ng mga karagdagang impormasyon o


kaalaman sa mga mambabasa o sa mga taong interesadong bumasa ng sulating pananaliksik na
ito. Napili ang paksang ito upang malaman kung tama ba ang tungkol sa epekto ng Social
Networking sa mga estudyante. Layunin ding masagutan ang mga suliranin tungkol sa paksa na
maari ding maging katanungan ng iba.

III. Panimulang Haka

Batay sa mga mithiin ng pag-aaral na ito ang mga hinuhang nabuo sa pag-aaral:

1. Kahit maraming nakalakip na masamang epekto ang Social Networking ay mas


matimbang pa rin ang mabuting epekto nito sa mga estudyante.
IV. Sarbey ng Sanggunian

• Subrahmanyam, K., Reich, S. M., Waechter, N., & Espinoza, G. (2008). Online and
offline social networks: Use of social networking sites by emerging adults. Journal
of applied developmental psychology, 29(6), 420-433.
• Brandtzæg, P. B., & Heim, J. (2009, July). Why people use social networking
sites. In International conference on online communities and social computing (pp.
143-152). Springer, Berlin, Heidelberg.
• Kuss, D. J., & Griffiths, M. D. (2017). Social networking sites and addiction: Ten
lessons learned. International journal of environmental research and public health, 14(3),
311.
• Fang, L., & LeFevre, K. (2010, April). Privacy wizards for social networking sites.
In Proceedings of the 19th international conference on World wide web (pp. 351- 360).
• Dwyer, C., Hiltz, S., & Passerini, K. (2007). Trust and privacy concern within
social networking sites: A comparison of Facebook and MySpace. AMCIS 2007
proceedings, 339.
• Samad, S., Nilashi, M., & Ibrahim, O. (2019). The impact of social networking
sites on students’ social wellbeing and academic performance. Education and
Information Technologies, 24(3), 2081-2094.
• Koranteng, F. N., Wiafe, I., & Kuada, E. (2019). An empirical study of the
relationship between social networking sites and students’ engagement in higher
education. Journal of Educational Computing Research, 57(5), 1131-1159.
V. Methodology

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay alamin ang epekto ng mga Social Networking sites
sa mga estudyante. Deskriptibong metodolohiya ang ginamit upang malaman ang epekto ng
Social Networking.

Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin


ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire)
para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na
angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng
datos mula sa maraming respondente.

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa “Epekto ng Social Networking sites sa mga


estudyante”. Makikita sa talahahayan I sa sunod na pahina ang seksyon na pinagkunan ng
Instrumentong Ginamit Sa pagtukoy ng epekto ng Social Networking sa mga estudyante
ginamit ng mananaliksik ang sariling gawang palatanungana papel (self-made questionnaire) sa
pagsasagawa ng pag-aaral na may pamagat: “Epekto ng Social Networking sa mga”.

You might also like