You are on page 1of 3

ANG BIONOTE

1. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang
impormasyon ukol sa kanya.
2. Isang maikling pagsulat ng talambuhay na binubuo lamang ng 2 hanggang 3 pangungusap na nasa
ikatlong panauhan.
2. Karaniwang matatagpuan sa panloob na pabalat (Inside front cover) at likuran (Outside back cover)
ng isang aklat.

Narito ang mga karaniwang nilalaman ng isang BIONOTE:


 Larawan at pangalan ng awtor at ilang deskripsyon
 Natapos na digri (batsilyer, materado, doktorado o post graduate na kurso) at pamantasang
pinagtapusan
 Pinagtuturuang paaralan
 Mga aklat na nasulat/modyul
 Editorship (kung mayroon)
 Maaaring magdagdag ng
a. Membership sa mga organisayon
b. Mga dinaluhang seminar
c. Speakership sa mga seminar at pagpupulong

Kahalagahan

Nagpapakilala sa sumulat ng aklat sa pamamagitan ng maikling profayl o talambuhay.

KATITIKAN NG PULONG

KAHULUGAN
1. Ang katitikan ng pulong o minutes of the meeting kung tawagin sa wikang Ingles ay isang uri ng
dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at institusyon.

2. Itinuturing din ito na isa sa mga anyo ng komuniksyong teknikal na kinakailangang pag- aralan
upang higit na mapagbuti ang kasanayan bilang paghahanda sa buhay propesyunal.

Mga Pangunahing Gampanin

1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong.


2. Naidodokumento nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong.
3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inasasahang gawain na nakaatang
sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahan nilang matapos ang gawain.responsibilidad
ng bawat miyembro ng pulong.
4. Nababatid din kung sinu-sino ang aktibo at hindi aktibong dumadalo sa pulong.
5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong.

Ang isang organisasyon o institusyon na mahusay itong naisasagawa ay maituturing na dinamikong


samahan. Sa pamamagitan nito, makikita ang kanilang pag- unlad at mababatid na sila ay seryoso sa
kanilang trabaho o anumang gawain. Masusukat din ang kridibilidad ng using samahan batay sa
yaman ng kasaysayan ng kanilang katitikan ng pulong bilang indikasyon ng pagkakaroon nila ng
mayayamang talakayan at mga kapasyahan.
Limang pangunahing hakbang na dapat na isaalang- alang
sa pagsasagawa ng Katitikan ng Pulong:

1. Paunang pagpaplano. Ang isang planadong pulong ay nagdudulot ng mainam na resulta sa samahan
at sa buong miyembro nito.
2. Pagrerekord ng mga napag-usapan. Bago simulan ang recording, alamin muna kung anu-anong
impormasyon o datos ang kinakailangan maitala.
3. Pagsulat ng napag-usapan o transkripsyon. Ang kalihim ang may tungkuling magtala ng katitikan.
4. Pamamahagi ng sipi ng katitikang ng pulong. Bilang opisyal na tagpagtala, bahagi ng
responsibilidad ng kalihim ang pamamahagi ng katitikan ng pulong sa mga opisyal ng samahan.
5. Pag-iingat ng sipi o pagtatabi. Isa rin ito sa maaaring responsibilidad ng tagapagtala ang
makapagtabi ng sipi bilang reperensiya sa hinaharap.

Paghahanay ng mga Katuwiran at Pagbuo ng Paninindigan sa Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o
grupo tungkol sa makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga katuwiran o
ebidensya para suportahan ang paninindigan.

KATANGIAN

- Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang, upang mas madali
itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng
sumulat ng posisyong papel.

KAHALAGAHAN
 Sa panig ng may-akda, nakakatulong ang pagsulat ng posisyong pael upang mapalalim ang
pagkaunawa niya sa isang tiyak na isyu. Pagkakataon ito para sa may-akda na magtipon ng datos,
organisahin ang mga ito, at bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa o
usapin.
 Sa pamamagitan din ng poisyong papel, naipakikilala ng may-akda ang kanyang kredibilidad sa
komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin.
 Para sa lipunan naman, ang posisyong papel ay tumutulong para maging mala yang mga tao sa
magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan.

Replektibon-Sanaysay
REPLEKSYON
Nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik-tanaw
Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang
partikular na isyu o pangyayari.

Mga Konsiderasyon sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


1. Pagkalap ng datos at mga bagay na kailangang gamitin.
2. Pagandahin ang panimulang bahagi (introduksyon).
3. Pagtalakay sa iba’t ibang aspeto ng karanasan
4. Ang kongklusyon ay dapat na magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay
5. Kinakailangan malinaw na mailahad ng manunulat ang kanyang punto upang lubusang maunawaan
ng mga mambabasa.
6. Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon.
Mahalagang magkaroon ng:
1. Pananaliksik
2. pamamaraan upang makuha ang atensyon ng mambabasa gaya ng mga sumusunod:
a. anekdota
b. flashback
c. sipi
3. makabuluhan, tiyak at konkretong bokabularyo

You might also like