You are on page 1of 3

Katitikan ng Pulong:

Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So, para mas
ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi kasi kilala sa mga
Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong gamitin ang wikang dala ng
dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.

Katangian ng katitikan ng pulong:


• Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at
makatotohanan. Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus na mga pahayag.

• Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.

• Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon

• Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary), typist, o reporter sa korte

• Dapat ding maikli at tuwiran ito. Dapat walang paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa
dokumento, at hindi madrama na parang ginawa ng nobela.

• Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat


Kahalagahan ng Katitikan:
Mahalaga ito dahil naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. At dahil nga
nakatala ang lahat sa katitikan ng pulong, nagsisilbing gabay na rin ito para matandaan ang lahat
ng detalye ng pinag-usapan o nangyari sa pulong o meeting. Maaaring maging mahalagang
dokumentong pangkasaysayan ang katitikan ng pulong (lalo na ‘yung mga naitatala sa loob ng
hukuman o korte) sa paglipas ng panahon. Sa katunayan din, ito ay magiging hanguan o
sanggunian sa mga susunod na mga pulong. At isa pa, ito ay batayan ng kagalingan ng bawat
indibidwal.

Katangian ng akademikong pagsulat:

Abstrak - Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa mga pag-aaral
gaya ng thesis, mga papel siyentipiko, mga papel na teknikal, mga lektyur at / o report.

Katangian ng Abstrak: Hindi dapat ito gaanong mahaba. Dapat din ay organisado ito ayon sa
pagkakasunod sunod ng mga nilalaman. Layunin ng abstrak ang mapaikli o mabigyan ng buod
ang mga akademikong papel para sa mga interesadong basahin ang akademikong materyal.

Bionote – Ito naman ay madalas na ginagamit para sa personal na profile ng isang indibidwal.
Nakalahad dito ang academic career, achievements, kasalukuyang papel sa lipunan at marami
pang ibang impormasyon ukol sa paksa ng bionote.

Katangian ng Bionote: Dapat makatotohanan ang mga nilalaman.

Posisyong Papel – Ito naman ay naglalayong maipaglaban nito kung ano ang alam at sa tingin
mong tama.

Katangian ng Posisyong Papel: Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang


pagkakasunod-sunod ng ideya.
Ano ang kahulugan, katangian, layunin, gamit, katangian, at anyo ng posisyong papel?

Posisyong Papel
Ang Posisyong Papel o position paper ay isang salaysay na naglalahad ng kuru-kuro hinggil sa
isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang
partido pulitikal. Basahin ang detalye sa kahulugan nito, katangian, layunin at gamit, katangian
at anyo ng Posisyong Papel.

Kahulugan ng Posisyong Papel


Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang
dominyo. Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga
umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang
makikita sa isang akademikong pagsulat. Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga
kuru-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at obhetibong
talakayan ng naturang paksa.

Layunin at Gamit ng Posisyong Papel


Ang posisyong papel ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay
tahasang nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng marami. Maaaring gamitin ito sa mga
argumento nang maiinit na isyu na mayroong matitibay na mga panig.

Katangian ng Posisyong Papel


Ito ay nararapat na maging pormal ang format, mga gagmiting termino.
Organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya.
Ibinibigay ng maliwanag ang panig na pinapaboran ngnit ipinakikitang nagsisiyasat siya sa
magkakaibang panig.
Mayroong inilalahad na mag ebidenys na mapagkakatiwalaan.

You might also like