You are on page 1of 4

PAGSULAT NG BUOD O SINTESIS

Paglalagom o Pagbubuod
 Muling pagsasalaysay sa panonood ng sine, pagbabasa ng nobela, maikling kuwento o kung ano pa mang akdang pampanitikan.
 Hindi kailangang nagtataglay ng sariling pananaw o opinyon. Dapat na nagmumula sa akdang pinakinggan, binasa o napanuod.
Gabay Paggawa ng Buod
 Pakinggan, basahin o panonooring mabuti ang akda. Ibigay ang buong atensyon upang lubos na maunawaan ng akda.
 Huwag kalimutang magtala ng mga mahahalagang bahagi Kunin ang pinakadiwang nais nitong ipahiwatig.
 Isulat ang pahayag sa sariling pangungusap. Huwag kuhain ang mismong nakasulat sa akda. Mahalagang malaman ang mismong
diwa o mensahe ng ibubuod na babasahin, pelikula etc.
 Muling basahin at iedit ang ginawang pagbubuod. Palitan ang mga hindi malilinaw o makagugulong pahayag. Isulat ito sa
pinakasimple at mauunawaan ng mambabasa.
 Tiyaking naaayon sa orihinal na akda ang pagkakasunod-sunod ng ideya ng ginawang pagbubuod.
 Ipabasa sa mapagkakatiwalaang kamag-aral at tanungin ang kaniyang komento at kung mayroong mga pagkakamali sa diwa o
maging sa pagbabantas sa iyong nilikhang lagom.

BIONOTE
Pagsulat ng Bayograpikal na Tala o Bionote
SAAN NAGMULA ANG SALITANG BIONOTE?

PARA SAAN?
Magagamit upang magkaroon ng simple at paunang pagkakakilanlan sa tao

UNA
 Laging isaisip ang pagsulat sa ikatlong panauhan (3rd POV)
 Tandaan na ito ay isinulat para basahin ng ibang tao. Obhektibo dapat at walang anomang pagkiling.
IKALAWA
 Isulat lamang ang katotohanan at kayang gawin ng ginagawan ng bionote.
IKATATLO
 Huwag kaligtaang isulat ang tinapos sa pag-aaral at maging ang mga naging karanasan sa trabaho.
 Huwag isama ang mga pangarap o anumang ninanais na mangyari o maganap sa buhay.
IKAAPAT
 Banggitin ang pagiging miyembro o opisyales ng mga samahang kinabibilangan na may kaugnayan sa pagpapasahan ng bionote.
IKALIMA
 Gawing magaan ang pagbasa. Linawin at ayusing mabuti ang mga pangungusap.
IKAANIM
 Tiyaking makagaganyak sa mambabasa ang isinulat na bionote.

PANUKALANG PROYEKTO
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
1. Panimula – makikita ang paglalahad ng mga rasyonal, mga suliranin, layunin o motibasyon.
2. Katawan – dito inilalagay ang detalye ng mga kailangang gawin at iminumungkahing badyet para sa mga ito.
3. Konklusyon – sa parteng ito inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto.
Nilalaman ng Panukalang Proyekto
1. PANIMULA
Dapat na malinaw at maikli.
2. PROPONENT NG PROYEKTO
Tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito ang lokasyon, e-mail, cellphone o telepono at lagda ng
tao o organisasyon.
3. KATEGORYA NG PROYEKTO
Tumutukoy kung ang proyekto ba ay seminar, kumperensya, palihan o pananaliksik etc.
 PETSA – Kailan ipinadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon na maisakatuparan ang proyekto?
 RASYONAL – makikita ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.
 DESKRIPSYON NG PROYEKTO – nakalagay ang panlahat at tiyak na layunin sa pagsasagawa ng proyekto.
 BADYET – nakatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto.
 PAKINABANG – ano ang magiging pakinabang sa mga ahensya o indibidwal na tumutulong na maisagawa ang proyekto?

Paano Makagawa ng Panukalang Proyekto


 Tukuyin muna ang pangangailangan ng iyong pamayanan.
 Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensya sa pag-aapruba ng panukalang proyekto.
 Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay nito.
 Tiyaking malinaw ang, makatotohanan at makatwiran ang badyet.
 Gumamit ng mga simpleng salita at iwasan ang maligoy.

TALUMPATI
Tatlong Basikong Dulog Upang Makakumbinsi
 LOGOS – ang pamamaraang umaapela sa isip.
 PATHOS – pamamaraang umaapela sa emosyonal na reaksyon ng mga manonood.
 ETHOS – pamamaraang nagpapakita sa karakter o rapor (rapport) na taglay ng isang mananalumpati.
Bulaklak ng Retorika “Flowers Of Rhetoric”
INVENTIO
 Ito ang teknik sa pag-iisip ng mga punto ng talakay sa isang paksa.
SCHEMES
 Isa sa mga “rhetorical devices” na bahagi sa masining na paglalatag at pagpapadala sa estruktura ng pangungusap.
TROPES
 Patungkol sa pagbabago at pagpapalit ng kahulugan o paggamit ng salita. Sakop nito ang pag-aaral ng mga tayutay at mga
matatalinghagang salita.

“Ang pagsasalita o pagtatalumpati sa harap ng publiko ay isang paraan ng pagpapahatid ng impormasyon sa mas malawak na
tagpagpakinig.”
DEMOSTHENES “Perpektong Orador”
TALUMPATI
- Nagpapakita ng mahalagang ekspresyon sa mga ATHENIAN at nagbibigay ng mahalagang pagsilip sa politika at kultura ng
Matandang Gresya.
Tatlong Uri ng Talumpati
 DAGLIAN o BIGLAAN
 HANDA o PREPARED SET
 MALUWAG o EXTEMPORANEOUS

Mabuting Mananalumpati
 Gumamit ng wikang madaling maintindihan ng makikinig.
 Magbigay ng halimbawa.
 Gumamit ng body language.
 Huwag maging monotono.
 Aliwin o libangin ang mga nakikinig.
 Magtanong
 Magbigay ng konklusyon.

You might also like