You are on page 1of 3

MGA URI NG LIHAM

Liham Pagbati (Letter of Congratulations)


-Ang liham na ito ay kapag ikaw ay naglalahad ng pagbati sa isang tao tulad ng
nakatanggap o nakakuha ng karangalan, nanalo sa isang patimpalak, o di kaya’y
pagtatapos ng pag-aaral.Halimbawa, ako ay nakakuha ng ikalawang pwesto sa
pagkuha ng litrato sa Buwan ng Panitikan at maaari may magpadala sa akin ng liham
pagbati.

Liham Paanyaya (Letter of Invitation)


-Isang uri ng dokumento na tumutulong na humiling ng presensya o pagdalo sa isang
partikular na kaganapan o sa isang okasyon tulad ng kasal, kaarawan, pagtipipon, at
iba pa.Maaaring nakasaad dito ang lugar,oras,at araw kung saan gaganapin ang
nasabing pagtitipon.

Liham Tagubilin (Letter of Instruction)


- Ang liham na ito ay ang pagbibilin ng mga gustong ipahayag sa partikular na tao at
partikukar ng mga bagay katulad ng liham na isusulat ng iyong ina o ama bago sya
mag trabaho sa isang malayong lugar.

Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)


- Ito ay patungkol sa iyong pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang tinamo mo
mula sa isang gawain, o mula sa tao. Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga
naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na
impormasyon, at iba pa

Liham Kahilingan (Letter of Request)


- Liham na ito ay isang pormal na paraan at inihanda kapag kailangan o humihiling ng
isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad at pagpapatibay . Halimbawa, ako ay
sumulat ng Liham ng Kahilingan sa Sponsorship pra sa darating na aktibidad sa
paaralan na may malaking halaga ang kinakailangan.

Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation)


- Ang Liham na Pagsang-ayon ay kumpirmasyon sa isang bagay na sinabi, ginawa at
mga plano. Ito ay pagsuporta at pagpapatibay sa bagay na napag-usapan. Dagdag
pa, sinasamahan din ito ng kondisyon kung kinakailangan.

Liham Pagtanggi (Letter of Negation)


- Ito’y uri ng liham na nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi o di pagsang-ayon.
Halimbawa, ako ay binigyan ng liham paanyaya tungkol sa isang selebrasyon ng
ika-18 na kaarawan ng aking kaibigan at hindi ako makakapunta dahil mayroong
aktibidad sa paaralan,kaya’t ako ay gumawa ng Liham Pagtanggi.

Liham Pag-uulat (Report Letter)


-Ito’y uri ng liham na nagsasaad ng katayuan ng isang gawain na dapat isakatuparan
sa itinakdang panahon.
Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)
-Ito ay liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng naunang liham ng hindi
nabigyan ng tugon at para na ring paalala. Halimbawa, ang pagpapadala ko ng liham
pagsubaybay sa isang seller sa Manila dahil may depekto ang aking na order na gamit
at hindi pa nya nabigyan ng kasagutan ang nauna kong liham kaya ako’y nagsulat
muli ng liham pagsubaybay.

Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)


- Ito ay uri ng liham na ikaw ay nagpasiyang huminto o umalis na sa pagtatrabaho at
nakalahad ng maayos dito sa liham ang dahilan. Halimbawa, Si Yana ay gumawa ng
liham pagbibitiw sa kanyang trabaho dito sa Pilipinas kasi may balak syang
mangibang bansa.

Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of Application)


- Ito ay pinapadala kapag ang isang tao ay nagnanais mag apply ng trabaho na
mapasukan.Halimbawa, ako ay gumawa ng liham kahilingan ng
mapasukan/aplikasyon upang mag apply para sa posisyon na bank teller.

Liham Paghirang (Appointment Letter)


-Ang Liham Paghirang, o Appointment Letter sa Ingles, ay isang dokumentong
nagpapakita ng pagtatalaga ng isang tao sa isang tiyak na posisyon sa isang
kumpanya o organisasyon. Ito ay naglalaman ng mga detalye tungkol sa trabaho na
itinalaga sa indibidwal, tulad ng posisyon, mga tungkulin at responsibilidad, sweldo,
benepisyo, at iba pa. Karaniwang binibigyan ng kopya ang indibidwal na itinalaga at
ginagamit din ito bilang katibayan ng pagkakaroon ng trabaho.

Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)


-ay isang uri ng sulat na nagpapakilala sa isang tao sa iba. Karaniwang ginagamit ito
sa mga sitwasyon tulad ng pagpapakilala sa isang bagong kaibigan o kakilala sa ibang
tao o organisasyon, o kaya naman ay sa mga professional setting tulad ng pag-aapply
sa isang trabaho.

Liham Pagkambas (Canvass Letter)


- Ang Liham Pagkambas, o Canvass Letter sa Ingles, ay isang uri ng liham na
ginagamit upang magtanong o mag-imbestiga tungkol sa mga produkto, serbisyo, o
presyo ng isang kumpanya. Halimbawa ako ay gumawa ng liham pagkambas upang
malaman ang mga kagamitan na maari kong bilhin.

Liham Pagtatanong (Letter of Inquiry)


-Sa Liham Pagtatanong, nagpapakilala ang nagsusulat at nagtatanong tungkol sa mga
detalye na nais malaman. Kadalasan, kasama rin dito ang pagpapakita ng interes ng
nagsusulat sa pagkakaroon ng trabaho, pag-aapply sa isang paaralan, o kaya naman
ay sa pagbili ng produkto o serbisyo.

Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)


-ay isang uri ng liham na nagpapahayag ng pagkalinga, pakikiramay, at pagbibigay ng
suporta sa isang tao o pamilya na nagdalamhati sa pagkawala ng isang mahal sa
buhay. Ito ay isang mahalagang paraan upang maipakita ang ating pagmamalasakit
at pagbibigay ng suporta sa mga taong nangangailangan ng tulong sa panahon ng
kanilang pagdadalamhati.

Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)


-Ang Liham Pakikiramay, o Letter of Sympathy sa Ingles, ay isang uri ng liham na
nagpapahayag ng pakikiramay at suporta sa isang tao o pamilya na dumaranas ng
krisis o kahirapan, tulad ng karamdaman, pagkamatay ng isang mahal sa buhay, o
kaya naman ay sa mga sitwasyon tulad ng kalamidad o trahedya. Ang layunin ng
liham na ito ay upang magpakita ng pag-aalala, pagmamalasakit, at pakikisimpatiya
sa taong nakakaranas ng kahirapan.

Liham Panawagan (Letter of Appeal)


-Ito’y isang uri ng liham na ginagamit upang humingi ng tulong o suporta sa mga
taong may kakayahang magbigay ng tulong sa isang partikular na sitwasyon.
Halimbawa, ang aming organisasyon o grupo na may layuning makatulong sa isang
partikular na isyu o suliranin.aaari itong magpakilala ng kampanya, proyekto, o
kahilingan ng tulong sa mga mambabasa upang makakuha ng suporta o tulong para
sa kanilang layunin.

Liham Pagpapatunay (Letter of Certification)


-ay isang uri ng liham na nagpapatunay ng katotohanan o kahusayan ng isang tao,
organisasyon, o produkto. Ito ay kadalasang ginagamit upang mapatunayan ang
kwalipikasyon, karanasan, o mga tagumpay ng isang indibidwal o organisasyon para
sa mga layunin tulad ng aplikasyon sa trabaho, pagrehistro sa isang institusyon, o
pagpapakilala ng isang produkto.

You might also like