You are on page 1of 21

MOD

YUL
9 at
St. Mary’s College of Tagum, Inc.
SENIOR HIGH SCHOOL 10

MODYUL SA
PAGKATUTO
Akademikong Filipino sa
Piling Larangan

ELEANOR C. AGUILLON, MAED


EVELINDA LAZAGA, MARE
JHOMERIX D. GAUM, LPT
MAE ANN BACO, LPT
RANDY LUBIANO
Mga Instruktor

Pangalan: Jonathan Erolon

Pangkat at Baitang: STEM D 12 St Pedro Calungsod


Iba’t Ibang Uri ng Liham at Pagsulat ng Resume

Makabuluhan at nakatataba ng puso ang tinuran ni Senador Franklin M.


Drilon sa kanyang mensahe na naitala sa muling paglalathala ng patnubay
sa Korespondensiya Opisyal (ikaapat na edisyon), hindi na maitatawa na
ang Filipino ang lingua franca – pangkalahatang midyum na ginagamit sa
komunikasyon sa isang bansa (Mangahis, Nincio, Javillo 2008) o sa buong
kapuluan. Ngunit ang wikang ito ay dapat pa ring makapasok sa mga
bulwagan ng kapangyarihan, gaya ng batasan, hukuman, negosyo, at
akademya. Kung nais nating magtagumpay ang Filipino, kinakailangang
gamitin ito sa pasulat na paraan, hindi lamang sa pabigkas na paraan. Ang
korespondensiya sa wikang Filipino ang isang anyo ng pagkakamit na
gayong mithi.

Mahalagang matutuhan at pahalagahan ng mag-aaral ang wikang


Filipino bilang pangunahing wikang ginagamit sa pagsulat at di lamang
wikang binibigkas.

Mga Kasanayang Pampagkatuto

nakikilala at nasusuri ang iba’t ibang uri ng


liham;
nakapagsaliksik ng iba’t ibang uri ng liham; at
nakasusulat ng isang liham batay sa iba’t ibang

Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang


pagkilala sa Anak ng Diyos, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa
sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo.

Ignacian Core and Related Values: EXCELLENCE and Competence


Simualan Mo Na
Naalala mo pa ba ang mga bahagi ng liham? Kilalanin ang sumusunod na mga bahagi. Isulat
ang sagot sa linya.

1. Lubos na sumasaiyo,
Ricardo Zapanta, Jr.
BATING PANG WAKAS
2. Silvino Street
Brgy. Sto. Cristo Sur, Gapan City
PAMUHATAN
3. Binabati kita sa iyong matagumpay na pagpasa sa pambansang eksaminasyon para sa
pagkaguro. Masaya ako na ikaw ngayon ay isang lisensyadong guro na. Mangyayari na
ang iyong ninanais na makapagturo sa pampublikong paaralan sa ating komunidad.
KATAWAN NG LIHAM
4. Mahal kong Kaibigang Rene:
BATING PANIMULA
5. Hinahangad ko ang matagumpay mong pagtuturo bilang isang guro. Inaasahan ko na
ikaw ay magiging mabuting guro bilang huwaran ng iyong mag-aaral na siyang pag-asa
ng ating bayan sa susunod na mga panahon. Nawa ay maipunta mo sa kanila ang tunay
na kahulugan ng edukasyon.
KATAWAN NG LIHAM

Pagtatalakay sa Nilalaman Mga Uri ng Liham


Mula sa Patnubay sa Korespondensiya Opisyal
(Ikaapat na Edisyon 2015)

LIHAM PAGBATI (Letter of Congratulations)


Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinumang nagkamit ng tagumpay,
karangalan, o bagay na kasiya-siya. Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang
nakagawa ng anumang kapuri-puri o kahanga-hangang bagay sa tanggapan.

LIHAM PAANYAYA (Letter of Invitation)


Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging
tagapanayam, o gumaganap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon.

LIHAM TAGUBILIN (Letter of Instruction)


Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibiduwal o tanggapan kung
may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang
magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.
LIHAM PASASALAMAT (Letter of Thanks)
Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang
paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, ideya o opinion at
tinanggap na mga bagay.

LIHAM KAHILINGAN (Letter of Request)


Liham na inihanda kapag nangangailangan o humihiling sa isang bagay,
paglilingkod, pagpapatupad, at pagpapatibay ng anumang nilalaman ng
korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksyonal man
o opisyal.

LIHAM PAGSANG-AYON (Letter of Affirmation)


Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na
makabubuti sa operasyon ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang
pagsang-ayon kung kinakailangan.

LIHAM PAGTANGGI (Letter of Negation)


Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang-ayon
sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang opisyal at
transaksyonal.
Kailangang mahusay na maipahayag ang dahilan ng pagtanggi ng inaanyayahan
upang hindi makapagbigay-alinlangan sa sumulat. Nasasalamin sa ganitong uri ng
liham ang pagkatao o personalidad ng tumatanggi sa liham. Dapat tandaan na kapag
ang inaanyayahan ay tumanggi o di makadadalo sa paanyaya, kailangang magpadala
ng isang kinatawang gaganap ng kanyang tungkulin. Kung di gustong ipaganap ang
tungkulin, sagutin ng nakukumbinsing pananalita ang nag-anyaya.

LIHAM PAG-UULAT (Report Letter)


Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat
isakatuparan sa itinakdang panahon. Tinatalakay dito ang: (a) pamagat, layunin, at
kalikasan ng proyekto; (b) bahagdan ng natamo batay sa layunin; (c) kompletong
deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang gawain, pati na ang mga tauhan,
pamamaraan, mga hadlang, at mga remedy; at (d) mga gawaing kailangan pang
isagawa upang matapos sa itinakdang panahon ang proyekto.

LIHAM PAGSUBAYBAY (Follow-up Letter)


Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala
na, subalit hindi nabibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalala upang bigyang-aksiyon
ang naunang liham.Ang uri ng liham na nararapat subaybayan ay ang liham kahilingan,
paanyaya, at maging ang pang-aaply o pamamasukan sa trabaho. Sa pagsulat, magalang
na banggitin sa liham ang petsa at layunin ng naunang komunikasyon.
LIHAM PAGBIBITIW (Letter of Resignation)
Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o
umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan.
Kinakailangan ditong mailahad nang maayos at mabisa ang dahilan ng pagbibitiw
sapagkat nasa anyo at himig ng pananalita ng nagbibitiw ang larawan ng kanyang
pagkatao. Hinihingi rito ang marangal na pagpapahayag. Dapat iwasan ang
panunuligsa sa tanggapan o sa mga pinuno at tauhan ng opisinang nililisan.

LIHAM KAHILINGAN NG MAPAPASUKAN/APLIKASYON (Letter of Application)


Ang sinumang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang
magpadala o magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga ideya at tuwirang pananalita na nakapaloob sa nilalaman ng liham ay
nakahihikayat ng magandang impresyon. Tukuyin ang posisyong inaaplayan at
kahandaan ng pakikipannayam anuman oras na kinakailangan.

LIHAM PAGHIRANG (Appointment Letter)


Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin,
pagbabago/paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan, o promosyon
(promotion) para sa kabutihan ng paglilingkod sa tanggapan. Isinasaad sa liham ang
dahilan ng pagkahirang at ang pag-asang magagampanan ang tungkuling inaatas sa
kanya nang buong kahusayan.

LIHAM PAGKAMBAS (Canvass Letter)


Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: (a) halaga ng
bagay/aytem na nais bilhin, (b) serbisyo (janitorial services, security services, catering
services, venue/function halls, atb) ng isang tanggapan. Nagsisilbing batayan ito sa
pagpili ng pinakamababang halaga ng bilihin at serbisyong pipiliin.

LIHAM PAGTATANONG (Letter of Inquiry)


Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa
mga opisyal na impormasyon o paliwanag.

LIHAM PAKIKIDALAMHATI (Letter of Condolence)


Liham ito na ipinapadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na
naulila. Nagpapahayag ito ng pakikiisa sa damdamin subalit hindi dapat palubhain ang
kalungkutan ng mga naulila. Nararapat itong ipadala agad matapos mabatid ang
pagkamatay ng isang tao.

LIHAM PAKIKIRAMAY (Letter of Sympathy)


Liham ito na ipinapadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na
nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo lindol, baha,
sunog, aksidente o anupamang sakuna ngunit buhay pa. Nilalaman ng liham ang lubos
na pakikiramay sa sinapit na sakuna at ang tulong na nais ipaabot ng tanggapan sa
biktima. Nararapat na maipadala agad ito sa kinauukulan matapos mabatid ang
pangyayari.

LIHAM PANAWAGAN (Letter of Appeal)


Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa
pagpapatupad o implementasyon ng kautusan, kapasyahan, at pagsusog/amyenda ng
patakaran.

LIHAM PAGPAPATUNAY (Letter of Certification)


Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa
tanggapan ay nagtungo at/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang partikular na
lugar at petsa na kung kalian ito isinagawa. Nilalagdaan ito ng puno ng tanggapan,
tagamasid pampurok, at puno ng rehiyon.

Gabay sa Talakayan

Suriin Mo Na

1. Ano ang pagkakaiba ng liham tagubilin sa liham ng kahilingan?

Ang liham tagubilin ay ang pagbilin ng mga gustong ipahayag sa partikular na


tao at bagay at ang liham kahilingan naman ay ang paghihingi ng kahilingan
para maisakatuparan ang gustong mangyari, o humihingi ng pabor sa gusto.

2. Paano nakabubuti ang liham pagsang-ayon sa operasyon ng isang samahan?


nakakabuti ang liham para sa mga taong maasahan,dahil kung ang taong
iyong pinagkatiwalaan ay may tiwala din sayu ay maganda at may patutungo
na din sa iyung pakikisama, Ang pagiging maasahan sa liham sa kaibigan o
kanino paman ay instrumentu na maganda ang iyung pakikipagugnayan sa
isat isa.
3. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng liham pakikidalamhati at pakikiramay?

Ang pakikidalamhati ay ang pabigay ng tugon o pagpapadala ng liham sa


taong may lungkot, pighati na nag papahiwatig sa taong may lalim na
kalungkutan at ang pakikiramay naman ayisang liham para sa mga na ulila
or namatayan na pamilya, or kaibigan.
4. Sa iyong palagay, matapos mong maisagawa ang pakikipanayam, ano ang dapat
mong gawing liham? Bakit?

Sa palagay ko gagawa ako ng liham pag-uulat dahil kong may trabaho na ako
ay may ma ibibigay akung balita sa pamilya or sa kaibigan tulad ng pag a
abroad, kailanang kailangan ito upang mapanatili ang kumunikasyon na kahit
walang Internet ay may ipapadala parin ako.
5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng liham?

Upang matutunan natin ang bawat event or saan ito mababagay ang pag ibibigay na
liham, ang hirap naman siguro kung magsusulat kanang pang patay na liham, tapos
ang bibigyan mo ay para pala sa mag bibirthday, kaya mas importanting malaman
at unawin natin ang bawat liham na dapat nating isulat para ma ibabagay at may
maganda tayong ma isusulat at ma iintindihan ang nais nating iparating ng
nakakatanggap ng liham.

Likhain Mo PAGSULAT
Pumili ng isang uri ng liham at
sumulat ng isang halimbawa ng liham na
napili mo.

Prk Talisay Zafra Compund

Magugpo East, Tagum City

Ika - 9 Nobyembre, 2020

Mahal kung Magulang

Unang una sa lahat, ay nagpapasalamat ako sa lahat ng mga mabuting ginawa niyo sa
akin, salamat dahil nan doon kayo noong mga panahon na wala ng sumusuporta
Sub-Modyul

PANAKIP NA LIHAM AT RESUME

Mga Kasanayang Pampagkatuto


● Nakapagsusuri sa pagkakabuo ng isang panakip na liham at resume

● Nakasusulat ng panakip na liham kalakip ng resume para sa tanggapang nais pasukan

Simulan Mo Na

Para makabuo ng isang magandang liham na humuhiling ng mapapasukang trabaho,


ano-ano ang balangkas ng plano na sa iyong palagay ay nararapat mong gawin? Magbigay ng
tatlong mahahalagang pagpaplano.
1. Unang una ihanda ang iyong mga impormasyon para ilagay sa iyong liham katulad ng
mga karanasan sa buhay o mga mahahalagang documento na magagamit mo sa iyong
ina aplayang trabaho tulad ng diploma at certipikasyon.
2. Pangalawa, dapat pormal at ka aya aya ang iyong liham, upang madaling ma intindihan
ng amo na pinapasukan mong trabaho.
3. At Panghuli dapat alam mo ang mga tama at mali sa pag sulat, dapat sa liham palang ay
dapat ka tanggap tanggap kana, binabahagi mo dun ang pagiging responsabling tao na
karapdapat ka sa trabahong ina aplyan mo.

Pagtatalakay sa Nilalaman

Ang panakip na liham ay sulat na naglalaman ng kahilingan ng isang amplikante sa


trabahong ninanais niyang pasukan kalakip nito ang resume o ang impormasyon
tungkol sa kanyang sarili. Nakasulat sa paraang mapanghikayat, pormal, at maikli ang
panakip na liham.

Basahin at unawain ang liham.

32 Bangkal Street
Sangandaan, Caloocan City

Ika-23 ng Marso 2016


Ika-23 ng Marso 2016

Ginoong Almario Lacsamana


Manager, Philippine Saving Bank
Ermita, Manila

Mahal na Ginoong Lacsaman:

Pagbati!
Pansariling-Tala (Resume)

Librido Sanguil
32 Bangkal Street
Sangandaan, Caloocan City
E-mail:Isanguil_380@yahoo.com

EDUKASYON
MGA DINALIHANG PALIHAN

SAMAHANG KINABIBILANGAN

Tagapag-ugnay ng Samahang Kabataang Boholano


Youth for Christ
Miyembro, Samahan ng mga Kabataang Propesyonal sa Pagnenegosyo
SANGGUNIAN
Dr. Leandro Macaspac

GABAY SA TALAKAYAN

Suriin Mo Na

1. Mahalaga ba ang nilalaman ng panakip na liham? Bakit?


Oo dahil, nakakatulong ito sa mga taong gustong mag apply ng trabaho,madaling
matugunan ang kanilang gustong ipahiwatig na impormasyon gamit ang liham, kung
ito ba ay ka aya aya or karapdapat ka sa gusto mong pasukang trabaho
2. Ano-ano ang mahahalagang katangian ng panakip na liham?
Unang una ay kahilingan mong ma tanggap sa trabaho nag lalaman mga
salitang nais mong makapasok, nag lalaman na iyong gusto na maka pag
trabaho.
3. Paano higit na pinagtitibay ang nilalaman ng panakip na liham ng taong nag-aaplay ng
mapapasukan?

Dapat ay sa liham ay naglalaman ng mga mahalagang impormasyon, ka aya


ayang mga salita sa nais mong pasukan na ikaw ay, handa sa yong bagong
responsibilidad na papasukan, nag lalaman ng pagiging kaya mo, at karapdapat
ka sa pinapasukan mo.
4. Kung ikaw ang makatatanggap ng panakip na liham, mahihikayat ka ba nito? Bakit?

Para sakin ay naka depende sa binigay na liham, nakadepende parin sa laman


ng liham
Dahil kailangan mo nang masuri bago pagka tiwalaan.

5. Sa iyong palagay, may pag-asa kayang matanggap ang taong sumulat ng panakip na
liham? Patotohanan ang iyong sagot.

Naka depende parin yan sa kanyang ibinigay na liham, dahil ang labas ng liham
ay isang pag hiling lamang or request pero iba ang loob ng liham dahil yun ang
kailangan at pinagbabasihan ng pag tanngap.

Likhain Mo Na

PAGSULAT

Mag-isip ng isang trabahong nais mong aplayan. Pagkatapos, sumulat ng isang


mapanghikayat na panakip na liham kalakip ang iyong resume. Isulat ito sa ibang kapirasong
papel. (40 pts.)
D, RHOD DEL ROSARIO

Manager
Gaisano Mall of Tagum
Tagum CIty ,Davao Del Norte

Mahal na ginoong Del Rosario


Ako po si jonathan erolon na nakapagtapos bilang Bachelor of Science in Architecture sa
pamantasan ng Ateneo de davao University ng taong 2020, Nais ko po sanang mag apply
ng trabaho sa inyong companya Sanay tanggapin niyo po ako, bilang isang architect o ano
mang posisyong nauukol sa aking kurso.
Ang pagiging masipag lang po aking maipagmamalaki, na kahit ano po yang utos na yan
basta na kaka tulong sa companyang ito, handa ko pong kunin ang responsilbilidad bilang
isa mga kasapi ng inyong companya kung akoy inyong papayagan na mag trabaho sinyo.
Sa kasalukuyan ako po ay nakatira sa prk talisay zafra compund kasakasama ko po aking
mga magulang, ako po ay 23 years old na po
Marmaing salamat po sa pagtugon.

Lubos na sumasainyo

JONATHAN EROLON

Modyul 10

Pagsasalin ng Teksto
Ang pagsasalin ay isang paraan ng pagsulat kung saan isinusulat muli ang
teksto sa ibang wika batay sa gagamitin ng tagasalin subalit hindi nawawala ang diwa
ng orihinal nito.

Kadalasan, ang mga akdang nakasulat sa Ingles ay naisasalin sa Filipino


sapagkat ang wikang ito ay itinuturing na pangalawang wika ng mga Filipino.

Mahalaga ang pagsasalin upang makaabot sa iba pang panig ng daigdig ang
mga akda mula sa iba’t ibang lugar. Sa ganitong pagkakataon ay nawawala ang balakid
ng pagkakaiba-iba ng wika sa pagkakaunawaang global.

Mga Kasanayang Pampagkatuto

⮚ Nababatid ang mga simulain sa pagsasalin

⮚ Naisasalin sa Filipino ang isang akda na nasusulat sa Ingles.

Simulan Mo Na

Bigyan ng katumbas na salita sa Filipino ang sumusunod na mga dayuhang


salita. Pagkatapos, gamitin sa pangungusap ang katumbas na salita.

1. transparent - Malinaw - Malinaw na malinaw saking mata nong nakita ko


siyang may iba na siyang mahal.

2. yellowish - Naninilaw - Nanilaw na ang aking barung kailangan ko na


tong labhan sa madaling panahon

3. baking chamber - Hurno - Gumawa ang aking Jowa ng cupcake sa horno,


pero na alala ko wala pala akung jowa

4. obvious - Halata - Halatang halata na meron na siyang iba kahit di


niya sinasabi sakin, pangit ba ako ? Then why ?

5. machine - Makina - Maganda ang uri ng makina na binili ko saking


lolo, original at hindi peke hindi tulad ng pagmamahal niya sa akin.
Unawain Natin

Ayon sa Webster’s New World Dictionary of the American language, ang salitang
translate ay nangangahulugang “to change from one language into another, to put into
different words” (palitan ang wika tungo sa ibang wika; ilahad sa ibang pananalita).
Samantalang isinasaad naman ng New Standard Dictionary ang kahulugang “to give
sense or meaning of in another language” (ibigay ang diwa o kahulugan sa ibang wika).
Maipalalagay na higit na tiyak at malinaw ang ibigay na katuturan ni Eugene Nida at
Charles Taber (1969) na ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa target na wika
ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng orihinal na wika, una’y batay
sa kahulugan at ikalawa’y batay sa estilo.

Kahalagahan ng Pagsasalin

Ayon kay Bienvenido Lumbera (1982), ang mga layuning nagbubunsod sa


pagsasaling-wika ay ang sumusunod:

1. Pagpapalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda;


2. Pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon; at
3. Pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na
makabuluhan ng isa o ilang tao.
Napakaraming kaalaman at karunungang mababasa at mapag-aralan sa
kasalukuyang panahon ang bunga sa pagsasaling-wika. Halimbawa na lamang ay ang
kasaysayan at kultura ng iba’t ibang lipunan at lipi sa mundo na ating wika upang
ating maunawaan.

Ayon sa isa nating Pambansng Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgillo


Almario (2013), kasintanda ng limbag na panitikan sa bansa ang pagsasalin sa atin.
Patunay rito, aniya, ang Doctrina Christiana na siyang salin ng mga batas, dasal, at
gawain sa katolisimo para sa mga sinaunang Pilipino. Ang naturang dokumento ang
kilalang pinakaunang dokumento ng nailimbag sa Filipino noong 1593.

Kung titingnan ang panahon nito, maipagpapalagay na ang pagsasalin ay di


lamang bahagi ng pag-aaral natin ng mga prosesong nakapaloob sa panitikan. Masasabi
na ang pagsasalin ay may malaking impluwensiya sa ating kasaysayan bilang mga
Pilipino at sa pagsisimula ng ating pagsasabansa.
Mga Katangian ng Isang Tagasaling-Wika

Kabilang sa mga dalubhasa sa pagsasaling-wika noong ika-16 na siglo ay si


Etienne Dolet (1540) ng Pransiya na naglahad ng sumusunod mula sa pag-aaral ni
Theo Hermans:

1. Kailangang ganap na maunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman at intensiyon ng awtor


ng akdang isinasalin.
2. Kailangang may ganap na kaalaman ang tagapagsalin sa wikang pinagsasalinan at may
gayunding kahusayan sa pinagmulang wika.
3. Kailangang iwasan ng tagapagsalin ang magsalin nang salita-sa-salita sapagkat
makasisisra ito sa kagandahan ng pahayag.
4. Kailangang gamitin ng tagasalin ang anyo ng mga pananalitang karaniwang ginagamit
ng nakararami.
5. Sa pamamagitan ng kanyang pagsasalin at pag-aayos ng mga salita, kailangang
makabuo ang tagapagsalin ng pangkalahatang bisa at angkop sa himig ng orihinal na
akda.
Kung susumahin, narito ang pangkalahatang ideya na maaaring maipayo sa mga
tagasalin at mga nagnanais magsalin:

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at ang kultura ng


wikang isinasalin niya
2. Sapat na kaalaman sa paksang isinasalin
3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
4. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin

Sinasabing ang pinakamahusay na salin ay yaong mapagkakamalan ng mga


mambabasa na yaon ay hindi isang salin kundi isang orihinal na akdang ginawa ng
manunulat.

Ang kahirapan o kadakilaan sa pagsasaling-wika ay nababatay rin sa uri ng


paksang isinasalin, bukod sa anyo at layunin. May karaniwang paksang pang-araw-
araw na madaling isalin. Gayundin, may mga anyong pampanitikan na tulad ng tula na
may kahirapan isalin ngunit nagdudulot naman ng kasiyahan sa nagsasalin sapagkat
may higit na nagpapakilala ng katotohanang ang pagsasaling-wika ay isang sining.
Halimbawa:

Beauty and Duty

I slept, dreamed that life was Beauty;


I woke, and found that life was Duty.
Was thy dream then a shadow lie?
Toil on, sad heart, courageously,
A noonday light and truth to thee.

Kagandahan at Kalungkutan

Sa aking pangarap, buhay ay marikit,


Nung ako’y magising ito pala’y sakit,
Sinungaling kaya ang panaginip?
Malungkuting puso, hayo na’t magtiis,
Darating ang araw na ang ninanais
Ay katotohanang iyong makakamit.

Narito naman ang isang halimbawa na may paksang panlahat at higit na marami
ang nakaaalam, na sinikap na maisalin sa pamamagitan ng mga salitang madaling
maintindihan.

Love
is…
Giving not Selfishly Getting
` Sharing not Demanding
Assuring, not Blaming
Forgiving, not Hating
Trusting, not Doubting
Concern for others,
Not for one’s self.

Ang Pag-ibig
ay…
Pabibigay, hindi makasariling Pagtanggap
Pakikihati, hindi Paghingi
Pagtiyak, hindi Paninisi
Pagpapatawad, hindi Pagkapoot
Pagtitiwala, hindi Pag-aalinlangan
Pagmamalasakit sa iba,
Hindi pagkamakasarili.

Iba pang halimbawa:


Each citizen must aim at personal perfection and social justice through
education. (orihinal)
-Manuel L. Quezon
Bawat mamamayan dapat may layunin sa personal na kaganapan at
panlipunang katarungan sa pamamagitan ng edukasyon. (salitang literal).
-Manuel L. Quezon

Ang bawat mamamayan ay dapat magkaroon ng layuning matamo ang


pansariling kaganapan at katarungang panlipunan sa pamamagitan ng edukasyon.
(malayang salin)
-Manuel L. Quezon

GABAY SA TALAKAYAN

Suriin Mo Na

1. Bakit masasabing isang sining ang pagsasaling-wika?

Masasabi ito na isang sining ang salitang pagsasalin ng wika dahil binibigyan
mo ito ng malinaw na kahulugan ang isang salita na isasalin.

2. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng sistema ang


pagsasaling-wika?

Mahalaga na magkaroon ng sistema ang pagsasalin ng wika upang may


sapat na pagbabasihan ang pagsasalin ng mga salita.

3. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika sa pagpapalaganap ng mga


kaalaman?

Nakakatutulong ito sa pamamagitan ng mga pagbibigay linaw ng mga


salitang di mo naiintindihan o di naiintindihan ng ibang tao.

4. Ano ang kinakailangan ng isang tagasalin uppang mabigyan niya ng


katarungan ang isan orihinal na akdang isinasalin?

Kinakailangan na may sapat na kaalaman ang isang taga salin upang


wasto ang pagbibigay ng salitang nais na ma bigyang linaw.
5. Ano ang mahalagang katangian ng isang akdang salin mula sa
tagasalin? Bakit?

Ang mahalagang katangian ng isang akdang salin mula sa taga salin ay


dapat may sapat na kaalaman sa dalawang wika na isasalin ng isang
awtor.

Isabuhay Mo Na

Gusto mong maging isang mahusay na tagasaling-wika. Kung


ganoon, ano-ano ang iyong dapat taglaying katangian maliban sa mga binanggit
sa teksto? Magbigay ng iyong limang pansariling katangian. Ipaliwanag.

1. Kailangang may sapat na kaalaman ang tagapagsalin ng wikang


pinagsasalinan at may kahusayan sa wika o ma alam sa wikang
pinanggalingan.

2. Kailangang gamitin ng tagasalin ang mga anyo ng mga salitang karaniwang


ginagamit ng nakararami

3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin, Sa pamamagitan ng pagsasalin at pag-aayos


ng mga salita, kailangang makabuo ang tagapagsalin ng pangkalahatang bisa at
angkop sa himig ng orihinal na akda

4. Kailangang iwasan ng tagapagsalin ang magsalin nang salita-sa-salita sapagkat


nakasisira ito sa kagandahan ng pahayag

5. Dapat may sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa


pagsasalin dahil dito masusukat ang pagiging ma alam wikang isasalin.

Inihanda ni :
JHOMERIX D.GAUM, LPT

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

RAYMOND W. DELA CUESTA, MAEd ELEANOR C. AGUILLON, MAEd


SHS Academic Coordinator SHS Focal Person

You might also like