You are on page 1of 68

Aralin 10:

Iba’t-ibang
Komunikasyon ng
Pilipino sa Larang
Akademiko Tungo sa
Trabaho
PAGTATALUMPATI
Ang pagtatalumpati ay
maituturing na isang uri ng sining. Dito
makikita ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa paghihikayat upang
paniwalaan ang kanyang
pangangatwiran sa paksang tinatalakay.
Narito ang mga uri nito:
 Binabasa- Inihahanda na ang piyesa bago pa
man itanghal o basahin sa harap ng publiko.
Ito ay may layuning maingat na maihalad ang
kabuoang nilalaman ng mensahe para sa
mga tatanggap nito.
 Minememorya- Naihanda na ang piyesa
upang ilahad sa paraang isinaulo.
Ipinagpapalagay na ang pagtatanghal ng
mensahe ay kailangang itawid sa madla na
wari sa pagkakataon lamang na iyon
sinasabi
 Impromptu o biglaan- May pagkakataong
hinihingian ang sinuman ng mensahe ng
biglaan o walang tiyak na paghahanda
tungkol sa inaasahang lalamanin ng
ilalahad.
 Extemporaneous o mabilisan- Ang
panandaliang talumpati
(extemporaneous speech) ay ang
agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa
mananalumpati at malaya siyang
magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring
may paghahanda o walang paghahanda
ang talumpati.
Kasiningan sa Paglalahad
Sa pamamagitan ng may hanggahang
paggamit ng mga transisyonal na
panalita sa retorika tulad ng mga
salawilain, kasabihan, kawikaan, sawikain
at mga tayutay.
Halimbawa:
Puno man ng tagumpay ang buhay niya, hindi pa
rin siya masaya. Tunay nga, ang hindi lumingon sa
pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.
(Salawikain).
Kapangyarihang Magbigay-saya o
Lugod

Ang mga likhang pahayag ng manunulat at


tagapagsalita ay nagbibigay kasiyahan.
Makapangyarihan ang wika sa mga larang na
ito. Kaya nitong makapagpaluha sa tuwa sa
sinumang nalulumbay.
Halimbawa:
Pinapangarap kong makasama noon sa pagtanda ang
isang Marian Rivera. Ako man ay hamak na
mangingisda lamang. Hindi ako kasing guwapo at
kasingkisig ni Dingdong Dantes kaya alam ko sa aking
sarili ang dapat na para sa akin. Hindi man si Marian
ang nabingwit ng aking pag-ibig, nariyan naman si
Neneng. Hindi man siya si Marimar, nakatira naman
sa tabing-dagat. Hindi man siya si Dyesabel, amoy
isda pa rin naman ang aking Neneng. Tindera siya ng
isda sa palengke. Ganoon man, mahal ko siya. Si
Neneng ang reyna (hindi prinsesa) ng aking banyera.
Mapagkunwari o Mapagmalabis
na Paggamit ng Wika
Kaugnay ng unang katangian, sa ilalim ng mga
tayutay, malimit na gawing bahagi ng pahayag
ang pagbibigay-katauhan at pagmamalabis.
Nilalayon nitong tumalon mula sa reyalidad
patungo sa mapaglarong mundo ng audience.
Halimbawa:
 Madalas akong dalawin ng kalungkutan
kapag nag-iisa. (Personipikasyon).
 Babaha ang luha kapag nagkitang muli ang
mga magkakapamilya (hyperbole)
Kaangkapan at Katiyakan sa
Paggamit ng Wika sa
Pagpapahayag
Epektibo ang retorika kung palaging kaagapay
nito sa pagbuo ng pahayag ang balarila o
grammar. Hindi lang sapat na maganda at
matalinghaga ang pahayag, mahalang nauunawaan
ang mga salitang ginamit. Isaalang-alang ang tama
at angkop na pagpili ng mga salita sa
ikakatagumpay ng pagtawid ng mensahe.
Halimbawa:
Malapit ang kahulugan ng mga pang-uring
mayaman, mabiyaya at masagana. Kailangang iayon
ang paggamit ng mga salita sa kahulugan ng
pahayag;
 Mayaman ang pamilyang aking nakagisnan.
 Mabiyaya sa ulan ang aming palayan.
 Mabiyaya sa pagpapala mula sa Itaas ang bayang
ito.
 Masaganang ani ang iaalay sa pista.
Pakikipag-usap
( conversation )
 Humiling
 Tumulong
 Magpahayag ng hinaing/reklamo
 Magsabi ng rekomendasyon/mungkahi
 Sumang-ayon
 Sumalumgat
 Magdagdag
 Makialam
 Magbigay
 Tumanggap at tumanggi ng/sa paanyaya
Pagpapakilala
ito ay pakikipag ugnayan sa
kapwa sa pamamagitan ng pagsasalita.

MGA TUNTUNIN SA
PAGPAPAKILALA

1. Banggitin ang boung pangalan ng mga


ipapakilala.
2. Unang banggitin ang boung ngalan ng
may mataas na katungkulan.
3. Unang banggitin ang boung ngalan ng
babae sa lalaking ipinakikilala.
4. unang banggitin ang boung ngalan ng
mas may edad.
5. Iwasang boung ngalan lamang ang
banggitin.
6. Huwag ipagdamot ang pagngiti.
Pakikipanayam (para sa
saliksik at sulatin)
Proseso sa pakikipanayam para
sa saliksik at pagsulat:
1. Piliin ang angkop na personalidad na
kakapanayamin.
2. Planuhin ang paraan ng interbyu.
3. Maghanda ka ng mga angkop na katanungan.
4. Kung harapan, makipag-ayos ng
appointment.
5. Dumating ka ng mas maaga sa itinakdang
oras o pook na pagdarausan ng panayam.
6. Maging magalang at sensitibo ka sa
mga di berbal na uri ng komunikasyong
gamit ng kinakapanayam.
7. Tiyakin na nauunawaan ng kausap ang
mga inihandang tanong.
8. Maaari kang magbitiw ng mga kaugnay
o follow-up na tanong.
9. Matapos na makakalap ng mga
kailangang impormasyon ay huwag
kalilimutang magpasalamat.
Pangkatang Talakayan
 ito ay interpersonal na paraan ng pakikipag ugnayan na
isinaalang alang ang opinion at damdamin ng bawat isnag
kasangkot sa talakayan.
PAMPRIBADO PAMPUBLIKO

 Round table  panel


 Pagpupulong  porum
 simposyum
Pakikipag – usap Gamit Ang
Telepono/ Cellphone
Sa pakikIpag- usap gamit ang
telepono, isaalang- alang ang mga
sumusunod sa pamamaraan at tips
buhat sa aklat na Private at Public
Speaking (2003) nina Rustica C. Carpio
at Anacleta M. Encarnacion.
1. Hanggang mag- ring ang kabilang linya
hanggang anim na ulit.
2. Sumagot agad upang bumati.
3. Iwasan ang pagkontak ng ibang o maling
numero.
4. Humingi ng paumanhin sa nakausap
kung ibang numero ang natawagan.
5. Ang sasagot sa kabilang linya ay dapat
na banggitin ang pangalan at kagawaran o
kumpanyang kinabibilangan o
pinagtatrabahuan.
6. Matapos ang pagbati ng tumatawag ay
maaari nang sabihin ng tao ang nais na
kausapin.
7. Kung abala sa maraming gawain at hindi
muna maktanggap ng tawag ang
tinatawagan.
o di kaya ay may ibang kausap sa telepono,
ang nakasagot ay humingi ng paumanhin at
pag- unawa saka ilahd ang tulong na
magagawa para maibigay ang mensaheng
nais ipabatid.
8. Kung ang tumatawag ay may hinihinging
impormasyon, tanungin siya kung
mahihintay ang tugon. Kapag pumayag
pasalamatan.
9. Wakasan ang pakikipag- usap gamit ang
telepono sa mapitagan at magalang na
paraan.
Panayam para sa Trabaho
 1. Nararapat na magkaroon ng malinaw na
pagbigkas ng mga tugon sa tanong. Sagutin
gamit ang wikang Ingles ang wikang ginamit
ng nagtatanong.
 2. Maging kalmado, makinig ng mabuti at
tumingin ng mata sa mata sa taong gumagawa
ng panayam.
 3. Maging totoo sa pagpapakilala ng sarili sa
loob ng isa o dalawang minuto.
 4. Huwag lubhang mapalabok.
 5. Maging tiyak at totoo sa sinasabi. Tukuyin
ang nais na tukuyin.
 6. Bigyan-diin ang mga pinagmamalaking
katangiansa pagtatrabaho ngunit huwag
maghimig na alam na lahat bagay.
 7. Banggitin ang kahandaan at pagiging bukas sa
mga bagong kaalaman sa mga gawain sa
kumpanyang nais pasukan.
 8. Higit sa lahat, bago dumating sa lugar na
pagdarausan ng panayam magkaroon ng saliksik
sa kumpanyang nais na paglingkuran at
siguraduhing alam ang posisyong nais pasukan.
 9. Malaki ang magagawa ng panalangin at tiwala
sa sarili
MGA LIHAM
CACHO, JAYMUEL C.
LIHAM
 Ang liham ay isang pahayag o
mensahe sa pamamagitan ng
pagsulat mula sa isang tao
patungo sa isa pang tao o
grupo, kadalasan sa ibang lugar.
Inilahad sa Patnubay sa
Korespondensiya opisyal ng
Komisyon sa Wikang Filipino (2015)
 o Malinaw  o Maikli
 o Wasto  o Kumbersasyonal

 o Buo  o Mapasaalang alang

 o Magalang (considerate)
URI NG MGA LIHAM SA
TRABAHO

 PAG
 BATI/ LETTER OF
CONGRATULATIONS
 /

 PAANYAYA/ LETTER OF INVITATION


 TAGUBILIN/ LETTER OF
INSTRUCTION
 KAHILINGAN/ LETTER OF REQUEST
 PAGSANG AYON/ LETTER OF
AFFIRTION
 PANGTANGGI/ LETTER OF NEGATION
 PAG-UULAT/ REPORT LETTER
 PAGSUSUBAYBAY/ FOLLOW-UP LETTER
 PAGBIBITIW/ LETTER OF RESIGNATION
 KAHILINGAN NG MAPAPASUKAN/
LETTER OF APPLICATION
 PAGHIRANG/ APPOINTMENT LETTER
 PAGTATANONG/ LETTER OF INQUIRY
 PANAWAGAN/ LETTER OF APPEAL
 PAGPAPATUNAY/ LETTER OF
CERTIFICATION
Iba pang Komunikasyong
pasulat sa trabaho
Komunikasyon:
Kautusang pangkagawaran o pantanggapan/
Department or Office Order
Pinagmulan:
Pinuno ng kagawaran
Patutunguhan:
Nasasakupan
Layunin:
Inilalahad ang pagpapakalat ng kautusan sa lahat sa
lalong madaling panahon
Komunikasyon:
Memorandum Pangkagawaran o pantanggapan/
Department or Office Memorandum
Pinagmulan:
Pinuno ng kagawaran
Patutunguhan:
Nasasakupan
Layunin:
Nilalayong isagawa ang isang gawaing nais ipatupad.
Komunikasyon:
Patalastas/ Notification
Pinagmulan:
Pinuno ng kagawaran
Patutunguhan:
Nasasakupan
Layunin:
Ipinagbibigay alam ang isang programa, aksyon o
mahalagang Gawain na may angangailangan ng atensyon
at positibong tugon.
Komunikasyon:
Paglilipat/ Pag eendoso
Pinagmulan:
Pinuno ng kagawaran
Patutunguhan:
Iba pang tanggapan
Layunin:
Pinadadaan ang sulat sa ibang tanggapan para sa
layuning pagsangguni. Hinihiling dito ang aksyon na
maaaring puna, paalala o puna sa mga naunang hiling.
Komunikasyon:
Katitikan ng pulong/ Minutes of the meeting
Pinagmulan:
Ang bumubuo ay kalihim
Patutunguhan:
Ito ay ibinabahagi sa mga kabilang sa pulong para sa
pagpapatibay
Layunin:
Nilalaman nito ang daloy ng pag uusap sa isang
pulong. Nakabatay ito sa adyenda na inihanda.
KOMUNIKASYON
SA TULONG
NG TEKNOLOHIYA
 Ang pagkakaroon natin ng isang komunidad na ang
lahat ay nakikihalubilo sa isa’t isa at namumuhay
madalas nang sama-sama ay nagsisilbing
pagkakataon upang ang linyang humahati sa mga
pribadong bagay at impormasyong publiko ay
lumabo at minsan ay tuluyan nang maglaho.
(Maggay, 2002)
 Totoo sa kulturang Filipino ang pagpapahalaga sa pagsasama
at mapagsama (inclusivity).
 Sa pagtukoy ni Salazar sa Maggay (2002), may paglalarawan ng
pakikisama sa mga itinuturing na ibang tao at sa di ibang tao
(acquaintance). Ipinaliwanag din ito nina Santiago at Enriquez
(1989) sa continuum ng mula pakikitungo (formal civility)
hanggang pakikiisa (full identification)
Itinuturing na ugnayan sa ibang tao ang:
 Pakikitungo
 Pakikisalamuha
 Pakikilahok
 Pakikibagay
 Pakikisama
Samantala, sa di ibang tao ay ang
 Pakikipagpalagayang loob
 Pakikisangkot
 Pakikiisa
 Nagkaroon na ng pagtatagpo ang hegemony at gahum na mayroon sa
kinikilala ngayong bagong uri ng komunikasyon- ang pagsandig sa
teknolohiya bilang pangunahing medyum ng pakikipag-ugnayan.
 (Maggay, 2002), ang pagkawala ng hangganan sa pagitan ng pribadong bagay
at impormasyong publiko kaya lamang nakahanap ang tao ng daluyang sa
katotohanan ay may abstraktong bagay paring humaharang sa mga tao- ang
espasyo- nagbibigay kahulugan ito sa proseso ng ugnayan ng mga Pilipino.
 Kaugnay ito ng binabanggit na artikulo ni Turkle (2012) sa kanyang The
Flight from Conversation. Inilalarawang bagamat napag iisa ng teknolohiya
ang tao sa pamaraan ng komunikasyon, hindi maittangging may pagkatuklas
sa dulo na nag iisa lang talaga ang tao. Maaring ituring na sangkap ang
esspayo na kargado ng kahulugan- nawawala ang pandamdaming aspekto.
Ang kahulugan ng mga pahayag na pinagsasaluhan ay nakapako lamang sa
mga sign (icon, index, at symbol) at karanasan ng tumatanggap. Ito ay batay
sa pagtanaw ng mga structuralist.
 Paradigm Shift- Napag iisa tungo sa nag iisa. Napapalitan nito ang
kinagawiang estilo ng pakikiugnay. Kung ilalapat ang saliksik sa pagkatao ng
Pilipino mi Cuvar, ang Pilipino ay may labas (pisikal na anyo at bahagi ng
katawan) loob (loob na bahagi ng katawan), lalim(kaluluwa). Tinutugunan ng
tambalang komunikasyon at teknolohiya ang kakailanganin ng labas at loob.
Hindi nito pinauunlad ang kaluluwa na nagpapaigting sa anumang damdamin
na maaaring danasin ng tao.
SA UGNAYAN SA TRABAHO

SA UGNAYAN SA PAMAHALAN

SA UGNAYAN SA KOMUNIDAD
SA UGNAYANG PANG-MEDIA

SA UGNAYANG SA MGA ORGANISASYON AT


KALAKALAN
TALA NG MAAARING AUDIENCE
SA UGANAYAN SA Doctor, dentist, pharmacist, guro, abodago, engineer
TRABAHO at iba pang trabaho

SA UGNAYAN SA
Government officials, political party officials at iba pa
PAMAHALAAN

Opisyak ng mga organisadong pangkomunidad –


SA UGNAYAN SA
club, fraternity, sorority, samahang pangkabataan at
KOMUNIDAD
para sa mga beterano at iba pa

Mga patnugot, manunulat, publisher,


SA UGNAYNG mamamahayag, tagapagsalita at tagapamahala ng
PANG-MEDIA mga produksyong panradyo o panpetebisyon at iba
pa
SA UGNAYAN SA
Tagapamahala, opisyal at nagmamay-ari,
MGA
rmployment ageny, pinuno at miyembro ng mga
ORGANISASYON
union at manggawa at iba pa
AT KOMUNIDAD
TEKSTONG MULTIMODAL

Public Service Announcement


Pakikipag Ugnayan sa
Social Media
Clyde Zedrick Nebria
Network Etiquette/ Internet Etiquette
Sa anumang paraan ng pakikipag-
ugnayan sa iba-ibang network gamit
ang kapangyarihan ng internet, may
tinatawag na netiquette o network
etiquette/ internet etiquette. Ito ay
tumutukoy sa pagpapamalas ng
paggalang sa anumang anyo ng
pakikipag-ugnayan sa internet.

51
Cyberbullying o Cyberharassment
Naging suliranin ang cyberbullying o
cyberharassment dahil sa kalayaan at
madaling accessibility sa teknolohiya.
Inilunsad din ang Cybercrime
Prevention Act of 2012 (Republic Act
10175) at Anti-bullying Act of 2013
(Republic Act 10627) upang magkaroon
ng malinaw na gabay ang sinumang
gagamit ng mga bagong teknolohiya.

52
Before
Think
You
CLick
Ang GMA Network ay nagkaroon ng advocacy na
ipalaganap ang responsableng paggamit ng social
media noong 2011 sa pamamagitan ng Think Before
You Click. Ito ay naglalayong turuan ang mga Pilipino
na pag-isipang mabuti ang anumang kahihinatnat ng
pahayag na ilalathala sa social media.

53
Mga Batayan sa
Pagpapakita ng Netiquette
1 Iwasan ang pag-abuso
sa sarili.
Huwag mag spam, iwasan ang
2 paulit-ulit na pag-post ng
advertisement para sa produkto o
serbisyo.
3 Maglahad ng mensahe ng malinaw
at tiyak
4 Tandaan na ang anumang
inilalahad mo ay pampubliko na
maaaring mabasa ng sinuman.
5 Kailangang pagtuonan ang paksa
ng pag-uusap.
6 Huwag iasa sa ibang tao ang
paghahanap ng anuman.
Huwag ilathala ang mga materyal
7 na may taglay na rehistro ng
copyright.
Copyright- Isa itong karapatan na kinikilala ng batas na nagbibigay ng
kaukulang pagkilala bilang awtor at karapatan sa mga indibidwal na
lumikha ng mga akda o gawa na saklaw ng copyright.
8 Ang anumang site ay pag-aari ng
maraming moderator, ang
pagpapatupad ng mga tuntunin ay
batay sa kanilang magkakasamang
tinig.
PAGSASALITA SA
TELEBISYON PARA
SA ISANG PANAYAM
 Sa mga pagkakataong may dapat na linawing isyu,

ang mga programang pantelebisyon tulad ng talk show,

dokumentaryo o newscast, hinihingi ang mahahalagang

pahayag ng mga eksperto o kahit ng karaniwang Pilipino.


Inilahad ni Nair (2013) ang mga sumusunod na gabay
sa kanyang artikulong The Complete Guide to Being Interviewed
on tv.

1. Ihanda ang mensahe at tiyaking maibabahagi ito.

2. Kailangang igiya rin ng nagsasalita ang mga dapat

pagtuonan ng pag – uusap.

3. Ang mensahe ay gawing payak at tiyak, at alamin ang

pagkakataon na tumigil sa pagsasalita.


4. Isaalang alang ang kahalagahan ng mga sasabihin para sa

marami at hindi lamang nakatuon sa sariling pakinabang.

5. Sabihin ang mga pahayag na maaalala ng marami.

6. Isiping walang tinatawag na “off-the-record”.

7. Huwag mong sabihing wala kang masasabi.

8. Ang mga opinion na pansarili ay sarilinin na lamang lalo na

kung kabahagi ng isang organisasyon.


9. Balansehin ang ekspresyon, kasama rito ang pagpili ng angkop na wika,

pagsasangkap ng damdaming mababakas sa mukha, galaw ng katawan at

angkop na pag – uugnay ng tinig.

10. Magsanay bago dumating sa lunan ng panayam.

11. Kapag nasa loob ng studio, humarap ka sa audience o sa kinakausap.

12. Gumamit ng kasuotang angkop sa iyong kinakatawang trabaho o propesyon.

13. Iwasan, hangga’t maaari ang pagkabahala.

14. Isipin mong napakahalaga ng iyong sasabihin.


PANTULONG SA KAWING

 The 7 Secrets of the Greatest Speakers in History TEDx


Orange Coast ni Richard Greene TEDx Talks at How to
prepare for your speech, rehearse like a world champion ni
Darren Tay.

 2016 World Champion of Public Speaking Darren Tay Wen Jie,


“ Outsmart; Outlast” at 2017 World Champion of Public
Speaking Manoj Vasudevan, “ We Can Fix It” ng Toastmasters
International.

 TED’s Secret to Greatest Public Speaking ng Chris Anderson

TED.

You might also like